2 dayuhan nalason sa gas leak (6 pa sugatan)
TACLOBAN CITY – Dalawang Icelanders ang hinimatay makaraan malason sa nangyaring gas leak sa Biliran Geothermal Incorporated (BGI) sa Biliran.
Habang anim trabahador pa sa nasabing planta ang nasugatan dahil sa insidente.
Napag-alaman, dalawa sa walong trabahante ng nasabing site ay Icelanders at mga kinatawan mula sa Icelandic engineering firm na Mannvit.
Ayon kay EyjΓ³lfur Γrni Rafnsson, managing director ng Mannvit, nakaranas ng hypoxia o kakulangan ng hangin sa katawan ang mga biktima sanhi ng kanilang pagkahimatay.
Agad silang naisugod sa ospital at nabigyan ng karampatang lunas.
(BETH JULIAN)
