HONEST people is very amazing, lalo na sa panahon ngayon.
E di lalo na kung nakita o naranasan mong makatagpo ng mga tapat na tao sa isang lugar o bansa na ikaw ay maituturing na estranghero.
Ito po ay personal na karanasan ng isa nating kaanak at gusto naming ibahagi sa inyo to feel good about these kind of people.
Tuwang-tuwa ang isang kaanak ng inyong lingkod dahil hindi niya akalain na ang kanyang MacBook na naiwan niya sa isang taxi sa Hong Kong ay mabilis na maibabalik sa kanya kahit nandito na siya sa Filipinas.
Madaling-araw noon ang flight niya pabalik sa bansa kaya s’yempre medyo inaantok pa siya, kaya pagbaba niya ng taxi sa Hong Kong airport deretso na agad sa loob para mai-check-in ang kanyang mga gamit.
Habang nagtse-check-in ng kanyang mga gamit doon niya napansin na nawawala ang kanyang MacBook at na-realize nga niya na naiwan niya sa taxi.
First thing first, dahil kailangan na niyang mag-check-in, nag-decide siya na harapin na muna ang biyahe pabalik sa bansa.
Kaya pagdating na pagdating niya sa NAIA agad siyang nakipag-ugnayan sa hotel na kanyang pinanggalingan para alamin ang kompanya at plate number ng taxi na kanyang nasakyan.
![MASAYANG tinanggap ng taxi driver sa Hong Kong ang reward na HK$500 mula sa may-ari ng MacBook na naiwan sa kanyang minamanehong sasakyan.](https://hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2017/05/052117-HK-macbook-taxi.jpg)