Ate Vi, gustong tutukan ang pagbibinata ni Ryan Christian

082715 Vilma Santos Ryan Christian

“NAMI-MISS ko ang showbiz,” deklara ni Governor Vilma Santos nang dalawin siya sa shooting ng pelikula nila ni Angel Locsin sa Star Cinema.

Mas sure  ang pagbabalik showbiz ni Ate Vi kaysa maka-tandem ni DILG Secretary Mar Roxas para sa darating na eleksiyon.

Publicity lang daw ang mga naglalabasan na Mar-Vi at isang malaking tsismis.

Nagpapasalamat siya kung ikinu-consider siya pero hindi  niya ikinu-consider ‘yun. Wala raw sa plano at hindi niya inambisyon. Hindi raw siya  humingi ng sign kung tatakbo siyang Vice President.

Mas gugustuhin daw ni Ate Vi na tumakbo sa kongreso. Lumalaki  na rin daw si  Ryan Christian at mas dapat tutukan ang pagiging teenager nito.

Gusto rin niyang mag-produce ng indie movie na  na malayang magagawa kung anong istorya ang gusto. May naisip na raw siyang kuwento na siya rin ang gaganap.

TALBOG – Roldan Castro