Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte mananahimik?

PUMAYAG umano si President Rodrigo Du­ter­te na tumigil sa pagl­alabas ng mga paha­yag tungkol sa simba­han matapos makipag­pulong nang one-on-one sa pangulo ng Catholic Bishops Con­ference of the Philip­pines (CBCP) na si Archbishop Romulo Valles.

Maaalalang naging kontrobersiyal ang sunod-sunod na pagbatikos ni Duterte laban sa simbahan na humantong sa pagtawag niya na estupido raw ang Diyos at pagkuwestiyon sa lohika ng kuwento ng “Creation” sa Biblia.

Pinagdudahan din niya ang konsepto ng “original sin” at pagkalipas ng ilang araw ay kinuwestiyon naman ang mga karakter sa “Last Supper” na ginawa raw mga santo dahil naroon lang sila sa painting. Kung inyong natatandaan, ang Last Supper sa Biblia ay naglalarawan sa huling hapunan ni Kristo na kasama ang 12 niyang Apostol bago siya hinuli at isinailalim sa mga pagpapahirap, pagpapako sa krus at pagkasawi.

Akalain ninyong umabot pa ito sa punto na naglatag ang Punong Ehekutibo ng imposibleng hamon na handa raw siyang magbitiw sa puwesto kung may makakukuha ng selfie sa pamamagitan ng cell phone bilang patunay na totoong may Diyos.

Pero palaisipan para sa marami kung mapangangatawanan nga ni Duterte ang pangako. Panahon pa ng kampanya ay binabatikos na ni Duterte ang hanay ng mga pari na inakusahan niya ng korupsiyon at pang-aabuso sa kapang­yarihan. Hindi rin niya inilihim na ang kinikimkim na galit ay nag-ugat umano sa hindi magandang kara­nasan niya sa kamay ng pari noong estudyante pa lang siya.

Sa pananaw ng marami ay dapat lang tuparin ni Duterte ang binitiwang pangako bago manumpa sa tungkulin bilang Pangulo ng Filipinas na ititigil ang labis na pagmumura at kikilos nang naaayon sa isang presidente bilang paggalang sa puwesto na kanyang hawak.

Bilang Pangulo ay nararapat lang niyang igalang ang lahat ng relihiyon ng mga mamamayan na nasa ilalim ng kanyang pamumuno. Hindi na angkop ang estilong bira rito, bira roon na parang isang sanggano na laging matapang, mainit ang ulo at nakikipag-away kung kani-kanino.

Alalahanin ang pagiging Pangulo ay nagbibi­gay sa kanya ng responsibilidad para maging ama ng buong bansa kaya dapat na niyang iwaksi sa isipan ang personal na karanasan sa kamay ng pari kahit na maituturing na mapait pa ito. Hindi siya ipinuwesto ng mga mamamayan para maka­paghiganti sa kanyang dating mga nakaalitan.

At higit sa lahat, bilang pinuno ng bansa ay dapat niyang bigyan ng respeto ang Konstitusyon na kumikilala at nagbibigay-galang sa kahalagahan ng Panginoon at humihingi ng tulong sa Kanya para sa ikabubuti ng buhay ng bawat mamamayan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ano ang tunay na layunin ng ‘Maleta soldiers’ exposé?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI  itinuturing na aksidente ang paglitaw ng 18 kataong nagpakilalang ex-Marines …

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …

Firing Line Robert Roque

Ang Panganib ng mga Landfill

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG tanging dahilan kung bakit tila hindi gaanong pinapansin …

PADAYON logo ni Teddy Brul

People Power revisited:
Ang kapangyarihan ng masa at dominasyon ng elitista

Ang mga larawan ay mula sa file photos ni Romeo Mariano. “KUMUSTA na, ayos pa …

YANIG ni Bong Ramos

Death penalty ibalik laban sa krimeng karumal-dumal at pandarambong sa bayan

YANIGni Bong Ramos TILA wala na yatang takot sa Diyos at sa batas ang mga …