Friday , December 5 2025

News

Chinese natagpuang patay sa pumping station sa Pasay

NATAGPUANG palutang-lutang sa pumping station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang hindi nakilalang lalaking Chinese looking sa Pasay City kahapon ng umaga. Inilarawan ng pulisya ang biktimang nasa 55 hanggang 60-anyos, maiksi ang buhok, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng gray polo shirt at itim na pantalon at may lamang P520 ang kanyang pouch. Base sa imbestigasyon ni SPO3 Joel …

Read More »

Abolisyon ng Filipino sa kolehiyo pinigil ng SC

PINIGIL ng Korte Suprema ang pagtanggal sa subject na Filipino sa kolehiyo. Nitong Miyerkoles, nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) kaugnay ng petisyon ng grupo ni National Artist for Literature Bienvenido Lumbera laban sa memorandum ng Commission on Higher Education (CHEd) na nag-aalis sa Filipino at Panitikan sa general education curriculum simula sa 2016. Inaatasan ang …

Read More »

Hepe ng Sablayan Penal Colony sinibak

IPINASIBAK na ni Justice Secretary Leila De Lima ang hepe ng Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.  Ito’y makaraan mahuli ang inmate nitong si Ruben Tiu na nagbebenta ng shabu sa labas mismo ng piitan.  Kinompirma ni De Lima na ipinag-utos na niyang sibakin sa puwesto si Supt. Resurreccion Puno na daraan sa administrative investigation. Dagdag ng kalihim, …

Read More »

Akusasyon ng HK solon insulto sa Pinoy workers

ISANG malaking insulto sa  Filipino overseas workers sa Hongkong ang pagbansag ng isang babaeng mambabatas na “homewrecker” sila, ayon sa Palasyo. Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang katotohanan at walang batayan ang bansag ng pulitikong si0ng Hongkong, sa OFWs at malaking insulto ito sa mga manggagawang Filipino sa abroad. Kung tutuusin, dapat aniyang tumanaw ng utang na loob ang mga taga-Hong Kong sa OFWs dahil inaalagaan nila ang …

Read More »

Manual polls last option — Comelec

PINAWI ng Comelec ang pangamba ng publiko sa posibilidad na bumalik ang bansa sa full manual elections o kaya ay “no election” sa taon 2016. Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, gagawin nila ang lahat ng option para matuloy ang automated elections, kasama na ang paghahain ng motion for reconsideration sa Supreme Court (SC). Bagama’t sinabi ni dating Chairman Sixto Brillantes …

Read More »

11 bata nalason sa bunga ng tuba-tuba

NILALAPATAN ng lunas sa dalawang ospital ang 11 bata na nalason sa pagkain ng bunga ng halamang tuba-tuba kahapon sa Ondoy Village, Brgy. San Jose sa lungsod ng Antipolo. Pito sa mga bata ang isinugod sa Rizal Provincial Hospital habang ang apat ay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, na edad 6 hanggang 12-anyos. Pahayag ng isa sa mga magulang …

Read More »

Vendor tinarakan kritikal

GRABENG nasugatan ang isang 30-anyos vendor nang saksakin ng tatlong lalaki sa Quiapo, Maynila kamakalawa. Duguan ang biktimang kinilalang si Gilbert Fernandez, may asawa, residente ng 346 Bautista St., Quiapo, Maynila dahil sa malalang tama ng saksak sa kanang tagiliran. Sa salaysay ng biktima sa pulisya, dakong 4 a.m. naglalakad siya pauwi sa kanila nang salubungin ng tatlong lalaki at …

Read More »

PH ‘di tuta ng Kano — Palasyo

UMALMA ang Palasyo sa pagtawag  ng Chinese media sa Filipinas na tuta ng Amerika dahil sa isinasagawang joint RP-US Balikatan Exercises sa bansa. Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang batayan ang bintang ng Chinese media dahil hindi sunud-sunuran ang Filipinas sa kagustuhan ng Amerika. “We don’t understand where this insecurity of the Chinese towards us is coming from. Where do we have the wherewithal to compete …

Read More »

5 ex-officials ng Davao City Water District guilty sa graft

DAVAO CITY – Napatunayang guilty sa kasong graft ang limang dating opisyal ng Davao City Water District (DCWD). Ito ay dahil sa P2.2 milyon water drilling project na agad nilang iginawad sa isang private contractor at hindi isinailalim sa isang public bidding, isang dekada na ang nakakaraan. Kabilang sa mga akusado ay kinilalang sina dating DCWD assistant general manager Alfonso …

Read More »

Pulis tigok, 5 pa kritikal sa SUV vs trike at motorsiklo

BUTUAN CITY – Kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries at paglabag sa Republic Act 10586 o mas kilalang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 ang kahaharapin ng driver ng isang sports utility vehicle makaraan ang kinasangkutang aksidente pasado 11 p.m. kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Rommel Sonot de Asis, 38, residente ng Brgy. Villa Kananga …

Read More »

Lola patay sa QC fire

PATAY ang isang 65-anyos lola sa sunog na naganap sa Damayan Street, Brgy. Old Balara, Quezon City kahapon.  Ayon kay F/Supt. Jesus Fernandez, kinilala ang biktimang si Ester Artaniel na hindi nakalabas sa kanyang bahay.  Habang nasugatan sa insidente sina Ma. Corazon Zaldo at Jeffrey Lazibal. Apektado ang 150 pamilya ng informal settlers sa sunog na sinasabing nagsimula sa bahay …

Read More »

Rapist na lolo kalaboso

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 61-anyos lolo na wanted sa kasong rape sa Binondo, Maynila kamakalawa. Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Jude Erwin ng Regional Trial Court branch 91, naaresto ang suspek na si Remegio Ballesteros, biyudo, jobless, ng Brgy. Simbahan, Dimalungan, Aurora, Quezon Province, nakapiit na sa MPD Station …

Read More »

Taxi driver biktima ng holdap, karnap

HINOLDAP na tinangayan pa ng sasakyan ang isang taxi driver sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay Supt. Romeo Odrada, Malate Police Station (PS9) commander, dakong 3 a.m. naghahanap ng pasahero ang biktima nang parahin siya ng isang lalaki sa Pasong Tamo St., Makati City. Nagpahatid ang lalaki sa Zobel Roxas St. ngunit bago dumating dito ay nagdeklara …

Read More »

Driver todas sa karambola ng 5 sasakyan

PATAY ang isang lalaki sa karambola ng limang sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEx) northbound bahagi ng Valenzuela nitong Miyerkoles ng madaling araw.  Kuwento ng mga driver na sangkot sa aksidente, unang tinumbok ng pampasaherong bus ang likuran ng closed van. Habang bumangga ang closed van sa isa pang bus at elf truck na nasa harapan nito at sumalpok ang …

Read More »

Level 1 crisis alert itinaas ng DFA sa South Africa

ITINAAS ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa level 1 ang crisis alert sa South Africa dahil sa mga nangyaring karahasan. Sa inilabas na abiso ng DFA nitong Miyerkoles, “Alert Level 1 is raised when there are valid signs of internal disturbance, instability, or external threat to the host country.”  Kasabay nito, kinondena ng DFA ang panibagong karahasan laban sa …

Read More »

Sanggol, paslit ini-hostage ng 15-anyos tiyuhin

KALABOSO ang isang 15-anyos binatilyo makaraan i-hostage ang mga pamangkin niyang isang sanggol at paslit habang armado ng patalim kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Ang suspek na nakatakdang dalhin sa pangangalaga ng Department of Social Walfare Development (DWSD) ay itinago sa pangalang James, ng Camarin ng naturang lungsod. Batay sa  nakalap na ulat kay acting Caloocan Police chief, Supt. Ferdinand …

Read More »

Truck helper tumalon sa NLEx, patay

DUROG ang ulo at sabog ang utak makaraan tumalon mula sa tulay ng North Luzon Expressway (NLEx) at masagasaan ang isang truck helper kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Kinilala ang biktimang si Renjie Navarro, nasa hustong gulang, tubong Mabinay, Negros Oriental, agad binawian ng buhay sanhi ng pagkabagok ng ulo at nakaladkad pa ng humahagibis na sasakyan. Batay sa …

Read More »

Pamilyang tulak tiklo sa P25-M shabu

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal drugs (QCPD-DAID) ang mag-asawang drug pusher na isinama pa ang kanilang dalawang batang anak sa pagtutulak, makaraan bentahan ng P50,000 halaga ng shabu ang isang pulis sa drug bust operation kamaka-lawa ng gabi sa Quezon City. Bukod sa P50,000 halaga ng shabu, nakuha rin sa mag-asawang tulak ang 500 …

Read More »

Mining, power contract ng China kanselahin — Anakpawis

HINIMOK ng isang militanteng kongresista si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na kanselahin ang mga mining at power generation contract na iginawad sa mga Chinese corporation. Ito’y kasunod ng pambu-bully ng China sa Filipinas sa isyu ng pinag-aagawang West Philippine Sea. Ayon kay Anakpawis Rep. Fernando Hicap, ang pagkansela sa kontrata ng mga Chinese ang pinakamahusay na paraan kung seryoso si …

Read More »

Quarterly rotations sa Immigration tinutulan (Walang legal na basehan)

MAHIGPIT na tinutulan ng Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP) ang planong quarterly rotations sa mga personnel ng Bureau of Immigration (BI) sa buong bansa, partikular sa mga immigration officer. Ayon sa grupo, sumulat na sila kay BI Commissioner Siegfred Mison na humihiling na huwag ituloy ang pagpapatupad ng nasabing hakbangin ngunit wala pa rin tugon kaugnay nito ang …

Read More »

Comelec-Smartmatic deal ibinasura ng Korte Suprema (No-El scenario ‘di mangyayari — COMELEC)

TULUYAN nang ipinawalang bisa ng Korte Suprema ang kasunduan ng Commission on Elections (Comelec) at ng Smartmatic-TIM para sa P300 milyon diagnostics and repair ng nasa 80,000 Precinct Count Optical Scan (PCOS) na gagamitin sa 2016 elections. Ayon kay Supreme Court Spokesman Theodore Te, kasabay ng summer session sa Baguio City, kinatigan ng kataas-taasang hukuman ang inihaing petisyon ng Automated …

Read More »

Electrician nahulog sa bike nagulungan ng bus, todas

PATAY ang isang 44-anyos electrician makaraan mahulog sa minamanehong bisikleta at magulungan ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng umaga sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Freddie Jagonap, residente ng Block 41, Lot 11, Section 7, Phase1, Pabahay 300, San Jose Del Monte Bulacan. Kusang loob na sumuko ang suspek na …

Read More »

Court Sheriff patay, LGU employee kritikal sa ratrat sa Pagadian City

ZAMBOANGA CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa pamamaril sa highway ng Purok Upo, Brgy. Balintawak sa Pagadian City na ikinamatay ng isang court sheriff habang kritikal ang isa pang empleyado ng local government unit ng lungsod kamakalawa. Ayon sa report ng Pagadian City Police Station, kinilala ang namatay na si Manuel Gabawan, 60, nagsisilbing Sheriff Officer ng …

Read More »

8 patay, 11 sugatan sa Lanao Sur ambush

CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat na sa walo katao ang namatay sa pananambang ng armadong kalalakihan sa bayan ng Lumbaca Unayan, Lanao del Sur kamakalawa. Ito ay nang pumanaw ang 10-anyos biktima na si Norjana Amenor dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan, habang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center. Nasa malubha ring kalagayan ng isa pang …

Read More »

Biyudo nagsaksak sa leeg, nagbigti

BUNSOD nang matinding depresyon, nagsaksak sa leeg at nagbigti ang isang biyudo kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Kinilala ni Pasay City Police Officer in Charge (OIC) Sr. Supt. Joel Doria ang biktimang si Alex Cagatin, 35, walang trabaho, tubong Dipolog City, nangungupahan sa Block 79, Lot 11, pagitan ng 10th at 25th Sts., Villamor Airbase, Pasay City. Base sa …

Read More »