Tuesday , April 29 2025

Opinion

Si Mar lang ang makalulusot

Sipat Mat Vicencio

SA walong pinangalanang tatakbong senador ng Liberal Party sa ilalim ng tinatawag na ‘Oposisyon Koalisyon,’ tanging si Senador Mar Roxas lamang ang maaaring makalusot sa darating na May 13, 2019 midterm elections. Ang pitong kandidato na makakasama ni Mar ay masasabing walang kapana-panalo, at pag-aak­saya lamang ng pera at panahon ang gina­gawa nilang pagpasok sa halalan. Tulad nang sinasabi ng …

Read More »

Huwag bibili ng pekeng pet care products

SA panahon ngayon, halos lahat ng pro­dukto ay pine­peke ng mga tiwaling ne­go­syante kumita lang nang ma­laki. Pekeng beauty pro­ducts, pe­keng gamot, pekeng bigas. Pati nga ang shabu pinepeke na rin ng mga tulak. Pero batid ba ninyo pinepeke na rin pati ang pet care products. Kaya nga nagbabala sa publiko ang Himalaya Drug Company Pte. Ltd. dahil talamak ang …

Read More »

Gigil na gigil kay Trillanes

Bulabugin ni Jerry Yap

NAGTATAKA tayo kung bakit mukhang full-force at full-effort ang ilang grupo sa ilalim ng Duterte administration na ‘ilugmok’ si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV. Bakit si Trillanes ang pinagkakaabalahang sugpuin, hindi ang kahirapan, katiwalian sa loob ng pamahalaan, at iba pang ilegal na gawain gaya ng pagmamantina ng pinakamalaking illegal terminal sa Maynila, proteksiyon sa pasugalan at KTV bar, at …

Read More »

P2.88-M ‘kulangot’ sa illegal terminal operator

Bulabugin ni Jerry Yap

KUNG totoo ang narinig nating kuwentahan ng ‘bata’ ng isang illegal terminal operator sa Maynila na ang hatag nila ay tig-P10,000 hanggang P250,000 kada linggo, ibig sabihin ‘sumasalok’ sila nang milyon-milyong kuwarta sa kanilang ilegal na gawain. Huwag na nating lakihan, gawin na lang nating eksampol ‘yung P10,000 kada linggo. ‘Yung P10,000 x 4 weeks x 12 months x 6 …

Read More »

15-milyong pamilyang Pinoy gutom dahil sa TRAIN Law

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

NAKAAALARMA ang resulta ng huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong Setyembre. Umabot na raw sa 3.1 milyong pamilya sa Filipinas ang nakararanas ng gutom dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung may limang katao sa bawat pamilya, lumalabas na 15.5 milyong Filipino ang nagugutom sa kasalukuyan. Ang masakit pa nito, mukhang simula pa lamang ito ng …

Read More »

Mga salamisim 14

HINDI magpapatuloy ang bentahan ng metamphetamine hydrochloride o shabu sa kalye kung walang malaking sindikato sa likod nito at hindi naman makatitindig ang sindikato kung walang makapangyarihang pul-politiko o negosyante ang nasa likod nito, iyan ang totoo. Dahil dito ay naniniwala ang Usaping Bayan na tama si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino sa kanyang naunang pahayag kamakailan …

Read More »

Koko hindi na nga ba puwedeng tumakbo sa 2019 midterm elections?

Bulabugin ni Jerry Yap

KUNG makatatsamba sa pagkakataong ito si Attorney Ferdinand Topacio, aba malamang hindi na nga puwedeng tumakbo si Senator Koko Pimentel sa 2019 midterm elections. Naghain si Atty. Topac ng disqualification case laban kay Koko dahil napagsilbihan na umano ng huli ang kanyang ‘second and maximum allowed consecutive term.’ Matatandaan na noong 2007 elections, napatanggal ni Pimentel si Juan Miguel Zubiri …

Read More »

Kandidato sa Senado at Kamara, takot sa drug test?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

NAGKAKAISA ang mga ahensiya ng gobyerno na nangunguna sa kampanya kontra droga sa panukala na isailalim sa drug test ang lahat ng kandidato na tumatakbo sa May 2019 elections. Mahirap na nga namang mailuklok pa sa puwesto ang mga kandidatong sugapa sa bawal na gamot. Kung mamalasin, baka tulak pa sa droga ang maibotong senador o kongresista. Para sa Philippine …

Read More »

Isang slot sa Senado na lang ang paglalabanan

Sipat Mat Vicencio

KUNG tutuusin, isang puwesto na lang sa Senado ang pag-aagawan ng mga kandidato sa darating na May 13, 2019 midterm elections. ‘Ika nga, lalong sumikip ang senatorial race matapos pumasok ang ilang  mga batikan at sikat na kandidato sa listahan. Matapos mag-file ng certificate of candidacy (COC) sina dating Senador Juan Ponce Enrile, Mar Roxas, Serge Osmena, Lito Lapid, Jinggoy …

Read More »

Cover-up sa P6.8-B shabu: Lapeña dapat mag-resign!

SUKOL na si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña kaya’t kung sino-sino na ang kanyang idinadawit sa P6.8-B shabu shipment na ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay ipinalaman sa ilang magnetic lifters na natunton sa Cavite. Sa kanyang pahayag kamakailan, sabi ni Lapeña: “Perhaps director general Aaron Aquino should not pin down and blame entirely this …

Read More »

‘Rambol’ ng pamilya sa politika

Bulabugin ni Jerry Yap

KAKATWA ang political happenings ngayon sa Parañaque City. ‘Yung muling paghahain ni dating mayor Florencio “Jun” Bernabe ng kandidatura para alkalde para tapatan si incumbent mayor Edwin Olivarez, walang kakaiba roon. Normal na ngayon ‘yun sa takbo ng politika sa ating bansa. ‘Yung pami-pamilyang tumatakbo sa iisang lugar gaya ng mag-asawang Alan Peter Cayetano at Lani Cayetano na kapwa tumatakbong …

Read More »

“Bureau of Customs and Shabu”

NANININDIGAN umano si Commissioner Isidro Lapeña na walang shabu na nakapalaman sa mga magnetic lifters na natagpuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite na nailusot sa Bureau of Customs (BoC). Ang magnetic lifters na nasabat sa Cavite ay pinaniniwalaang naglalaman nang mahigit isang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon, ayon sa PDEA. Pinaniniwalaan din na ang mga …

Read More »

Mula sa Patnugot: 15 taon nang humahataw

HATAW logo

LAGI kaming nanganganay. ‘Yan ang katangian ng gawain sa pama­mahayag. Nagiging  beterano lang ang isang mamamahayag dahil sa kanilang edad at tagal ng panahong inilalagi sa gawaing ito.           Pero beterano man o hindi, ang araw-araw na pagganap sa trabaho bilang mamamahayag ay hindi puwedeng sabihing ‘chicken.           Sabi nga, ang husay ng isang mama­mahayag ay laging nakabatay sa kanyang …

Read More »

Gimik lang ba ang “Binay political war” sa Makati?

DRAMA, gimik o isang palabas lang ba ang nangyayaring “Binay political war” sa Makati City? Ano sa tingin ninyo? Nagtatanong lang po tayo ha. Pero hindi naman siguro, dahil nakita naman natin na talagang seryoso ang magkapatid na maghaharap sa 2019 election. Kapwa pagka-alkalde ang tatakbuhin ng magkapatid na sina dating Makati Mayor Junjun Binay at incumbent Mayor Abigail “Abby” Binay …

Read More »

Party-list system kinopo na ng ‘oligarkiya’ (Marginalized sectors no more)

Bulabugin ni Jerry Yap

NALULUNGKOT tayo na ang party-list system ay nilamon na rin ng mga tradisyonal na politiko sa ating bansa. Ang tradisyonal na politika (TRAPO) dito sa ating bansa ay nangangahulugan na pag-angkin sa kapangyarihan ng oligarkiya o ng iilan. Ang oligarkiya (oligarkhia sa Greek) ay bansag ni Aristotle sa iilang (o oligos) may hawak ng kapang­yarihan sa isang lipunan. Kaya mula …

Read More »

Mga salamisim 13

NAKALULUGOD na idineklarang Santo ng Simbahang Katoliko Romano ang Martir ng San Salvador na si Arsobispo Oscar Romero. Una kong narinig si San Oscar Romero noong ako ay estudyante sa Pamantasang Santo Tomas noong dekada 80. Hinangaan ko ang Arsobispo ng San Salvador (sa El Salvador ito) dahil inialay niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mahihirap, pinagkakaitan at inaapi …

Read More »

Eksperimento ni Digong?

Bulabugin ni Jerry Yap

MAY nakikitang  ‘eksperimento’ ang ilang urot sa estilo ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong midterm elections. Hindi tayo sigurado kung ito’y estratehiya o ‘spin’ o baka naman hindi sinasadya. Ang tinutukoy natin, ang kandidatura nina Gen. Bato, Mocha Uson, Harry Roque at SAP Bong Go. Sina Gen. Bato at SAP Bong Go ay hindi tinatalikuran ni Pangulong Digong at …

Read More »

Walang pahinga sa QCPD!

MARAHIL inakala ng masasamang elemento na pilit pa rin nagkakalat sa Quezon City na magpapahinga ang Quezon City Police District (QCPD) sa kampanya laban sa kriminalidad nang maiuwi ng pulisya ang pinakamataas na parangal kamakailan – ang “2017 NCRPO Best Police District.” Diyan nagkamali ang mga sindikato, dahil lalo pang pinaigting ni QCPD Director, Chief  Supt. Joselito T. Esquivel, sampu …

Read More »

Privacy ingatan

HINDI maitatanggi na malaki ang maitutulong at magiging bahagi ng Philippine Identification System Act na pinirmahan na ni President Duterte sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Filipino. Nakasanayan na ng maraming Pinoy na magdala ng wallet na saksakan nang kapal dahil naglalaman ng iba’t ibang klase ng ID na tulad ng Pag-IBIG, Social Security System (SSS), Government Service Insurance System …

Read More »

Biyaya huwag sayangin

Sadyang mapalad ang dalawa-katao na maghahati sa P1.18-bilyong panalo sa UltraLotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office na lumabas noong gabi ng Linggo (Setyembre 14, 2018) . Ang 6 na numerong masuwerte ay 40-50-37-25-01-45. Ang panalong P1.18B ay pangalawa pa lamang sa UltraLotto nitong taon. Ang una ay noong Pebrero 15, 2018 at P331M ang jackpot na napanalunan ng dalawang …

Read More »

NBI at BoC-NAIA keep up the good work!

NAPAKARAMING kaso ngayon ang iniimbestigahan ng NBI sa pangunguna ni Director Atty. Dante Gierran na halos wala nang pahinga sa pagtatrabaho. Dahil sa nangyayaring mga issue sa ilegal na droga at patayan ay hindi sila tumitigil upang makamit ang tunay na hustisya sa mga biktima at ipakulong kung sino ang mga sangkot dito. Nag-umpisa na silang magsagawa ng isang parallel investigation …

Read More »

Bulok na paninda si Erin Tañada

Sipat Mat Vicencio

DAPAT ay nananahimik na lamang si dating congressman Erin Tañada at hindi na ambisyonin pa ang Senado dahil kung tutuusin ay wala naman siyang kapana-panalo sa darating na May 13, 2019 midterm elections. Walang maipagmamalaki itong si Erin sa kanyng political career kaya marapat lamang sa maagang panahon ng kanyang buhay ay magretiro na at pagkaabalahan ang pagpunta sa mall, …

Read More »

Labanang dugo sa dugo: JV vs Jinggoy sa Senado

POLITIKA ang dahilan sa umiigting na hidwaan ng dalawang anak ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na sina Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada na parehong tatakbo sa Senado sa nalalapit na 2019 midterm elections. Kumalas na raw si JV sa Pwersa ng Masamang, este… Masang  Pilipino pala, ang partido ng kanilang pamilya na pinamumunuan ng amang si …

Read More »