Monday , October 14 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mga eskuwelahang ‘santo at santa’ pinabubuwisan ni Speaker Alvarez

MARAMI ang sumasang-ayon kay Speaker of the House, Rep. Pantaleon Alvarez na panahon na upang busisiin ang mga eskuwelahan na pinatatakbo ng mga pari at madre.

Bilang unang hakbang, hiniling ni Alvarez kay Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Cesar Dulay, na bigyan sila ng kopya ng income tax returns ng religious institutions sa huling tatlong taon.

Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang kinikita mula sa tuition fees ng mga eskuwelahan ng mga pari at madre ay hindi binubuwisan.

Pero kung mayroon silang mga aktibidad mula sa commercial activities, iyon umano ang binubuwisan.

Sa ilalim ng Article VI, Sec. 28(3) 1987 Constitution isinasaad na, “Charitable institutions, churches and parsonages or convents appurtenant thereto, mosques, non-profit cemeteries, and all lands, buildings, and improvements, actually, directly, and exclusively used for religious, charitable, or educational purposes shall be exempt from taxation.”

Sa ganang atin, napapanahon ang panawagang ito ni Speaker Alvarez.

E alam naman ninyo dito sa Filipinas, ‘yang mga eskuwelahan na pangalan ng mga santo at santa na pinatatakbo ng mga pari at Obispo, ‘yan ang mga eskuwelahang napakamahal ng tuition fee.

Kaya nga pawang mga coño ang nagsisipag-aral sa mga eskuwelahang ‘yan.

Tapos, wala palang buwis ‘yan?!

Wattafak!

Ang laki ng ganansiya ng mga ‘yan. Kung magkaroon man sila ng scholarship, tiyak na susuot sa butas ng karayom ‘yung estudyanteng aplikante.

Panahon na para ipatupad ang tamang pagbubuwis sa mga religious institutions!

MARAMING NABANAS
KAY SPO3 LASCAÑAS

022417 Lascañas

SUPOT na sungaw pa ang mga bombang gusto sanang pasabugin ni SPO3 Arthur Lascañas laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Kaya nga maging si Senador Panfilo Lacson ‘e hindi niya naniwala sa mga sinasabi niya.

Aba, maging ‘yung sinasabi niyang Dance Instructor na ipinapatay umano ni dating mayor ng Davao City at ngayon ay Pangulong Digong, buhay na buhay pala!

Mukhang, kamote ang gumawa ng script ni Lascañas kaya marami ang nabanas.

Nakaaawa naman itong mga abogado ng Free Legal Assistance Group (FLAG)…

Dahil sa ginawa nila, malamang matulad sila EDSA 1 People Power na natural death ang inabot.

Tsk tsk tsk…

‘Yung bomba naging kuwitis na lang, supot pa!

Asus!

BAGMAN BOY WONG
AT TATA PAKNOY
RETIRADO BA O AWOL!?

SIR Jerry, nais ko lang ipaalam sa inyo noong nakaraan taon pa pinaputok ni 1602 bagman cop Tata Paknoy na retirado na siya sa pagiging pulis. Kahit noon pa man ay hindi naman siya naging aktibo sa pagdu-duty dahil bossing siya sa pagiging protektor ng mga ilegalista. Si sarhentong Boy Wong naman ay pinagre-report sa Basilan ngunit hindi sumunod sa utos ni C/PNP BATO at mas piniling mag-AWOL dahil marami na silang salapi at magpaparami pa dahil sa mga kolektong sir. Makababalik naman raw sila sa serbisyo pagkatapos ng termino nina PDigong at tsip Bato!

+639154722 – – – –

OVERCHARGING
TAXI SA NAIA

GOOD pm Sir Jerry, panawagan lang po sa LTO at LTFRB, sana po matingnan naman nla un metro ng mga AIRPORT TAXI (YELLOW CAB) jan sa NAIA magmula sa terminal 1 hanggang sa terminal 4. Ang bibilis ng mga metro nila lalo n na un mga taxi ng Villamor transport jan sa terminal 1. Salamat po.

+63939384 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *