Friday , December 5 2025

Gov’t/Politics

Vape company ipinasasara ng Kamara

Vape Smoke

NANAWAGAN ang Kamara de Representantes sa Securities and Exchange Commission (SEC),  sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na buwagin ang negosyo ng Flava, isang kompanya ng vape, sinabing patuloy na lumalabag sa batas. Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means, sandamakmak ang paglabag ng Flava …

Read More »

Cayetano isinulong maayos na alert system para preparasyon sa banta ng kalamidad

Alan Peter Cayetano

BINIGYANG-DIIN  ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na sistema sa pagbibigay ng impormasyon bilang bahagi ng paghahanda sa mga kalamidad. Sinabi ito ni Cayetano, chairperson ng Senate committee on science and technology, sa pagdinig ng panukalang modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at Earthquake Monitoring and Early Warning System Act. …

Read More »

Rehistradong may-ari pinasusuko
ASUL NA BUGATTI CHIRON NEXT TARGET NG CUSTOMS

021224 Hataw Frontpage

MATINDING babala ang inihayag ng Bureau of Customs (BoC) laban sa rehistradong may-ari ng pinaghahanap na Bugatti Chiron hypersports car, hinihinalang ipinuslit papasok sa bansa dahil wala itong dokumento sa importasyon. Nangako si Customs Commissioner Bienvenido Y.   Rubio, titiyakin nilang mahanap ang isang Thu Thrang Nguyen, ang registered owner ng asul na sports car,  may plakang NIM 5448. “Surrender, or …

Read More »

Mataas na singil sa koryente banta sa ‘Bagong Pilipinas’

electricity meralco

BANTA sa economic goals na isinusulong ng inilunsad na “Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos, Jr., ang mataas na singil sa koryente ng Meralco, itinuturing na pinakatamaas na presyo sa buong Asya. Ito ang tahasang sinabi ni Rodolfo Javellana, Jr., Pangulo ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) kasunod ng panibagong anunsiyo ng Meralco na magdaragdag ng  P0.57 kada …

Read More »

Sa People’s Initiative para sa Chacha ECONOMIC PROVISION WALANG SAYSAY HANGGAT MAY KORUPSIYON

Law court case dismissed

BUO ang paniniwala ni Senador Sonny Angara na kahit anong gawing amyenda sa ating konstitusyon partikular na sa economic provision ay walang magiging saysay kung patuloy pa din ang korupsyon sa ating bansa.   Ayon kay Angara hindi ang economic provision ang nagpapa-isip sa mga namumuhunan kundi ang korupsyon.   Inihalimbawa ni Angara na ang isnag negosyante ay umatras sa …

Read More »

Muslim na biktima ng ‘Mistaken Identity’ nakalaya na

Senate Muslim

SA WAKAS, malaya na ang isang matandang Muslim na inaresto noong 2023 dahil sa “mistaken identity” – 176 araw matapos siyang ikinulong, ani Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla nitong Miyerkules. Ani Padilla, si Mohammad Maca-Antal Said na inaresto noong Agosto 10 at tinutukan niya, ay pinalaya mula Taguig City Jail matapos atasan ng korte ang kanyang kalayaan. Ngunit ipinunto ni …

Read More »

 Sa Chacha People’s Initiative
SENADO BINUBULLY NG KAMARA

Senate Congress

HALOS lumalabas na nabu-bully na ng mga kongresista ang mga senador sa kanilang pahayag ukol sa usapin ng People’s Initiative (PI). Ito ay matapos magbanta at magpahayag ang ilang mga kongresista sa mga senador ukol sa PI. Dahil dito sinabi ini Senador Sonny Angara na ayaw na niya o nilang patulan ang mga kongresista sa kanilang nagiging pahayag. Iginiit ini …

Read More »

Puso, bulsa protektahan ngayon Valentines Day

Blind Item, Man, Woman, Money

ITO ang paalala ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos  laban sa pagkalat ng mga mananamantala  o scammers ngayong Valentines Day. Ayon kay Abalos, kailangan na maging maingat ang  publiko laban sa ‘love scams’ dahil gagawin ng mga ito ang  lahat upang makakuha ng  pera sa  sinumang indibidwal na kanilang mabobola. Target  ng mga scammers ang mga indibiduwal na …

Read More »

DOTr execs, Solgen kinasuhan sa Ombudsman vs PUV modernization

ombudsman

KINASUHAN kahapon ng transport group na MANIBELA ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng pagbawi ng prangkisa sa mga unconsolidated public utility vehicles (PUVs). Sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman, sinabi ni MANIBELA president Mario Valbuena na nilabag ng mga opisyal ang Constitution and Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa pagsusulong ng PUV Modernization Program. …

Read More »

Pang-aabuso ng mga kabataan gamit ang AI dapat sugpuin

Sextortion cyber

SA gitna ng pagdiriwang ng National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse ngayong ikalawang linggo ng Pebrero, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na sugpuin ang banta ng artificial intelligence (AI) na siyang nagpapalala ng mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa bansa. Kasunod ito ng babala ni Council for the Welfare …

Read More »

Umentong P100 sa mga manggagawa nasa plenaryo na ng Senado

salary increase pay hike

ISINALANG na ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada sa plenaryo ng Senado ang panukalang dagdag na P100 para sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Nasa 4.2 milyong manggagawa ang tinatayang makikinabang sa isinusulong ng tagapangulo ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development sa ilalim ng Senate Bill No. 2534. Mula sa …

Read More »

Perjury isinampa vs Tiaong ex-mayor

Tiaong, Quezon

KASONG paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code (RPC) na perjury o pagsisinungaling ang inihain laban sa dating alkalde ng Tiaong, Quezon na si Ramon Preza  sa  Lucena City Regional Trial Court Branch 53, base sa ipinalabas na resolusyon ng Lucena City Prosecutor’s Office noong 11 Enero 2024. Ang kaso ay nag-ugat sa pinaniniwalaang pagsisinungaling ni Preza nang akusahan …

Read More »

 Willie inilantad pagtakbo bilang senador sa 2025

Duterte Willie Revillame

ABA, hindi na pagbabalik ng dating TV show kundi politics na sa 2025 ang inilalantad ni Willie Revillame na kalat na ang pahayag sa social media. Ayon sa reports, ang pagtakbo bilang senador sa mid-term elections sa 2025 ang target ni Kuya Wil, huh. Sa pahayag pa niya, kinumbinsi na si Willie ni former president Rodrigo Duterte na tumakbo bilang senador. Eh may TV …

Read More »

Pasimuno ng PI inginuso si Romualdez

martin romualdez

HINDI itinanggi ng mga nagpasimuno at nangunguna sa pagsusulong ng people’s initiative ang pakikipagpulong at tulong ni House Speaker Martin Romualdez. Nangyari ito sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos, ukol sa mga kontrobersiya na bumabalot sa pangangalap ng mga pirma ukol sa people’s initiative. Sa mga testimonya nina Alfredo Garbin ,Jr., ang …

Read More »

PBBM ‘pilit’ sa pagsulong ng PI — Imee

012924 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN  NANINIWALA ang ‘super ate’ ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, na napipilitan ang kanyang kapatid sa pagtutulak sa pagbabago ng Saligang Batas sa pamamagiran ng People’s Initiative (PI). Ayon kay Marcos, kilala niya ang kanyang kapatid at naniniwalang hindi talaga ito ang kanyang naisin ukol sa sistema ng pagbabago ng Konstitusyon. “Nagugulat lang ako. Kilala ko …

Read More »

Ex-Speaker inakusahan si Romualdez
PEOPLE’S INITIATIVE MANIPULADO, GAMIT PROGRAMA NG GOBYERNO

Pantaleon Alvarez Martin Romualdez

INAKUSAHAN ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez si incumbent Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pinangungunahan ang people’s initiative (PI) para amyendahan o baguhin ang 1987 Constitution gamit ang mga programa ng gobyerno upang manghikayat ng mga pipirma sa Charter change petition. “In fact, ginagamit nila ang AICS para pumirma ang mga tao. Bibigyan ka ng P5,000 basta pumirma ka sa …

Read More »

Pagpapalakas sa kalusugan ng senior citizens tinututukan ng Las Piñas LGU

Pagpapalakas sa kalusugan ng senior citizens tinututukan ng Las Piñas LGU

NAGPAPATULOY ang pag-arangkada ng pneumonia vaccination drive ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas para sa mga senior citizen upang siguruhin ang kanilang kalusugan at kapakanan. Nitong January 24, personal na tinutukan ni Vice Mayor April Aguilar ang pagbibigay ng libreng pneumonia vaccines sa higit 1,200 na nakatatandang Las Piñero sa pangangasiwa ng mga doktor at vaccinator ng City Health Office …

Read More »

ICC may basbas daw ni PBBM
TRILLANES GREAT DESTABILIZER — BATO

Bato dela Rosa Antonio Trillanes.

TRILLANES a great destabilizer. Ito ang tahasang akusasyon ni Senador Ronlad “Bato” dela Rosa laban kay dating Senador Antonio Trillanes. Ang reaksyong ito ini dela Rosa ay matapos manindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kamakalawa na hindi niya kinikilala ang sinumang kinatawan ng Internasional Criminal Court (ICC) na magsasagawa ng imbestigasyon sa bansa ukol sa mga naganap na Extra …

Read More »

Isinusulong na Cha-cha, Peso initiative not peoples initiative — Senador

012524 Hataw Frontpage

NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na hindi maaring tawagin pang Peoples Initiative kundi Pera initiative na ito ay dahil kapalit ng paglagda ng taong bayan ay may kapalit na halaga. Ayon kay Gatchalian batay sa impormasyong kanyang nakalap sa bawat pirma ng isang tao ay mayroong kapalit na isang daan o dalawang daang piso. Kung kaya’t maituturing na hindi na …

Read More »

Suarez binuweltahan akusasyon ni ex-Speaker Alvarez sa planong amyenda sa Saligang Batas

David Jay-jay Suarez Pantaleon Alvarez

HINDI nagpatumpik-tumpik ang bagong talagang Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon province at agad bumuwelta sa, umano’y, mga walang basehang akusasyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na nais lang pagwatak-watakin ang Kamara de Representantes. Kasabay nito binigyang diin din ni Suares ang kahalagahan ng isang konstruktibong dayalogo sa Kongreso at sinabing ang mga alegasyon ni Alvarez ay layon lang …

Read More »

Sen. Bong bukas palad sa pagtulong sa mga taga-industriya: Iwasan ang sakit, ipaalam lang, handa tayong tumulong

Bong Revilla

HATAWANni Ed de Leon PAPAALIS kami sa Loyola Memorial Chapels na roon nakahimlay ang labi ng aming kasamahang si Mario Bautista nang masalubong si Sen. Bong Revilla.  Nagkakuwentuhan din sandali sa harapan ng punerarya. Sabi ni Sen. Bong, “Nauubos na ang mga kaibigan natin sa press tumatanda na tayo, kailangan pangalagaan na rin ninyo ang health ninyo. Iwas na sa sakit at kung may …

Read More »

Comelec Chairman kinalampag sa disqualification case

Comelec

HARD TALKni Pilar Mateo KINALAMPAG ng mamamayan ng Ibabang Pulo, Pagbilao Quezon si  Chairman George Garcia ukol sa disqualification case na inirekomenda ni Provincial Elections Supervisor Atty. Allan Enriquez laban kina Brgy Chairman Gina Amandy at Kagawad Arnel Amandy ng Brgy Ibabang Pulo, Pagbilao Quezon Balita kasing naiproklama na raw ang dalawa kahit may election violations tulad ng paglagay ng mga oversized tarpaulins. Kailan kaya maaksiyonan itong mga isinampang …

Read More »

P120.4-M bayad ng NAPOCOR sa Norzagaray, panimulang pondo para sa bagong ospital

Norzagaray Bulacan

ILALAAN bilang panimulang pondo sa paglilipat ng lokasyon ng Norzagaray Municipal Hospital ang halagang P120.4 milyong Real Property Tax (RPT) ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa pamahalaang bayan ng Norzagaray. Ayon kay Norzagaray Mayor Ma. Elena L. Germar, kasalukuyang sa Barangay Poblacion nakatayo ang ospital na target ilipat ng pamahalaang bayan sa isang ektaryang solar sa Barangay Bitungol. Ipinaliwanag ng …

Read More »

BLACKOUT SA PANAY ISINISI SA MULTIPLE PLANT TRIPPINGS  
Giit ng NGCP whole-of-industry approach para sa maayos na supply

Electricity Brownout

MULING nanawagan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng isang whole-of-industry approach kasama ang mas maayos na energy resource planning kasunod ng naganap na multiple power plants tripping kaya naalan ng supply ng koryente ang Panay islands mula sa iba pang Visayas grid nitong nakaraang Martes, 2 Enero 2024. “The unscheduled maintenance shutdowns of the largest power plants …

Read More »

Kompara sa electric coops – Philreca
MERALCO BAKIT ‘DI KAYANG IBABA PRESYO NG KORYENTE?

122123 Hataw Frontpage

  IPINAGTATAKA ng isang mambabatas kung bakit hindi nagagawang magbaba ng singil ng koryente ng Manila Electric Company (Meralco) kompara sa electric cooperatives sa mga probinsiya na nagagawang maningil ng mura at mas mababa.   Ito ang tanong ni Philippine Rural Electric Cooperative Association Inc. (Philreca) Rep. Presley De Jesus sa kanyang interpelasyon sa pagdinig ng House committee on legislative …

Read More »