Thursday , September 29 2022
PANGIL ni Tracy Cabrera

Hidwaang Cayetano at Velasco

Kung ano ang puno, siya ang bunga.

— Salawikain

BAGITONG reporter pa lang ako noon ng Journal Group of Publications nang makilala ko at maging kaibigan ang ama ng ‘nagpaalam’ na House speaker Alan Peter Cayetano na si Atty. Renato ‘Rene’ Cayetano.

Hindi ko akalaing maging kakaiba ang pamantayan ng supling ng batikang abogado na humawak bilang bahagi ng prosekusyon sa kontrobersiyal na kaso ng Vizconde massacre. Nakasama ng matandang Cayetano ang batikang abogado at dating senador Rene Saguisag.

Sa nagwakas na hidwaan ng batang Cayetano at Marinduque representative Lord Alan Velasco, kitang-kita ang tunay na kulay ng una, na ang ikinatuwiran sa pagkapit-tuko sa pagiging pinuno ng Kamara (de Representante) ay kautusan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin niya ang talakayan ng pambansang budget sa 2021 para maaprobahan ito bago magtapos ang kasalukuyang taon.

Iba ang pagkakakilala natin sa ama ng dating House speaker, matalino, matapat, kumakatig sa katarungan at isang tunay na lalaking tumutupad sa kanyang pangako at naninindigan sa kanyang mga prinsipyo.

Ganito ba ang naipamalas ng kinatawan ng Taguig-Pateros nang makipagbangayan siya sa kasamahan niyang mambabatas na si Velasco?

Nasaan ang pagiging maginoo ng magiting na kongresista at dating speaker na parang gustong suwayan ang kasunduan nilang hahalili sa kanya si Velasco?

Napakasamang ehemplo ang ipinakita ng batang Cayetano — nakahihiya para sa isang iginagalang na mambabatas na bumabalangkas ng mga batas na dapat sundin ng bawat Filipino.

Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang ginawa, napatunayan lamang niya na hindi na uubra pa ang salawikaing “kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.”

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

 

About Tracy Cabrera

Check Also

ULINIG ni Randy V. Datu

Kabayaran ng katigasan ng ulo sa panahon ng kalamidad

ULINIGni Randy V. Datu MAPAGPALANG ARAW sa ating lahat. Ating naulinigan na maaliwalas na ang …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sino’ng nakikinig kay Bongbong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MALIWANAG na ang pinakamahalagang natamo sa biyahe kamakailan ni …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC Jail PDLs, nabigyan ng pag-asang makapagtapos sa K12

AKSYON AGADni Almar Danguilan ANAK mo ba’y nakakulong ngayon sa Quezon City Jail Male Dormitory …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Bagong director, bagong imahen ng NBI, tama?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPWA may espesyal na pagkakakilanlan sina Energy Secretary Raphael …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pagdukot, pagpapatubos sa mga Tsinoy, lumala na naman?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKAPAPANGAMBA ang ulat ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, …

Leave a Reply