Thursday , October 6 2022
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nagbibigay ba kaya walang huli?

SUPORTADO nga ba ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) ang kampanya ng gobyerno, LTFRB at MMDA laban sa mga kolo­rum?

Siyempre ang kasagutan ng pamu­nuan ng QCDTEU ay… naturalmente! Of course naman. Lamang, ba’t nagkalat pa rin ang kolorum sa Kyusi. May “terminal” pa sila.

Kung terminal, aba’y napakadali lang pala paghuhulihin itong mga kolorum. Excatly! Pero, ba’t tila untouchable ang grupo? Magkano este, ano ang meron para maging untouchable? Ano nga ba?

Sa info na nakuha natin, pagkaupo ni QCDTEU Supt. Delos Santos, kabilang sa direktiba niya ang giyera sa mga kolorum at paglilinis din sa hanay ng TEU o “internal cleasing.”

Ngunit, sinusunod ba ng pamunuan ng TEU Sector 3 ang direktiba? Oo naman siguro.

Kung gayon, paano nakalusot ang isang grupo ng kolorum na van sa AOR ng sector 3? Nagte-terminal sa kanto ng Mapagmahal at Matipuno streets; at sa kanto ng Mapagmahal at Malakas streets, Brgy. Piñahan, Quezon City.

Ang biyahe ng grupo ay Tuguegarao. Inuulit natin kolorum ang mga van dahil bukod sa wala naman van na biyaheng QC-TUGUEGARAO ay wala rin silang hawak na ano mang prangkisa. Pawang private vehicles/van ang makikitang nakaparada.

E ba’t malalakas ang loob ng grupo? Paano kasi ang mga van ay pagmamay-ari ng mga pulis, kawani ng LTO, at LTFRB. Ilan ngang pulis na may van dito at nakatalaga sa QC TEU.

Kaya naman pala e. Ang tanong, hindi kaya nakikinabang ang TEU Sector 3 sa mga kolorum? Kung ang sagot ng sector 3 ay hindi, bakit nakalulusot? Ano ang meron?

Anyway, kaya napili ng grupo ang lugar dahil may dalawang higanteng terminal ng bus malapit sa lugar na may biyaheng Tuguegarao.

Legal ang operasyon ng dalawang higanteng terminal na kapwa matatagpuan sa EDSA near corner Mapagmahal St.

So, alam n’yo na kung bakit may kolorum sa lugar? Hindi lang ngayon o bago ang gru­po. kung hindi matagtagal na ang kanilang opera­s-yon.

Sakit nga sa ulo (kolorum) ng pamunuan ng dalawang higanteng terminal.

Ang operasyon ng kolorum ay tuwing gabi lamang. Kanilang tinatarget na mga pasahero ay iyong mga walang reservation pauwing Tugue­g-arao at mga lalawigan o bayan na madadaanan gaya ng Nueva Vizcaya, at Isabela.

Para makakuha ng pasahero, may barker o tauhan silang umiikot sa terminal at nagtatawag/nakikipag-usap sa mga pasahero – kinakausap ang mga chance passenger na may van sa labas na biyaheng Tuguegarao.

Ang masaklap, kolorum na nga sila mas mahal pa ang kanilang sinisingil na pasahe.

Pero ano pa man, mahal o mababa ang singil nila, kolorum pa rin sila. Sa madaling salita, bawal kayo, at ilegal kayo!

Kaya, kung hindi kayang buwagin o paghuhulihin ng QCDTEU ang mga kolorum, tayo ay nananawagan sa MMDA na huwag lang sa araw magsagawa ng operaayon kung hindi maging sa gabi.

Uli, ba’t kaya hindi kayang banggain ng QCTEU ang sindikato ng kolorum na ito? Nagbibigay ba? Nagtatanong lang po tayo.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga kakaibang pangyayari sa PCSO at BIR

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG statistical probability na matsambahan ang kombinasyon ng mga …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

5-minuto responde, posible ba?

AKSYON AGADni Almar Danguilan LIMANG MINUTO, oo kinakailangan sa loob ng limang minuto ay nakapagresponde …

Dragon Lady Amor Virata

Mga tatay na walang sustento sa inabandonang anak, mananagot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata LAGOT ang mga ama ng sanggol na isinilang ng …

Sipat Mat Vicencio

Sobrang yabang ni Senator Tol

SIPATni Mat Vicencio KUNG TUTUUSIN, halos dalawa at kalahating taon pa bago ang nakatakdang midterm …

ULINIG ni Randy V. Datu

Kabayaran ng katigasan ng ulo sa panahon ng kalamidad

ULINIGni Randy V. Datu MAPAGPALANG ARAW sa ating lahat. Ating naulinigan na maaliwalas na ang …

Leave a Reply