Friday , November 22 2024

News

Bilanggo habambuhay vs aborsyon

PAPATAWAN na nang mas mabigat na parusa ang sino mang magsagawa o masasangkot sa aborsyon. “Fetuses have been found in garbage cans, thrown and abandoned by their mothers only to be discovered by unknown and concerned citizens and reported by the media,” malungkot na pahayag ni Rep. Amado Bagatsing (5th District, Manila), na siyang may akda ng House Bill 3201. …

Read More »

TF binuo sa pagpatay sa radio broadcaster

BUMUO ng task force ang pulisya upang tugisin ang responsable sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Michale Milo. Si Milo, radio brioadcaster at supervisor ng PRIME Radio FM sa Tandag City sa Surigao del Sur, ay namatay matapos pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang motorcycle-riding men. Sa inisyal na report ng PNP, pauwi na ang biktima sakay sa isang motorsiklo …

Read More »

Solar energy suportado ni Grace Poe

SINUPORTAHAN ni Senadora Grace Poe ang paggamit ng solar enery o enerhiya mula sa sinag ng araw bilang alternatibong mapagkukunan ng koryente. Ito ay dahilan na rin pahayag ng Meralco na aabot sa mahigit P4 ang ang dagdag singil kada kWh sa mga konsyumer simula ngayon buwan. Matatandaang inilunsad na rin ng Department of Energy (DOE) ang mga panuntunan at …

Read More »

2-anyos patay sa saksak ni nanay

LEGAZPI CITY – Patay ang 2-anyos batang babae matapos saksakin ng sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Calapucan, Brgy. Poblacion, bayan ng Monreal, Masbate kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Zhira Ragasa, tinamaan ng saksak sa dibdid dahilan ng agaran niyang pagkamatay. Nahuli naman ang ina ng biktima na kinilalang si Nerissa Ragasa, 28-anyos. Ayon …

Read More »

Army official patay, 2 pa sugatan sa enkwentro

BUTUAN CITY – Kinompirma ni Captain Christian Uy, spokesman ng Philippine Army 4th Infantry Division, isang Philippine Army junior officer ang namatay habang dalawang sundalo ang malubhang nasugatan sa enkwentro laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Sur. Inihayag ni Uy, ang tropa mula sa elite 3rd Special Forces Battalion ay idineploy sa Bgy. Buhisan, …

Read More »

300 MMDA personnel pararangalan

PARARANGALAN ang 300 kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinadala sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, isasagawa ang pagbibigay parangal matapos ang gagawing pagpupugay sa watawat ngayong Lunes. Pahayag ni Tolentino, ang pagbibigay parangal ay ang pagkilala sa ipinamalas nilang pagtulong sa clearing operation at pagtukoy sa mga namatay sa bagyo. …

Read More »

‘Peace Ark’ Barkong Ospital ng Tsina tumulong sa Yolanda victims

IPINADALA kamakailan ng gobyerno ng Tsina ang kanilang malaking barkong ospital, ang Peace Ark, para magdala ng tulong medikal at teknikal sa mga naging biktima ng napakalakas na bagyong Yolanda na nanalasa kamakailan sa mga probinsiya ng Leyte, Samar, Cebu, Iloilo at Bohol. Sinabi ng Embassy ng Tsina sa bansa na ang Peace Ark, ang kauna-unahang 10,000 toneladang class barkong …

Read More »

Well-meaning Pinoy musicians in concert (Kapit-kamay para sa mga biktima ni ‘Yolanda’)

agasa MAGSASAMA-SAMA ang mahuhusay at kinikilalang Pinoy musicians sa limang oras na awitan at tugtugan upang makatulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda. Ang konsiyertong “Bagong Umaga Bagong Pag-asa” ay gaganapin sa Sabado, Disyembre 14, ika-7 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi sa Pagcor  Theater, Casino Filipino Parañaque. Matutunghayan sa fund-raising concert ang kakaibang pagtatanghal ng mga respetadong Filipino …

Read More »

ECE stude dumayb sa pool mula sa 24/f lasog

PATAY ang 20-anyos college student  matapos tumalon sa swimming pool mula sa sa kanyang inookupahang kwarto sa 24th floor ng Grand Tower II Condominium, Taft Avenue, Malate, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jethro Mark Pechon, 1st year college sa Technological Institute of the Philippines (TIP), kumukuha ng kursong  Electronics Communication Engineering (ECE), nanunuluyan sa Unit 2423 ng …

Read More »

Testigo ni A1 tinodas sa tabi ng 3 anak

PINATAY kahapon si Elena Miranda (babae sa larawan), ang prime witness sa pagpaslang kay Domingo “A1” Ramirez noong May0 26. Si Ramirez ay kilalang leader ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa Baseco na nakatakdang tumakbo sa halalang pambarangay nitong nakaraang Oktubre bago siya pinaslang. Humalili sa kanyang pagtakbo ang anak na si Aljon “A1” Ramirez (ang lalaki sa larawan), masugid …

Read More »

7 Pinoy patay, 11 sugatan sa Yemen suicide attack

KINONDENA ng Palasyo kahapon ang naganap na suicide bombing sa Yemen na ikinamatay ng pitong Filipino at ikinasugat ng 11 kababayan natin kamakalawa. Tiniyak ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr., na ang mga opisyal ng gobyerno ay nakikipagtulungan sa mga opisyal sa Yemen upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino sa naturang bansa. Hinimok …

Read More »

Staff ng solon tinutugis ng NBI (Sa mga pekeng SARO sa DBM)

  KUMILOS na ang National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin ang staff ni Rep. Lilia Nuño na nagtago makaraang masangkot sa fake Special Allotment Release Order (SARO) scam. Ayon sa NBI, sinimulan nila ang paggawa ng aksyon matapos iutos ni House Speaker Feliciano Belmonte na tuntunin si Emmanuel Raza, staff ni Nuño. Si Raza ang natutukoy na pinagmulan ng …

Read More »

ACTO kasado sa ‘strike’ ngayon

NAKAKASA na ang gagawing transport holiday ngayong araw ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) kapag hindi natugunan ang kanilang hiling na dagdag pasahe. Banta ni ACTO President Efren de Luna, magsasagawa sila ng kilos protesta upang iparating sa gobyerno ang matinding pagtutol sa sunod-sunod  na pagtaas  sa  presyo ng diesel. Hiling ng ACTO ang P2.00 dagdag pasahe sa pampasaherong …

Read More »

Paliwanag ni Kapunan iniutos ng SC (Sa ‘korupsiyon sa hudikatura’)

PINAGPAPALIWANAG ng Supreme Court (SC) ang dating abogado ni Janet Lim-Napoles na si Atty. Lorna Kapunan kaugnay sa naging pahayag na may isang corrupt na mahistrado. Kaugnay nito, binigyan ng SC en banc ng 10 araw si Kapunan para magpaliwanag sa binitawan niyang salita sa isang interview hinggil sa kanyang nalalaman sa katiwalian sa hudikatura. Batay sa resolusyon na nilagdaan …

Read More »

Gag order sa Pacman case inilabas ng CTA

MAAARING maharap sa contempt charges ang sino mang maglalabas ng mga pahayag ukol sa tax case ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao. Ayon sa Court of Tax Appeals (CTA), sakop ng kanilang gag order ang kampo ni Pacquiao at ang Bureau of Internal Revenue (BIR). Magugunitang naging mainitan ang palitan ng pahayag nina Pacman at BIR Comm. Kim Henares dahil sa …

Read More »

P275K nadale ng ‘Dugo-dugo’ sa magtiyahin

NAPANIWALA ang 18-anyos estudyanteng babae ng miyembro ng “Dugo-dugo gang,” na naaksidente ang kanyang tiyahin kaya nakulimbat ang P275,000 halaga ng salapi at mga alahas sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Michel Filart ang biktimang si Jan Veda Marie Pajarillo, ng #3919 A. Macabulos St., Brgy. Bangkal, Makati City. Batay sa salaysay …

Read More »

6-anyos nene napisak sa delivery van

PATAY ang 6-anyos batang babae makaraang masagasaan ng delivery van na may kargang isda habang tumatawid sa kalsada sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Josephine Garganta, ng Sitio Puting Bato, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod Pinaghahap naman ang driver ng delivery van na hindi man lamang huminto upang tingnan …

Read More »

2 bata ikinulong ikinadena ng ama

DAGUPAN CITY – Nasagip ng mga awtoridad ang magkapatid na menor de edad na ikinulong at ikinadena ng kanilang ama sa loob ng kanilang bahay habang siya ay nasa trabaho sa bayan ng Mangatarem sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon sa suspek, napilitan lamang siyang gawin ito sa kanyang dalawang anak dahil sa kawalan ng mag-aalaga sa kanila habang siya ay …

Read More »

Dalagita inatado ng rapist

NAGA CITY – Patay ang 18-anyos dalagita matapos pagtatagain sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Santiago, Balatan, Camarines Sur. Kinilala ang biktimang si Jennylyn Olieres. Batay sa inisyal na imbestigasyon, mag-isa lamang si Jennylyn sa kanilang bahay dakong 3 p.m. nang pasukin ng suspek na si Espelito Novelo. Posibleng tinangka ng suspek na gahasain ang biktima ngunit nanlaban ang …

Read More »

1 patay, 5 sugatan sa CDO demolition

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang sibilyan habang sugatan ang lima pa kabilang ang dalawang pulis sa demolisyon sa Purok 1, Brgy. Calangahan, sa bayan ng Lugait sa lungsod na ito kamakalawa. Nabatid na makaraan ang insidente ay agad pinulong ni Misamis Oriental Governor Bambi Emano ang daan-daang apektadong pamilya, mga kinatawan at mga awtoridad na naatasan ng …

Read More »

2 dalagita nilamas, lolo kalaboso

KALABOSO ang 65-anyos lolo matapos lamasin ang maselang bahagi ng katawan ng dalawang dalagita sa Mandaluyong City kamakalawa. Ang mga biktima ay itinago sa pangalang Shiela, 15, at Miriam, 14, kapwa nakatira sa Brgy. Mauway, ng nasabing lungsod. Nadakip ang suspek na si Reynaldo Borja y Rialez, biyudo, at residente ng #956, M. Cruz St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City. Ayon …

Read More »

Staff ng solon tinutugis ng NBI (Sa mga pekeng SARO sa DBM)

KUMILOS na ang National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin ang staff ni Rep. Lilia Nuño na nagtago makaraang masangkot sa fake Special Allotment Release Order (SARO) scam. Ayon sa NBI, sinimulan nila ang paggawa ng aksyon matapos iutos ni House Speaker Feliciano Belmonte na tuntunin si Emmanuel Raza, staff ni Nuño. Si Raza ang natutukoy na pinagmulan ng pekeng …

Read More »

Pinay tiklo sa P10-M liquid Cocaine sa NAIA

INIHARAP ni Bureau of Customs (BoC) police OIC Willy Tolentino sa airport media ang dalawang kilo ng liquid cocaine (12mm) na nasabat sa dumating na overseas Filipino worker (OFW) na kinilalang si Mary Joy Soriano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Dubai sakay ng Qatar QR-962 kahapon ng umaga. (JERRY YAP) ISANG overseas Filipino worker (OFW) mula Qatar …

Read More »