Friday , November 15 2024

Opinion

‘Bata’ ni DL, namumurong maging susunod na AFP chief

DAHIL sa pagkakaposisyon ni Major General Rolando Bautista, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sandiwa” Class 1985, bilang bagong Army chief, namumuro ngayon ang kanyang kaklase sa pinakamataas na posisyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Lieutenant General Carlito Galvez Jr. Si Galvez ay kasalukuyang commander ng Western Mindanao Command (Wesmincom) at hindi lingid sa organisasyon ng …

Read More »

Buwagin na ang mga barangay

PANGIL ni Tracy Cabrera

Forty percent of the total barangay captains are into drugs. That’s my problem. — President Rodrigo Roa Duterte PASAKALYE: Belated happy birthday sa ating kaibi-gang dating chairman ng Commission on Elections Benjamin Abalos. May you have more birthdays to come… KAUGNAY ng pagpapaliban ng halalan sa mga barangay sa Mayo sa susunod na taon, naging pananaw ni Muntinlupa representative Rozzano …

Read More »

Wala nang tiwala sa PNP ang mamamayan

BINATIKOS ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III  ang pagpatay ng mga hindi kilalang hitmen sa konsehal ng Puerto Galera, Oriental Mindoro na si Melchor Arago at sa anak niyang 15-anyos na lalaki nitong Martes. Sakay ang 52-anyos na si Arago ng kanyang kotse na nakaparada sa harap ng kanilang bahay nang paputukan ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo. Binaril …

Read More »

Nag-shy away ba si RPL sa counter- terrorism seminar?

Bulabugin ni Jerry Yap

MARAMI rin pala ang nakapuna sa nakaraang seminar ng counter-terrorism sa Bureau of Immigration na ginanap sa Clark Freeport Zone sa Pampanga tungkol sa  “absence” ng hepe ng Center for Training and Research na si Atty. Roy Ledesma. Hindi raw yata “feel” ni RPL ang ganitong klaseng activity lalo pa nga at ang sponsor ay US embassy at hindi ang …

Read More »

Mapalad si Secretary Roy Cimatu

Bulabugin ni Jerry Yap

KUMBAGA sa lighter na Zippo, one click lang ang kompirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kay retired general Roy Cimatu bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Napaksuwerteng tunay! Malayong-malayo sa kapalaran ni Madam Gina Lopez na hindi lang ilang beses nakaranas ng bypass kundi ilang beses pang naging biktima ng pang-iintriga ng kanyang detractors. …

Read More »

Kay Gen. Bato: Public service is a thankless job

SINUMBATAN ni Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa ang mga pumupuna sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Tinawag ni Gen. Bato na “ingrato” ang mga aniya’y kritiko na ayon sa kanya ay nakikinabang sa peace and order na idinulot ng war on drugs. Pero hindi kombinsido si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa peace and …

Read More »

Ngising-demonyo ang mga kapitan at kagawad

Sipat Mat Vicencio

NGAYONG tuluyan nang ibinasura ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nakatakdang eleksiyon sa barangay at Sangguniang Kabataan,  tiyak na ngising- demonyo sa saya ang karamihan sa mga incumbent na barangay chairman, kagawad at lider ng SK. Nitong nakaraang Lunes, 2 Oktubre, nilagdaan ni Digong ang Republic Act 10952 na nagpapaliban ng barangay elections na sana ay gagawin ngayong 23 Oktubre …

Read More »

Ingrato?

ISANG bintana sa niloloob ang ginawang panunumbat ni Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa na ingrato raw ang mga kritiko ng war on illegal drugs dahil nakikinabang din naman daw sila sa ibinubungang “peace and order” ng kanilang kampanya laban sa droga. Una, lumalabas na ibig pala ng hepe ng pambansang pulisya na tumanaw ng utang na loob …

Read More »

Si Renato “Jobless” Reyes, Jr.

KAPAL mo naman, ‘no! Mahiya ka naman, Jeng! Ito marahil ang kantiyaw na gagawin ni Wally Bayola, sakaling magkita sila ni Renato “Jobless” Reyes Jr., ang lider ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Nato kung tawagin si Renato ng kanyang malalapit na kaibigan. Tinaguriang “Jobless” si Nato dahil sa tinagal-tagal nang panahon, wala yatang naging trabaho si Nato maliban sa …

Read More »

Barangay, SK officials magdiriwang

sk brgy election vote

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Republic Act 10953 na nagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na dapat ay gaganapin ngayong 23 Oktubre 2017. Imbes ngayong buwan ay sa ikalawang Lunes ng Mayo sa susunod na taon (2018) gagawin ang halalan. Ibig sabihin mananatili sa kanilang puwesto nang pitong buwan ang mga kasalukuyang barangay officials. Hindi sila …

Read More »

To my favorite first two teachers… maraming salamat po

HAPPY teachers day po sa inyo sir and ma’am. Maraming salamat po sa inyong lahat. Sa magagandang asal at marami pa na inyong matiyagang itinuro sa amin. Kayong mga guro ay maituturing na isa sa bayani sa aming buhay kaya kami’y narito ngayon sa kinaroroonan namin. Ngayon naman, mga anak na namin o apo ang inyong mga inaalalayan o inihuhubog. …

Read More »

INGRATO! (Hugot ni Gen. Bato dela Rosa)

SADYA lamang talagang may hugot mga ‘igan o desmayado si Philippine National Police (PNP) chief, DG “Bato” Dela Rosa, kaya natawag niyang ingrato ang mga kritiko sa drug war, na pinuna ng mga mambabatas. “You can criticize us to high heavens, but I can tell you, sa inyong mga mata, mga critic, sabihan ko kayo, ingrato kayo ha!” ani Dela …

Read More »

Jailer ng MPD na tutulog-tulog sa pansitan?!

YANIG ni Bong Ramos

SINO po kaya ang jailer ng MPD-PS7 sa J.A. Santos Avenue sa Tondo, Maynila na tutulog-tulog sa pansitan at katabi pa ang mga de-mesa? Hindi naman po masamang matulog lalo na kung puyat ka. At lalong hindi rin kasalanan kaya lang sana’y nagtatago ka naman o gumigilid para hindi ka nakikita ng madlang pipol. Napakapangit tingnan na nakatungo ka sa …

Read More »

Anyare sa kaso ng tatlong doktor na pinaslang?

Bulabugin ni Jerry Yap

KABI-KABILA ang nakita nating protesta at narinig nating galit sa pagpaslang sa mga kabataan na sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Duzman (na hanggang ilibing ay kuwestiyonable kung siya nga ang bangkay dahil hindi nag-match ang DNA result sa kanyang mga magulang) na kinasasangkutan ng mga pulis-Caloocan. Katunayan, nanawagan pa ang iba’t ibang sektor laban sa …

Read More »

Bigyang pugay ang mga guro

BAGO pa tuluyang magwakas ang National Teacher’s Month bukas, 5 Oktubre, na nagsimula noong 5 Setyembre, bigyan natin ng huling pagpupugay at pasasalamat ang mga guro na nagsisilbing mga magulang ng ating mga anak sa paaralan. Alam natin na hindi madaling maging guro. Bukod sa bigat ng trabaho na kanilang kailangang gawin, mas mabigat ang responsibilidad na iniaatang sa kanya …

Read More »

Disbarment at kasong perjury vs Carandang

DAPAT nang lumayas sa puwesto itong si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, sa lalong madaling panahon, matapos umamin sa kanyang mga kasinungalingan laban kay Pang. Rodrigo “Digong” Duterte. Maliwanag na imbento lang pala ng damuhong si Carandang ang bilyong pisong deposito sa banko ni Pangulong Digong matapos pabulaanan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na galing sa kanila ang umano’y bank …

Read More »

Pag-aaring publiko ang mga pinunong bayan

MAINIT ang pagtatalo ng mga miron kung tama ba o mali na hindi pansinin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang imbestigasyon ng Tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa umano ay kahina-hinalang ugat ng yaman ng kanyang pamilya. May nagsasabi na dahil “bias” ang imbestigasyon ng Ombudsman ay marapat lamang na hindi ito pansinin ni Duterte. Tama lang daw anila na huwag …

Read More »

May integridad na mga tauhan kailangan ng BOC

customs BOC

HINDI ang pagbuwag sa Bureau of Customs (BoC) ang sagot sa problema sa korupsiyon ng nasabing kawanihan. Malaking kabulastugan ang rekomendasyong ito ng House of Re-presentatives committee on ways and means sa ilalim ni Quirino Rep. Dakila Cua. Mas lalong maghihikahos ang mamamayan kapag binuwag ang BoC na isa sa mga pangunahing ahensiya na nangongolekta ng buwis para sa pamahalaan …

Read More »

Mabuhay DoJ 120th anniversary!

Bulabugin ni Jerry Yap

NITONG nakaraang Linggo ay ipinagdiwang ng Department of Justice ang kanilang ika-120 anibersaryong pagkakatatag. Ang selebrasyon ay ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City na ang pangunahing panauhing pandangal ay si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang speech sa buong kagawaran, ini-emphasize ng Pangulo na hangga’t siya ang tumatayong presidente ng bansa isusulong pa rin niya ang tamang …

Read More »

Hanggang kailan magiging palpak ang MRT?

MRT

NASA ikalawang taon na ang administrasyong Rodrigo “Digong” Duterte pero parang walang nangyayaring pagbabago sa kalbaryong dinadanas ng mga commuter, partikular ang mga sumasakay sa MRT at LRT. Imbes matugunan ang malalang problema rito, tila lalo pa itong lumalala. Baka kalaunan, magigising na lang tayo na tapos na ang termino ni Duterte pero wala pa ring solusyon sa problema ng …

Read More »

Happy Anniversary DOJ!

KAHANGA-HANGA ang theme ng Department of Justice sa kanilang ginanap na 120th founding anniversary na “Grace and Justice: 120 Years of Service to the Filipino People,” the DOJ upholds its pledge to provide every person equal access to justice, to faithfully safeguard constitutional rights, and to ensure that no one is deprived of due process of law.” Napakaganda at kaaya-aya …

Read More »

Panlilinlang sa gobyerno?

NAKALULUNGKOT na makitang ang mga opis-yal ng Gabinete na itinalaga mismo ni President Duterte ang hindi sumusunod sa patakaran na inilatag ng pa-mahalaan. Pumutok kamakai-lan ang isyu na may mga reduction o pagbabago na napuna ang mga taga-media sa deklarasyon ng ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Gabinete sa kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) mula Disyembre …

Read More »

‘Barker’ bawal na sa QC

QC quezon city

BAWAL na sa Quezon City ang “barker” na nagtatawag ng pasahero sa mga illegal terminal at ”parking attendants” na nangonglekta ng bayad sa mga pampublikong lugar na pinaparadahan ng mga sasakyan. Ito ay matapos lagdaan ni Mayor Herbert Bautista noong nakaraang buwan ang City Ordinance No. SP-2612 laban sa mga barker at City Ordinance No. SP-2611 laban sa parking attendants, ayon sa pagkakasunod. Ang mga …

Read More »

Bigong anti-drug campaign ni Col. Mendoza sa Valenzuela City

Sipat Mat Vicencio

MUKHANG nagkamali tayo nang purihin natin itong si Valenzuela City Police Chief Col. Ronaldo Mendoza sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.  Hanggang ngayon kasi, patuloy na lumalakas ang kalakalan ng droga sa Valenzuela, at mukhang walang ginagawang matinong trabaho itong si Mendoza.  Kung ambisyon talaga nitong si Mendoza na tumaas ang ranggo at maging heneral dapat ay kumilos …

Read More »