Saturday , March 25 2023
DBM budget money

‘Kerengkeng’ na DBM official na may alagang sweet lover cum driver

PAGDATING pala sa imoralidad ay walang ipinagkaiba kay suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima ang isang tiwaling opisyal na matagal nang nagpapayaman sa Department of Budget and Management (DBM).

Pagkatapos magkamal ng limpak-limpak na ‘kickback’ mula sa bilyon-bilyong pondo para sa Mt. Pinatubo project ng mga nagdaang administrasyon, ang immoral na DBM official ay sa maanomalyang seminar naman ngayon nagpapasasa.

Mula pa raw noong 2012 nagsimula ang patuloy na raket ng DBM official para sa seminar na obligadong daluhan ng mga barangay at local executives sa Central Luzon.

Bawa’t kalahok ay may singil na P7,000 kada seminar na inoorganisa ng DBM official na ang mga paksa o topic ay wala namang kapararakan.
Pero si DBM official ay kumikita ng P50,000 bilang “honoraria” sa bawat seminar, at may pagkakataon pa na tatlong beses sa loob ng isang linggo kung ganapin.

Ibig sabihin, posibleng pinagkakakitaan nang hanggang P150,000 kada linggo ng damuhong DBM official ang raket na seminar.

Tuwing may seminar sa Baguio ay isinasama ng DBM official ang kanyang kalaguyo na kanyang ikinokolekta ng bukod na honoraria.

Pinalalabas niya na driver ang kanyang sweet lover kahit marami namang tsuper na pinasusuweldo ang DBM na kanyang magagamit sa kanyang mga pagbiyahe.

Pangalan ng ibang driver na sumusuweldo sa DBM ang ginagamit nila sa trip ticket. Pero ang driver na nakapangalan sa trip ticket ay naiiwan, at sa kanyang lover ipinamamaneho ang sasakyan na official vehicle ng DBM.

Kaya sa Baguio nila isinagawa ng kanyang kabayong driver ang karumal-dumal na kahalayan ay para mabisita ang kabibiling bahay doon ng DBM official.

Ang kalaguyo ng kerengkeng na DBM official ay inirekomenda niyang makapasok na empleyado sa isang government hospital sa Pampanga.

PATI MGA GAMIT
NG DBM NINANAKAW

AYON sa concerned citizen na lumiham sa atin, pinakikialaman umano ng lover ang pagpapatupad sa maliliit na proyekto ng DBM na may mababang halaga.

Sa kanyang lover umano ipinagkakatiwala ng DBM official ang pagbili ng construction materials.

Ang mga materyales na gamit sa construction ay pinasosobrahan ang pagbili at dinadala para magamit sa mga ipinatatayo at ipinakukumpuning bahay na naipundar ng DBM official.

Ultimo mga halaman at mga scrap ay inilalabas sa opisina ng DBM at dinadala sa mga naipapatayong bahay ng DBM exec.

‘DUMMY SPEAKER’
SA SEMINARS

ISINASAMA rin ng DBM official ang isang nagngangalang “Adora” para magsilbing speaker o tagapagsalita na P30,000 ang budget na honoraria kada seminar.

Samakatuwid, bukod sa suweldo bilang DBM employee ay kumikita ng halagang P100,000 si Adora na tumatayong speaker sa mga seminar.

Dahil sa mga seminar kaya ang mag-amo ay laging hindi matagpuan sa kanilang tanggapan at ipinagkakatiwala sa kanilang mga staff o tauhan para gampanan ang kanilang trabaho at responsibilidad.

Sa ating pagkakaalam ay malaon nang ipinatitigil ng Commission and Audit (COA) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga katulad na seminar.

Natuklasan kasi ng COA at DILG na ang mga paseminar sa barangay at lokal na opisyal ay paraan lamang na ginagamit para sa pangungurakot at pagsandok ng pondo.
Sa mga susunod nating kolum, tatanggalan ng maskara ang DBM official na dapat ipabusisi ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte ang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) para malaman kung tugma ang mga naipundar niyang ari-arian sa kanyang suweldo sa pamahalaan.
Abangan!!!

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Target: Mga lokal na opisyal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MISTULANG mga langaw na isa-isang bumabagsak ang mga lokal …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mga kriminal sa QC, hindi umubra sa QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan KUNG inaakala ng mga kriminal tulad ng mga holdaper, gunrunner, drug …

Leave a Reply