IKINABABAHALA ng marami ang pagkakapasa ng 2020 Anti-Terrorism Act sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso at lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo “Digs” Duterte ang kailangan upang maging ganap na batas. Ang 2020 Anti-Terrorism Act ay nagpapalawak sa Human Security Act na dati nang batas. Ikinagulat ang ‘timing’ sa biglaang pagkakapasa ng nasabing batas na natiyempo — …
Read More »Korupsiyon sa cash aid
AKALAIN ninyong may 155 barangay captains at opisyal ang iniimbestigahan sa anomalya sa cash aid na ipinamimigay ng gobyerno sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno? Kung totoo ang bintang sa kanila, ang kakapal naman ng mukha ng mga demonyong suwapang na opisyal ng barangay. Bago pa man ipamahagi ang SAP ay ilang ulit nang nagbabala si President Duterte …
Read More »Easy installment bayaran sa Meralco ECQ bills
MALAKAS talaga ang boltahe ng koryente mula sa Meralco, akalain ninyong milyong-milyon subcribers ng electric company ang ‘nakoryente’ at tila nagmistulang estatuwa habang hawak-hawak ang kanilang “ECQ bill” o bayaran para sa nakonsumong koryente sa panahon ng lockdown sanhi ng COVID 19 simula Marso 2020. Sino ba naman ang hindi matutulala sa napakalaking bayarin – naipon ba naman ng …
Read More »Barangay officials na gumupit sa ayudang SAP sinampahan na ng kaso sa DoJ
SA PINAKAHULING ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG), umabot na sa 134 barangay officials ang nahaharap sa mga kasong kriminal dahil sa mga anomalyang may kaugnayan sa ayudang Social Amelioration Program (SAP). Sila ‘yung 134 barangay officials na hinihinalang ‘gumupit’ sa P5,000 to P8,000 SAP para sa mga kababayan nating higit na nangangailangan sa panahon ng …
Read More »Ang Coronavirus at HIV
Life hurts a lot more than death. — Anonymous KUNG tunay ngang nagtatagumpay ang mga lockdown at stay-at-home protocol para pabagalin ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19, nagbabala ang mga health expert na ang nasabi rin mga alituntunin ang maaaring makadiskaril sa programang pumipigil …
Read More »Sablay ang taktika ng ‘kaliwa’ sa ABS-CBN
MALING-MALI ang ginawa ng grupong makakaliwa sa pakikipag-alyansa nito sa ABS-CBN, at dapat na maharap sa disciplinary action ang handler o political officer na humahawak ng “UG” group ng dambuhalang TV network. Kung tututusin, sa halip na magamit ng kaliwa ang ABS-CBN, ang leftist group pa ngayon ang nagagamit sa propaganda ng maimpluwensiyang Lopez family na kilala bilang pangunahing oligarko …
Read More »OFW Department dapat nang itatag
PABOR tayo sa sinasabi ni Senator Christopher “Bong” Go na pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFWs). ‘Yan ay matapos nating mapatunayan ngayong panahon ng pandemyang COVID-19 kung paano talaga itrato ng mga ahensiyang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Authority (POEA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga itinuturing nating “Bagong Bayani.” Sabi nga …
Read More »Minority report eksaherado
SIMULA noong Lunes, ang pag-aalis ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pa, senyales na bumabalik sa normal ang pamumuhay nating lahat. Hindi biro ang dinanas ng sambayanan. Dahil sa pandemyang COVID-19, napilitan tayong magkulong ng sarili, upang umiwas sa nakamamatay na virus. Marami ang nabago sa ating buhay. Isa ang karapatang pumunta sa lugar …
Read More »Buhay-Baguio sa pandemic, safe na safe
BUHAY-BAGUIO CITY, marami ang nangarap na mamuhay sa kilalang summer capital ng Filipinas. Pangunahing dahilan ang masarap na klima, malamig at maulan-ulan din. Basta ang dahilan ay masarap na klima – hindi mainit, hindi ka masyadong pressured. Talagang relaxing ang buhay sa lungsod. Bukod dito, araw-araw fresh ang niluluto mong gulay – manamis-namis ang mga bagong pitas na gulay. Nasubukan …
Read More »Ano ang pagkakaiba ng nagsisiksikang ‘Libreng Sakay ng PNP at AFP’ sa jeepney na pinagbabawalang pumasada?
PALAGAY ko naman ay hindi lang tayo ang gulong-gulong sa mga pronouncement, polisiya o patakaran, at pamantayan na inilalabas ng Inter-Agency Task for the Management of Infectious Diseases (IATF-MEID) ngayong nasa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Gaya nga ng sinasabi nila, sa ilalim ng GCQ ay pinayagan nang magbukas ang ilang negosyo …
Read More »Tamang desisyon
BUONG puso tayong sumasang-ayon sa desisyon ng gobyerno na huwag munang payagan na pumasok ang mga estudyante at magsagawa ng face-to-face learning. Tama ang kanilang desisyon dahil lubhang mapanganib at nakamamatay kapag nagsimula nang magkahawa-hawa ang mga tao bunga ng COVID-19. Nakikiisa tayo dahil katigtasan at kalusugan ng estudyande at tagapagturo ang nakataya. Kapag nandiyan na ang bakuna ay …
Read More »IATF media ID, hanggang saan puwedeng gamitin sa coverage?
HINDI nga ba kinikilala ng Baguio City Police Department (BCPD) ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infection Diseases media identification card na inisyu ng Malacañang – Presidential Communications Operations Office (PCOO) thru International Press Center? Inisyu ng PCOO ang ID sa media para gamitin sa coverage ngayong panahon ng pandemic saan man sulok ng bansa lalo na kung may daraanang …
Read More »Ordinaryong manggagawa, empleyado at mamamayan na kailangan nang pumasok, kalbaryo ang inabot sa GCQ
SA UNANG araw ng general community quarantine (GCQ) naging tampok ang mga hinaing ng mga manggagawa na naghintay nang matagal sa libreng sakay (pero walang dumating) o pampasaherong sasakyan, mahabang pila sa sakayan, mahabang lakaran, mahabang pila sa Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), at pagkatapos nang halos tatlong oras na hintay-lakad- pila-sakay, late pa rin sila pagdating …
Read More »Huwag excited! Death is free for all under GCQ, mas doble-ingat dapat
ILARAWAN po muna natin ang general community quarantine (GCQ) na haharapin mula ngayong araw, 1 Hunyo 2020: Isipin ninyo na ang sambayanang Filipino ay isang pamilya. Masayang nagsasaya ang inyong pamilya sa labas ng inyong tahanan nang biglang isa-isa nagbagsakan ang ibang miyembro — patay agad. Ganoon din ang nangyari sa inyong mga kapitbahay. Natakot kayo nang matuklasan ninyong mapanalasa …
Read More »Malabo pa sa sabaw ng pilos
ISANG linggo ng pagbartolina ang muling dumaan at dalawang tulog na lang ay tapos na ang modified enhanced community quarantine (MECQ). Hindi sukat akalain na pitumpo’t limang araw na pagkakulong na dinanas dahil sa pandemyang COVID-19 ay malapit na magwakas. Unti-unti natin maibabalik ang normal na buhay. Pero magiging normal na ba? Ang lockdown na ito ay …
Read More »PCSO, malaking tulong sa COVID-19 victims, etc…
SINO-SINO ba ang mga maituturing na COVID 19 victims, ang mga nahawaan lang ba ng virus? Literally, masasabing direktang biktima ang mga nahawaan ng “veerus” – ‘ika nga ni Pangulong Duterte. Pero kung susuriin, hindi lamang ang mga nahawaan ang maituturing na biktima at sa halip, lahat tayo ay naapektohan o biktima. Marami ang nawalan ng hanapbuhay – sa loob …
Read More »Sekretong ospital para sa mga Tsino?
SAGAD-SAGARAN na nga yata ang pananamantala ng mga dayuhan sa ipinakikita nating kabaitan at kaluwagan. Ito ay kung totoo ang balita na may sekretong ospital silang pinatatakbo na exclusive para lamang sa mga Tsino na nadale ng COVID-19. Ang ospital ay matatagpuan umano sa naka-lockdown na Golden Pavilion ng Fontana Leisure Parks sa Clark Freeport Zone. Naiulat na …
Read More »1,693 OFWs, seafarers, natengga sa ‘quarantine’ makauuwi na rin sa wakas (Kung hindi pa nagalit si Digong)
SEKRETONG malupit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niyang magalit para kumandirit ang mga pakaang-kaang na opisyal ng gobyerno. Huwag na tayong lumayo ng eksampol. Ganyan ang nangyari sa pakaang-kaang na si Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello, at ang puro dakdak na si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief, Leo Hans Cacdac. Sina Secretary Bello at OWWA chief Cacdac ang …
Read More »Good news sa LSIs ni Lt.Gen. Eleazar — “Makauuwi na kayo!”
STRANDED ka ba simula noong March 15, 2020 nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Luzon? Marahil, gusto mo nang makauwi para makapiling ang inyong pamilya? Ngayong nasa general community quarantine (GCQ) na ang ilang lalawigan at marahil ang uuwian mo ay kabilang dito. Matutupad na ang ipinapanalangin. May good news sa inyo si P/Lt. Gen. Guillermo …
Read More »“Wag putulan ng koryente!”
TALAGANG nakagugulat at nakagagalit ang nangyari nitong mga nakaraang linggo matapos matanggap ng mga customer ng Meralco ang kanilang bill, at hindi maintindihan kung bakit napakataas ng singil sa kanilang nakonsumong koryente. Sa kabila ng problema ng taongbayan dahil sa pananalasa ng COVID-19, marami ang nagtatanong kung bakit nagawa pa ng Meralco ang maningil nang sobra-sobra gayong hindi naman …
Read More »Duterte inalo si Duque (Duterte inalo si Duque)
HINDI natin alam kung ‘naaawa’ ba si Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III at kahit kabi-kabila na ang nananawagan na pagpahingahin na at palitan sa puwesto ay ‘inalo’ pa niya at hindi nagawang ‘diinan’ sa ginanap na Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) meeting at public address nitong Lunes ng gabi. Ang …
Read More »‘Tulisan’ sa DOH at Philhealth; Bandido’t linta sa pondo ng bayan (Sa panahon ng pandemyang COVID-19)
AKALA nati’y kasamang ‘na-expire’ ng dengvaxia at ng mga over stock na gamot ang mga ‘tulisan’ sa Department of Health (DOH) at PhilHealth. Super maling akala pala, dahil hanggang ngayon, sa gitna ng pananalasa ng pandemyang COVID-19, e nariyan pa pala sila at namamayagpag. Buhay na buhay pa ang sindikato sa DOH! Mantakin ninyo, kung sa pribado ay mahigit lang …
Read More »Politiko, walastik tuwing eleksiyon, sa pandemic ay no action
HINDI tayo natutuwang nanalasa ang pandemyang coronavirus (COVID-19) para matuklasan natin ang nakapanlulumong katotohanan at patunay na mas marami ang mga politikong eksperto sa pambobola kaysa mga totoong nagsaserbisyo sa publiko. Pansinin po ninyo, kapag eleksiyon, bumabaha ang kuwarta. Grabe ang vote-buying mula sa simpleng pamamahagi ng sandamakmak na giveaways hanggang sa abutan ng cash sa bisperas hanggang araw mismo …
Read More »‘Estámos jodídos’
IKINATUWA ng marami ang ika-16 ng Mayo dahil ibinaba ng Inter-Agency Task Force Against Emerging Infectious Diseases (IATF) ang modified enhanced community quarantine o modified ECQ sa Metro Manila, Laguna, at Cebu City. Nag-umpisa agad ang pila ng mga sasakyan. Hindi ito nasaksihan sa nakalipas na dalawang buwan bunga ng enhanced community quarantine na bunga ng pandemikong COVID-19. …
Read More »Manyanita
SA KULTURA ng bansang Mexico na nakaimpluwensiya rin nang husto sa Filipinas noong panahon ng Kastila, ang salitang manyanita ay tumutukoy sa padiriwang ng kaarawan ng isang tao o pista ng santo. Ito ay kadalasang ipinagdiriwang pagkalipas ng hatinggabi o sa madaling araw sa pamamagitan ng pag-awit para gisingin ang may kaarawan. Hindi tulad ng isang birthday party, ang …
Read More »