Tama ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na pauwiin ang overseas Filipino workers (OFWs) kasabay ng pagdedeklara ng total deployment ban sa mga Pinoy na manggagawa sa Kuwait. Ang ganitong posisyon ni Digong ay pagpapakita na hindi na dapat maulit ang patuloy na pang-aabuso at pagmamalabis na ginagawa ng mga employer sa Kuwait sa ating OFWs. Kung tutuusin, …
Read More »POC elections tuloy na sa 23 Pebrero
HUWAW! Sa wakas dininig na rin ng korte ang hiling ng marami na magkaroon na ng eleksiyon sa Philippine Olympic Committee (POC) para sa mga posisyong presidente at chairman at gaganapin ‘yan sa 23 Pebrero 2018. Ito ay matapos makatanggap ng sulat ang POC mula sa International Olympic Committee (IOC) bilang tugon sa matagal nang hinaing ng mga manlalarong Filipino. …
Read More »NBI kakastigohin ng hukom sa VIP treatment kay Taguba
KINASTIGO ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang hindi pagtalima ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ‘commitment order’ ng isa sa mga principal accused sa pagpuslit ng mahigit sa P6.4 bilyong halaga ng shabu sa Bureau of Customs (BOC) na nasabat sa Valenzuela City noong Mayo. Nagpalabas ng “show cause order” noong Biyernes (Feb. 9) si RTC Branch 46 Judge Reinelda Estacio-Montesa para pagpaliwanagin ang …
Read More »Hindi pagkain ng tao ang NFA rice
KUNG tutuusin, halos wala naman talagang NFA rice na makikita sa mga pamilihan o sa mga palengke. Walang katotohanan ang mga pahayag ni Jaime Magbanua, presidente ng Grains Retailers’ Confederation of the Philippines na kung tuluyang mawawalan ng suplay ng NFA rice ay tataas na naman ang presyo ng mga commercial rice. Walang lohika ang pahayag nitong si Magbanua dahil matagal …
Read More »No sa Federalismo (Huling Bahagi)
UNA sa lahat, hayaan ninyong ibahagi ng Usaping Bayan ang isa sa mga unang sulatin ng inyong lingkod kaugnay sa panukalang pagkakaroon ng isang pederal na porma ng pamahalaan. Gayonman ay pagpaumanhinan ninyo na ito ay nakasulat sa wikang Ingles. Not a simple matter Another thing to consider is that changing the system will mess up everything and could …
Read More »FDA REU nawa’y maging seryoso sa kampanya vs mga pampabyuting ‘di rehistrado
NATUWA tayo sa ginawa ng Food and Drug Administration – Regulations Enforcement Unit (FDA-REU) na pagsudsod sa mga hindi rehistradong beauty products na ginagamit ng mga kilala at sikat na beauty clinics gaya nga ng Belo (BMG). Pero ngayong sinimulan na ‘yan ni FDA-REU chief, ret. General Allen Bantolo, na-realize din natin na marami pa rin silang dapat sudsurin. Hindi …
Read More »‘Wag sanang paasa ang DOTr
DARATING na raw ang mga piyesa na kakailanganin para maayos ang mga tren ng MRT 3 na naging pasanin ng bawat pasahero nito sa mga nakalipas na taon. Ang mga piyesa ay ay manggagaling daw sa Germany, China at ilan pang bansa mula sa Europa. Dahil dito, unti-unting nagkakaroon ng pag-asa hindi lamang ang mga pasahero ng MRT kundi ang …
Read More »Burarang resorts sa Boracay protektado ba ng DENR Aklan?
PUWEDE naman pala kung gugustuhin ng Department of Environment and resources (DENR). Ang alin? Ang ipasara ang mga delingkuwenteng establisiyementong hotels and resorts na patuloy sa paglabag sa batas kaugnay sa paninira sa kalikasan. Ano man oras ay puwedeng ipasara ng DENR ang mga hotel and resort sa bumababoy sa Boracay na matatagpuan sa Malay, lalawigan ng Aklan. Lamang, nagbubulagbulagan …
Read More »Comm. Lapeña, you’re the best!
CONGRATULATIONS sa Buong Bureau of Customs sa naganap na 116th BOC Founding Anniversary. Napabilib ni Comm. Lapeña at ng buong bureau si Pangulong Rody Duterte at successful ang ginawang pagwasak sa mga sasakyan ng smuggled at sa mga opisyal na nabigyan ng parangal dahil sa pagkakaabot ng kanilang mga target na koleksiyon. Mataas ang koleksiyon ng bureau dahil sa magandang pamumuno …
Read More »NCRPO chief Oscar Albayalde hataw pa more
SALUDO ang BBB mga ‘igan sa ginagawang pag-arangkada nitong si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa pulisya ng bansa! Aba’y…hataw dito hataw doon si Direk! Kaya naman, hayun…timbog si pulis-astig! He he he… maaga tuloy magpepenetensiya ang mga tarantadong pulis! Biruin n’yo nga naman mga ‘igan, sa paghataw ni P/Dir. Albayalde, nabulabog ang mga parak sa …
Read More »Pampa-beauty ni Belo hindi aprobado sa FDA?
NAKAGUGULAT ang lakas ng loob ng mga tao ni Dra. Belo sa isa sa kanyang klinika. Hindi sila pumayag na mainspeksiyon ng mga operatiba ng Food and Drug Administration (FDA) kahit may reklamo na nagbebenta sila ng mga hindi rehistradong gamot. Nauna na palang iniutos ng FDA sa Belo Medical Group (BMG) na itigil ang pagbebenta ng 11 klase ng …
Read More »Immigration dapat magbantay
Ngayon na nilagdaan na ang kautusan na total ban sa deployment ng mga OFWs sa Kuwait, asahan na marami pa rin magtatangka na lumabas patungo sa nasabing bansa para makapaghanapbuhay. Marami pa rin susugal na mga kababayan natin, lalo na’t desperadong magkaroon ng pagkaka-kitaan para suportahan ang pamilya. ‘Ika nga, kakapit sa patalim para sa pamilya. Dito natin masusukat kung …
Read More »Mga mambabatas na suwail sa batas
PUMAGPAG na naman ang dila ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipinagmalaking hindi ipatupad ang dismissal order laban kay Deputy Speaker Gwendolyn Garcia, third district representative ng Cebu. Ang pagsibak kay Garcia ay kaugnay ng pagpasok sa P24.47-M kontrata sa ABP Construction in April 2012 pero walang awtorisasyon ng Sangguniang Panlalawigan. Ginamit umano ang pondo para sa panambak sa underwater Balili property sa Barangay Tinaan, …
Read More »Pagsisikap ng PRRC, “good news” sa Malakanyang
Laking pasasalamat ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na inilarawan na “magandang balita” kamakailan ang pagsisikap ng PRRC katuwang ang Intramuros Administration (IA) at ang munisipalidad ng Noveleta, Cavite para mapabilis ang biyahe mula sa nasabing bayan hanggang sa lungsod ng Maynila. Sa talumpati kaugnay sa …
Read More »Rep. Gwen Garcia sibak sa P100-M Balili property
HINDI pa nga mapanindigan ang basehan sa pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, heto ipinasibak na ni Ombudsman chief Conchita Carpio Morales si Rep. Gwen Garcia ng Cebu dahil sa kuwestiyonableng pagbili ng P100-milyong Balili Property sa Tinaan, Naga, Cebu. Klaro umano sa dismissal order ang parusang habambuhay na diskuwalipikasyon sa public office, kanselasyon ng eligibility, at …
Read More »Smuggled luxury vehicles na pinasagasaan sa pison por kilo ibebenta ng BOC
NAKAPANGHIHINAYANG ang mahigit P61 milyong halaga ng smuggled secondhand luxury vehicles na winasak ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang linggo. Sa utos ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte, pinasagasaan sa pison ang mga nasabat na sasakyan, ilan diyano ang mamahaling Lexus ES300, BMW Alpina, BMW Z4 at Audi A6 Quattro. Mas minabuti pa ni Pang. Digong na ipabuldoser ang mga …
Read More »Hindi privatization ang solusyon sa mga problema ng bansa
Privatization is a bitter pill but it is a pill that will cure. — Frederick Chiluba PASAKALYE: Ipinag-utos ni Pangulong RODRIGO DUTERTE ang pagpapatigil ng pagpasok at pagtatag ng mga bagong casino para maiwasan ang oversupply dito sa ating bansa, na itinuturing na fastest-growing gambling market sa Asya. Nagpa-utos ang dating alkalde ng Davao City para sa isang moratorium …
Read More »Ultimatum ni Digong: Boracay ipasasara kapag hindi nilinis
HAYAN na! Napikon na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa dumi ng Boracay kaya nagbantang kung hindi aayusin ang sewerage system sa isla ay kanya itong ipasasara. Galit na sinabi ni Digong na kapag lumusong sa dagat ng Boracay ay mabaho ito. Amoy-ebak dahil lahat ng dumi ay patungo sa dagat. Lahat ng uri ng polusyon ay matatagpuan na sa …
Read More »Taguba, humihirit ng VIP treatment
HUMIHIRIT ng VIP treatment sa detention cell ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bigtime “fixer” cum “broker sa smuggling ng P6.4-B shabu shipment na ang paglipat ng selda sa Manila City Jail (MCJ) ay una nang ipinag-utos ng hukuman. Kamakalawa ay naghain daw ng panibagong “urgent motion” sa sala ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 Presiding Judge Rainelda …
Read More »Sulsol ng dilawan sa EDSA 1 celebration
MULING tatangkain ng mga dilawang politiko at makakaliwang grupo na magsagawa ng isang malaking kilos-protesta sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power 1 sa darating na 22-25 Pebrero. Ipakikita ng nasabing mga grupo na mayroon pa silang kakayahang magsagawa ng malalaking rally at demonstrasyon para ipa-mukha sa kasalukuyang pamahalan ang kanilang kakayahan para banggain ang administrasyon ni Digong. Pipilitin ng …
Read More »No sa Federalismo (Ika-apat na Bahagi)
UNA sa lahat ay hayaan ninyong ibahagi ng Usa-ping Bayan ang isa sa mga unang sulatin ng inyong lingkod kaugnay sa panukalang pagkakaroon ng isang pederal na porma ng pamahalaan. Gayonman ay pagpaumanhinan ninyo na ito ay nakasulat sa wikang Ingles. (Karugtong) BEWARE Based on the foregoing, it is evident that the local government units have all the means …
Read More »ICC hindi na dapat harapin ni Digong
KOMPIYANSA ang Palasyo na hindi magtatagumpay ang akusasyong crime against humanity laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kaugnay ng drug war. At dahil sa kompiyansang iyon, matapang na haharapin ng Pangulo ang International Criminal Court (ICC). At ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque tiwala siyang maibabasura ang nasabing usapin sa ICC kaya hindi pa dapat magdiwang ang mga kalaban ng …
Read More »Asuntong Libel harassment sa tatlong beteranong mamamahayag sa Quezon
KAPAG hindi kayang patahimikin, asuntong Libel ang itatapat para makatikim ng hoyo. Nagiging talamak na ang ganitong kalakaran. Kapag hindi kayang patahimikin ang mga mamamahayag sa pagtuligsa sa katiwalian, Libel is the game. Ang pinakahuling nakaranas nito ay tatlong beteranong mamamahayag na nakabase sa Quezon na sina Guillermo ‘Gemi’ Formaran ng Journal Group; Juanito ‘Johnny’ Glorioso ng dzMM, at Rico …
Read More »Kawalan ng NFA rice sinasamantala ng private traders
MALAKING isyu ngayon ang kawalan ng sapat na stock na bigas ng National Food Authority (NFA). Una kasing tinatamaan nito ang maliliit nating mga kababayan na bumibili ng tinging bigas o ‘yung isa o dalawang kilo isang araw. Dahil hindi nila kayang bumili ng bigas para sa buong isang linggong konsumo, napipilitan silang bumili sa mga komersiyalisadong bigas gaya ng …
Read More »Sa Ombudsman dalhin ang kaso
ISANG resolusyon ang inihain sa Senado na humihiling sa dalawang komite na imbestigahan ang sinasabing P100 milyong umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at kanyang anak na babae na si Davao City Mayor Sara Duterte sa Bank of the Philippine Islands. Inihain ang resolusyon ni Senador Antonio Trillanes IV, kilalang pangunahing kritiko at kalaban ng pangulo at ng …
Read More »