Saturday , January 11 2025

News

Basura ng Canada ‘di pwede sa Tarlac (Sabi ni Mayor)

MALINAW na may paglabag na ginawa ang presidente ng Metro Clark Waste Management Corp. (MCWMC) sa pagpayag na maitapon ang tambak-tambak na basura ng Canada sa Tarlac City. Ayon kay Tarlac City Mayor Antonio C. Rodriguez Jr., may kasunduang pinirmahan ang MCWMC, kasama ang probinsiya ng Tarlac at ang Clark Development Corp. na pumapayag lang sa iilang lugar na makapagtapon …

Read More »

Misis ginilitan ni mister (Sinisi sa pagbubuntis ng anak)

GENERAL SANTOS CITY – Agad binawian ng buhay ang isang misis makaraan gilitan sa leeg ng kanyang mister sa loob mismo ng kanilang bahay sa Prk. Kulasi, Brgy. Labangal sa Lungsod ng General Santos kahapon. Kinilala ang namatay na si Jovelyn Ola, 36, at nang magbalik-Islam ay naging Fatima Ola ang pangalan, habang ang mister ay si Abdul Javier Ola, …

Read More »

Angat Dam kompirmadong nasa ibabaw ng West Falley Fault

NAKOMPIRMANG nasa ibabaw at malapit sa West Valley Fault ang ilang bahagi ng kinatatayuan ng Angat Dam na matatagpuan sa Hilltop, Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan. Dahil dito, nabatid na delikado sa pinangangam­bahang 7.2 intensity na lindol kaya sinisimulan na ang rehabilitasyon ng water reservoir para patatagin ito. Ito ang ipinahaya­g ni Engr. Russel Rigor, Senior Dam Operation Engineer ng …

Read More »

Kelot nabaril ng kapitbahay habang umiihi

NAGA CITY – Sugatan ang isang magsasaka nang mabaril ng kanyang kapitbahay habang umiihi sa Brgy. Dalahican, Lucena City kamakalawa.  Kinilala ang biktimang si Crispin Adeser, 49-anyos.  Sa nakalap na impormasyon, nakikipag-inoman ang biktima ngunit sandaling tumayo upang umihi.  Sa pagkakataong iyon, nasa labas din ang isang kapitbahay at aksidenteng naiputok ang improvised firearm at tumama sa binti ng biktima. …

Read More »

Fishing ban ng Malacañang tinuligsa (Mangingisda pumalag)

MARIING tinuligsa at pinalagan ng samahan ng mga mangingisda ang balak ng pamahalaan ng ipagbawal ang commercial fishing sa karagatan ng Manila Bay simula sa darating na buwan ng Setyembre sa isinagawang ulat balitaan kahapon ng umaga sa Navotas City. “Ang balakin ng gobyernong ito ay hindi makatao sapagkat libo-libong mamamayan na naghahanapbuhay sa Manila Bay bilang mangingisda ay mawawalan …

Read More »

6M lalahok sa Metrowide quake drill

INAASAHANG aabot sa lima hanggang anim na milyon ang lalahok sa sabayang earthquake drill sa Metro Manila sa Hulyo 30. Muling ipinaalala ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Francis Tolentino na isasagawa ang drill, dakong 10:30 a.m. hanggang 11:30 a.m. Partikular sa unang 45 segundo, aabisohan ang lahat na mag-drop, cover and hold. Marami aniyang sirena ang tutunog, …

Read More »

Fork lift operator todas sa freak accident (Blade tumilapon)

NATUSOK sa dibdib, ulo at nabale ang kaliwang braso ng isang 58-anyos forklift operator makaraan kumalas at bumagsak sa bubungan ng kanyang pinatatakbong forklift truck ang forklift blade sa loob ng isang barkong nakadaong sa Pier 18, North Harbor, Vitas, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Donald Panaligan, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong …

Read More »

P200-M asunto vs ‘attack dogs’ et al inihain ni Binay

NAGHAIN si Vice President Jejomar Binay ng P200 milyong damage suit laban sa mga senador, mga opisyal ng pamahalaan gayondin sa isang pahayagan na binasagan niyag attack dogs. Kabilang sa mga kinasuhan ni Binay sina Sen. Antonio Trillanes IV,  Sen. Alan Peter Cayetano,  Caloocan Rep. Edgar Erice, Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amado Tetangco, Security and Exchange …

Read More »

‘Panic’ lang ‘yan — Sen. Trillanes

NAKAHANDA si Sen. Antonio Trillanes IV na sagutin sa korte ang P200 million damage suit na isinampa sa kanya ni Vice President Jejomar Binay sa Makati Regional Trial Court. Ayon kay Trillanes, hindi siya natatakot sa kaso at patuloy na ibubunyag ang mga katiwalian ni Binay. Malinaw aniya na nagpa-panic na si Binay sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan kaya tinatakot na …

Read More »

Palasyo nangantiyaw

KINANTIYAWAN ng Palasyo ang kampo ni Vice President Jejomar Binay dahil taliwas sa anti-libel na adbokasiya ng senatorial bet ng bise alklade ang paghahain ng P200-M damage suit laban sa mga mamamahayag at iba pang personalidad. “Don’t they have a senatorial candidate-lawyer who wants to decriminalize libel? Why don’t media ask this candidate from VP Binay’s own party to comment …

Read More »

SONA ni PNoy pakinggan muna  — Palasyo (Apela sa kritiko)

TIKOM ang ang bibig ng Malacañang kaugnay sa inihahandang State of the Nation Address ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa Hulyo 27. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, patuloy ang ginagawang paghahanda ni Pangulong Aquino lalo sa data & figures na gagamitin. Ayon kay Coloma, wala pa silang maibabahagi sa publiko dahil nasa Pangulong Aquino raw ang pinal na desisyon …

Read More »

Beki dedo sa saksak

PATAY ang isang bading makaraan pagsasaksakin ng tatlong hindi nakilalang lalaki habang naglalakad sa Pedro Gil St., Paco, Maynila kahapon ng madaling-araw. Natagpuang tadtad ng saksak sa katawan ang biktimang si Ali Macky Ramos, nasa hustong gulang, ng 1715 Interior 8, Bo. San Vicente, Paco, Maynila, habang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas. …

Read More »

Tubero tinarakan ng partner

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 42-anyos well driller makaraan pagsasaksakin ng kanyang live-in partner habang nakikipag-inoman sa kapatid sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang si Ariel San Juan, residente ng 62 Sisa St., Brgy. Acacia ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang malalim na saksak sa likod. Habang pinaghahanap ang suspek …

Read More »

5 pulis sa rubout idiniin ng testigo (Set-up ‘di holdap)

KUMANTA na ang testigo sa sinasabing pagpatay ng mga operatiba ng Manila police sa isang tricycle driver  noong gabi ng Hulyo 14 sa Sampaloc, Maynila. Sa pulong sa NBI, si Dagul, 21, ay natunton nang magkasanib na puwersa ng NBI at NAPOLCOM teams noong Hulyo 18, o apat na araw makaraan ang pagpaslang kay Robin Villarosa, suspek sa panghoholdap sa UST at …

Read More »

3 CAFGU todas sa ambush (Sa Misamis Oriental)

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) habang pabalik na mula bakasyon sa Brgy. Hindangon, Gingoog City, Misamis Oriental kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Ferry Abao, Ferman Abao at Fredo Sarlo, residente sa nasabing bahagi ng lalawigan. Inihayag ni 58th IB, Philippine Army spokesperson Capt. Ernesto Endoso na ang ginawang …

Read More »

3 akusado sa Sulu bombing inabswelto ng Manila RTC

INABSUWELTO ng Manila RTC ang tatlong suspek sa tinaguriang Sulu bombing noong 2009 na ikinasugat ni dating Sulu Gov. Abdusakur Tan. Ayon sa korte, hindi sapat ang nailahad na ebidensiya laban sa mga akusado kaya hindi sila maaaring idiin ng kampo ni Tan. Kinilala ang mga akusado na sina Juhan Alimuddin, Sulayman Muin at dating konsehal Temogen “Cocoy” Tulawie. Una …

Read More »

Janitor patay sa bugbog ng US army sa Tacloban

TACLOBAN CITY – Patay ang isang janitor ng San Jose Elementary School sa Tacloban City makaraan bugbugin ng isang US Army na nagbabakasyon lang sa siyudad. Kinilala ang suspek na si Lee Guyon, 26, nakadestino sa 25th ID 2nd Brigade 121 Infantry Charlie Coy, residente ng Wahiana, Hawaii at may kasama siyang isang nagngangalang Rolando Duran, isang seaman. Ang biktima …

Read More »

7 lugar sa Pangasinan lubog pa rin sa baha

LUBOG pa rin sa baha ang pitong lugar sa Pangasinan makaraan ang ilang araw na pag-ulan nitong nakalipas na mga araw.  Bagama’t nagsimula nang gumanda ang lagay ng panahon simula noong Linggo, sinabi ni ret. Col. Popoy Oro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, 349 pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation center.  “Mataas pa rin ‘yung kanilang …

Read More »

7,000 licensed customs brokers mawawalan ng trabaho

MALAKI ang posibilidad na mawalan ng trabaho ang mahigit sa 7,000 licensed customs broker sakaling tuluyang maging isang batas ang isinusulong na Customs Modernization Tariff Act. Mismong ang Chamber of Customs Broker Incorporated (CCBI) ang nagbunyag ng naturang impormasyon sa pamamagitan ng isang pulong balitaan. Tinukoy ng grupo na batay sa isang probisyon na nakasaad sa panukalang batas, gagawin na …

Read More »

Bagong train ticketing system umarangkada na

UMARANGKADA na ang bagong ticketing system sa Light Rail Transit (LRT) Line 2 nitong Lunes.  Idinetalye ni Atty. Hernando Cabrera, spokesperson ng LRT, ang mga feature ng bagong ticketing system.  Sa ngayon aniya, sa Legarda Station pa lang nabibili ang card na nagkakahalaga ng P20.00.  “‘Yung card na first time mong bibilhin P20 kaya lang for the next four years …

Read More »

Roxas: 5 pulis sa rubout sa Maynila timbog na

HABANG abala sa pangangampanya sina Vice President Jejomar Binay, Senador Grace Poe at Francis Escudero para sa 2016 elections, abala naman si DILG Sec. Mar Roxas sa pagtugis sa mga kriminal sa lipunan. Kahapon ay masayang inianunsiyo ni Roxas na nasakote na ng Philippine National Police ang kanilang mga kabarong pulis na pinaghihinalaang sangkot sa sinabing rubout sa Sampaloc, Maynila. …

Read More »

Mismatch sa LRT bid sa aksidente patungo

“KAILANMAN ay hindi dapat isangtabi at isakripisyo ang kaligtasan ng mga mananakay ng ating public transport. Huwag sanang hayaan ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority na mangyari uli ang kalunos-lunos na aksidenteng nangyari na sa MRT 3 sa EDSA.” Ito ang naging babala ni Atty. Oliver San Antonio, tagapagsalita ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) nang matambad ang …

Read More »

Balasahan sa PNP inaasahan

INAASAHAN na ang balasahan o major revamp sa key positions sa pambansang pulisya. Ito’y kasunod sa pagkakahirang kay Police Director General Ricardo Marquez bilang bagong PNP chief. Si Marquez ang Director for Operations ng PNP bago siya hinirang bilang bagong pinuno ng PNP. Dahil sa pagkakatalaga kay Marquez at pagreretiro sa serbisyo ni retired PNP OIC chief Leonardo Espina, ilang …

Read More »

9-anyos nilaspag rape suspect itinumba

PATAY ang isang lalaking hinihinalang gumahasa sa isang 9-anyos batang babae, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong kalalakihan na magkaangkas sa motorsiklo sa Baliwag, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula sa Baliwag Police, kinilala ang biktimang si Reynaldo Buenaventura, 53, may-asawa, at residente ng Zone 1, Brgy. San Roque, sa naturang bayan. Ayon sa ulat, naganap ang pagpaslang sa biktima sa …

Read More »

15-anyos nabaril ng 13-anyos pinsan

ZAMBOANGA CITY – Nasa kustodiya na ng pulisya ang 13-anyos binatilyo na aksidenteng nakabaril sa 15-anyos dalagita sa Magay St., Brgy. Zone 4 sa Zamboanga City kamakalawa. Sa imbestigayson ng pulisya, ang baril na ginamit sa insidente ay pag-aari ng isang kasapi ng Philippine Navy na kinilalang si Sgt. Edris A. Mukattil, 37, residente nang nabanggit na lugar. Nabatid na …

Read More »