Friday , November 22 2024

News

P25-K sahod ng public school teachers, isinulong

ISINULONG ng isang senador ang panukalang dagdag sa minimum na sahod ng public school teachers at non-teaching personnel. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2351, nais ni Senadora Loren Legarda na iangat sa P25,000 mula sa kasalukuyang P18,549 kada buwan ang sweldo ng pampublikong mga guro sa elementarya at sekondarya. Habang nais maging P15,000 ang kasalukuyang P9,000 kada buwan na …

Read More »

Pagtalakay sa 3 impeachment vs PNoy iniliban

INILIBAN ang pagtalakay sa tatlong impeachment complaint laban kay Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III sa darating na Agosto 26, 2014. Sa mensahe na ipinadala ni Congressman Niel Tupas. Jr., chairman ng House Justice Committee, napagdesisyonan na ipagpaliban ang pagtalakay para mabigyan nang kaukulang panahon ang kanyang mga kasamahan na mabasa at mapag-aralan ang nasabing impeachment complaints. Kung maaalala, unang itinakdang …

Read More »

Ex-Malabon Dad wanted sa sexual abuse ng teenager

PINAGHAHANAP ng mga awtoridad ang isang dating konsehal at kakutsabang babae matapos akusahan ng panghahalay sa isang dalagita sa Malabon City, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ang suspek na si Eddie Nolasco, 60, dating kapitan ng Brgy. Potrero at tatlong terminong naging konsehal ng nasabing lungsod. Kinasuhan si Nolasco ng paglabag sa Sec. 4 A at B, Qualified Trafficking (Sec. …

Read More »

Koreano nag-suicide

PUNO ng dugo nang matagpuan ang isang Korean national sa loob ng kanyang condominium unit sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Chief Insp. Angelito de Juan, hepe ng Investigation Detective & Management Section (IDMS) ng Pasay City Police, ang biktimang si Jong Soo Kim, 44, ng Room 1904, 19th Floor, Antel Building, Roxas Boulevard, ng naturang lungsod. Sa …

Read More »

Ombudsman kumilos vs tongpats sa Makati

INATASAN ng Tanggapan ng Ombudsman nitong Agosto 5, sina Makati Mayor Jejomar Erwin “Jun Jun” Binay at ang 20 iba pa, na maghain ng kani-kanilang sagot sa mga paratang na grave abuse of authority, grave misconduct at gross neglect of duty na isinampa laban sa kanila kamakailan. Ang mga reklamo ay isinampa ng grupong United Makati Against Corruption (UMAC) sa …

Read More »

2-anyos baby ginilitan ni daddy

CEBU CITY – Patay ang 2-anyos sanggol nang gilitan sa leeg ng kanyang ama matapos makipag-away sa kanyang misis dakong 6 a.m. kahapon sa Villagonzalo, Brgy. Tejero, Lungsod ng Cebu. Kinilala ang biktimang si Jasel Ompad, habang nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang ama niyang si Robert Ompad, 27, construction worker, sinasabing may nervous breakdown. Ayon kay SPO1 Victor …

Read More »

AFP babangon – PNoy (Sa pagkaaresto kay Palparan)

INASISTEHAN si Pangulong Benigno Aquino III ni Defense Secretary Voltaire Gazmin sa ginanap na ‘Ceremonial Distribution of Assault Rifles’ sa Philippine Army (PA) at Philippine Navy (PN) Marine troops sa AFP General Headquarters Canopy ng Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City. (JACK BURGOS) KOMBINSIDO si Pangulong Benigno Aquino III na makakapagbangong-puri na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) …

Read More »

Senate probe sa nadiskaril na bagon ng MRT

IIMBESTIGAHAN din ang Senado ang naganap na aksidente ng MRT sa EDSA-Taft station sa lungsod ng Pasay kamakalawa na ikinasugat ng halos 50 katao. Ayon kay Sen. Koko Pimentel, nakatakda siyang maghain ng resolusyong naglalayong magsagawa nang sariling pagdinig ang kapulungan hingil sa madalas na pagkaaberya ng tren ng MRT. Nais alamin ng senador ang mga dahilan ng aberya at …

Read More »

Mag-ina nag-suicide sa Kyusi

KAPWA patay na nang matagpuan ang isang 63-anyos ginang at 35-anyos niyang anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City kamakalawa ng gabi sa insidenteng ayon sa pulisya ay posibleng kaso ng parricide at suicide. Hinihinala ng mga imbestigador na pinatay sa saksak ni Arsenia Carabeo, 63, ang kanyang anak na si Joanne bago siya nagpakamatay, ayon …

Read More »

DFA nagbigay ng ultimatum vs Pinoys sa Libya

INIHAYAG ni Foreign Secretary Albert del Rosario kahapon, hindi na muling magrerenta ang gobyerno ng Filipinas ng isa pang barko para sunduin ang mga Filipino mula sa conflict-striken Libya, kasunod ng kaunting bilang ng mga manggagawa na nagpalista para sa paglilikas. “It’s difficult to support another ship,” pahayag ni Del Rosario, nang maraming mga Filipino ang umatras sa planong paglilikas …

Read More »

23-anyos bebot 3 araw sex slave ng FB ex-BF

TATLONG araw na niluray sa condo ang isang 23-anyos babae ng dating boyfriend na nakilala lamang niya sa Facebook, makaraan siyang dukutin ngunit nakatakas ang biktima nang dalhin siya sa tattoo center sa Cainta, Rizal. Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP provincial director, itinago ang biktima sa pangalang Dianna, 23, at nakatira sa nabanggit na …

Read More »

2 operator ng MRT lumantad na

LUMANTAD kahapon sa Pasay City Police ang dalawang operator ng Metro Rail Transit (MRT) na itinuturong responsable sa nangyaring aksidente nang bumangga at lumagpas sa estasyon ang isa sa mga bagon nito na ikinasugat ng 50 katao kamakalawa ng hapon sa Pasay City. Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property ang mga …

Read More »

National Transport Safety Board ipinanukala ni Poe

NABABAHALA na rin si Senadora Grace Poe sa rami ng transportation related accidents na dapat nang aksyonan ng gobyerno. Bunsod nito, naghain si Senadora Grace Poe ng panukalang naglalayong magbuo ng National Transportation Safety Board na mag-iimbestiga sa mga aksidente sa lansangan, himpapawid, dagat, riles at pipeline. Sa Senate Bill 2266, iginiit ni Poe na responsibilidad ng gobyerno na bigyan …

Read More »

Sub-con ng Maynilad tostado sa koryente (1 pa sugatan)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang lalaki habang sugatan ang kanyang kasamahan nang madikit sa high tension wire sa gusali ng Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) habang nagsusukat ng bintana sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng pagkasunog ng katawan ng biktimang si Emmanuel Perez, 32, sub-contractor ng …

Read More »

Nagoyo ng bading Japok nagreklamo

KALIBO, Aklan – Binawi ng isang turistang Hapon ang ibinigay na singsing sa isang bading na napagkamalan niyang babae na kanyang naka-one-night stand sa Brgy. Balabag sa Boracay. Personal na dumulog sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang Japanese national na tumangging magpabanggit ng pangalan, upang mabawi ang kanyang 18 carat gold na singsing na ibinigay sa naturang ‘lady …

Read More »

11-anyos totoy pinilahan ng 2 bading (Pinasok sa fitting room)

GUMACA, Quezon – Dumulog sa himpilan ng pulisya ang 11-anyos batang lalaki kasama ng kanyang ama makaraan halinhinang gahasain ng dalawang bading sa fitting room sa loob ng department store sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa. Itinago ang biktima sa pangalang Honesto, residente ng nasabing bahay. Habang kinilala ang mga suspek na sina Ronnel Nemedez Barcel, alyas Kuni, at …

Read More »

Mag-utol bugbog-sarado sa 3 katagay

KAPWA sugatan ang mag-utol makaraan saksakin at hatawin ng bote ng beer ng tatlong kainoman nang magkapikonan kahapon ng madaling-araw sa Malabon City. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Jonathan Flores, 28, tinamaan ng saksak sa dibdib, habang sugatan ang ulo ng kapatid niyang si Joseph, 29, merchandizer, kapwa residente ng #73 Celia St., Brgy. …

Read More »

Ginang tigok sa killer tandem

UTAS ang isang ginang makaraan ratratin ng riding-in-tandem kahapon sa Quezon City. Kinilala ang biktimang si Marilou Otayde, 43, may-asawa, ng Senatorial St., Brgy. Batasan Hills sa lungsod. Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong 10:15 a.m. sa harap ng tirahan ng biktima na mayroong sari-sari store. Nasa loob …

Read More »

Puso ng kelot sumabog tigok (10 gin parusa ng ‘berdugong’ chairwoman)

DAHIL sa kapirasong yero, muling nakatikim ng kalupitan ang isang pamilya na ikinamatay ng kapatid nilang lalaki sa kamay ng isang barangay chairwoman sa City of San Jose del Monte, Bulacan. Ang pagkamatay ni Abundio Baltazar, 46 anyos, dahil sa sapilitang pagpapainom ng 10 bote ng gin (Ginebra San Miguel) o markang demonyo ni Barangay Chairwoman Laarni Contreras, katuwang ang …

Read More »

Utos ng Bulacan court: Palparan ilipat sa Bulacan jail

BITBIT ng mga militante ang larawan ng mga biktima na sinasa-bing ipinapaslang ni dating Maj. Gen. Jovito Palparan, sa kanilang muling pagsugod sa harap ng NBI kahapon. Iginiit ng militanteng grupo na panagutin si Palparan sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Karen Empeño at Sheryn Cadapan noong 2006, kasabay ng kahilingan na huwag bibigyan ng VIP treatment ang …

Read More »

Pinsan ni FG arestado sa P230-M large scale estafa

SWAK sa kulungan sa Camp Crame ang pinsan ni dating First Gentleman Mike Arroyo, na dating banker na si Benito Ramon “Bomboy” Araneta dahil sa kasong large scale estafa. Naaresto ng mga operatiba ng Regional Intelligence Unit ng NCRPO si Araneta sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Acacia Avenue sa Ayala, Alabang. Ayon kay PNP PIO head, Chief Supt. …

Read More »

15-anyos dalagita sinilaban ng ama

DUMANAS ng second-degree burns sa katawan ang isang 15-anyos dalagita sa Negros makaraan silaban ng kanyang sariling ama nitong Biyernes. Ayon sa ulat ng pulisya, binuhusan ng ama ang anak ng gas at sinindihan dahil hindi inalagaan ang nakababata niyang mga kapatid. Nang mahimasmasan sa kanyang ginawa, isinugod ng ama ang kanyang anak sa pagamutan. Tiniyak ng Children’s Protection Desk …

Read More »

Magkakarne inatado ng sekyu (Nahuling katalik ng dyowa)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang meat vendor makaraan tadtadin ng saksak ng security guard nang maabutan ang biktima habang nakikipagtalik sa kinakasama ng suspek sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Isagani Padernal, 32, residente ng Block 19, Nagpayo St., Pasig City. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na …

Read More »

Sariling misis ginahasa mister kalaboso

NAGA CITY – Hindi matanggap ng isang misis na ang mismong asawa niya ang gagawa sa kanya ng kahalayan sa Tiaong, Quezon. Ito ay makaraan siyang gahasain ng sarili niyang mister. Sa ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakahiga ang dalawa sa loob ng kanilang kwarto nang kalabitin ng suspek ang biktima at hiniling na sila …

Read More »