Friday , November 22 2024

News

Kelot, nanapak ng pulis

SAPOL sa ulo ang isang pulis matapos suntukin ng isang lasing na lalaki sa Maynila kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Alex Cruz, nasa hustong edad at nakatira sa 613 Esguerra St., Tondo, Maynila. Batay sa imbestigasyon ni PO3 Rowel Candelario, aktong padaan ang pulis na si P02 Ranillo Flores sakay ng kanyang motorsiklo sa Francisco St., sa Tondo nang …

Read More »

Menor de edad, ginulpi ng mag-utol

ISANG 15-anyos binatilyo ang pinagtulungang sapakin at pinagtatadyakan ng magkapatid sa Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang biktima na si Rodjan Batara, nakatira sa 734 Fajardo St., Tondo. Hinahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na mag-utol na sina Ruben Barbin, 45, at Renel Barbin, 23. Maaari silang maharap sa kasong physical injuries at threat. (JOHN BRYAN ULANDAY)

Read More »

Resignation ni Abad inayawan ni PNoy

KOMPLETO ang Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III sa ginanap na budget presentation ni DBM Secretary Florencio “Butch” Abad kahapon. Naluha si Abad nang ihayag ni Pangulong Aquino na hindi niya tinanggap ang pagbibitiw ng budget secretary. (JACK BURGOS) IBINASURA ni Pangulong Benigno Aquino III ang resignation ni Budget Secretary Florencio Abad, na kasalukuyang nasa hot seat makaraan ideklara ng …

Read More »

Sorry ni PNoy sa SONA inaasahan

SINABI ng isang administration senator na dapat maghanda si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa paghingi ng paumanhin sa taong bayan kaugnay ng kontrobersiyal na P142 bilyon Disbursement Acceleration Program (DAP). Tahasang sinabi ni Sen. Serge Osmeña, dapat gayahin ni Aquino si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na humingi ng patawad sa kanyang pagkakamali kaugnay ng Hello Garci scandal, o dayaan …

Read More »

20 fratmen kinasuhan na sa hazing

KINASUHAN na sa Department of Justice (DoJ) ang 20 suspek sa madugong hazing sa apat neophytes ng Tau Gamma Phi, De La Salle College of St. Benilde Chapter, na ikinamatay ng 18-anyos na si Guillo Cesar Servando. Kabilang sa nahaharap sa paglabag sa Section 4 ng Anti-Hazing Law ay sina Cody Errol Morales, Daniel Paul Martin “Pope” Bautista, Kurt Michael …

Read More »

3 estudyante niratrat todas 2 sugatan

TATLONG estudyante kabilang ang isang babae ang patay at kritikal ang dalawang kasama nang barilin ng pinaniniwalaang away sa fraternity habang nanonood ng telebisyon kamakalawa sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ang mga namatay na sina Nathaniel Bacolod, 22, ng Blk. 20, Lot 24, Southville 8B, Brgy. San Isidro; Junmer Paraon, 22, ng nasabing lugar. at si Susan Mamaril, 21. Nilalapatan ng …

Read More »

Mag-dyowa todas sa ambush (Onsehan sa droga)

TODAS sa ambush ang live-in partners sa hinihnalang onsehan sa droga sa Rodriguez, Rizal kahapon ng madaling-araw. Sa ulat na ipinarating kay Supt. Samuel Delorino, chief of police ng Rodriguez PNP, kinilala ang mga napatay na sina Marieta Boragua, 43 at live-in partner na si Armando Caimo, 35, kapwa ng Lot-22, Southville-B, Rodriguez. Naglalakad pauwi ng bahay ang mga biktima, …

Read More »

5 bus nasunog sa Pasay welder nalapnos

KRITKAL ang isang welder nang tangkaing iligtas ang kanilang gamit sa nasusunog na limang unit ng United Land Transport and Bus Company (ULTRA BUS) sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. Inoobserbahan sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Noel Reyes, 26, stay-in sa Ultra Bus, sa Don Carlos St., Barangay 190, ng nasabing siyudad sanhi ng 2nd degree burns …

Read More »

Pagdakip sa Australian extremist ibinida ni Coloma

IPINAGMALAKI ng Palasyo na bahagi ng kampanya kontra-terorismo ng administrasyong Aquino ang pagdakip ng pulisya sa isang hinihinalang Australian Muslim extremist sa Lapu-Lapu City, Cebu kahapon ng umaga. “Bahagi  ito ng patuloy na kampanya laban sa terorismo,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kaugnay sa pag-aresto kay Robert Edward Musa Cerantonio, 29-anyos Muslim convert, itinuturing na online cheerleader ng …

Read More »

Dalagita patay sa ka-eyeball na gadget buyer (Nag-post sa Sulit.com, 2 buwan nawala)

SA punerarya na sa Caloocan City natagpuan ang 19-anyos dalagita makaraan ang dalawang buwan nang magpaalam sa ina upang makipagkita sa customer na bibili ng gadgets na ini-post niya sa Sulit.com. Kinilala ang biktimang si Angelie Bernardo, ng Brgy. Coloong, Valenzuela City, pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ng hindi nakilalang suspek na customer ng dalagita sa ibinibentang gadgets. Salaysay ng …

Read More »

Gigi Reyes isinugod sa ospital (Inatake ng anxiety nang ikulong sa BJMP)

ISINUGOD sa Taguig-Pateros District Hospital si Atty. Gigi Reyes dahil sa anxiety attack kahapon ng madaling araw. Dakong 1:05 a.m. nang isugod sa pagamutan si Reyes ilang oras pa lamang nananatili nang ilipat sa Camp Bagong Diwa, Bicutan ng naturang lungsod kamakalawa ng gabi. Sa press briefing na isinagawa ni Dr. Prudencio Sta. Lucia, medical director ng Taguig-Pateros District Hospital, …

Read More »

Abad lalantad pagkatapos ng SoNA

LALABAS na sa kanyang ‘lungga’ si Budget Secretary Florencio Abad makaraan ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III sa Hulyo 28. Ito ang pahayag ng Palasyo hinggil kay Abad na itinuturing na “missing in action” ng publiko, mahigit isang linggo na mula nang ideklara ng Korte Suprema ang iniakda ng Kalihim na Disbursement Acceleration Program (DBM) …

Read More »

P1.1-B DAP fund ginamit ng TESDA sa ‘ghost scholars’

IBINUNYAG ng Commission on Audit (CoA) na aabot sa P1.1 bilyon pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyong Aquino ang ginastos ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pekeng scholars noong 2011. Ito ay batay sa pagbubusisi ng CoA sa nasabing pondo na inilaan ng gobyerno sa TESDA gamit ang DAP para sa mga programang may …

Read More »

Sandiganbayan employees nag-walkout sa tax increase

NABULABOG ang mga nag-aabang ng pork barrel proceedings sa Sandiganbayan nang umeksena ang mga empleyado ng anti-graft court para hilingin ang dagdag na sahod at pagharang sa tax increase. Ayon sa Sandiganbayan Employees Association, matagal na nilang hinihintay ang dagdag na sahod kaya labis ang kanilang pagkadesmaya na dagdag buwis pala ang kanilang aabutin. Nagladlad pa ng malaking tarpaulin ang …

Read More »

Bala ng M79 sumambulat 2 patay, 4 grabe

DALAWA ang kompirmadong patay at apat ang sugatan sa pagsabog ng bala ng M79 Upper Lumasal, Maasim, Sarangani Province kamakalawa. Kinilala ni Eden Alcala, midwife ng Maasim Municipal hospital, ang dalawang namatay na sina Rolando Tamuay, 32, at Jenny Dula, 36. Nagkalasog-lasog ang katawan ng mga biktima dahil sa lakas ng pagsabog. Nabatid na naglilinis ng farm si Tamuay nang …

Read More »

Foreigner timbog sa fake bills

ARESTADO ang isang Polish national makaraan mahulihan ng pekeng pera sa Candoni, Negros Occidental kamakalawa. Nakakulong sa Candoni Police detention cell ang suspek na si Wociech Stolarski, 32, ng Lubin City, Poland. Ayon kay Insp. Junji Liba, ng Candoni Police Station, nakuha mula kay Stolarski ang bundle-bundle na counterfeit money sa iba’t ibang denominations na umaabot sa P25,000. Nadakip ang …

Read More »

14-anyos tigok sa pukpok ng kalaro (Dahil sa tsinelas)

LEGAZPI CITY – Patay ang isang 14-anyos binatilyo makaraan pukpukin ng bato sa batok ng kanyang kalaro dahil sa nawawalang tsinelas sa nabanggit na lungsod kamakalawa. Ayon sa ina na si Te-resita Toledo, lumabas ang kanyang anak na si Angelo kasama ang mga kaibigan nang makita ang suspek na naglalaro sa isang parke sa bahagi ng Brgy. Bañadero. Nagkapikonan ang …

Read More »

1 patay, 1 grabe sa amok na bebot

TODAS sa pagwawala ng isang babae ang isang lalaki at isa pa ang sugatan sa Mobo, Masbate kamakalawa. Patay agad ang biktimang si Jason Danao dahil sa tama ng bala at taga sa katawan habang sugatan si Albino Macadat. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Arlene Oliva, 46. Natutulog ang mga biktima at isang Ryan Danay sa …

Read More »

Implementasyon ng generic law pinipigil ng multinational firms?

Inakusahan ng maliliit na kompanya ng gamot ang mga multi-national firms na pinipigil ang implementasyon ng Republic Act 9502 o ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicine Act of 2008 sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso sa kanila sa ilalim ng umano’y paglabag sa “patent protection law.” Tatlong kompanya – ang Femma Drug, Ellebasy MedicaleTrading, at Mark Erickson Enterprises — …

Read More »

44 Taiwanese arestado sa cyber crime

ILOILO CITY – Umabot sa 44 Taiwanese nationals na miyembro ng cyber crime syndicate ang naaresto sa lungsod ng Ilo-ilo. Unang naaresto kamakalawa ng hapon ang 23 miyembro ng sindikato sa isang bahay sa Imperial 6 Subdivision sa Guzman-Jesena, Mandurriao. Kasunod nito, isa pang operasyon ang isinagawa at karagdagang 21 pang mga suspek ang naaresto sa isang bahay sa Block …

Read More »

Plant industry director sinibak sa taas-presyo ng bawang

DAGUPAN CITY – Kinompirma ni Engr. Rosendo So, pangulo ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG), na natanggap na nila ang impormasyon sa pamamagitan ng ipinadalang mensahe kaugnay sa pagsibak ni Agriculture Secratary Proceso Alcala sa direktor ng Bureau of Plant Industry na si Clarito Barron. Kasunod ito sa labis na pagtaas sa presyo ng bawang sa bansa. Ayon kay …

Read More »

Dalagita patay sa ka-eyeball na gadget buyer (Nag-post sa Sulit.com, 2 buwan nawala)

SA punerarya na sa Caloocan City natagpuan ang 19-anyos dalagita makaraan ang dalawang buwan nang magpaalam sa ina upang makipagkita sa customer na bibili ng gadgets na ini-post niya sa Sulit.com. Kinilala ang biktimang si Angelie Bernardo, ng Brgy. Coloong, Valenzuela City, pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ng hindi nakilalang suspek na customer ng dalagita sa ibinibentang gadgets. Salaysay ng …

Read More »