Thursday , December 26 2024

Opinion

E bakit nga ba nag-resign si PCOO ex-Usec Noel Puyat?

Bulabugin ni Jerry Yap

MEDYO nagulat tayo nitong nakaraang weekend nang may magpadala ng mensahe sa private messenger ng inyong lingkod kaugnay ng news article na inilabas ng Philippine News Agency sa kanilang online edition na may ganitong titulo: Hataw ‘P647.1-M’ report malicious, fake (May 11, 2018, 6:14 pm).      “Malisyoso na peke pa!?”  Wattafak!  Mukhang kami ang dapat na magsalita niyan, hindi kayo, resigned …

Read More »

Patok sina Imee, Pia, at Cynthia

Sipat Mat Vicencio

TIYAK na sigurado ang panalo ng tatlong Nacionalista Party (NP) senatorial candidates na sina Sen. Cynthia Villar, dating Senador Pia Cayetano at Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa darating na 2019 midterm elections. Kung tutuusin, kahit na hindi na pumaloob ang tatlong babaeng kandidato ng NP sa ruling political party na PDP-Laban, tiyak na makalulusot at mapabibilang sila sa Magic …

Read More »

Dagdag budget solusyon ni Bato sa maayos na Bilibid

Bulabugin ni Jerry Yap

MALAKAS ang loob na sinabi ni newly appointed Bureau of Corrections (BuCor) chief Ronald “Bato” dela Rosa na dagdag budget ang kailangan para maisaayos ang New Bilibid Prison (NBP). Dalawang araw pa lang daw siya sa Bilibid at wala pa siyang nakikitang solusyon kundi pawang problema. “In my two days na stay sa BuCor, wala pa akong nakikitang solusyon, ang …

Read More »

Wanda out Berna in sa Tourism

Bulabugin ni Jerry Yap

SALUDO tayo sa ginawa ni Madam Wanda Teo, kusa na siyang nag-resign at hindi na siya nakipaggitgitan pa kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Sabi nga kapag may nagsarang pinto, mayroong magbubukas na bintana. Baka ‘yun na ang mas malaking suwerte kay Madam Wanda. Ipinauubaya na rin ni Madam Wanda ang lahat sa isasagawang im­bestigasyon ng Ombudsman nang sa gayon nga …

Read More »

Lifestyle check sa ‘barangay bigtime milyonaryo’ (Aprobado Usec Martin Diño)

Bulabugin ni Jerry Yap

JOBLESS pero bigtime. Walang negosyo pero milyonaryo. Ganyan ang reputasyon ng marami-raming barangay officials sa Metro Manila at sa kalapit na lalawigan. Barangay official sa mahihirap na komunidad pero ang bahay na inuuwian ay nasa posh subdivision, malaki ang garahe, tatlo hanggang lima ang kotse. ‘Yan ang serbisyo publiko… sa barangay pa lang ‘yan ha, e paano kung  municipal and …

Read More »

‘Corrupt’ sa admin ni Tatay Digs dapat mag-resign nang kusa (‘Safeguard’ para sa malinis na konsensiya)

Bulabugin ni Jerry Yap

IBANG klase talagang magbigay ng ultimatum si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga pinagkatiwalaan niya na biglang nabubu­yangyang na mga corrupt pala. At hindi barya-baryang kupitan, pandarambong kung humakot! Sa kabila nito, natututong magtimpi ang Pangulo dahil ayaw na raw niyang maulit na pati ang reputasyon ng mga anak ng mga ‘corrupt’ ay nadadamay. Mas gusto ng Pangulo na konsensiya …

Read More »

Filipinas ‘game’ ka na ba? Online gaming hub na nga ba ng China ang Perlas ng Silangan?

Bulabugin ni Jerry Yap

TUNAY na klasiko ang tulang “Kung tuyo na ang luha mo aking bayan” ni Amado V. Hernandez… Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila, Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika… Naaalala po ng inyong lingkod ang tulang ito dahil sa nakalulunos na …

Read More »

Federalismo tablado sa mas maraming Filipino

Bulabugin ni Jerry Yap

MUKHANG tuluyan nang gumuho ang pundasyon ng Federalismo na isinusulong ng PDP-LABAN, ang partido ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, sinabing 66 porsiyento ng mga Filipino ay hindi pabor na palitan ng federalismo ang kasalukuyang sistema ng gobyerno. Sa survey na ginawa noong 23-28 Marso, lumitaw na 66 porsiyento ng mga tinanong ang tutol palitan …

Read More »

LTFRB chief inasunto ng sinibak na opisyal

Bulabugin ni Jerry Yap

RUMESBAK kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chief, Atty. Martin Delgra III ang sinibak niyang Bicol regional director na si Jun Abrazaldo. Pag-abuso sa kapangyarihan at proteksiyon sa kompanya ng bus na lumabag sa batas ang inihaing reklamo ni Abrazaldo laban kay Delgra sa Office of the Ombudsman. Si Abrazaldo ay sinibak ni Delgra batay sa isang ulat …

Read More »

Sa STL na tayo!

PATAAS nang pataas o kumikitang kabuhayan ang Small Town Lottery (STL) taliwas sa sinasabi noon ng isang notoryus na gambling lord kasabwat ang kanyang protektor na ang sabi’y, “STL is destined to fail!” Kasi gusto nilang hawakan ang operasyon ng STL nationwide, balik sa da­ing gawi ng mga nakaraang administrasyon. Sa unang yugto pa lamang nitong taon – Enero hanggang …

Read More »

Nakalilito, nakaliligalig

NAKALILIGALIG na ang ginagawa ng go­b-yerno ng Kuwait sa mga Filipino, pati na sa mga opisyal ng embahada na ang tanging hangarin ay matulungan ang mga kababayan natin na inaapi sa naturang lugar. Maituturing na hayagang pambabastos ang pag-isyu ng Kuwait ng arrest warrants sa tatlong diplomat na Filipino habang nakapiit ang apat pang Filipino na naglilingkod sa embahada. Bukod …

Read More »

PRO 4-A PPOs, kumilos vs kriminalidad… nasa leadership kasi ‘yan

IBANG klase talaga itong si Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, Regional Director ng Police Regional Office 4A. Bakit naman? Paano naman kasi, saan man maitalaga ang heneral, hindi nagdadalawang isip na suportahan siya ng kanyang mga opisyal at tauhan sa kampanya laban sa kriminalidad. Bukod dito, ramdam at nasaksihan ng mga provincial director ng PRO 4A at iba pa, kung …

Read More »

Barangay narco-list tamang ilantad

ISINAPUBLIKO na kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang listahan ng barangay officials na kung hindi user, pusher ay mga protektor ng ilegal na droga. Sinasabing 90 kapitan at 117 mga kagawad ng barangay ang nasa narco-list ng PDEA, na pinaniniwalang magiging gabay ng maraming botante ngayong nalalapit na ang halalan sa barangay. Mababa ito sa naunang bilang na …

Read More »

Mabuhay ka Gen. Oscar Albayalde!

TALAGANG hindi nagkamali si Pangulong Digong sa pagtatalaga niya kay Gen. Oscar Albayalde bilang PNP chief. The best ito at walang kayabang-yabang at napaka-down-to-earth. Siya ‘yung general na nagtitiyaga maglibot kahit madaling araw para mag-inspection sa mga presinto sa disoras ng gabi. Marami na siyang pinatino sa PNP at marami pang masisibak na scalawags kapag hindi nagbago kaya siya pinuri …

Read More »

Hindi susundin si Digong ng OFWs

Sipat Mat Vicencio

WALANG matinong trabahong maibibigay ang kasalukuyang pamahalaan kung kaya’t malabong sundin ng mga migranteng manggagawang Filipino sa Kuwait ang panawagan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na umuwi na lamang sa Filipinas. Ang panawagan ni Digong ay bunga na rin ng lumalalang alitan ng Filipinas at Kuwait matapos ang ginawang rescue ng Philippine embassy sa isang domestic helper na inabuso ng …

Read More »

Bumangon ang UST sa BAR examination

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

SANDALING ‘namatay’ ang University of Santo Tomas sa larangan ng law school, dahil sa pagkamatay sa hazing ng isang estudyanteng si Horacio, ngunit muling nabuhay ang UST nang maraming nakapasa sa nakalipas na Bar examinations. Napansin ng lahat na puro sa probinsiya ang nakapasa at kung mayroon man sa Kalakhang Maynila, halos puro take 2, take 3 at mayroon pa …

Read More »

Suntok-kamao ni Duterte gamit na gamit ng mga tulisang politiko

Bulabugin ni Jerry Yap

ONCE a user always a user. Sige ‘wag natin lahatin. Sabihin natin mga 75 perce nt lang ng mga politiko ang may ganyang asal. Hindi nagseserbisyo sa tao walang ginawa kundi kumabit at sumipsip sa kung sino ang nakapuwesto. Marami nga riyan lagi pang nakabuntot. Ngayon dahil medyo millennial na ang datingan, may bago nang estilo. Gamitin ang suntok-kamao ni …

Read More »

Survey says: Panalo si Kong at Sen depende sa ‘pakomisyon’

Bulabugin ni Jerry Yap

HUWAG tayong magtaka kung sunod-sunod na naman ang paglabas ng mga resulta ng survey na pakomisyon ng iba’t ibang organisasyon at institusyon. Iisa lang ang dahilan niyan. ‘Yan ay dahil may eleksiyon! Hindi ba ninyo napapansin para silang scion: eleksiyon, pakomisyon, organisasyon o institusyon at iba pang ‘siyon.’ Lahat sila laging lumalabas ngayon. Sa labanan sa hanay ng mga senador, …

Read More »

Barangay elections hindi na dapat mapolitika

sk brgy election vote

HINDI pa man opisyal na kampanya para sa mga magsisitakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay maigting na ang mga pasaringan at pabonggahan na ang kani-kanilang pagpapakilala sa publiko. Mapapaisip ka talaga kung barangay elections ba ang pinaghahandaan nila o ‘yung midterm polls na sa 2019 pa mangyayari? Halata rin na may ‘kulay’ ang bawat grupo ng mga nagsisitakbo …

Read More »

NBI Intel strikes again!

DAHIL sa magandang tambalan ni NBI director, Atty.  Dante Gierran at deputy director CPA Eric Distor ay sunod-sunod ang kanilang huli. Maganda kasi ang leadership ng dalawang opisyal na pawang mga bata ni Pangulong Duterte. Masigasig sa paglilibot si Gierran sa NBI regional office para sa mga project niya na NBI clearance satellite. Ang NBI Intel ay nakahuli ng mga tulak sa …

Read More »

Umaksiyon naman kayo!

WALANG “law enforcement power” ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) laban sa pag-aresto ng mga indibidwal o grupo na naaktohang sangkot sa ilegal na sugal gaya ng jueteng, masiao, swertres, pares, peryahan ng bayan, at kung ano-ano pa. Pero ang PCSO ay may kara­patan at obligasyon na maghain ng kaso laban sa mga lumalapastangan ng panuntunan lalo sa pagsugpo ng …

Read More »

Klasmeyt kasi e…

CONGRATULATIONS P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar for a well deserved promotion. Opo, hindi na ang masipag, magaling, palakaibigan, makatao, at mapagkumbabang si Gen. Eleazar ang District Director ng Quezon City Police District (QCPD) at sa halip siya ang Regional Director (RD) ng Police Regional Office 4A. Bumaba ang kanyang promosyon nitong Abril.19, 2018. Sa araw na ito, pormal nang …

Read More »

Planong casino mga patakaran sa Boracay

MUKHANG hindi na matutuloy ang planong pagtatayo ng higanteng casino sa Boracay. Tahimik na ipinagbunyi ng marami ang pahayag ng Department of Tourism (DOT) na umatras na ang Galaxy Entertainment Group na nakabase sa Macau sa pagtatayo ng casino na nagkakahalaga ng $500 milyon sa 23 ektarya ng lupa sa Boracay. Pero itinanggi ng Leisure and Resorts World Corporation, ang …

Read More »

Pera o kahon

PANGIL ni Tracy Cabrera

If you want to know what God thinks of money, just look at the people he gave it to. — Dorothy Parker PASAKALYE: Karangalan para kay Customs commissioner Isidro Lapeña ang pagkakahuli sa isang 40-foot container van ng tinatawag na ‘ukay-ukay’ o mga second hand na damit, na pumasok sa bansa noong 27 Pebrero sa Manila International Container Port (MICP) …

Read More »

Pagkatapos ng maraming dekada… CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG dahil burara at pabaya sa kanyang tungkulin

Bulabugin ni Jerry Yap

SA wakas, pagkatapos ng maraming panahon, sa administrasyon ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay inasunto na rin ang ilang dekadang ‘kapabayaan’ ni Chairwoman Ligaya Santos sa kanyang tungkulin na panatilihing ligtas, malinis at maayos ang lugar na kanyang kinasasakupan kabilang ang pinagpupugayang liwasan na ipinangalan kay Gat Andres Bonifacio. Sinampahan si Ch Santos nitong Biyernes ng kasong administratibo …

Read More »