NAKAHANDA na ang lifestyle check na isasagawa sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng liderato nito. Matatandaan, unang umusbong ang opsyong lifestyle check ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa mga kaso ng hulidap na kinasasangkutan ng mga pulis. Ani Secretary Mar Roxas, bahagi ito ng mas maigting na paglilinis sa …
Read More »Task force binuo para sa Papal visit
NAGBUO ng isang task force ang Palasyo para matiyak na magiging matagumpay ang pagdalaw sa bansa ni Pope Francis mula Enero 15 hanggang 19 sa susunod na taon. Sa bisa ng Memorandum Circular No. 72, iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagtatag ng Papal Visit 2015-National Organizing Committee (PV-NOC) na mamahala sa preparasyon sa pagbisita ng Santo Papa, itinuturing …
Read More »‘Namasyal’ sa bubong tigbak sa bala ng ‘sniper’
INASINTA na parang ibon ang isang lalaki na napagkamalang miyembro ng Akyat-Bahay gang habang naglalakad sa bubong ng isang bahay sa Pandacan, Maynila, iniulat kahapon. Namatay sa ibabaw ng bubong ng bahay sa 1131 Guanzon Compound, Teodoro San Luis St., Pandacan, Maynila, sanhi ng dalawang tama ng bala sa dibdib si Renato Robles, 52, miyembro ng Sputnik gang, ng 2056 …
Read More »OFWs sa Saudi may 5-day vacation with pay sa Eid’l Adha
IKINATUWA ng foreign workers sa Saudi Arabia lalo na ng mga Filipino, ang limang-araw na bakasyon grande kasabay ng paggunita ng mga kapatid na Muslim sa Eid’l Adha sa Lunes, Oktubre 6. Ayon kay Redentor Ricanor, ng Brgy. Puro, Caoayan, Ilocos Sur at nagtatrabaho sa Jeddah, Saudi Arabia, magsisimula ang kanilang bakasyon ngayong araw, Oktubre 4 hanggang Oktubre 8 at …
Read More »PNOY bukas sa Cha-cha (Kahit ayaw ng mga ‘boss’)
NANANATILING bukas si Pangulong Benigno Aquino III sa Charter Change (Chacha). Sa kabila ito ng resulta ng survey ng Pulse Asia na anim sa bawat 10 Filipino ay ayaw sa Chacha at term extension ng Pangulong Aquino. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, patuloy pa ring aalamin ng Pangulong Aquino ang saloobin ng kanyang mga boss o taongbayan. Ayon kay …
Read More »Nigerian ambassador nais ng mas malapit na ugnayan sa ‘Pinas
“KUMIKILOS tayo tungo sa mas malapit na ugnayan sa Filipinas.” Ito ang naging pahayag sa wikang English ni Nigerian ambassador extraordinary at plenipotentiary Akinyemi Bamidele Farounbi sa pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng kalayaan ng Feredal Republic of Nigeria na isinagawa kamakailan sa Ramon Magsaysay Center sa Ermita, Maynila. Nakasama ng ambassador sa pagdiriwang sina Nigerian – Philippines Chamber of …
Read More »Tongpats, anomalya sa ospital at parking building kompirmado (Pamilya Binay ibinuking ng CoA!)
KINOMPIRMA ng Commission on Audit (CoA) na nagkaroon ng tongpats at iba pang tipo ng anomalya nang ipatayo ni Vice President Jejomar Binay at Mayor Junjun Binay ang kontrobersyal na Makati Parking Building. Bukod dito, ibinunyag din ng CoA na nagkaroon ng tongpats na mahigit P61 milyon sa pagbili ng mga hospital equipment sa Ospital ng Makati sa panahon na …
Read More »Abuloy tigilan — PNoy (Pakiusap sa LGUs)
PINANUMPA ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) National Executive Board Officers sa President’s Hall ng Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS) HINIKAYAT ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga lokal na opisyal partikular ang mga miyembro ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), na itigil ang nakasanayang pagbibigay ng …
Read More »Sweet 16 binuntis may-asawang kelot dedbol sa 2 utol
LEGAZPI CITY – Tinutugis ng mga awtoridad ang magkapatid na suspek sa pagpatay sa kanilang kaibigan na nakabuntis sa dalagitang kapatid ng mga salarin. Kinilala ang biktimang si Gener Alamo, 43, may asawa, residente ng Bgry. 1, Ems Barrio, sa Lungsod ng Legazpi, at empleyado ng isang telecommunications company. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkayayaang mag-inoman ang biktima at ang mga …
Read More »4 HS students biktima ng hazing
DAGUPAN CITY – Na-trauma at nagkapasa sa binti ang apat babaeng estudyante ng Parayao National High School sa bayan ng Binamaley, sa lalawigan ng Pangasinan, makaraan silang mabiktima ng hazing. Ayon kay Supt. Marlou Aquino Castillo, hepe ng Binmaley Police Station, nangyari ang hazing sa isang abandonadong bahay na pag-aari ng pamilya ng isa sa mga menor de edad na …
Read More »13 Koreano arestado ng NBI sa illegal online gambling
ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 13 Korean Nationals dahil sa illegal na operasyon ng online gambling business sa Manila. Ang mga suspek ay hinuli dahil sa impormasyon ng NBI na sila ay sangkot sa nasabing pasugalan na walang permit at ninanakaw ang mga impormasyon sa credit card ng kanilang mga biktima. Iniimbestigahan din ng …
Read More »2 ampon na paslit nalitson sa Cebu fire
CEBU CITY – Tostado ang dalawang bata nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Sitio Binabag, Brgy. Tayod, lungsod ng Consolacion kamakalawa. Sina Mikay, 5, at Raffy 6, kapwa ampon ni Rudy Bandibas, ay natosta sa loob ng bahay. Ayon sa imbestigasyon ni SFO1 Jemeserio Buris ng Consolacion Fire Station, naglalaro sa loob ng kwarto ang dalawang bata at hindi …
Read More »Boxing trainer naglaslas ng tiyan (GF may kalaguyo)
BAGUIO CITY – Selos sa kanyang girlfriend ang sinasabing dahilan kaya sinaksak ng isang boxing trainer ang sarili kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Joven Jorda, 41, boxing trainer, tubong Iloilo, at residente ng La Trinidad, Benguet. Habang ang kasintahan ng suspek ay si Michelle Diang, 24, isang entertainer, tubong Zamboanga del Sur, at residente ng La Trinidad, Benguet. Sa imbestigasyon …
Read More »Bohemian Rhapsody kinantang mali Kano nagwala (Sa Boracay)
KALIBO, Aklan – Nagwala ang isang turistang Amerikano nang baguhin ang lyrics ng kantang “Bohemian Rhapsody” sa isang videoke bar sa isla ng Boracay. Ayon kay Robert Christopher, 51, American national at nagbabakasyon lamang sa isla, habang masayang umiinom sa loob ng videoke bar ay napikon siya nang baguhin ng kumakantang si alyas “Eric” ang lyrics ng kanyang paboritong awitin. …
Read More »Bagyong ‘Neneng’ papasok na sa PAR
INAASAHANG papasok ngayong gabi sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Phanfone (international name). Pagtaya ni state weather forecaster Gladys Saludes, Biyernes ng gabi inaasahang papasok sa sulok ng PAR line ang sentro ng bagyo. Bagyong Neneng ibabansag dito pagpasok ng PAR. Gayonpaman, agad din itong lalabas dahil dadaan lamang ito sa dulo ng PAR. Taglay ng ‘Phanfone’ ang …
Read More »HK$100 umento sa sahod kulang — Pinoy workers
MAS mababa sa inaasahan ng grupo ng Filipino workers sa Hong Kong ang ipinatupad na umento sa kanilang sahod. Nagpatupad ang Hong Kong SAR government ng 2.5 porsyentong pagtaas o HK$100 sa minimum allowable wage (MAW) ng mga foreign domestic worker. Ibig sabihin nito, mula HK$4,010, aakyat na ang MAW ng mga DH sa HK$4,110 kada buwan. Ayon kay Dolores …
Read More »2-anyos baby boy nalunod sa kanal
BACOLOD CITY – Nalunod ang 2-anyos batang lalaki sa isang kanal sa lalawigan ng Negros Occidental kamakalawa. Kinilala ang biktimang si John Semania, residente ng New Binangkaan, Brgy. Daga, Cadiz City. Nangyari ang insidente kamakalawa makaraan bumuhos ang napakalakas na ulan. Napag-alaman, naliligo sa ulan ang bata ngunit hindi namalayan ng nagbabantay na lolo na pumunta sa kanal at posibleng …
Read More »Beking beautician tinarakan
SINAKSAK ng dalawang beses ang isang 35-anyos beking beautician nang sumagot nang pabalang sa suspek nang gisingin at tanungin ang biktima habang natutulog sa bangketa ng Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw. Nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Aries Ronquillo, tubong Pampanga, walang permanenteng tirahan sa Maynila. Habang hindi pa nakikilala ang suspek na inilarawang payat …
Read More »Misis binugbog ni mister (Pagkain nilagyan ng lason?)
NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Violence Against Women’s and Children’s Act) ang 44-anyos lalaki makaraan bugbugin ang kanyang kinakasama na inakusahan niyang nilagyan ng lason ang kanyang pagkain kamakalawa ng gabi sa Makati City. Nakapiit na sa detention cell ng Makati City Police ang suspek na si Alberto Gulas, ng 3232 Guerna St., Brgy. Palanan ng naturang …
Read More »Reporma sa VFP hiniling na kaagad ipatupad ni Gazmin
MULING nanawagan ang mga beterano at kanilang mga kamag-anak kay Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire T. Gazmin sa mabilisang implementasyon ng bagong constitution and by-laws (CBL) ng Veterans Federation of the Philippines (VFP). Naunang sumulat si Defenders of Bataan and Corregidor, Inc. (DBC) National Commander Rafael Evangelista kay Sec. Gazmin upang ipanukala ang pagtatatag ng Management Committee para …
Read More »No wage increase sa gov’t workers — Abad (Insentibo lang)
AGAD kumambiyo si Department of Budget (DBM) Secretary Florencio “Butch” Abad sa kanyang pahayag na walang wage increase na maipatutupad para sa mga empleyado ng gobyerno sa susunod na taon. Sinabi ni Abad, bagama’t walang inaasahang dagdag sa sahod ng mga empleyado ay may dagdag sa kanilang insentibo. Dahil dito, makatatanggap ang mga kawani ng gobyerno ng productivity enhancement incentive …
Read More »Dagdag sweldo sa guro suportado ng DepEd
WORLD TEACHERS’ DAY. Sumugod sa Mendiola ang mga guro bilang maagang paggunita sa World Teachers’ Day sa Oktubre 5, bitbit ang mga plakard upang igiit ang pagsasabatas ng House Bill 245, naglalayong itaas ang sahod ng mga guro. Hiniling din nila sa nasabing protesta ang pagbaba sa buwis at pagbasura sa K to 12 education program. (BONG SON) SUPORTADO …
Read More »Ex ni Philip nagpiyansa vs Estafa
PANSAMANTALANG nakalaya sa kasong estafa si Cristina Decena, dating maybahay ng aktor na si Philip Salvador, makaraan maglagak ng piyansa. Bago mag-5 p.m. kamakalawa nang magtungo si Decena sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 107 sa sala ni Judge Jose Bautista, dala ang P30,000 cash na inirekomenda ng Pasig RTC Branch. Ayon kay Atty. Filomena Lopez, clerk of …
Read More »Sexy model itinangging kilala ng police general (Sa ‘calling card scandal’)
ITINANGGI ni Chief Supt. Alexander Ignacio na personal niyang kilala ang modelong si Alyzza Agustin na ginamit ang kanyang calling card para malusutan ang kinasasangkutang traffic violations. Nilinaw din ni Ignacio na siya ay one star general at hindi two star general na nakapaloob sa calling card na kumakalat sa social networking sites, at hindi niya executive assistant si Agustin. …
Read More »Purisima ‘di nagsasabi nang totoo — Osmeña, Poe
HINDI nagsabi ng buong katotohanan sa ginanap na Senate inquiry si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Alan Purisima. Ito ang nagkakaisang pahayag nina Sen. Serge Osmeña at Senate committee on public order and dangerous drugs chairperson Sen. Grace Poe. “I’m not convinced that he’s telling the truth entirely or if he’s revealing the entire truth. Maybe there’s a …
Read More »