Thursday , December 26 2024

Opinion

May misdeal ba sa e-Passport contract?

Bulabugin ni Jerry Yap

NOONG 1980s ang mdalas batikusin na ginagawang negosyo ay sistema ng edukasyon at kalusugan sa bansa. ‘Yan kasi ang dalawang bagay na hindi dapat balewalain ng bawat indibiduwal at ng pamahalaan. Kaya nga kabilang ang Department of Education at Department of Health sa mga corrupt-ridden agency sa bansa. Marami kasing pangangailangansa dalawang ahensiya na pinasok ng mga pribadong kontratista. Ngayon, …

Read More »

Si ‘stone-faced’ ninong ni Stonefish sa binyag

HINDI makapaniwala ang maraming supporters ni Pang. Rodrigo R. Duterte nang mapabalitang si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang isa sa mga nag-ninong sa binyag ng apong si Stonefish (Marko Digong Duterte Carpio), bunsong anak nina Davao City Mayor Inday Sarah Duterte-Carpio at asawa nitong si Atty. Maneses Carpio. Sa dinami-rami nga naman ng respetado at marangal …

Read More »

Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa iba

WALANG masama na makipagkaibigan tayo sa Tsina pero dapat tayong maging maingat sa pakikipag-ugnay sa kanya at sa alin mang bansa sapagkat wala tayong karanasan bilang bansa sa kalakaran ng “geopolitics.” Ito ang epekto ng mahabang panahon ng ating pagpapailalim sa saya ng mga Amerikano pagdating sa ating ugnayang panlabas. Bulag tayo ngayon sa mga malalalim na usapin tungkol sa …

Read More »

Nasaan ang kahihiyan ni Kit Belmonte?

Sipat Mat Vicencio

NAGKAMALI ng kalkulasyon ang grupo ng Liberal Party (LP) sa Kamara na hindi sila sisibakin sa kani-kanilang puwesto matapos bumoto ng “no” sa panukalang pagbabalik ng death penalty, na isa sa mga priority bills ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Isa si Rep. Kit Belmonte sa apat na LP congressmen na sinibak ni House Speaker Pantaleon Alvarez. Kasama niyang …

Read More »

Ang ‘stupid’ nga naman!

Bulabugin ni Jerry Yap

ESTUPIDO raw ang kalahati ng mga driver sa Filipinas, ‘yan ang sabi ni Senador Vicente “Tito Sen” Sotto. Maliban sa pagsasabing estupido ang mga driver na Pinoy, wala nang ibang sinabi pang rason si Sotto. Kapag kumuha raw ng honest-to-goodness driver’s examination gaya sa Estados Unidos, tiyak daw na babagsak ang mga Pinoy — dahil estupido?! Wattafak!? Ito namang si …

Read More »

Kontrol sa armadong labanan dapat pangatawanan ng NDF

Bulabugin ni Jerry Yap

ANG Filipinas daw ang may pinakamahabang insurhensiya sa buong mundo. Ibig sabihin, matindi ang determinasyon ng mga rebeldeng komunista na maiposisyon ang kanilang mga mithiin at adyenda sa lipunan. ‘Yan din siguro ang dahilan kung bakit kahit ilang beses nabulilyaso ang usapang pangkapayapaan ay patuloy nila itong iginigiit. Hindi natin tinatawaran ang determinasyon at pagiging matiyaga ng Communist Party of …

Read More »

Ituloy ang barangay election

NAGKAKAMALI si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kung sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang ipagpapaliban ang barangay election. Ang katuwirang gagamitin lamang ng mga drug syndicate ang eleksiyon para maipagpatuloy ang kanilang operasyon sa droga ay hindi tama. Kung mismong si Duterte ang nagsasabing mahigit sa 5,000 barangay chairman ang sangkot sa ipinagbabawal na gamot, hindi ba lalong mas mabuti kung …

Read More »

Mayor Lim magsasalita sa isyu ng vote-buying; Iregularidad, ibubulgar

NAKATAKDANG magsalita si Mayor Alfredo Lim upang ibulgar ang mga iregularidad at malawakang vote-buying na naganap sa eleksiyon noong nakaraang taon sa Maynila. Panauhin ngayong umaga si Lim sa Kapihan sa Manila Bay, isang forum ng mga aktibong print at broadcast media practitioners na lingguhang idinaraos sa Café Adriatico sa Malate. Liliwanagin ni Lim na wala pang pinal na desisyon …

Read More »

P550 terminal fee sa OFWs ipinatanggal ni MIAA GM Ed Monreal (Bilang pasasalamat ni Tatay Digs)

Bulabugin ni Jerry Yap

MAGANDANG balita sa mahigit tatlong milyong overseas Filipino workers (OFWs)… Simula sa susunod na buwan, Abril 2017, hindi na magbabayad ng P550 terminal fee sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang OFWs. Bukas, Miyerkoles, 15 Marso 2017, si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal at lahat ng airline officials o mga kinatawan nila …

Read More »

Lumayas kayo sa super majority!

HINDI na kailangang hintayin pa ng anim na kongresista na kabilang sa Liberal Party (LP) na sibakin sila ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa kani-kanilang puwesto nang hindi sila bumoto pabor sa Death Penalty Bill. Nakahihiyang sa kabila nang pagkontra nila sa Death Penalty bill, kapal mukhang nagawa pa rin nilang manatili bilang kasapi ng super majority. Nasaan ang prinsipyo …

Read More »

Congressman na pilipit ang dila

the who

THE WHO si party-list congressman na dahil yata sa pagiging tanders o matanda na ay umurong na ang dila sa katagalan. Ngak ngak ngak ngak ngak! Ayon sa ating Hunyango na ubod nang daldal habang nasa sasakyan, usap-usapan na raw sa Kamara si congressman dahil sa pagiging bulol. Anak ng bulol ‘yan oo! Itong si Sir, bukod sa pagiging bulol …

Read More »

Kaya pala pumasa ang NAC Rio Tuba…

KAHANGA-HANGA ang ipinamamalas na kampanya ni Environment Secretary  Gina Lopez laban sa pagmimina sa bansa. Natatanging siya lamang ang nakapagpasara ng 23 minahan. Pero ano kaya ang naging pamantayan ni Lopez  sa pagpapasara? Naturalmente, may nilabag na batas ang mga minahan. He he he… ipa-sasara ba ang mga iyan kung walang nilabag? Alam natin na noon pa man ay kilala …

Read More »

Pagsasalegal sa Marijuana umarangkada

UMARANGKADA na sa House Committee on Health ang talakayan para gawing legal ang paggamit ng Marijuana bilang gamot, upang makatulong sa mara-ming pinahihirapan ng iba’t ibang malalang sakit. Sa panukalang batas na inihain ni Isabela congressman Rodolfo Albano III kaugnay ng wastong paggamit ng medical marijuana ay magtatalaga ng manggagamot at caregiver na may sapat na kaalaman ukol dito, bukod …

Read More »

Tama si Pangulong Digong Duterte

MAGANDA ang ginagawa ng PNP sa pamumuno ni Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa dahil hinikayat niya ang simbahang Katoliko na sumama sa anti-drug war reloaded upang lalong maiayos nang mabuti para sa bayan. Pero ayaw naman ng simbahang Katoliko sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Iniaabot ni Pangulong Duterte ang kamay niya para sa pagkakaisa, e marami pa silang tsetse buretse …

Read More »

P.5-M suhol sa PNP commander para hindi ‘maipatapon’ sa Basilan lagot kay Gen. Bato!

Bulabugin ni Jerry Yap

TALAGA naman! Kapag may bagong utos, may bagong suhol rin. Nakarating na kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, na may police commander na kumita nang halos kalahating milyong piso mula sa lespu na ayaw magpatapon sa Basilan. Pulis-Maynila daw po ang nanuhol. Grabe, ang daming pera ng pulis-Maynila na ‘yan! Kaya naman pala ang …

Read More »

Kailan natin tutularan ang South Korea laban sa mga magnanakaw

KINATIGAN ng Constitutional Court ang pagpapatalsik sa babaeng pangulo ng South Korea na si Park Geun-hye sa kasong corruption at betrayal of public trust nitong nakaraang linggo. Napakabilis ng mga pangyayari pagkatapos ibulgar sa  media noong October 2016 ang pangingikil ng matalik na kaibigan ni Park Geun-hye na si Choi Soon-sil nang milyon-milyong dolyares mula sa malalaking negosyante ng South …

Read More »

Uupuan kaya ng boksingero ang papel ng environmentalist sa makapangyarihang CA?

IBINITIN ng bicameral Commission on Appointments na pinamumunuan ng boksingerong senador na si Manny Pacquiao ang pag-aapruba sa nominasyon ng kilalang mapagmahal sa kalikasan na si Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa mariing pagtutol ng mga kompanyang nagmimina sa bansa. Walong oras na magiting na idinepensa ni Lopez sa komisyon ang kanyang …

Read More »

Tigil muna sa politika presyo ng bilihin naman

Sipat Mat Vicencio

TAMA na muna ang politika, at makabubuting sumentro naman ang ating mga lider kung paano malulutas ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.  Maging dilawang grupo man ito o administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, mag-usap-usap at magkasundo muna kahit panandalian lang para tugunan ang paghihirap ng bayan. Tigil-bangayan naman, at silipin muna ng mga politiko kung ano …

Read More »

Tigasin si barangay councilor na karnaper

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

HINDI dapat ipagpatuloy ni Barangay San Jose, Novaliches Quezon City, Arnel Divera ang kanyang posisyon bilang konsehal ng barangay. Kahit ang taongbayan ng nasabing lugar ang nagluklok sa kanya, dahil hindi dapat manatili ang isang Karnaper at bumibili ng spare parts ng mga carnap na motorsiklo. **** Matapos salakayin kamakailan ng mga tauhan ng Task Force Limbas ng QCPD-PNP ang …

Read More »

Huwat?! Walang gov’t ID si Manay Sandra Cam?

Bulabugin ni Jerry Yap

KAPAG high-risk person ba, talagang walang goverment identification cards (IDs)?! Kapag whistle-blower ba parang CIA agent-movie na kailangan walang identity cards at tanging credit card lang ang dala?! Kapag kandidatong appointee sa government post, dapat matapang at nambu-bully?! ‘Yan po ang running joke ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang makapigil hiningang ‘pagwawala’ raw ni Madam Sandra Cam …

Read More »

‘Mighty deal’

Bulabugin ni Jerry Yap

TILA areglong walang lusot. ‘Yan ang usap-usapan sa mga coffee shop matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na puwede makipagkompromiso ang kanyang administrasyon sa tax evader na Mighty Corp., na pag-aari ng isang Alex Wong Chu King, ang sinabing nagmamanupaktura ng mga produktong sigarilyo na dinadaya ang paglalagay ng selyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang alok kasi …

Read More »

Bye, bye Yasay

Bulabugin ni Jerry Yap

MUKHANG nawalan ng saysay ang pagharap ni outgoing Foreign Affair Secretary Perfecto “Jun” Yasay sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) dahil tuluyang ibinasura ang kompirmasyon sa kanya. Inakala kasi ng CA na perpekto si Yasay, ‘yun pala napaka-imperfect niya dahil hindi man lang niya masagot nang oo o hindi kung siya nga ba ay American citizen. Ang sabi ni Yasay, …

Read More »

Mighty Corp., untouchable?

BALEWALA rin ang ipinuhunang sakripisyo ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kampanya ng pamahalaan laban sa talamak na pananabotahe sa ekonomiya. Ito ay matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) si Judge Tita Bughao Alisuag ng Manila Regional Trial Court (RTC) nitong March 6 na pinapaboran ang interes ni Alex Wong Chu King at …

Read More »

Kapit-tuko sa puwesto si Kit

Sipat Mat Vicencio

DAPAT lang na magbitiw na si Rep. Kit Belmonte bilang chairman ng House committee on land use kung may natitira pa siyang kahihiyan matapos bumoto kontra sa death penalty bill o House Bill 4727 na isinusulong ng administrasyon. Ano pa ang hinihintay nitong si Kit, Pasko? Ngayon pa lang, dapat ay nagbibitiw na siya sa kanyang puwesto sa mga komiteng …

Read More »

Grab car grab your money

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

DAPAT aksiyonan na ng Land Transportation and Franchise Board (LFTRB) ang mga operator ng Grab car, dahil hindi na tulad nang dati na nakatitipid nang higit sa metro ng taksi, sa halip ay mistula na rin itong mga holdaper sa kumukuha ng kanilang serbisyo! *** Mismo ang inyong lingkod ang nakaranas nang mataas na pasahe sa Grab car. Araw ng …

Read More »