Sunday , December 14 2025

Gov’t/Politics

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

Bojie Dy Sandro Marcos

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang magtataguyod ng patas at malinis na politika matapos niyang ihain ang isang makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill —- isang hakbang na layong palawakin ang oportunidad sa paglilingkod-bayan at palakasin ang integridad sa pamahalaan. Inihain ni Speaker Dy ang House Bill (HB) 6771 kasama si Majority Leader …

Read More »

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Goitia

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system mula sa Department of Science and Technology (DOST) patungo sa Department of National Defense (DND) ay isang malinaw na hakbang tungo sa mas matatag na pambansang depensa. Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ipinapakita nito na kaya ng bansa na lumikha ng sariling …

Read More »

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

Money Bagman

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the Ombudsman laban sa ilang barangay officials sa Iloilo City na sinabing sangkot sa anomalya ng ‘pagkakaltas’ ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD. Nagtungo si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Ombudsman para magsampa ng administrative complaints, kabilang …

Read More »

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

Vigor Mendoza LTFRB

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa Insurance Commission (IC) na panatilihin ang dating sistema ng paseguro sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan sa ilalim ng Passenger Personal Accident Insurance (PPAI). Sa apat na pahinang liham ni Vigor kay IC Commissioner Reynaldo Regalado, may petsang 4 Disyembre 2025, ang pagkakaroon ng dalawang …

Read More »

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

DOST PTRI Weavers

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. Their designs, heritage, and livelihoods are increasingly threatened not only by printed and machine-made replicas but also by unfair market access, lack of intellectual property protection, and limited recognition of their rights as artists, cultural bearers, and workers. While counterfeit fabrics dilute authenticity and deceive …

Read More »

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another adrenaline-fueled installment of Lakbike Turismo: Lakbike Festival Teban 7 – Enduro Race, a premier downhill competition held last Sunday, December 7, on the rugged trails of Doña Remedios Trinidad, Bulacan, sealing the town’s reputation as one of the adventure and eco-sports destination in Luzon.  Organized …

Read More »

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

Bojie Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol Region na nagsasaad ng kanilang “buo at walang pasubaling suporta” kay Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III —patunay sa lumalawak na pambansang pagkakaisa sa likod ng kanyang liderato nitong mga nagdaang linggo. Sa pinakahuling bilang, umakyat na sa 242 ang mga kongresistang hayagang sumusuporta kay …

Read More »

Modernong Panunuluyan: Maralita naghahanap pa rin ng matatag na tahanan

NHA SJDM

MAHIGIT 500 maralitang residente at mga tagapagtanggol ng karapatang pantirahan ang nagmartsa patungong National Housing Authority (NHA) para sa Panunuluyan 2025, isang simbolikong pag-alala sa paghahanap ng tirahan nina Maria at Jose. Layunin nitong ilantad ang patuloy na displacement at kawalan ng seguridad na dinaranas ng mga Informal Settler Families (ISFs). Mula sa iba’t ibang komunidad sa Metro Manila at …

Read More »

Rep. Brian Poe nanawagan ng masusing pagsisiyasat sa kalagayan ng mga relokasyon para sa maralitang tagalungsod

Brian Poe Llamanzares 2

QUEZON CITY — Iginiit ni FPJ Panday Bayanihan Party-List Representative Brian Poe, PhD, MNSA ang agarang pagrepaso sa kalagayan ng mga relokasyon para sa maralitang tagalungsod sa pamamagitan ng kanyang inihain na House Resolution No. 560 na nag-uutos sa Committee on Housing and Urban Development na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa habitability at sustainability ng mga kasalukuyang resettlement sites sa …

Read More »

Goitia: Pagtulak ni Pangulong Marcos sa Matapang na Reporma at Panibagong Pamumuno sa Gobyerno

Goitia Bongbong Marcos BBM

Sa panahong muling sinusubok ang tiwala ng publiko sa pamahalaan, hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na unahin ang mga repormang matagal nang ipinaglalaban ng taumbayan. Kabilang dito ang anti dynasty bill, ang pagreporma sa party list system, ang paglikha ng Independent People’s Commission, at mas malinaw na akses ng publiko sa paggastos ng gobyerno. Layon nitong ituwid …

Read More »

9 ex-PNP officials 100 taon kulong sa AK-47 rifle scam

120925 Hataw Frontpage

HATAW News Team PINATAWAN ng Sandiganbayan ng sentensiyang makulong ng 100 taon si dating Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) chief Supt. Raul Petrasanta at walong iba pang opisyal dahil sa kasong multiple counts ng graft na may kinalaman sa AK-47 rifle scam. Sa 202-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Sixth Division, si Petrasanta ay napatunayang nagkasala sa 25 bilang ng …

Read More »

Stronghold ng Discaya, sabit sa insurance controversy sa LTFRB

Sarah Discaya Curlee Discaya

PINAIIMBESTIGAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagkakasama ng Stronghold insurance consortium sa Passenger Personal Accident Insurance (PPAI) para sa mga public utility vehicles (PUVs) kahit hindi ito nakapagsumite ng mga required documents sa itinakdang deadline ng ahensiya. Batay sa ipinalabas na Circular Letter ng Insurance  Commission na pirmado ni Commissioner Reynaldo Regalado, ang mga aplikante para …

Read More »

DOST CAR leads the benchmarking in Santa Rosa City to advance smart and sustainable initiatives

DOST-CALABARZON DOST CAR Santa Rosa, Laguna

Through the coordination of DOST-CALABARZON, the Local Government Unit (LGU) of the City of Santa Rosa hosted a successful benchmarking activity on December 3, 2025. The event was attended by officials and representatives from various DOST regional and provincial offices. This activity is a key component of the project “Empowering Communities through SMART Roadmaps and Technologies,” spearheaded by DOST-CAR. Its …

Read More »

DOST Region 2 Champions Youth Engagement and Gender Advocacy in VAWC Campaign Event

DOST PNP VAWC

As part of the nationwide 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children (VAWC), the Department of Science and Technology Region 02 successfully conducted its advocacy program “Mentoring Change: MOVE Forward to End Violence Against Women” on December 4, 2025, at the DOST R02 Conference Room. The event gathered a diverse audience—including representatives from partner agencies, DOST R02 staff, …

Read More »

Goitia: Kusang Pagharap ni Sandro Marcos sa ICI, Patunay ng Tapang at Integridad

Goitia Sandro Marcos

Humarap si House Majority Leader Sandro Marcos sa Independent Commission for Infrastructure matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa mga alegasyong inilahad ni dating kongresista Zaldy Co tungkol sa umano’y budget insertions. Mariing itinanggi ni Marcos ang mga paratang at tinawag itong walang batayan. Hindi siya itinuring na akusado at hindi nag iisyu ng subpoena ang ICI, ngunit pinili pa rin …

Read More »

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PAI Philippine Aquatics Buhain

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit lubos na mahuhusay na pambansang aquatics team sa ika-33 Southeast Asian Games mula Disyembre 9 hanggang 22 sa Bangkok, Thailand. Sinabi ng PAI Secretary General at swimming legend na si Eric Buhain na ang delegasyon—na binubuo ng mga manlalangoy, divers at mga koponan ng water …

Read More »

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

Daniel Fernando Bulacan

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan (CPIMP) sa Bulacan, inilabas ni Gob. Daniel Fernando ang Executive Order No. 22, series of 2025, na nagbibigay ng direktiba sa pagbuo ng Provincial Infrastructure Coordinating Council (PICC). Binigyang-diin ng gobernador ang kritikal na pakikiisa ng lahat ng lokal na pamahalaan, mula barangay hanggang mga …

Read More »

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

Bulacan SubayBAYANI Award

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, responsableng pamumuno, at mabuting pamamahala, kinilala ang Bulacan bilang SubayBAYANI Award Exemplar for 2025 sa ginanap na prestihiyosong pagpaparangal kamakailan sa Manila Hotel, sa lungsod ng Maynila. Kinikilala ng SubayBAYANI Awards ang mga lokal na pamahalaan na hindi lamang naghahatid ng konkretong resulta at magandang …

Read More »

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice supply chain sa Siapo Elementary School sa Barangay Pinagturilan, Occidental Mindoro — na nagpapakita na ang paglago at makabuluhang pag-unlad ay maaaring maging reyalidad kapag ang ahensiya ng pamahalaan at ang komunidad ay nagkaisa. Ang paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU)  sa pagitan ng National …

Read More »

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

Leilani Lacuna

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid ni dating Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna, ng graft at grave misconduct sa Office of the Ombudsman laban kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Manila Vice Mayor Chi Atienza, at 13 iba pa, nitong Martes ng umaga. Sa press conference, sinabi ni Lacuna, ang …

Read More »

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

Alan Peter Cayetano

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot kaya iminumungkahi niya ang pondo at koordinasyon laban dito. Babala niya, maaaring panghabambuhay na ang epekto nito sa mga bata kung mananatiling hiwa-hiwalay ang mga programa. “Hindi natin ipino-propose [na maglagay ng] wild amounts kung ‘di natin sure [kung saan gagamitin.] Pero sa mga lugar …

Read More »

P180-B ‘tinatayang nawawala’ sa ghost flood control projects

Money Bagman

MAHIGIT P180 bilyon ang malamang na napunta sa mga ‘guniguni’ o ghost na flood control projects mula pa noong 2016 — at hindi pa kasama rito ang mga substandard na proyekto, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson. Ayon kay Lacson, nakarating siya at ang Senate finance committee chairman sa pagtatayang ito base sa mahigit 10,000 proyekto …

Read More »

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na naglalayong palakasin ang kanilang lokal na kakayahan sa pagtugon sa mga emerhensiyang medikal sa National Capital Region. Ipinagkaloob ng PCSO sa isang seremonyang ginanap sa pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC) ang mga susi ng …

Read More »

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

Grace Poe

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey para sa 2028 vice presidential race ay naitala ni dating Senador Grace Poe, na ngayon ay kaagapay na ni Sen. Robin Padilla sa ikalawang puwesto sa 8.4% (+2). Nangunguna pa rin si Sen. Bong Go (19.1%, +3), ngunit malinaw ang paglapit ng suporta kay Poe …

Read More »

Para makulong mga sangkot sa flood control projects
ICI PALALAKASIN VS KURAKOT — TIANGCO

Toby Tiangco ICI

MULING iginiit ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang pagpasa ng kanyang panukalang batas na layong bigyan ng dagdag na pangil ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) para maimbestigahan at tuluyang maipakulong ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Tiangco, makatutulong ang kanyang House Bill No. 5699 para gawing mas mabilis at epektibo ang mga imbestigasyon ng …

Read More »