Saturday , April 27 2024

Police ops vs sugal sa NE 5 STL kolektor, 7 sugarol timbog

ARESTADO ang 12 kataong nasa kasarapan ng pagpipinta ng kanilang mga baraha nang hindi namalayang ang mga inaakalang ‘miron’ sa kanilang likuran ay mga operatibang naglunsad ng raid kontra illegal gambling, nitong Lunes, 22 Pebrero, sa pinagdausang bahay pasugalan sa Mampulog St., Bitas, lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Isinakay sa patrol car ng Cabanatuan City Police Station upang kasuhan ng PD 1602 ng anti-llegal gambling at paglabag sa safety health protocol kontra CoVid-19 ang mga  nahuling limang kolektor ng STL (small tow lottery) at pitong mga sugarol.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Rommel Santos, 30 anyos; Leonida Manggahilla, 53 anyos; Lolita Villafuerte, 42 anyos; Ann Marie Abrinica; Rialyn Regalado, 21 anyos, pawang mga kolektor ng STL; at Eliseo Quijada, 60 anyos; Segundo Taruc Jr., 41 anyos; Rowell Quijada, 35 anyos; Ronell Quijada, 25 anyos; Mary Joy Capulong, 28 anyos; Roderick de Lara, 40 anyos; at Lenie Segundo, 47 anyos, pawang mga residente sa naturang lungsod.

Kinompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang limang set ng baraha na ginamit ng mga suspek sa pagsusugal ng tong-its at poker maging ang mga tayang perang nagkakahalaga ng P1,500. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *