Kumusta? Noong Mayo 5, tumigil sa pag-iral ng ABS-CBN. Tila huminto rin sa pag-inog ang mundo na katatapos pa lamang magdiwang ng World Press Freedom Day noong Mayo 3. Idineklara kasi ng United Nations General Assembly ang araw na ito upang itaguyod at ipaglaban ang isang nagsasarili, pluralistiko, at malayang pagpapahayag na mahalaga sa pag-unlad at pananatili ng demokrasya ng …
Read More »Magtagumpay kaya ang ‘Balik Probinsiya’ ni Sen. Go?
ANG “Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa” program na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pamamagitan ng Executive Order 114, ay naglalayong mahinto ang tinatawag na urban migration at tuluyang mabawasan ang populasyon ng Metro Manila. Isa sa mga idinadahilan ng pamahalaan kung bakit naging sentro ng mapamuksang COVID-19 ang Metro Manila ay dahil daw sa mga nagsiksikang pamilya sa …
Read More »Frontliner na si APD Insp. Jess Ducusin kinaiinggitan nga ba?
MARAMI ang nalulungkot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa hindi magandang balitang natanggap nila nitong nakaraang weekend. Ito ang pag-pull-out kay Airport Police Insp. Jesus “Jess” Ducusin sa Screening and Surveillance Department saka itinalaga (o na-freeze) sa Manila International Airport Authority – AGMSES office. Hindi natin alam kung ano ang dahilan pero batay sa OAGMSES Order No. 10 (Relief/Reassignment) …
Read More »Kung hindi isyu ng press freedom, ano ang tawag sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN?
BILANG isang kolumnista at publisher ng isang pahayagan, ako ay may katungkulang magpahayag, sa abot ng kakayahang unawain ang pinakahuling aksiyon ng isang ahensiya ng pamahalaan — ang National Telecommunications Commission (NTC) — sa pagpapasara ng media network na ABS-CBN. Ako’y isang maliit na negosyante, pero bilang isang kolumista at publisher, itinuturing ko ang aking sarili bilang isang mamamahayag, at …
Read More »Laya na
PITONG araw ang nalalabi at matatapos na ang lockdown. Mapapansin na nasanay na ang karamihan sa pagkakakulong sa loob ng bahay. Tiyak na malugod na sasalubungin ito ng marami dahil sabik sila na manumbalik ang normal na pamumuhay, ang bumalik sa trabaho at mga gawain na naantala dahil sa lockout. Pero hindi nangangahulugan na ibababa ang ating kalasag. Kinakailangan …
Read More »Mga POGO bakit pa bubuksan?
NGAYONG maraming lugar ang isinailalim sa general community quarantine (GCQ) na lamang, mula sa naunang enhanced community quarantine (ECQ), sandamakmak na tao ang nasasabik dahil marami ring establisimiyento ang nalalapit nang mabuksang muli. Pero ang ikinagulat ng marami ay kung bakit kasama rito ang bahagyang pagbubukas ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa kasagsagan ng ipinatutupad na quarantine dahil …
Read More »Shabu at alak sa ECQ sa kamay ng QCPD
HINDI lingid sa kaalaman ng lahat na ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng shabu. Hindi lang dahil sa ilegal ang droga kung hindi wala itong naidudulot na kabutihan sa kalusugan at sa lipunan. Heto nga, inakala naman ng mga sindikato ng droga na mamamayani ang kanilang operasyon nang ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil abala ang PNP sa …
Read More »SAP ‘huwag naman sanang mag-ZAPPED
NGAYONG araw, 7 Mayo 2020, ang deadline ng pamamahagi ng ayudang P5,000 – P8,000 sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) na supposedly ay nasa pamamahala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). BTW, ‘ipinanganak’ po itong SAP, dahil marami tayong mga kababayan, na natigil ang paghahanapbuhay at pagnenegosyo dahil kailangang “stay at home to save more lives” sa …
Read More »POGOs ‘pinapuga’ sa enhanced community quarantine (ECQ)
BUKOD sa mga Authorized Persons Outside Residence/s (APOR) sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), pumayag rin ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ‘papugain’ o pinayagang mag-operate ang Philippine offshore gaming operators (POGOs) kahit nga aligaga pa ang buong bansa laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Sa totoo lang, sa pagbubukas ng POGO, si Philippine Amusement and …
Read More »Quarantine protocols dapat irespeto at sundin ng mga nais tumulong
NGAYONG panahon na marami ang nangangailangan dahil nahinto ang kanilang mga trabaho sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ), malaking bagay ang pagtulong ng gobyerno at ng ilang indibiduwal. At mukhang pasok diyan ang nakaraang insidente na kinasasangkutan ni dating senador Jinggoy Estrada na namahagi ng bangus sa kanyang mga kababayan kamakalawa. Pero imbes matuwa, hindi naging pabor rito ang …
Read More »Socmed influencer Francis Leo Marcos bagong super milyonaryo?
IBANG klase talaga ang social media. Minsan, ‘yung mga taong nakasalubong mo sa isang lugar na iyong pinupuntahan, nakahuntahn, napa-stake sa isang poker house, ‘e magugulat ka na lang na biglang pinag-uusapan sa social media. Gaya ng maingay na pinag-uusapan sa social media ngayon na si Francis Leo Marcos a.k.a. FLM, mantakin ninyong truck, truck na sako ng …
Read More »‘Iskwater’ sa ‘Manotok Subdivision’ iniligwak sa ayudang SAP ng DSWD
INILIGWAK sa Social Amelioration Program (SAP) ang mga residente sa dating Manotok Subdivision sa Tondo, Maynila na ngayon ay nasasakop ng Barangay 184 Zone 16, Tondo, Maynila. Ang Barangay 184 Zone 16, Tondo, Manila, ay area of responsibility (AOR) ni Barangay Chairperson Delia Rodriquez. Umalma ang mga residenteng naninirahan sa nasabing lugar dahil hindi man lang sila pinaliwanagan ng kanilang barangay tungkol …
Read More »Gitna ng bartolina
MARAMING kaganapan sa linggong ito. Isa ang extension ng enhanced community quarantine hanggang sa Mayo 15, labing-limang dagdag na araw ng bartolina para sa ating lahat. Ito ay bunga ng pangamba ng pamahalaan na hindi pa humupa ang pandemyang COVID-19, at maaari pang tumaas ang bilang ng magkakasakit. Ito ay bagay na tinimbang nang maigi ng mga nakaluklok kahit atrasado …
Read More »Salvador, dapat itapon palabas ng bansa?
NANG una kong mapanood ang viral video hinggil sa pagdakip ng isang pulis sa isang dayuhang Español sa Makati City – sa panig ng dayuhan o kuha ng kanyang maybahay na isang Pinay, napailing ako sa paraan ng pagdakip sa negosyante. Nag-ugat ang lahat sa paninita ng pulis, si P/MSgt. Roland Madrona, sa katulong ng dayuhan dahil hindi nakasuot ng …
Read More »QC barangay officials ‘saksakan’ sa pagiging ‘OA’
MUKHANG kailangan ng “professional help” ng Mayor’s Task Force Disiplina at ng barangay officials sa Barangay South Triangle sa Quezon City. Hindi natin akalain na mailabas nila ang ‘berdugo’ sa kanilang mga pagkatao dahil sa isang ‘pasaway’ na vendor na kung tutuusin ay simple lang ang pinagmulan — walang suot na facemask. Naitanong kaya muna no’ng mga barangay kagawad kung …
Read More »Hustisya para kay Ragos
HUSTISYA ang sigaw ng pamilya ni Private First-Class Winston Ragos, ang retiradong militar na walang awang binaril ng opisyal ng pulis dahil sa paglabag sa ipinatutupad na quarantine. Ang nakapatay na pulis ay nagngangalang Police Master Sergeant Daniel Florendo, Jr., at naganap ang pamamaril bandang 2:30 ng hapon sa Barangay Pasong Putik, Quezon City. Umapaw ang galit at …
Read More »Mga larawan ng Alagad ng Sining bilang Bayani (2)
KUMUSTA? Pagdating sa musika, nagsimula ang lahat noong 1984 pa. Makaraang mapanood sa BBC News ang report ni Michael Buerk tungkol sa “biblical famine in the 20th century” sa Ethiopia, si Bob Geldof ng Boomtown Rats ay nahikayat tumulong sa paraang alam niya — ang sumulat ng kanta. Dinala niya ang orihinal na It’s My World kay Midge Ure ng …
Read More »Pulis o barangay officials dapat maging magaling sa pagmamando sa Checkpoints
SA PANAHON ngayon napakaimportante ng maayos at mabuting asal ng isang tao. Partikular na ipinatutungkol natin ito sa mga nakatalaga o nagmamando ng enhanced community quarantine (ECQ) checkpoints. Iba ang kondisyon ng kaisipan ng mga mamamayan ngayon dahil lagi ngang nasa loob ng bahay. Limitado ang kilos. Mapalad ang mayroong mga pinagkakaabalahan sa loob ng bahay pero alam …
Read More »Pabor sa CPP-NPA ang martial law
KUNG tutuusin, magiging pabor sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kung ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay magdedeklara ng batas militar sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19. Malaking propaganda sa mga komunista at tiyak na makapagpapalawak ng kasapian ang armadong NPA kabilang na ang mga legal front ng makakaliwang grupo nito kung itutuloy …
Read More »Better late than later
PALAISIPAN ngayon ng ating pamahalaan kung tuluyan nang aalisin ang quarantine lockdown o hindi. Nasa 36 days na ang lockdown sa Metro Manila at mga pangunahing siyudad ng bansa dahil sa paglaganap ng COVID-19 na noong Martes ay kumitil na ng 437 buhay. Nakapangangamba dahil hindi natin alam ang tunay na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 Wuhan coronavirus. Dahil …
Read More »Sa pananalasa ng COVID-19… Bakit sintahimik ng ‘eternal garden’ ang opisina ni MIAA GM Ed Monreal
GRABE raw ang katahimikan ng opisina ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal. Sa ‘sobrang katahimikan’ nga raw, baka kapag nagawi ka rito ay mapagkamalan mong namamasyal ka sa ‘eternal garden.’ Joke lang po ‘yun… but not really. Marami kasi tayong natatanggap na text messages at nais ipatanong kung nasaan na si GM Ed Monreal. Mula raw …
Read More »Gawa nga kaya sa China ang virus?
TULAD nang ilang ulit na niyang ipinakita ay muling ipinamalas ni President Duterte na siya ay tunay na kasangga ng China. Ito ay nang matsismis na ang pinangangambahang sakit na coronavirus 2019 (COVID-19) na nagpahinto sa galawan sa buong mundo at nagpabagsak sa ekonomiya ay posibleng isang uri ng bio-weapon na nilikha sa laboratoryo nito. May natanggap daw na note …
Read More »Lagot ang mga ‘tadong Kupitan este Kapitan
WALA pa ang Social Amelioration Program (SAP) at sa halip ay pamimigay pa lamang ng relief ang ‘uso’ nang simulan ang enhanced community quarantine (ECQ) noong 15 Marso 2020, marami na ang reklamo laban sa ilang mga kapitan del barrio o barangay chairman. Kesyo kinukupitan daw ng kapitan ang relief goods na mula munisipyo o city hall. Bagama’t hanggang ngayon …
Read More »Sa gitna ng ECQ… Construction workers inabandona, contractors panagutin
ANO kaya ang kaparusahang nababagay sa mga contractor na iniwan ang mga kinuhang construction workers sa mga probinsiya pero pinabayaang nakanganga noong ibaba na ang enhanced community quarantine? Ilang kuwento ba ng construction workers ang nakita natin sa telebisyon na naglakad nang napakalayo para lamang makauwi sa kanilang mga pamilya?! Pero kapag nakita ninyo ang kalagayan ng mga construction workers …
Read More »Ang itlog, saba at buto ni Cynthia
SABI nga, sa panahon ng kagipitan at pangangailangan, ang lahat ay nagkakaisa at nagtutulungan. At dito masusubukan ang pakikipagkapwa ng bawat indibiduwal o mga pamilyang nakaririwasa o tunay na nakaaangat sa buhay. Alam ng lahat kung anong hirap ang dinaranas ngayon ng taongbayan dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19. Marami na ang nagugutom, namamatay at halos lahat ay desperado para …
Read More »