Wednesday , October 5 2022

Kailan tama ang halik?

MARAMI ang kumo­kondena sa pakikipag-lips-to-lips ni Pang. Rodrigo “Digong” Duter­te sa may-asawang OFW sa harap ng Filipi­no community sa Seoul Hilton hotel, South Ko­rea.

Kahit sa mga paha­yagan, radyo at tele­bisyon sa iba’t ibang ban­sa ay negatibo ang reaksiyon laban sa ating pangulo.

Hindi na nakapag­tataka kung ituring ng iba na walang masama sa inasal ng pangulo, lalo dito sa atin na unti-unting nauubos ang may pagpapahalaga sa “propriety” o kawastohan bunsod na rin ng lumalalang pag­bagsak ng moralidad sa hanay ng mamama­yan.

Alam natin na walang malisya ang ginawa ng pangulo na ang pakay lamang ay pakiligin at pasayahin ang kanyang mga kaharap.

Pero ang problema, hindi malisya ang isyu kung ‘di ang inasal ng ipinagmamalaki pa man din nating lider sa harap ng publiko.

Hindi pa naman huli para humingi ng paumanhin ang pangulo sa kanyang inasal, gaya sa paghingi ng dispensa sa magagaspang na pananalitang pinakawalan niya laban sa gobyerno ng Ku­wait.

Pumayag man o hindi ang babae na makipag-lips-to-lips ay hindi pa rin mababago ang katotohanan na malaswa ang kanyang inasal.

Excuse me po, pero sablay ka riyan, Mr. President!

DOWNGRADING
NG CORRUPTION CRIME
SA EXCESSIVE TRAVEL

DAHIL nga walang malisya, malamang na sinadya ng pangulo ang eksena ng pakikipag-lips-to-lips sa OFW kahit alam niyang uulanin na naman siya ng batikos.

Alam naman niya na ang bawa’t pagkakamali niya ang binabantayan ng kanyang mga kalaban para may magamit na isyu laban sa kanya.

Suspetsa natin ay sadyang ginamit ni Digong ang pagkakataon para matabunan ang mas importanteng isyu at makalimutan ang tungkol sa naglalabasang isyu ng katiwalian sa iba’t ibang ahensiya at tanggapan ng pamahalaan.

Ultimo ang pagkasibak niya kay PhilHealth interim president Celestina dela Serna ay ‘di gaanong pinansin ng publiko at nakababad sa isyu ng lips-to-lips nila ng hindi naman kagan­dahang ginang na OFW.

Tulad sa iba na naunang sinibak, pagwawal­das sa magastos na pagbiyahe rin ang umano’y dahilan kaya sinipa si Dela Serna sa puwesto.

Pero P9-B ang sinasabing lugi ng PhilHealth na natuklasan ng Commission on Audit (COA), kompara sa P627,000 travel expenses ni Dela Serna.

Ang hindi natin alam ay kung kasama ang pondong ipinambayad sa mahigit isang taon na pagtira ni Dela Serna sa hotel, kasama ang lalaki na walang buhok.

Aba’y, magkano kaya inabot ang bill ni Dela Serna sa isang taon na paninirahan sa hotel?

May mga kuhang larawan na laging kasama ni Dela Serna ang lalaking kalbo maging sa official functions at meetings ng PhilHealth.

Hindi ba immorality ‘yan, Madam Dela Serna?

Nakikipagpaligsahan yata si Dela Serna kay Sec. Martin Andanar at mga garapata niya sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ginawang bahay sa mahabang panahon ang isang 6-star hotel.

Tulad ni Dela Serna, hinahanap din ng COA ang mahigit P647-M pondo ng PCOO na umano’y ginamit sa info caravan pero walang maipakitang kaukulang mga resibo at dokumento.

Natabunan din ang conflict of interest ni Solicitor General Jose Calida sa daan-daang milyones na kontrata ng kanyang imbudo security agency sa mga ahensiya at tanggapan ng gobyerno.

Kung dati ay binabanatan ni dating Solicitor General Florin Hilbay si Calida, laking gulat natin at bigla siyang idinepensa nito sa sobra-sobrang pagsandok ng allowances na nabulgar sa COA report.

Kasi pala, ang ginawa noon ni Hilbay ay ipinagpatuloy naman ngayon ni Calida.

Basta sa kuwarta, magkakampi!

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Mga tatay na walang sustento sa inabandonang anak, mananagot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata LAGOT ang mga ama ng sanggol na isinilang ng …

Sipat Mat Vicencio

Sobrang yabang ni Senator Tol

SIPATni Mat Vicencio KUNG TUTUUSIN, halos dalawa at kalahating taon pa bago ang nakatakdang midterm …

ULINIG ni Randy V. Datu

Kabayaran ng katigasan ng ulo sa panahon ng kalamidad

ULINIGni Randy V. Datu MAPAGPALANG ARAW sa ating lahat. Ating naulinigan na maaliwalas na ang …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sino’ng nakikinig kay Bongbong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MALIWANAG na ang pinakamahalagang natamo sa biyahe kamakailan ni …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC Jail PDLs, nabigyan ng pag-asang makapagtapos sa K12

AKSYON AGADni Almar Danguilan ANAK mo ba’y nakakulong ngayon sa Quezon City Jail Male Dormitory …

Leave a Reply