Wednesday , April 17 2024

Happy New Year!  God bless us all!

NAPAKAGANDA ng taong 2017, kahit maraming ups & down ay maraming nangyaring accomplishment sa ating bansa.

Pasalamat rin tayo sa buhay nating lahat sa ating Panginoong Hesus. Talagang mabigat ang pagsubok pero nandoon ang ating Panginoon na umaalalay sa ating buhay.

Kaya sa pagpasok ng 2018, sana lalo pang gumanda ang ekonomiya ng ating bansa sa pamumuno ng ating mahal na Pangulong Duterte.

***

Siyanga pala, bitayin na sana ‘yung pumatay sa mag-ina sa Cavite. Sobrang karumal-dumal na krimen. Akalain ninyo kalaguyo niya pala ‘yung babae pero pinatay pa niya. Gago ang  lalaking iyon, walang puso.  Nakalulungkot ‘yung asawa na seaman parang nasiraan ng bait.

***

Palpak na naman ang mga pulis-Mandalu­yong nakapatay dahil sa kapalpakan. Puro palpak. What a shame.

Sana sa bagong taon, maiayos na ang pulisya dahil ‘yung iba ay sumasali pa sa illegal activities.

Ano ba ‘yan?!

***

Sana magkaisa na rin ang mga politiko sa ating bansa at ‘wag puro kurakot at pansariling in­terest.

***

Si Pangulong Digong, SOJ Atty. Vit Aguirre at NBI Director Atty. Dante Gierran sila ang mga dapat tularan.

Kasama na riyan ang aking townmate na si BOC Commissioner Sid Lapeña na  nagtrabaho nang husto sa Duterte Administration.

Ang NBI at DOJ ang sandigan ng katotoha­nan dahil nakita natin na maraming accomplishments si NBI Director Dante Gierran at SOJ Vitalliano Aguirre.

Talagang workaholic sila kasama ang mga bata ni Pangulong Digong na sina NBI Deputy Director Eric Distor.

The best  silang lahat.

Kaya itpng 2018 ay lalo pang pag-iibayohin ng NBI ang trabaho nila kontra sa droga, krimen at corruption.

Mabuhay ang NBI!

***

Happy birthday pala kay Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Napakasipag sa trabaho, at lahat ay gagawin para lalo pang mapaganda ang Customs.

Estrikto si Commissioner Sid pero napakabait ng taong ‘yan at talagang siya ay maituturing na huwarang ama ng Aduana.

Wish ko po sa inyong kaarawan ay more blessings to come, always healthy and more birthdays to come.

Mabuhay ka Commissioner Sid at pagpalain ka lagi at gabayan ng ating Panginoon kasama ang iyong mga tauhan na nagsisilbi para sa ba­yan!

***

Happy New Year sa ating lahat at lalo sa lahat ng aking kasamahan sa media at kasama rin ang aming boss publisher Jerry Yap na may mabu­ting kalooban lalo sa nangangailangan.

Sana’y lalo pang magtuloy-tuloy ang swerte natin at trabaho kasama na rin ang lahat ng kasamahan natin sa HATAW!

God bless us all!

About Jimmy Salgado

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *