Friday , November 15 2024

Opinion

Ang daluyong na si Harvey

SALAMAT sa Diyos dahil sa kabila ng pananalasa ng Hurricane Harvey sa Houston, Texas ay walang kababayan natin ang naiulat na namatay bagamat marami sa kanila ang nadala sa mga evacuation centers matapos lumubog ang halos 80 porsiyento ng nasabing lungsod at mga katabing lugar. Ayon sa ulat ng mga awtoridad ay umabot sa 18 ang nasawi at tinatayang aabutin …

Read More »

Mabilog dapat nang maglinis ng bakuran (Nasa Iloilo City na si Espenido)

Bulabugin ni Jerry Yap

ITINALAGANG officer-in-charge ng Iloilo City PNP si Senior Inspector Jovie Espenido. Dahil mayroong batas o regulasyon na ang hepe ng pulisya ay kailangang may ranggong senior superintendent, kaya OIC lang ang status ng pagkakatalaga ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kay Espenido. Hindi na tayo nagtataka kung bakit madalas na bisita ng iba’t ibang media outlet si …

Read More »

Body cameras sa raiding operatives dapat ipatupad

Bulabugin ni Jerry Yap

MARAMING aral na mapupulot ang mga awtoridad sa pagkakapaslang sa binatilyong si Kian Loyd delos Santos. Isa na rito, ang rekesitos na kailangan magsuot ng body camera ang law enforcers na nakatalaga sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagsasagawa at nagsusulong ng anti-illegal drug war ng administrasyong Duterte. Lalo sa panahon na sila ay magsasagawa ng pagsalakay. Kung mayroong body …

Read More »

Handa ka na ba sa kalamidad?

ISINUSULAT ang editorial na ito’y ilang araw nang sinasalanta ng bagyong Harvey ang Houston, Texas. Dahil sa walang tigil na pag-ulan, bumaha na sa maraming lugar sa nasabing estado ng Amerika. Kabilang sa mga binaha ang kanilang mga highway at mismong ang airport. Marami ngayon ang nabibinbin sa San Francisco International Airport na sana ay pauwi sa Texas. Maraming Filipino …

Read More »

Beloved Pres. Digong: Reklamo vs Filinvest natetengga sa HLURB

LUMIHAM ang OFW na si G. Albert dela Rama tungkol sa problema na kanyang idinulog sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) laban sa Filinvest Development Corp. Ayon kay G. Dela Rama, binawi sa kanya ng Filinvest ang house and lot sa Valle Dulce Subdivision sa Bgy. Bubu-yan, Calamba, Laguna na tatlong taon niyang hinuhulugan. Hanggang ngayon ay hindi …

Read More »

Paunawa

Paunawa HINDI po matutunghayan ngayon ang kolum na USAPING BAYAN ng beteranong mamamahayag at ngayon ay alagad ng simbahan na si Rev. Nelson Flores, Ll.b., MSCK, dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa Houston, Texas. Nakikiisa po tayo sa panalangin na nawa’y pumayapa na ang panahon sa nasabing Estado ng Amerika para sa kaligtasan ng mga mamamayan na kinabibilangan …

Read More »

Andy Bautista ‘di dapat manghinayang sa kanyang posisyon

TAMA ang panawagan ng mga commissioner ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang chairman na si Andres Bautista na ikonsidera niyang mag-leave of absence muna o ‘di kaya ay tuluyan nang magbitiw sa kanyang puwesto ngayong siya ay nahaharap sa malaking kontrobersiya. Hindi dapat balewalain ni Bautista ang panawagan ng kanyang mga kasamahan kahit sabihin pang malaki ang paniniwala at …

Read More »

Drug ring na graders ang gamit nabuwag bunga ng QCPD coordination sa schools

DESPERADO na talaga ang mga sindikato ng ilegal na droga na kumikilos sa Quezon City, kaya lahat ng paraan ng pagtutulak o pagbebenta ay kanilang ginagawa. Nandyan iyong ginagamit ang hotel o apartelle sa kanilang negosyo. Modus nila’y umarkila ng kuwarto para roon gagawin ang transaksiyon o pagpapagamit ng droga “drug den.” Pero ang mga paraang ito ng sindikato ay …

Read More »

Dapat magkaisa

NAKALULUNGKOT ang nangyayari sa bansa natin, kailangan na ng dasal at magkaisa para matupad na ang tunay na reporma sa ating gobyerno. Sa isyu ng smuggling sa Aduana, may punto si Sen. Ping Lacson at may punto rin si outgoing Customs Chief Nick Faeldon. Magmahalan na lang sana tayo para sa bansa natin dahil iisa ang hangarin natin, ang sugpuin …

Read More »

Hustisya

INIHATID sa huling hantungan ang 17-anyos at grade 11 student na si Kian delos Santos noong Sabado, Agosto 26, sa La Loma Cemetery. Inilibing si Delos Santos, mahigit isang linggo makalipas ang malupit na police operation na natapos ang kanyang buhay sa kamay ng mga pulis na hanggang ngayon ay iginigiit na sangkot siya sa ilegal na droga. Pero nanatiling …

Read More »

The law applies to all — Mayor LIM

PANGIL ni Tracy Cabrera

Throughout history, it has been the inaction of those who could have acted; the indifference of those who should have known better; the silence of the voice of justice when it mattered most; that has made it possible for evil to triumph. — Haile Selassie PASAKALYE: Wika ni dating Manila Mayor ALFREDO LIM, “the law applies to all, otherwise none …

Read More »

Pres. Rodrigo “Digong” Duterte dapat gayahin ni Sen. Ping Lacson

Bulabugin ni Jerry Yap

HABANG binabakbakan si outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon ng mga mambabatas kaugnay ng nasakote nilang P6.4 bilyones na pinalusot na shabu, pinilit din kaladkarin ng ilang ‘anti-Duterte’ group ang pangalan ng anak ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na si Davao city vice mayor Pulong Duterte. Inakusahan ng ‘anti-Duterte’ group ang anak ni Pangulong Digong na siya umanong may kontrol sa …

Read More »

Sen. Ping Lacson: “ALL RIGHT, SIR?”

KAY Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson bumalandra ang kanyang ‘expose’ sa Senado ng ‘tara system’ sa Bureau of Customs (BOC). Sa isang press conference noong Huwebes ay bumuwelta si outgoing Commissioner Nicanor Faeldon at ibinulgar ang anak ng senador na si Panfilo “Pampi” Lacson, Jr., sa technical smuggling ng imported cement sa bansa. Base sa official documents na inilabas ni Faeldon, …

Read More »

Alvarez “persona non grata” na rin!

SA kasaysayan ng lehislatura, ang 17th Congress ng House of Representatives ang maituturing na pinakamagulo, pinakabastos at pinakotrobersiyal, sa ilalim ng pamumuno nina Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Floor Leader Rudy Fariñas. Hindi lamang ‘tinulugan’ nina Alvarez at Fariñas ang mga priority bills ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kundi pati ang usapin ng ‘kabit’ suhulan at pagpapakulong sa “Ilocos 6” …

Read More »

Walang ‘alibi’ sa integridad at delicadeza

Bulabugin ni Jerry Yap

LIDER Kuomintang man o Komunista, nagpakita ng integridad at delicadeza ang mga pangunahing lider ng China, sa Taiwan, sa Macau at sa Hong Kong sa gitna ng malalaking sakuna at disgrasya na labis na nakaapekto sa marami nilang mamamayan. Una rito, nang magbitiw sa tungkulin ang Taiwanese minister matapos magkaaberya ang power plant na naging sanhi para mawalan ng elektrisidad …

Read More »

‘Intel’ nina Fajardo at Bersaluna kailangan sa Marawi City

MAHUSAY ang ‘intel’ ng nasibak na si Northern Police District director Chief Superintendent Roberto Fajardo. Siya ang hinihinalang utak ng maniobra para siraan ang pagkatao ng pinaslang ng tatlong pulis-Caloocan City na si Kian Lloyd delos Santos na pinagbintangan nilang drug courier base sa social media. Ngising-aso pa si Fajardo nang sabihin sa media na hindi dapat ituring na “santo” …

Read More »

May hindi ‘makita-kita’ si Sen. Ping Lacson?!

Bulabugin ni Jerry Yap

MUKHANG kinapos at hindi umabot nang 360 degrees ang ‘pagmamasid’ ni Senator Panfilo “Ping” Lacson tungkol sa isyung ipinupukol niya kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Maraming demoralisado sa BOC rank & file employees sa unang ‘tirada’ ni Senator Panfilo “Ping” Lacson nang halos lahatin niya ang mga taga-Customs sa corruption na iniaakusa niya kay Faeldon na nagkamal ng P100-milyong …

Read More »

Korea

MARAMI ang sumisisi sa North Korea at sa lider nito na si Kim Jong-un bilang ugat ng krisis sa Korean peninsula ngayon. Subalit ang hindi napapansin ng karamihan ang katotohanan na ang tunay na ugat ng krisis ay sapilitang paghahati sa bansang ito ng United States at dating Unyong Sobyet (ngayon ay Russia) matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pasya …

Read More »

Si Kian ba ang magpapabago sa moralidad ng PNP?

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

HINDI lang wasak, kung hindi durog pa ang moralidad ng PNP sa kaso ng pagpatay sa teenager na si Kian de los Santos ng Caloocan City. Sa social media, nagbabangayan ang anti at pro Duterte, pati na taong bayan ay nagtatalo-talo sa kaso ni Kian. *** Maraming ahensiya ang nag-iimbestiga, ngunit mas pinili ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang NBI, …

Read More »

May pakiramdam ba si CAAP DG Capt. Jim Sydiongco!? (Attn: DOTr Sec. Tugade)

Bulabugin ni Jerry Yap

NAITANONG natin ‘yan, dahil napag-alaman natin na of all airports sa buong Filipinas, pinakamataas pala ang singilan ng terminal fee sa Kalibo International Airport (KIA). Kung ang ibang airports daw ay naniningil ng P500 kada terminal fee, bukod tangi na ang Kalibo International Airport ay naniningil ng P700 terminal fee per person sa international! Wattafak!? Pero ang masaklap, sandamakmak na …

Read More »

Galit ng bayan, ‘wag nang pag-initin pa

NAKAAMBA ang malaking protesta para sa 17-anyos na binatilyo na si Kian Loyd delos Santos, na binaril at pinatay ng tatlong pulis sa isang anti-drug operation sa Caloocan City noong isang linggo. Hindi naman tutol dito ang Malacañang. Nagpupuyos sa galit ang marami sa lantarang pagsisinungaling ng mga pulis na may kagagawan sa pagkamatay ng bata na pinilit umano ng …

Read More »

Ba’t sa PDEA walang napapatay, e sa PNP…bakit?

TALK of the town ang pagpatay kay Kian Loyd delos Santos, 17-anyos na pilit isinangkot sa droga ng Caloocan police. Binaril at napatay si Kian dahil nanlaban daw sa mga operatiba ng Caloocan Police ngunit, batay sa mga saksi, pawang kasinungalingan ang pinagsasabi ng pulisya. Hindi raw nanlaban at sa halip, binigyan ng baril ang binatilyo at inutusan na iputok …

Read More »

Nakaaalarma

MAGING ang Senado ay naaalarma na sa lumalaking bilang ng mga nasasawi sa mga isinasagawang operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga. Ang lalong nagpainit sa paksang ito, ang naganap na pagpatay ng mga pulis kamakailan sa 17-anyos na si Kian delos Santos dahil nanlaban umano sa pag-aresto. Nagliliyab sa galit ang maraming senador at pati ang mga kaalyado …

Read More »

Si tesorero tinatakot umano ng ‘mediamen’

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MARAMING opisyal ng mga pamahalaang lokal ang madalas mabiktima ng mediamen na wala namang media entity, ang tawag sa kanila ay ‘hao Shiao.’ Sila ‘yung mga nagpapakilalang mediamen na ang balitang isinusulat ay ipamimigay sa mga kakilalang kolumnista para batikusin ang isang opisyal na lingid naman sa kaalaman ng kolumnista ay ‘gumagawa’ ng pera ang taong nagbigay sa kanyang artikulo …

Read More »