KASING bagsik siguro ng pulbura ang ‘tama’ ng plakang otso kaya ang mga nagkakaroon nito ay tumatapang. Kasabihan ng mga abuelo at tatay noong araw, kapag dudungo-dungo ang anak na lalaki paamuyin daw ng pulbura o kaya ay pakagatin sa talim ng kutsilyo o gulok, tiyak raw na liliyad ang dibdib. Ganyan din kaya ang epekto ng plakang otso? Hindi …
Read More »Kasong graft vs. Lapeña; Guerrero bukol sa ‘tara’?
KINASUHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes si dating commissioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) chief Isidro Lapeña sa misteryosong pagkawala nang mahigit 105 container vans sa bakuran ng Bureau of Customs (BoC). Ibang-iba ang resulta sa isinagawang imbestigasyon at isinampang kaso ng NBI kompara sa kuwentong-kutsero ni Lapeña na noo’y hepe ng Customs sa …
Read More »Mga arogante at masusungit na sales staff ng Duty Free PH
DAHIL sa karanasan ng isang kaanak natin nitong nakaraang linggo sa Duty Free Philippines, muling nabuhay sa alaala natin ang naranasan din ng isa nating katoto sa nasabi ring shopping center. Heto ang isa sa paulit-ulit na karanasan ng consumers o customers sa Duty Free Philippines diyan sa Sucat, Parañaque City. Pumila sila sa isang mahabang pila para pagdating sa …
Read More »‘Manyakol’ ‘di dapat kuning sponsor para sa beauty pageant
NABUKSAN din ang Pandora’s Box ni ‘wild and horny’ Amado Cruz matapas manindigan ang tatlong Miss Earth contestants sa ‘bastos’ na pakikitungo sa kanila ng isa umanong sponsor. Sa tatlong nagreklamo, tanging si Miss Guam, Emma Mae Sheedy — ang tahasang tumukoy sa isang Amado Cruz, ipinakilala umano sa kanila bilang sponsor at nagmamay-ari ng maraming restaurants sa bansa, ang …
Read More »Sa hatol kay Imelda, si Digong ang target ng Sandiganbayan?
HINATULANG guilty ng Sandiganbayan fifth division sa seven counts ng kasong graft si dating First Lady Imelda R. Marcos nitong Biyernes. Mula anim na taon at isang buwan hanggang 11-taon ang ipinataw na parusang kulong ng Sandiganbayan kay Gng. Marcos sa bawa’t kaso. Kung kukuwentahin, higit pa sa tatlong habambuhay na hatol ang katumbas na parusang kulong, ang bubunuin ni Gng. …
Read More »Gobyerno kuripot sa P25 dagdag-sahod
KULANG pa ng P5 para pasahe sa LRT mula Baclaran-Monumento ang P25 dagdag-sahod na ipagkakaloob ng gobyernong Duterte sa mga manggagawa. Kaya sumatotal, aabot lang nang P337 ang minimum wage sa Metro Manila. Hindi nagustohan ng ilang labor sector ang nasabing halagang idinagdag dahil P334 ang kanilang kahilingan. Nangangahulugan ito na hindi pa kaya ang hiling ng labor sectors dahil …
Read More »Fuel hike agad-agad, fare hike komplikado sa implementasyon
KAPAG mayroong fuel hike, agad-agad itong naipatutupad. Umaangal lang sa salita ang sambayanan lalo ang iba’t ibang transport groups pero hindi naman nito napipigil ang taas-presyo. Siyempre, paano makapagpoprotesta ang mga tsuper sa gas station e kailangang bumili ng gasoline o diesel para makapaghanapbuhay. Sa ilang beses na pagtataas ng petrolyo laging tinatangka ng transport groups na humiling na magtaas …
Read More »Bagong DFA Secretary pinuri ang mga nagawa ni Cayetano sa DFA
MAS napahusay sa ilalim ng pamumuno ni Alan Peter Cayetano, ang pagpoproseso ng passport pati na rin ang serbisyo at tulong para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo. Ito ang pahayag kamakailan sa social media ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinuri ang mga ipinatupad na reporma ni Cayetano sa panahon ng kanyang panunungkulan …
Read More »P10-milyong ‘joke only’ ang ‘biyaheng langit’ na ‘footbridge’ sa EDSA Kamuning, QC
ISANG malaking “joke only” ang footbridge sa EDSA Kamuning ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). At ang joke only na ‘yan ay nagkakahalaga ng P10 milyones mula sa taxpayers money. Matatagpuan ‘yan sa EDSA Kamuning malapit sa estasyon ng MRT. Steel footbridge na siyam na metrong mas mataas sa power lines ng MRT-3. Lalagyan daw ito ng escalator, at inaasahang …
Read More »Drug test sa kolehiyo, uumpisahan na
SIMULA sa susunod na school year (2019-2020), bibigyan ng kapangyarihan ang mga unibersidad at kolehiyo na magpatupad ng mandatory drug testing sa kanilang mga estudyante. Kung mandatory na ang drug testing, maaari nang obligahin ng mga pamantasan ang lahat ng estudyante nila na magpasuri sa droga. Nagulat tayo sa balitang ito dahil wala namang bagong batas na naipasa hinggil dito. …
Read More »‘Tatlong Itlog’ na ‘collect-tong’ ng ‘tara’ sa Bureau of Customs: “Abu,” “Santi,” at “Loy Dy Kiko”
NAPAKAGANDA ng mensahe ni dating AFP chief-of-staff at bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na kanyang binigkas sa flag raising ceremony ng mga kawani ng Bureau of Customs nitong Lunes. Nagbabala si Guerrero na hindi niya papayagan na sirain ninoman ang pangalan at mabuting reputasyon na kanyang inalagaan sa loob ng 30 taon na bukod-tanging maipamamana niya sa kanyang mga anak. …
Read More »Alan Peter Cayetano suportado ni Pangulong Digong sa kongreso (Susunod na House Speaker)
HINDI umano mapipingsan ang buong-buong suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pagtakbo nito sa Kongreso at sa pagiging susunod na House Speaker. May duda pa ba? E ‘yan nga’t nakakamada na ang puwesto sa Kamara? Itinaas ni Pangulong Duterte ang kamay ni Cayetano sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating Kalihim noong nakaraang …
Read More »ENDO Bill, inuupuan sa Senado?
MAKAPANGYARIHAN kung tingnan ang Pangulo pero may mga bagay na hindi niya kayang gawin kung wala ang tulong ng Senado at Kamara de Representantes. Isa na rito ang tuluyang pagbuwag ng Endo o 5-5-5 System. Endo ang pinaigsing salita ng End of Contract. Sa ganitong sistema, tinatanggal ng mga kompanya ang kanilang mga manggagawa sa trabaho bago matapos ang kanilang …
Read More »Senatoriables dedma sa wage hike
NGAYONG mainit na pinag-uusapan ang taas-sahod na hinihingi ng mga manggagawa sa kanilang mga employer, nakapagtataka naman kung bakit tahimik at walang kibo ang mga tumatakbong senador tungkol sa usaping ito. Nasaan na ang maiingay na senatoriables bakit ngayon ay parang walang mga boses at ayaw magbigay ng komentaryo hinggil sa minimum wage hike. At nasaan na rin ang sinasabi …
Read More »Bagong branch of service ba ng AFP ang Customs?
PUWEDE o hindi? ‘Yan ang tanong, alinsunod sa direktiba ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte na italaga ang mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bureau of Customs (BoC) kasunod ng malaking eskandalo na kinasangkutan ni Commissioner Isidro Lapeña at kanyang mga tauhan sa nakalusot na P11-B shipment ng shabu. Hindi natin minamasama ang pagtatalaga ng mga sundalo sa …
Read More »‘Batas Militar’ sa Customs wawalis nga ba sa korupsiyon?
KUNG karanasan sa pamumuno ng mga militar, isa tayo sa nakasaksi kung paano noon pamunuan ni dating Customs chief parolan ang Bureau. Strict pero sabi nga everybody happy. Wala tayong nababalitaan na nagagamit ng sindikato ng illegal na droga, hindi gaya ngayon. Noon ‘yun. Ang problema natin ngayon, hindi kakayanin ng mga bagong iuupong military men kung paano tumatakbo ang …
Read More »Maligayang kaarawan Ka Eduardo V. Manalo!
TAOS-PUSO tayong bumabati kay Ka Eduardo V. Manalo, ang tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo (INC), sa kanyang ika-63 kaarawan. Kasabay nito ang ating pagbati kay Ka Eduardo sa kanyang matagumpay na pangunguna sa INC sa nakalipas na siyam na taon. Ang mabilis at hindi mapigilang paglago ng mga kaanib sa INC sa buong mundo ay patunay na si Ka Eduardo …
Read More »PNP Chief DG Albayalde & NCRPO Chief Dir. Eleazar ipinahihiya ba kayo ng mga lespu ninyo?!
KAMAKAILAN dalawang police escort ng isang Korean national na nambasag ng side mirror ng isang taxi driver ang nag-viral sa social media. Kamakalawa, isang rapist na pulis na ang rason ay anak umano ng mag-asawang drug pusher ang sumama sa kanyang 15-anyos na dalagita sa motel at hindi raw umano humingi ng kapalit. Pero ang higit na nakapangingilabot ‘yung sagot …
Read More »LTFRB official sa juicy region itinapon sa poor na probinsiya
NATATANDAAN pa ba ninyo ang isang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa isang ‘juicy region’ at nagpapagawa ng mansion sa isang lalawigan sa Eastern Visayas? Puwes, ang huling balita ay tinanggal na siya sa very juicy na LTFRB office sa southern Luzon at itinapon sa isang malayong probinsiya. Naging mabilis umano ang ‘asenso’ ng bulsa …
Read More »People’s bet Nora Aunor ligwak na naman sa Order of Nat’l Artists
MUKHANG matutulad kay Comedy King Dolphy ang kapalaran ng nominasyon sa Order of National Artists ng people’s Superstar na si Nora Aunor. For the second time, naligwak na naman ang nominasyon ng isang Nora Aunor na paulit-ulit na kinilala ang husay at galing sa pag-arte sa ibang bansa. Ayon kay National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman and …
Read More »Si Mar lang ang makalulusot
SA walong pinangalanang tatakbong senador ng Liberal Party sa ilalim ng tinatawag na ‘Oposisyon Koalisyon,’ tanging si Senador Mar Roxas lamang ang maaaring makalusot sa darating na May 13, 2019 midterm elections. Ang pitong kandidato na makakasama ni Mar ay masasabing walang kapana-panalo, at pag-aaksaya lamang ng pera at panahon ang ginagawa nilang pagpasok sa halalan. Tulad nang sinasabi ng …
Read More »Huwag bibili ng pekeng pet care products
SA panahon ngayon, halos lahat ng produkto ay pinepeke ng mga tiwaling negosyante kumita lang nang malaki. Pekeng beauty products, pekeng gamot, pekeng bigas. Pati nga ang shabu pinepeke na rin ng mga tulak. Pero batid ba ninyo pinepeke na rin pati ang pet care products. Kaya nga nagbabala sa publiko ang Himalaya Drug Company Pte. Ltd. dahil talamak ang …
Read More »Gigil na gigil kay Trillanes
NAGTATAKA tayo kung bakit mukhang full-force at full-effort ang ilang grupo sa ilalim ng Duterte administration na ‘ilugmok’ si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV. Bakit si Trillanes ang pinagkakaabalahang sugpuin, hindi ang kahirapan, katiwalian sa loob ng pamahalaan, at iba pang ilegal na gawain gaya ng pagmamantina ng pinakamalaking illegal terminal sa Maynila, proteksiyon sa pasugalan at KTV bar, at …
Read More »P2.88-M ‘kulangot’ sa illegal terminal operator
KUNG totoo ang narinig nating kuwentahan ng ‘bata’ ng isang illegal terminal operator sa Maynila na ang hatag nila ay tig-P10,000 hanggang P250,000 kada linggo, ibig sabihin ‘sumasalok’ sila nang milyon-milyong kuwarta sa kanilang ilegal na gawain. Huwag na nating lakihan, gawin na lang nating eksampol ‘yung P10,000 kada linggo. ‘Yung P10,000 x 4 weeks x 12 months x 6 …
Read More »15-milyong pamilyang Pinoy gutom dahil sa TRAIN Law
NAKAAALARMA ang resulta ng huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong Setyembre. Umabot na raw sa 3.1 milyong pamilya sa Filipinas ang nakararanas ng gutom dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung may limang katao sa bawat pamilya, lumalabas na 15.5 milyong Filipino ang nagugutom sa kasalukuyan. Ang masakit pa nito, mukhang simula pa lamang ito ng …
Read More »