Tuesday , December 16 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Kababaihan bayani para sa pangulo

ISANG mayabong na pook ang Filipinas para sa paglilinang ng mga katangi-tangi at bayaning kababaihan. Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagdiriwang kahapon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Anang Pangulo, mataas ang grado ng Filipinas sa rehiyong Asya-Pasipiko sa isyu ng gender equality. “We are fortunate, as we are grateful, that the Philippines has been a fertile ground …

Read More »

‘Bonnie & Clyde’ ng palasyo padrino ng Mighty Corp?

MALAKAS ang ugong sa Palasyo, dalawang opisyal ng administrasyong Duterte ang umano’y nakuhang padrino ng may-ari ng Mighty Corp., na si Alex Wochungking, kaya ‘daraan sa proseso’ ang kasong economic sabotage na isasampa laban sa kanya. Ang biglang pagbabago ng ihip ng hangin ay bunsod umano sa impluwensiya ng tambalang tinaguriang “Bonnie and Clyde,” na kilalang malapit sa matataas na …

Read More »

Freeze order vs bank account ng drug lord

PINIGIL ng Court of Appeals sa pamamagitan ng pagpapalabas ng freeze order, ang bank accounts at mga real property ng isa sa hinihinalang drug lords ng Central Visayas, na si Franz Sabalones. Sa 17-pahinang kautusan ng Court of Appeals 8th Division, at ipinonente ni Associate Justice Carmelita Salanda-nan Manahan, tatlong bank accounts ni Sabalones ang kasama sa freeze order, partikular …

Read More »

Let’s save Boracay (Paging Madam Gina Lopez)

MULA sa ika-pito noong 2015, naging ika-12 noong 2016, ngayong 2017 ay ika-24 na lang sa 25 top beaches in the world ng 2017 Traveler’s Choice Awards (TripAdvisor) ang ating ipinagmamalaking Boracay sa Aklan. ‘Yan ‘e kahit, halos araw-araw na sandamakmak ang mga lokal at dayuhang turista na naglulunoy sa karagatan ng Boracay. Nagsa-sunbathing, nag-i-stroll, nagso-shoot, gumigimik, nagme-mermaid swimming at …

Read More »

Maraming nabanas kay SPO3 Lascañas

SUPOT na sungaw pa ang mga bombang gusto sanang pasabugin ni SPO3 Arthur Lascañas laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Kaya nga maging si Senador Panfilo Lacson ‘e hindi niya naniwala sa mga sinasabi niya. Aba, maging ‘yung sinasabi niyang Dance Instructor na ipinapatay umano ni dating mayor ng Davao City at ngayon ay Pangulong Digong, buhay na buhay pala! …

Read More »

DDS inamin ni Duterte (Anti-communist vigilante group)

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na totoong may Davao Death Squad (DDS) ngunit naging pamoso ito bilang anti-communist vigilante group noong panahon ng batas militar. Sa panayam ng media kahapon sa Palasyo, sinabi ng Pangulo, inorganisa ang DDS para ipantapat sa Sparrow Unit ng New People’s Army (NPA) na aktibo sa Davao City noong martial law. “You should ask Jun …

Read More »

NFA chief Aquino nasa hot water (Desisyon ng NFAC nilabag)

MALALIM na imbestigasyon ang ginagawa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu nang pagsuwag ni  National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino sa kolektibong desisyon ng Food Security Council, na palawigin ang pag-angkat ng bigas upang matiyak ang seguridad sa pagkain ng bansa. “I said I am digging, digging deep. I’m not studying, I’m investigating. Kaya nga I said, ‘digging …

Read More »

Backchannel talks may basbas ni Digong (Para sa usapang pangkapayapaan)

MALAKI ang tsansa na lumargang muli ang negosasyong pangkapayapaan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), dahil hinihintay na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng backchannel talks sa kilusang komunista. “Well, ano lang, hang on, hang on kasi… do not spoil. We have… well I must admit nasa backchanneling,” anang Pa-ngulo na hanggang tainga ang …

Read More »

‘Kamatayan’ binuhay sa 216 boto sa Kamara

dead prison

PASADO na sa Kamara ang reimposisyon ng death penalty. Nakakuha ng botong 216 ang yes, 54 ang bumot sa no at isa ang nag-abstain. Hanggang sa huli nanindigan si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na hindi siya pabor dahil isa siya sa hindi pumabor na maibalik ang bitay kahit may bantang sisipain siya sa puwesto. Hindi rin pumayag si dating …

Read More »

Hikayat sa kababaihan sa Caloocan: Cervical screening, breast exam samantalahin — Mayor Oca

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

HINIKAYAT ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, na samantalahin ng mga residenteng kababaihan ang libreng health services gaya ng cervical screening at breast examination, isasagawa ng local health department sa buwan na ito. Ayon kay Malapitan, ang naturang serbisyo ay gagawin sa buong buwan ng Marso, bilang selebras-yon sa Buwan ng Kababaihan sa buong mundo, may temang “WE (Women Empowerment) …

Read More »

Mighty Corp. markado kay Digong (Eksperto sa suhulan at economic sabotage)

NAPUNDI si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananabotahe sa ekonomiya ng Mighty Corp., kaya’t iniutos ang pagdakip sa may-ari ng korporasyon, na si Alex Wochung-king lalo na’t markado sa kanya na nagtangkang suhulan siya ng kuwarta noong mayor pa siya ng Davao City. Sa panayam sa Palasyo, sinabi ng Pangulo, inatasan niya ang mga awtoridad na arestohin ang may-ari ng Mighty …

Read More »

Lascañas hinamon maglabas ng ebidensiya (Sa DDS operations)

HINAMON nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senadora Grace Poe si confessed Davao Death Squad (DDS) chief, at dating SPO3 Arturo Lascañas, na magpresinta ng mga ebidensiya at testigong magpapatunay ng kanyang panibagong rebelasyon, makaraan pasinungalingan ang lahat nang nauna niyang mga pahayag. Magugunitang noong 3 Oktubre 2016, unang humarap si Lascañas sa pagdinig ng Senado, ukol sa isyu ng …

Read More »

Laud quarry site ‘di tapunan ng DDS victims

ITINANGGI na noon ni Bienvenido Laud, isang retiradong pulis, na ginawang tapunan o libingan ng sinasabing mga biktima ng Davao Death Squad, ang kanyang quarry site sa Brgy. Ma-a sa Davao City. Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, dating abogado ni Laud. Bagama’t may mga buto aniyang nahukay sa quarry site, hindi napatunayan kung ang mga labi ay …

Read More »

Ecumenical support hiniling sa Oplan Tokhang 2

LAHAT ng sekta ng relihiyon ay hihingian ng suporta ng PNP, sa kanilang ilulunsad na giyera kontra droga, lalo sa Oplan Tokhang Part 2, hindi lang ang simbahang Katolika. Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa, lahat ng sekta ng relihiyon ay kasama rito, at diskarte na ng kanilang mga chief of police, na makipag-usap sa religious …

Read More »

Morente nangako: Ban sa OT ng BI employees tutugunan

  “BE patient, we are doing our best to fulfill your grievances,” pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, kasabay ng inspeksiyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, kahapon. Nangako si Morente, 37 immigration officers (IO), ang ide-deploy sa NAIA, at may 1,000 plantilla positions ang bakante para sa kanila. Gayonman, sinabi ni Morente, ito ay matatagalan dahil hihintayin …

Read More »

22 new pres’l appointees itinalaga

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sandiganbayan Associate Justice Samule Martires bilang bagong associate justice ng Korte Suprema. Papalitan ni Martires si Justice Jose Perez, ang kauna- una-hang homegrown justice ng Supreme Court. Inihayag din kahapon ng Palasyo, ang pangalan ng 21 appointee na itinalaga ni Duterte sa iba’t ibang puwesto sa pamahalaan. Nangunguna sa listahan ang kontrobersiyal na dating …

Read More »

Nat’l broadband plan aprub kay Duterte (Internet hanggang sa liblib na lugar)

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagbuo ng national broadband network, upang magkaroon nang mabilis na internet sa mga liblib na lugar sa bansa. “President Rody Duterte has approved the establishment of a National Government Portal and a National Broadband Plan during the 13th Cabinet Meeting in Malacañang today. After a presentation made by Department of Information and Communications Technology …

Read More »

8 Pinoy nurses pinalaya ng ISIS sa Libya (Matapos magturo ng first aid)

LIGTAS na nakauwi sa bansa ang walong Filipino nurse, makaraan bihagin ng mga teroristang Islamic State (ISIS) sa Libya. Personal silang sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa ng gabi. Ayon sa mga nurse, ginamit din silang tagapagturo ng medical training sa mga ISIS, para magbigay ng first aid sa kanilang mga …

Read More »

Bomba ni Lascañas ‘supot’ (Kredebilidad sumablay)

MISTULANG ‘supot’ na kuwitis ang inaasahang pasabog ni self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman retired SPO3 Arturo Lascañas, nang humarap sa pagdinig ng Senado, nang sumablay ang kanyang mga pahayag sa realidad. Parang pelikula na nag-first and last day showing ang pagharap ni Lascañas nang hindi na nagtakda ng kasunod na Senate Committee on Public Order hearing si Sen. Panfilo …

Read More »

Garapal na raket ng MTPB sa Binondo kaninong bulsa napupunta!? (Motorista mag-ingat!)

KUNG kapal din lang ng mukha ang pag-uusapan, palagay natin ‘e numero uno ang mga nagsasabing miyembro sila ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nakatalaga riyan sa Binondo, Maynila. Dahil alam nilang nagmamadali ang mga motorista na naghahanap ng parking space or parking area sa maliliit na kalsada ng Chinatown, madali silang nabibiktima ng mga kagawad ng MTPB. …

Read More »

Orange road barrier sa Commonwealth at Quezon Ave hindi na Makita sa sobrang dungis

Tinatawagan natin ang pansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)! Paki-check ninyo ang mga orange road barrier na nasa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Quezon Ave. Napakadungis! Ang dumi-dumi! Kaya hindi na nakikita ng mga motorista sa gabi. Hindi na tayo nagtataka kung bakit mara-ming disgrasya ang nangyayari riyan sa Commonwealth at Quezon Avenue. Paging MMDA Chairman Tim Orbos! Para …

Read More »

IACAT region 6 dedma sa illegal Chinese workers sa aklan!? (Attention: SoJ Vitaliano Aguirre)

Bakit tila raw tikom ang bibig ng members ng IACAT diyan sa Region 6 partikular sa probinsiya ng Aklan tungkol sa sandamakmak na illegal Chinese workers ng isang ginagawang dam sa bayan ng Madalag!? Balita natin puro dispalinghado ang papeles ng mga tsekwang nagtatrabaho riyan?! Hindi ba nga at super aktibo ang IACAT diyan lalo na ‘yung isang Fixcal ‘este’ …

Read More »