Wednesday , February 4 2026

Opinion

Si Jinggoy ang mastermind sa P183.79-M PDAF scam

‘YAN ang sabi sa ibina­bang resolusyon ng Sandiganbayan Fifth Division noong naka­raang linggo. Ito ay bilang tugon ng graft court sa inihaing ‘urgent ex-parte motion’ ng kampo ni Janet Lim Napoles na naban­sagang pork barrel Queen at co-accused ni Jinggoy Estrada sa P183.79-M Priority Development As­sis­tance Fund (PDAF) scam. Sa nasabing resolusyon (may petsang) Sept. 3, sabi ng Sandiganbayan: “It is …

Read More »

Puwede pala! Pagdinig ng Kamara sa 2020 National Budget, tapos na

Bulabugin ni Jerry Yap

MABILIS na tinapos ng House Appropriations Committee ang pagdinig sa pambansang badyet sa loob lamang ng ilang araw. Ayon sa pinuno ng komite na si Rep. Isidro Ungab, “in record time” nilang tinapos ang pagtalakay sa pambansang badyet dahil na rin sa hangarin ng liderato ng kamara na maaprobahan sa kongreso ang badyet bago ang 4 Oktubre 2019. Kinompirma ni …

Read More »

Armed struggle not a remedy to achieve peace

ARMADONG pakikibaka. ‘Yan ang pilit inihahasik ng mga komunistang rebeldeng CPP-NPA-NDF sa ating bansa. Ito rin ang isyu na bitbit nating mga Filipino sa loob ng 50-taon. Mahabang panahon na ang presensiya ng terorismo at insurhensiya na nakaugat sa baluktot na ideolohiya at nananatili sa ating komunidad. Pero sa pakikibaka na ito, ano ba ang nakamtan natin? Hindi mabilang na …

Read More »

Sa ikauunlad ng lungsod disiplina ang kailangan

ITO ang mga katagang nais ipahiwatig ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng lumabag at balak pa lang lumabag sa mga ordinansa ng lungsod , kasama na rito ang mga driver, pedestrian, mga umiinom sa kalye, naglalakad nang nakahubad at marami pang iba. Hindi lang ito para sa mga lumabag sa city ordinance kundi parang gabay na …

Read More »

Nissan Phils, kinasuhan sa paglabag sa Revised Penal Code (RPC)

DESMAYADO ang Broadway Motor Sales Corporation dahil matapos ang mahigit 41 taon kontrata sa Nissan Philippines, Inc., bilang dealer ay biglang natapos ito sa isang iglap. Ayon kay Leoncio Lei Yee, Jr., pangulo ng Broadway Motor Sales, tumupad ang kanilang kom­panya sa kagustuhan ng Nissan Philippines na magkaroon ng “renovation” sa kanilang kom­panya na ang kabuuang nagastos ay P28 milyon. …

Read More »

Republic Act 10592 palaisipan

WALANG patid na pinagtatalunan mga ‘igan ng Bureau of Corrections at ng Department of Justice ang tamang interpretasyon ng Republic Act 10592, kung puwede nga bang bigyan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang taong gumawa ng heinous crime o karumal-dumal na krimen. Isa na nga rito umano ang kasong kina­sasangkutan ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, na hiniling …

Read More »

Bogus na transport organizer sa QC binoldyak ni Inton

BAKAS ni Kokoy Alano

KALBARYO na ang dinaranas na hirap ng grupo ni QC Traffic Czar Atty. Ariel Inton para maiayos ang trapiko sa buong QC pero mayroon namang sumasabotahe dito para mambalasubas at ipaghanapbuhay ang mga alternatibong remedyo na ginagawa ng grupo ni Atty. Inton. Tinukoy ni Atty. Inton, ang isa umanong  Albert Satur de Juan, ang naniningil ng P25,000 bilang membership fee …

Read More »

Matang Agila laban sa korupsiyon

Bulabugin ni Jerry Yap

WALANG makalulusot na kahit anong iregularidad o uri ng korupsiyon sa Kamara. ‘Yan ang pangako ni Speaker Alan Peter Cayetano sa ilalim ng kanyang pamumuno.  Kaya naman bantay-sarado si Cayetano sa panukalang 2020 national budget na tinatalakay ngayon sa Kamara. Tinitiyak ni Cayetano na ang unang General Appropriations Bill (GAB) sa ilalim ng kanyang Speakership ay walang bahid ng korupsiyon, …

Read More »

Pandaigdig na Taon ng mga Katutubong Wika

KUMUSTA? Alam mo ba na Pandaigdig na Taon ng mga Katutubong Wika ang 2019? Idineklara ito ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) upang  imulat ang lahat sa pangangailangang panatilihin, palakasin, at palaganapin ang mga katutubong wika. Kaya nanawagan ang UNESCO sa mga pamahalaan, ahensiya, organisasyon, samba­yanan, akademiya, pampubliko’t pribadong sektor, at iba pang entidad. Isa nga sa …

Read More »

PNP-FEO bakit kinapos na rin ng PVC ID card?

Bulabugin ni Jerry Yap

WALA na rin palang maibigay na PVC identification card ang Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police na pinamumunuan ni  P/Col. Valeriano de Leon. Nagtataka lang tayo kung bakit walang maiisyu na PVC ID card gayong patuloy namang nagbabayad ang mga aplikante o ‘yung mga ngre-renew ng lisensiya nila para sa armas. Kung hindi tayo nagkakamali, halos apat …

Read More »

Mayor Edwin Olivarez may tunay na malasakit sa pulisya ng Parañaque

Bulabugin ni Jerry Yap

KUNG si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay naging ehemplo sa paglilinis ng buong Maynila at pagtatanggal ng mga obstruction sa kalye, si Parañaque Mayor Edwin Olivarez ay puwedeng pamarisan sa kanyang malasakit at pagpapanatili ng dignidad ng pulisya sa kanilang lungsod. Bakit natin nasabi ito? Aba, sa bagong proyekto ni Mayor Edwin Olivarez ay pinatayuan niya ng two-storey o …

Read More »

Hacking sa BDO hindi ba kayang solusyonan nang mabilisan?

Bulabugin ni Jerry Yap

HINDI lang minsan nating naririnig at nababasa ang reklamo ng mga depositor ng BDO na biktima ng hacking sa kanilang banking system. Sa pagkakataong ito, isang kabulabog natin ang direktang naging biktima ng hacking. Kung sa ibang tao, baka sabihing maliit lang ang nakuha doon sa kabulabog natin. Pero, iklaro lang natin na hindi rito pinag-uusapan kung malaki o maliit, …

Read More »

‘Bureau of Corruption’ director?

NABAGO ang ating pani­wala noon na walang ki­na­laman si dating Philip­pine Marines Captain at ngayo’y Bureau of Corruption, este, Bureau of Corrections (BuCor) director Nicanor Faeldon sa smuggling ng P6.4-B shabu na nasabat sa dalawang bodega noong 2013 sa Valen­zuela City. Ito ay matapos ma­bisto ang naudlot na pagpapalaya sana kay dating Calauan, Laguna mayor at convicted rapist-murderer Antonio Sanchez noong …

Read More »

Hindi lilimutin si FPJ

Sipat Mat Vicencio

KAPAG dumarating ang tinatawag na “ber” months, kaagad naaalala ang nalalapit na pagsapit ng kapaskuhan.  Ang “ber” months ang tila hudyat ng mahahalagang kaganapan sa nalalabing apat na buwan ng taong 2019. Bukod sa araw ng Pasko, maraming mga pagdiriwang at paggunita ang isinasagawa sa tinatawag na “ber’ months ng taon. Ilan na rito ang All Saints’ Day at ang …

Read More »

Farewell to a stout-hearted lady

FAREWELL to a stout-hearted lady named Gina Lopez who had done her part sincerely and dedicatedly particularly in her advocacy for the abused children, her deepest concern for mother nature, her utmost concern in protecting the environment specifically from the harm and danger cause by illegal and irresponsible mining. Gina will be most-remembered when she was tasked to be the …

Read More »

‘Patukmol-tukmol’ na depensa ni Sen. Pacquiao kay Sen. Go sa pondo ng Malasakit Centers

KAHANGA-HANGA si Sen. Christopher Law­rence “Bong” Go sa lahat ng opisyal sa alinmang sangay ng pamahalaan – executive, judiciary at legislative. Bukod tanging siya lamang ang mambabatas na umeepal, este, puma­papel sa trabahong mam­babatas na, exe­cutive pa! Aba’y nakabibilib dahil walang sinoman sa judiciary, executive at legislative tayong alam na nakagagawa ng kanyang ‘best effort’ para makatulong sa mga kapos-palad na …

Read More »

GCTA ng BuCor dapat talagang repasohin

Bulabugin ni Jerry Yap

MUKHANG nagtayo na naman ng sariling awtonomiya ang Bureau of Corrections (BuCor) kung pagbabasehan ang mga ibinunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na kabilang sa mga pinalayang preso ang limang Chinese drug lords nitong nakaraaang dalawang buwan. Ang paglaya ng nasabing limang Chinese drug lords ay sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ani Lacson, sina Chan Chit …

Read More »

Pagkawala ni yorme sumbong dumami

DAHIL wala ang pusa, kaya’t nagkalat ang mga daga! ‘Yan mga ‘igan ang naging usap-usapan sa panandaliang pagkawala ni Yorme Isko Moreno, nang magpunta sa ibang bansa dahil sa isang imbitasyon. ‘Ika nga’y wala si Yorme, kaya’t hayun… nagsulputang parang mga kabute ang mga pasaway at tiwali sa lipunan. Umarangkadang muli ang mga katarantadohan sa Maynila. Sus grabe mga ‘igan, …

Read More »

Mga corrupt sa gobyerno walang puwang kay Digong

SERYOSO ang ating Pangulo laban sa lahat ng kalokohan sa bansa lalo sa korupsiyon. Walang pinagtanda ang PCSO at ang BIR dahil sa mga nangyaring korupsiyon sa kanilang mga hanay. Dapat talagang maalis na sa puwesto kung sino talaga ang gumawa ng mali para hindi na madamay ang mga inosente. Kaya ang PACC ay akitibo sa pag-iimbestiga sa mga taong …

Read More »

‘Malasakit’ lang wala munang politika sa programang nakatutulong sa sambayanan

Bulabugin ni Jerry Yap

NAGTATAKA naman tayo sa ibang politiko lalo na ‘yung mga mam­babatas na kapag nakabubuti sa mga kababayan natin, lalo ‘yung mahihirap na kababayan na nangangailangan ng tulong, e nanggagalaiti sila sa pagbatikos. Huwag na tayong lumayo, itong Malasakit Centers na nagkataong pet project ni Senador Bong Go, kahit noong hindi pa siya senador. Mantakin ninyong akusahan na ginamit ni Bong …

Read More »

Kaduda-dudang “sense of propriety” sa Malasakit Center ni Sen. Bong Go

NAKATATAWA, este, nakatutuwa ang ma­syadong pagpapalaki ng balita sa mga social at civic activities ni dating special assistant to the president at ngayo’y Sen. Christopher Law­rence Go (aka Bong Go). Tampok ang press release na dinalaw ni Go ang dalawang barangay para mamahagi ng food packs, relief assistance at groceries sa 230 pamilya, at school supplies sa mga mag-aaral na …

Read More »

Tula mo, tanghal mo!

KUMUSTA? Kamakailan naanyayahan tayong maging hurado sa Kenyo: Tagalog Spoken Word Contest kasama mismo ang mga organisador nito na si Joseph “Sonny” Cristobal, ang direktor ng Philippine Cultural Education Program (PCEP) ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at si Armand Sta. Ana, ang direktor ng Barasoain Kalinangan Foundation. Unang tinawag bilang Tongue Na New, ito ang di-matatawarang …

Read More »

Nagpiyesta ang towing services at connivance businesses?

BAKAS ni Kokoy Alano

KUNG dati ay MMDA lang ang pinagbibintangan na kakutsaba ng mga bugok na towing services, ngayon ay lumala pa lalo ang sitwasyon dahil mga lokal na traffic enforcers group na ang ka­sa­ma ng mga linta sa lansangan. Mantakin mo’ng daan-daan ang mga nahahatak ng mga hina­yupak na towing services na mismong sila ay walang sariling garahe na ang pinaka-mababang singil …

Read More »