Monday , December 15 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

“Idiot” si Leni sabi ni UN Rep. Teddy Locsin

Tahasang tinawag na “idiot” ni Philippine representative to United Nations Teddy Locsin si Vice President Leni  Robredo. ‘Yan ay matapos sabihin ni VP Robredo sa isang forum sa University of the Philippines (UP) na dapat daw tularan ang Portugal sa decriminalization ng illegal drugs gaya ng shabu o methamphetamine hydrochloride. Pinagdiinan umano ni VP Leni na ang Portugal ay isang …

Read More »

Hinamak lahat dahil sa pag-ibig?!

“SHE is sleeping with the enemy.” Sabi ‘yan ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, sa lady police official mula sa Davao region, na naaresto sa tangkang pagsagip sa mga teroristang Abu Sayyaf sa Clarin, Bohol. Ibang klase raw talaga si Supt. Maria Christina Nobleza, deputy regional chief ng Davao Crime Laboratory. Naaresto si Kernel Nobleza nitong Sabado …

Read More »

Sec. Bello, magbitiw ka na!

SA Mayo 1, Araw ng Paggawa, hihilingin ng libo-libong manggagawa kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni Labor Secretary Silvestre Bello III.  Sa halos isang taong panunungkulan ni Bello sa Department of Labor (DOLE), bigo siyang maipakita ang kanyang pagkalinga sa mga manggagawa. Hindi nagawang buwagin ni Bello ang contractualization, at sa halip pinalakas at pinalawig pa …

Read More »

10 OFW pinauwi na; 38 stranded pa rin sa Riyadh, Saudi

MULING lumiham sa inyong lingkod si G. MICHAEL DAVID, isa sa 48 OFWs na sampung buwan nang stranded sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia. Ayon kay G. David, sampu sa kasamahan nilang stranded doon ang napauwi na ng recruitment agency dito noong nakaraang linggo. Nakasaad naman talaga sa standard contract ng mga OFW na kapwa pinapanagot ang mga tanggapan ng …

Read More »

Palihim na naghahanda sa future?

MADALAS raw na makita sa isang private resort sa Nasugbu, Batangas ang estranged lovers (?) na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz. Nagsu-swimming daw sila roon at walang ibang kasama kaya very intimate talagang maituturing ang kanilang samahan. Last April 17 ay nakita sila roon na very chummy sa isa’t isa. Kadalasan daw dumarating doon ang dalawa sakay ng …

Read More »

Echo at Kim, mahal ang trabaho kaya ‘di pa nag-aanak

jericho rosales kim jones 2

MAHIGIT tatlong taon nang kasal sina Jericho Rosales at Kim Jones pero mukhang wala pa sa plano nila ang pagkakaroon ng anak. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin silang baby. “Palagi na akong natatanong niyan. There’s nothing wrong with us, there’s nothing wrong with our relationship, physical or anything like that. It’s just that mahal namin ang trabaho namin, …

Read More »

Jairus, excited at kabado nang mag-18

EIGHTEEN na si Jairus Aquino noong April 1. Mixed emotions ang naramdaman niya ngayong pumasok na siya sa adulthood. “I’m excited na hindi. Excited ako mag-18 pero kinakabahan din kasi dagdag responsibilities. Noong una parang feeling ko hindi ako ready pero after my birthday siguro parang dala rin ng kaba. Okay naman parang wala rin namang nagbago eh. I know …

Read More »

Ex ni Bela, nagmukhang hunk nang matsismis kay Angel

MEDYO nagmukhang hunk ang ex ni Bela Padilla na si Neil Arce dahil nagka-muscle ito mula nang na-link kay Angel Locsin. May nagsabing, angwo-work-out na ito dahil ayaw masabing mataba lalo na kapag katabi si Angel. Maganda naman ang resulta dahil hunk-looking na si Neil at puwede nang itabi sa mga sexy girl . Hanggang ngayon ay hindi pa rin …

Read More »

Iñigo, gustong maging inspirasyon sa mga kabataan

INAMIN ni Iñigo Pascual na mula nang nai-post ang kontrobersiyal na ‘smuck’ kiss video nila ng kanyang amang si Piolo Pascual sa social media ay hindi na siya tinantanan ng mga basher na nagsasabing mahalay ang ginawa nilang mag-ama. Pinaratangan din siyang ginamit iyon para pag-usapan kasabay ng promo ng pelikula ni Piolo, ang Northern Star na balitang hindi masyadong …

Read More »

Aquino inabsuwelto ng Ombudsman sa DAP case

HINDI babaliktarin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang posisyon niyang ibasura ang corruption cases na kinakaharap ni da-ting Pangulong Benigno Aquino III. Iginiit ni Morales, wala siyang nakikitang probable cause para sampahan ng kaso si Aquino kaugnay ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Aniya, wala siyang magagawa sakaling walang makitang ebidensiya laban sa dating Pangulo kaugnay ng DAP. Binigyan-diin ni Morales, …

Read More »

‘Di nag-remit ng SSS contributions, 2 employer arestado

INARESTO ang dalawang employer makaraan bigong mai-remit ang contributions ng kanilang mga empleyado para sa Social Security System (SSS). Dinakip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), katuwang ang ilang opisyal ng SSS, si Dr. Rhea Liza Henzon, sa Capitol Medical Center sa Quezon City. Ayon kay SSS Vice President for Legal Enforcement Group Renato Cuisia, kanilang inaresto si Liza …

Read More »

PNA gagawing high-tech propaganda arm ng gov’t

MAKIKIPAGSABAYAN na sa mga makabagong state-run news agency ng mga karatig bansa ang Philippine News Agency (PNA). Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, bahagi na lang ng kasaysayan ang pagpapabaya ng gobyerno sa PNA dahil bubuhusan ng administrasyon ng makabagong kagamitan at teknolohiya ang pangunahing propagandista ng pamahalaan. “The neglect of the PNA is a thing of the past. Now, …

Read More »

Ex-PBA star timbog sa umbag sa live-in partner (Habang nakabakasyon sa Baguio)

BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, ang isang retiradong PBA (Philippine Basketball Association) player makaraan bugbugin ang kanyang kinakasama sa Purok Cudirao, Loakan Proper, Baguio City, kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Paul “Bong” Beleno Alvarez, 48, residente sa Valenzuela City, at kasalukuyang nagbabakasyon sa lungsod. Batay sa inisyal …

Read More »

Piñol nag-sorry kay Andanar (Sa pintas sa Palace Comgroup)

NAG-SORRY si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol kay Communications Secretary Martin Andanar dahil sa pagtawag niyang mabagal ang media operations sa Palasyo. Sa panayam kay Andanar kahapon, isiniwalat niya na tinawagan siya sa telepono ni Piñol makaraan pintasan ang trabaho ng Communications group ng Malacañang. ”I spoke with him on the phone. Actually, he called me up, after that remark that …

Read More »

Honeylet official hostess ng ASEAN leaders’ spouses

HINIRANG ng Palasyo si Honeylet Avanceña bilang “official hostess” ng ASEAN leaders’ spouses. Sa panayam kay ASEAN 2017 Director-General for Operations Ambassador Marciano Paynor, Jr., kahapon, sinabi niya na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumili sa magiging papel ni Honeylet, kanyang common-law wife, sa ASEAN. Aniya, magiging abala si Honeylet sa mga nakalinyang spouses’ program gaya nang pagpunta sa Metropolitan …

Read More »

ICC ginagamit sa black prop vs Duterte

GINAGAMIT ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) bilang lunsaran ng black propaganda at para ipinta siya bilang mamamatay tao sa mata ng buong mundo dahil sa drug war ng kanyang administrasyon. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang kasong “crime against humanity” na inihain sa ICC laban kay Pangulong Duterte ni Atty. …

Read More »

Vice Ganda at Coco Martin, big winners sa Guillermo

vice ganda coco martin

BIG winners sina Vice Ganda at Coco Martin sa gaganaping awards night ng 48th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa Henry Lee Irwin Theater, sa Ateneo de Manila University, sa May 14. Itoý dahil sa phenomenal success ng pelikula nilang The Super Parental Guardians ng Star Cinema na ipinalabas noong 2016. Ang KathNiel na sina …

Read More »

Mother Lily, saludo kay Ai Ai

HINDI ikinaila ni Mother Lily Monteverde na malaki ang paghanga niya sa Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas. Ani Mother sa pagsisimula ng presscon ng pinakabagong handog niya mula sa kanyang Regal Entertainment, ang Our Mighty Yaya, na hinangaan niya ang pagkakaroon ng courage ni Ai Ai bilang isang single working mom. “She has raised beautiful kids singlehandedly …

Read More »

1st Sem ni Lotlot, sinuportahan ng mga kapatid

lotlot de leon

KAHAPON, lumipad na patungong Houston, Texas si Lotlot dahil kasali ang pelikula niyang 1st Sem sa 50th WorldFest Houston International Film Festival. Pero bago ito, nagkaroon muna ng celebrity screening ang 1st Sem noong Sabado na dinaluhan ng mga bida nitong sina Darwin Yu, Miguel Bagtas, Sebastian Vargas, Marc Paloma, at Sachie Yu. Ayon kay Rommel Gonzales, kaibigan ni Lotlot …

Read More »

Parañaque nakalikom nang mahigit P6-Bilyong buwis mula sa mamamayan

KITANG-KITA ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaang lokal ng Parañaque City na pinamumunuan ni Mayor Edwin Olivarez. Malinaw na ebidensiya niyan ang P6 bilyong nalikom ng lokal na pamahalaan mula sa buwis ng mamamayan. Hindi lang ang mga mamamayan, maging ang mga investor, lokal at dayuhan, ay nagpapakita ng malaking kompiyansa sa pamahalaan ng Parañaque sa pamamagitan ng paglalagak …

Read More »