Friday , November 22 2024

News

Leptos cases sa Gapo tumaas pa

PINAIGTING pa ng Department of Health (DoH) ang kanilang monitoring matapos umakyat na sa 534 ang bilang ng naitatalang kaso ng leptospirosis sa Olongapo City. Sa naturang tala ay nasa 10 ang namatay, ilang araw lamang matapos silang magpositibo sa naturang karamdaman. Ayon sa record ng Olongapo City local health office, ito na ang pinakamataas na bilang ng leptospirosis cases …

Read More »

Kazakh national nalunod, Chinese nasagip sa Boracay

KALIBO, Aklan – Nauwi sa trahedya ang pagbabakasyon ng isang Kazakh national kasama ang kanyang kasintahan matapos malunod sa Brgy. Manoc-Manoc sa isla ng Boracay. Idineklarang dead on arrival sa Metropolitan Doctor’s Clinic sa isla sanhi ng pagkalunod ang biktimang si Valeriy Lotts, 40, taga-Kazakhstan. Bago ang insidente, nagpaalam ang biktima sa kanyang girlfriend na kinilala lamang sa pangalang Yekatiriva, …

Read More »

Progreso sa peace deal ipinagmalaki ng MILF, PH

KAPWA ipinagmalaki ng Philippine government at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang anila’y “substantial progress” sa isinusulong na negosasyon para sa pagbuo ng peace agreement sa Mindanao. Kahapon, tinapos na ng dalawang panig ang 41st round ng negosasyon sa Kuala Lumpur, Malaysia bilang paghahanda sa Muslim holiday na Eid’Ul’Adha. Sinabi ni government peace panel chair Miriam Coronel-Ferrer, target nilang mabuo …

Read More »

292 katao tiklo sa gun ban

UMAKYAT na sa 292 ang bilang ng mga nadakip dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban para sa nalalapit na barangay elections sa Oktubre 28, 2013. Ang mga naaresto ay 275 sibilyan, 10 security guards, apat na pulis; dalawang government employees at isang sundalo. Nasa 230 naman ang nakompiskang baril na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Comelec …

Read More »

Probe vs ‘Ma’am Arlene’ isinulong (DoJ tutulong sa SC)

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na makikipag-coordinate siya sa isinasagawang imbestigasyon ng Supreme Court sa isang ‘Ma’am Arlene,’ ang tinaguriang Janet Lim Napoles ng hudikatura. “In principle, I would go for and support any such probe. And if (the Department of Justice/National Bureau of Investigation) is asked by SC, particularly the (Chief Justice), to be involved in such …

Read More »

1.6-M INC members dadagsa sa ‘Lingap’ ( Trapiko tiyak apektado )

TINATAYANG may 1.6 milyong miyembro ng maimpluwensyang Iglesia ni Cristo (INC) ang inaasahang dadagsa sa gaganaping malawakang medical and dental missions na pangungunahan ng FYM (Felix Y. Manalo) Foundation ngayong araw sa lungsod ng Maynila. Sa kabila ng ginawang kautusan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga concerned local authorities partikular na ang Manila Police District upang mapanatili ang kaayusan …

Read More »

8 patay 4 missing kay Santi

KINOMPIRMA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na walo na ang patay habang apat ang nawawala sa Pampanga, Nueva Ecija at Aurora kasunod ng pananalasa ng bagyong Santi. Sinabi ni Office of the Civil Defense (OCD) Spokesman Major Reynaldo Balido, nagpapatuloy pa ang kanilang monitoring sa mga lalawigang matinding sinalanta ng pagbaha. Ayon kay Balido, patuloy sila …

Read More »

Klase sa Lunes suspendido (Handog ng INC sa Manileños free medical and dental missions)

SINUSPINDE ng pamahalaang lokal ng Maynila ang klase sa lahat ng antas ng mga paaralan upang bigyan-daan ang magkakasabay na grand medical at dental missions na isasagawa ng Iglesia ni Cristo (INC) bukas (Oct. 14) sa iba’t ibang lugar sa lungsod. Sa kanyang kautusan, hinayaan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga opisyal o namumuno sa iba’t ibang pampubliko at …

Read More »

3 Metro cop sinibak (Crime rate statistics dinoktor)

SINIBAK sa kanilang pwesto ang tatlong chief of police (COP) sa Metro Manila dahil sa pagdoktor ng crime rate statistics sa kani-kanilang areas of responsibility (AOR). Ayon kay PNP-PIO chief, S/Supt. Reuben Theodore Sindac, ang pagkakasibak sa pwesto sa tatlong opisyal dahil sa pagdodoktor ng statistics ng krimen ay bahagi ng programa ng pambansang pulisya na serbisyong makatotohanan. Sinabi ni …

Read More »

Bagyo vs bigas paghandaan

BINALAAN ngayon ni Senador Loren Legarda ang pamahalaan na magsagawa na ng hakbang upang paghandaan ang isang “worst case scenario” sa suplay ng bigas sa bansa dahil “ang pagtama ng iisang bagyo mula ngayon ay magdadala ng malaking kaibahan mula sa katatagan papunta sa krisis gaya noong 1995.” Ang tinutukoy ni Legarda ay ang krisis sa bigas noong taon 1995 …

Read More »

Kill plot vs Hahn buking (Sigalot sa Makati condo mas lumalim)

TALIWAS sa report na tapos na ang awayan sa kung sino ang nagmamay-ari ng Infinity Tower sa Makati, lalong lumalim ang gulo sa naturang condominium matapos ibulgar ng apat na sekyu ang maitim na plano para iligpit si Korean national Sheokwhan. Plano umanong isako si Hahn upang hindi na makapaghabol sa buong pag-aari ng sikat na Makati City condominium building. …

Read More »

Miss World Megan Young ipaparada ngayon

Dumating  kahapon, Huwebes ng hapon ang kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng korona bilang Miss World 2013, Megan Young, na agad bumiyahe sa London matapos koronahan sa Bali, Indonesia nitong Setyembre 28. Pasado alas-4:00 kahapon nang dumating si Young lulan ng Cathay Pacific CX 919 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Sinalubong si Young ng mga kawani ng media, …

Read More »

Palasyo manhid sa pag-alma ng SSS members

MANHID ang Palasyo sa pag-alma ng mga kasapi ng Social Security System (SSS) kaugnay sa pagtanggap ng milyon-milyong pisong bonus ng matataas na opisyal nito dahil sa paniniwalang nagmula ito sa kinita ng mga pinasok na negosyo at hindi sa kontribusyon  ng mga miyembro ng state-run trust fund. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, iginagalang naman ng Malacañang ang nakatakdang …

Read More »

Leptos death toll sa Gapo umakyat sa 8

IDINEKLARA na ang leptospirosis outbreak sa Olongapo City bunsod ng pag-akyat sa walo ng naitalang namamatay habang halos 300 kaso na ang naitatala. Ayon sa ulat, 296 katao ang tinamaan ng leptospirosis, karamihan sa kanila ay naka-confine sa James Gordon Memorial Hospital. Napag-alamang ilang bahagi ng ospital ang ginawa nang ward upang may mapaglagyan ang dumaraming ng mga pasyente. Nabatid …

Read More »

Holdaper ari ipinasubo sa biktima (Walang nakuhang pera)

CEBU CITY – Patuloy na kinikilala at pinag-hahanap ng mga awtoridad ang isang holdaper na nagmolestiya sa 30-anyos babae na kanyang hinoldap sa Purok Red Rose, Brgy. Yati, Lilo-an Cebu. Ayon kay C/Insp. Jose Liddawa ng Lilo-an police station, ang biktimang hindi pinangalanan ay personal na dumulog sa kanilang tanggapan upang isumbong ang ginawa ng suspek sa kanya. Sinabi ng …

Read More »

18-anyos kasambahay inasunto ng among Chinese national (P.8-M natangay ng dugo-dugo gang?)

UMABOT sa mahigit P.8M halaga ng salapi at mga alahas ang nakulimbat ng isang katulong na nagpalusot pa para makaligtas sa isinampang kaso sa Maynila, kamakalawa. Kasong qualified theft ang isinampa laban sa suspek ng biktimang si Shi De Ming, 47, Chinese national, nakatira sa Room 701 no. 1230, Piedad St., Binondo matapos malimas ang higit sa P.8 milyong halaga …

Read More »

10 PCP commanders sa Maynila ipinasibak

Sampung commander ng Police Community Precinct ng Manila Police District ang ipinasibak sa pwesto ni Manila Mayor Joseph Estrada. Ito ang nakasaad sa memorandum order ni Estrada kay Police Chief Supt. Isagani Genabe, Jr., may petsang October 9, 2013, at inaatasan ang MPD director na ipatupad ang “one strike and no take policy” kaugnay sa mga naiuulat na illegal gambling …

Read More »

OFWs ban sa HK

BRUNEI DARUSSALAM – Tiniyak ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi pababayaan ng gobyerno ang maaapektohang overseas Filipino workers (OFWs) sakaling maaprubahan ang panukala ng isang political party sa Hong Kong na i-ban ang mga Filipina domestic helper sa kanilang lugar. Sinabi ni Pangulong Aquino, wala silang magagawa kung ito ang desisyon ng Hong Kong government dahil teritoryo nila …

Read More »

Anak ni Napoles inasunto ng P320-M tax evasion

SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P32-million tax evasion case si Jeane Napoles, anak ni Janet Lim-Napoles, ang sinasabing utak sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam. Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, bigong makapagbayad ng buwis para sa taon 2011 at 2012 si Jeane na may mga ari-arian sa Los Angeles, California sa Amerika at farm …

Read More »

2 kelot utas sa boga ng assassin

PATAY ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril kahapon ng mada-ling-araw sa lungsod ng Maynila. Kinilala ang unang biktima na si Geronimo Quinto, 34-anyos, tindero, nakatira sa #4169 Younger St., Balut, Tondo, Maynila. Ang itinuturo namang suspek ay si Joseph Solano alyas Otep, nakatira sa Banahaw St., Balut, Tondo, kasama ang da-lawang hindi nakilalang lalaki. Ayon sa ulat …

Read More »

6,904 barangays tututukan ng Comelec

Labing-anim na porsyento ng mga barangay sa Filipinas o katumbas na 6,904 lugar ang itinuturing na “areas of concern” ng Commission on Elections (Comelec) ngayong barangay elections. Sa command conference ng COMELEC, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) Huwebes ng tanghali, 7,060 pang barangays ang inilagay sa election watchlist areas. Karamihan dito ay nasa Masbate, …

Read More »

Tumangging magsaing bahay sinunog ng anak

LEGAZPI CITY – Hindi makapaniwala ang mga magulang na susunugin ng 43 -anyos nilang anak na lalaki ang kanilang bahay sa Purok 2, Bacong, Ligao City makaraan nilang pagalitan dahil ayaw magsaing. Ayon sa mag-asawang sina Celedeño at Salvacion Ponteres, posibleng labis na naghinanakit ang kanilang anak na si Edgardo kaya sinunog ang kanilang bahay. Halos naabo naman ang kanilang …

Read More »

Bagyo vs bigas paghandaan

BINALAAN ngayon ni Senador Loren Legarda ang pamahalaan na magsagawa na ng hakbang upang paghandaan ang isang “worst case scenario” sa suplay ng bigas sa bansa dahil “ang pagtama ng iisang bagyo mula ngayon ay magdadala ng malaking kaibahan mula sa katatagan papunta sa krisis gaya noong 1995.” Ang tinutukoy ni Legarda ay ang krisis sa bigas noong taon 1995 …

Read More »

Sinisi sa rice price hike, shortage (Politika at desisyong palpak)

“Sadyang napakabagal at pinupulitikang mga desisyon” ang sanhi ng kakulangan sa bigas at mataas na presyo nito – ekonomista Para bang hindi pa sapat ang batikang pananaw ni Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic Development Authority (NEDA), isa pang dalubhasang mananaliksik sa ekonomiya at agrikultura mula sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang sumusog sa opinyon ng kalihim upang …

Read More »

5 todas sa ihi ng daga sa ‘gapo (Mahigit 200 naospital)

MAKARAAN ang matinding pagbaha dulot ng malakas na ulan bunsod ng habagat sa Olongapo City, lima katao ang namatay sa leptospirosis habang mahigit 200 kaso ang napa-ulat. Ayon sa ulat, 203 katao ang tinamaan ng leptospirosis, 175 sa kanila ay dinala sa James Gordon Memorial Hospital at 28 sa iba pang mga pagamutan. Ayon kay  Dr. Jewel Manuel, hospital administrator …

Read More »