SUGATAN ang isang delivery boy makaraan hatawin ng baril sa mukha ng isa sa dalawang holdaper na sakay ng motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jovencio Latorza, Jr., 22, delivery boy ng Ximex Delivery Express, at residente ng Libis Canumay, Valenzuela City. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek …
Read More »Vendor, 3 pa sugatan sa killer tandem
MALUBHANG nasugatan ang isang vendor at tatlong bystander makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Kinilala ang mga biktimang sina Saddam Cerera, vendor; Ricky Geraldino, 34, bus dispatcher; Aron Dominique Talban, 23, data analyst; at Fred Belogot, tricycle driver, pawang ng nasabing lungsod. Base sa ulat ng mga awtoridad, dakong 3:20 a.m. nang …
Read More »Kagawad itinumba sa Pampanga
Patay ang isang barangay kagawad makaraan pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa sa Santol Road, Clarkview, Angeles City, Pampanga. Kinilala ang biktimang si Renato Garcia, 50, kagawad ng Brgy. Malabanias, at residente ng #19 Santol Extension, Clarkview Subd., ng nabanggit na siyudad. Habang mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklong walang plaka. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong …
Read More »Berdugo ng urban poor leaders,” isinumbong kay Roxas
Nananawagan ang mga residente ng Antipolo City kay Department of Interior & Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na pakilusin ang pulisya sa lungsod upang madakip ang hired killers na hinihinalang pinamumunuan ng isang dating police major. Ayon kay Rodolfo Salas, pinsan at kapangalan ng dating pinuno ng New People’s Army (NPA) na kilala sa alyas na Kumander Bilog, tulad …
Read More »P1.9-B Binay tong-pats (Plunder sa parking building)
NAGKAMAL ng P1.9 bilyon si Vice President Jejomar Binay sa konstruksyon ng Makati Parking Building ayon kina Atty. Renato Bondal at Nicolas Enciso, kapwa opisyal ng United Makati Against Corruption o UMAC. Inihayag ito nina Bondal at Enciso sa pagdinig na ginawa kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee dala ang kanilang ebidensya para patunayang pinarami ng tatlong beses ang halaga …
Read More »CoA hindi nag-isyu ng sertipikasyon sa Makati bldg.
NILINAW ni Commission on Audit (CoA) chairperson Ma. Gracia Pulido-Tan, wala siyang inilabas na certification report na magpapatunay na walang anomalya sa kontrobersiyal na Makati City hall building II, sinasabing overpriced. Ginawa ni Tan ang paglilinaw sa isinagawang imbestigasyon ng Senate blue ribbon sub-committee na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel. Sa kabila ito ng report ni dating Makati CoA auditor …
Read More »Palasyo dumistansiya sa Senate probe vs Binay
DUMISTANSYA ang Palasyo sa pagsisiyasat ng Senado sa mga Binay kaugnay sa sinasabing overpriced Makati City parking building. “Wala kaming kinalaman diyan. This is a Senate decision to investigate that but we have no hand on that,” ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda. Ipinauubaya na aniya ng Malacanang sa mag-amang Binay na sina Vice President Jejomar at Makati City Mayor …
Read More »6 tourism student ng BSU nalunod, 1 missing
ANIM na tourism student ng Bulacan State University ang nalunod habang isa pa ang nawawala makaraan tangayin nang malakas na agos ng tubig sa isang ilog sa bahagi ng Madlum Cave sa Brgy. Sibul, San Miguel, Bulacan kamakalawa ng hapon. Makaraan ang insidente, agad natagpuan ang bangkay ng mga biktimang sina Mikhail Alcantara, Phil Rodney Alejo, Helena Marcelo at Michelle …
Read More »Laging bigo sa bebot kelot tumalon sa tulay
NAGA CITY – Nasagip ang isang lalaki makaraan tumalon sa isang tulay sa Lucban, Quezon kamakalawa. Ayon sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, nakita ng mga residente si Jason Tabog habang nakatayo sa gilid ng Arco Bridge sa Brgy. Kilib, isinisigaw ang labis-labis na hinanakit dahil sa paulit-ulit na panloloko sa kanya ng mga babae. “Wala na akong pag-asa …
Read More »2 suspek sa Bulacan rape-slay kinilala ng testigo
KINILALA ng isang testigo ang dalawang suspek sa gang rape at pagpatay sa 26-anyos na si Anria Espiritu sa Calumpit, Bulacan, sa inquest proceedings kamakalawa. Positibong kinilala ng nasabing testigo ang mga suspek na sina Ramil de Arca at Melvin Ulam, nang ipresenta ang dalawa kasama ang jeepney driver na si Elmer Joson, sa fiscal’s office sa Malolos, Bulacan. Ang …
Read More »55 Chinese nationals nasakote sa BI raid
UMABOT sa 55 Chinese nationals na pinaniniwalaang nagtatrabaho nang walang kaukulang permiso ang naaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na pagsalakay sa Metro Manila kamakalawa. Kasabay nito, kinondena ng Chinese civic organizations na nakabase sa Binondo, Maynila ang BI intelligence unit dahil sa panggigipit umano sa mga lehitimong negosyante na mayroong genuine travel documents at …
Read More »3-anyos nene ‘di nakaligtas sa manyakol na 14-anyos
BURDEOS, Quezon –Walang-awang ginahasa ng isang 14-anyos binatilyo ang 3-anyos paslit sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa. Ang biktima ay itinago sa pangalang Angel, residente ng nabanggit na lugar, habang ang suspek ay si alyas Albert, ng nasabi rin bayan. Sa ipinadalang report ng Burdeos PNP sa Camp Guillermo Nakar sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon …
Read More »Piloto kinikilan enforcer kalaboso
NAKALABOSO ang isang traffic enforcer na inakusahang nangikil sa isang piloto kamakalawa sa lungsod ng Pasay . Nasa kustodiya na ng Pasay City Police ang suspek na si Darell Ropan, 35, ng #712 E. Rodriguez St., Malibay ng nasabing lungsod, miyembro ng Pasay Traffic and Parking Management Office (PTPMO). Habang kinilala ang complainant na si Anthony Gabriel Divino Flores, 25, …
Read More »Quiapo new ISAFP chief
ITINALAGA si Brig. Gen. Arnold Quiapo bilang bagong hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP). Isinagawa ang turn over ceremony kahapon sa headquarters ng ISAFP sa Kampo Aguinaldo. Si Quiapo ang pumalit sa pwesto ni Major Gen. Eduardo Anio na itinalaga bilang 6th Infantry Division Commander. Si Quiapo ay nagsilbi bilang commander ng 301st Brigade …
Read More »Biyenang lalaki todas sa hampas ng manugang
VIGAN CITY – Basag ang ulo at mukha ng isang lalaki nang hampasin ng airgun ng kanyang manugang sa Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang namatay na si Cesar Cambe, 47, magsasaka, habang ang suspek na kanyang manugang ay si Marvin Pascua, 28, tubong Santol, La Union, kapwa nakatira sa Brgy. Lungog sa nasabing bayan. Batay sa imbestigasyon ng …
Read More »Lady manager natulala sa holdap
HALOS matulala ang 25-anyos lady manager nang holdapin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Pasay City kahapon. Nagtungo sa Pasay City police ang biktimang si Juvilyn Rodriguez, residente ng Upper Bicutan, Taguig City na agad nagsagawa ng follow-up operations kaugnay sa insidente. Ayon sa pahayag ng biktima, naganap ang insidente dakong 2:10 a.m. sa panulukan ng EDSA at E. Rodriguez …
Read More »Bagong santuario pinasinayaan ng Villar Sipag
PINASINAYAAN ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG), ang pinakabagong simbahan sa Metro Manila na Santuario de San Ezekiel Moreno. Bilang bahagi ng corporate social responsibility (CSR) ng Vista Land, sinimulan ang konstruksyon ng simbahan noong Mayo 2011. Itinayo ito bilang pagkilala sa Spanish Recollect na nagsilbing kura paroko ng Las Piñas mula 1876 hanggang 1879. …
Read More »Presidential sister dawit sa DAP milk feeding project
DAPAT sumunod sa batas ang presidential sisters, gaya ng inaasahan sa lahat ng mamamayan sa bansa. Ito ang reaksiyon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., sa isyu ng pagdawit kay presidential sister Viel Aquino-Dee sa milk feeding project ng pinamumunuan nitong Assisi Development Foundation (ADF), na tinutustusan ng pondo ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP). “Llike all citizens, they …
Read More »Foreign PR firm bitbit ni Roxas sa Palasyo
ITINANGGI ng Palasyo na kinuha nila ang serbisyo ng isang foreign public relation (PR) firm na dating nagsilbi noong administrasyon ni Estrada sa Malacañang, para matugunan ang bumabagsak na ratings ni Pangulong Benigno Aquino III. “Wala akong impormasyon o kinalaman sa ulat na ‘yan. Sa araw-araw sinisikap ng aming tanggapan na maihatid ang makatotohanan at tamang impormasyon na makatutulong sa …
Read More »Ex-AFP chief bagong Usec ng Palasyo
ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Emmanuel Bautista bilang Undersecretary sa Office of the President. Magsisilbi si Bautista bilang executive director ng security, justice, and peace and order cluster ng gabinete na direktang nasa ilalim ng pangangasiwa ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. Ayon sa Executive Order No. 43, …
Read More »Beatification kay Oscar Romero binuksan ni Pope Francis
BINUKSAN ni Pope Francis nitong Lunes ang daan patungo sa beatification para kay Oscar Romero, sinabing wala nang doctrinal problems na haharang sa proseso para sa pinaslang na Salvadoran archbishop, isa sa mga bayani ng liberation theology movement sa Latin America. Si Romero, archbishop ng San Salvador, ay binaril at napatay noong 1980 habang nagmimisa. Nagpahayag siya ng pagkondena sa …
Read More »3 suspek sa rape-slay sa Bulacan arestado
ARESTADO sa mga awtoridad ang tatlong suspek sa gang rape at pagpatay sa 26-anyos babae sa Calumpit, Bulacan, isa sa kanila ay nadakip nang bumisita sa burol ng biktima. Ayon sa ulat, nitong Lunes ng gabi, bumisita ang jeepney driver na si Elmer Joson, 45, kasama ang kanyang misis, sa burol ng biktimang si Anria Espiritu. Ayon kay Joson, naging …
Read More »Carnap king, dyowa, 4 pa tiklo sa QCPD
NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang tinaguriang ‘carnap king,’ lider ng Mac Lester Reyes carnap group na kumikilos sa Metro Manila at karatig lalawigan, sa tatlong araw na operasyon sa Malabon City, Caloocan City, Quezon City at lalawigan ng Quezon. Bukod sa pagkaaresto kay Mac Lester Reyes, 37, ng Unit 2B, #121 Kabigting corner Mauban St., …
Read More »Factory worker utas sa tandem holdaper
AGAD binawian ng buhay ang isang 34-anyos babaeng factory worker makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo nang hindi ibigay ang kanyang bag sa Brgy. Sto. Nino, bayan ng Calumpit, sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Liza Montano, residente sa nasabing bayan. Dakong 8 p.m. sapilitang kinukuha ng mga suspek ang bag ng biktima ngunit …
Read More »Demoralized AFP, itinanggi (Sa pagkakadakip kay Palparan)
NANINIWALA ang Palasyo na hindi demoralisado ang mga sundalo dahil sa pagdakip ng mga awtoridad kay ret. Maj. Gen. Jovito Palparan. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., binibigyan nang sapat na atensyon ng pamahalaan ang morale at kapakanan ng ‘foot soldiers’ at inaasahang susunod sila sa chain of command ng Armed Forces of the Philippines (AFP). “Yung aspeto ng …
Read More »