Saturday , January 11 2025

News

Lolo nalaglag sa hagdan, patay

BINAWIAN ng buhay ang isang 65-anyos lolo makaraang mahulog sa hagdan dahil sa kalasingan kamakalawa ng gabi sa Tayuman, Tondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang si Antonio Espinar, alyas Tony, stay-in helper sa BKM House sa PNR Compound, Tayuman, Tondo, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Noel Santiago, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 6:30 p.m. …

Read More »

Tax collection pagbubutihin ng BIR

ANG pagpapabuti sa Collection ng buwis ang tututukan ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito’y makaraan ihayag na hindi magpapatupad ng panibagong tax measures ang pamahalaan. Kinompirma ni BIR Commissioner Kim Henares, kasalukuyang nasa status quo ang komisyon at sinabing walang pagbabago sa tax rates, walang pagtaas ng tax at walang income tax cuts. Siniguro ni Henares, dahil dito …

Read More »

IBINABABA mula sa Amazona Hotel sa Ermita, Maynila ang bangkay ng Canadian national na si Terrance Gregory McMullin, 42, nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili gamit ang LPG kamakalawa ng gabi. (ALEX MENDOZA)

Read More »

MASAYANG kinausap ni NCRPO chief, Chief Supt. Joel Pagdilao ang mga tauhan ng Manila Police District Station 5 nang makita ang mga pulis na nakasuot ng High Visibility Vest makaraang maging panauhin ng Media Forum sa Luneta Hotel. (BONG SON)

Read More »

MAGKATUWANG ang mga tauhan ng MPD PS3 Plaza Miranda PCP sa pangunguna ni Chief Insp. John Guiagui, at mga tanod ni Brgy. Chairman Joey Uy Jamisola ng Brgy. 306, sa paglilinis ng paligid ng Quiapo Church sa Quiapo, Maynila. (BRIAN BILASANO)

Read More »

Trillanes Most Productive Senator

NANATILING si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang nangungunang mambabatas sa Senado, base sa dami ng mga panukalang ini-sponsor at naisabatas na. Noong nakaraan at kasalukuyang Kongreso, siya ang may pinakamaraming pambansang panukala na naisabatas. Noong 15th Kongreso (2010-2013), siya ay nakapagbigay-daan sa pagpapasa ng 17 batas; habang ngayong 16th Kongreso (2013-kasalukuyan), siya ang pangunahing may-akda ng apat (4) …

Read More »

Chiz expert sa budget at agri (Para sa Bise Presidente — Butil Party-List)

NANAWAGAN si ABONO Party Rep. Francisco Emmanuel Ortega III para sa aktibong pakikilahok ng dating Senate Finance Committee Chairman na si Francis “Chiz” Escudero sa deliberasyon ng budget para sa agrikultura sa 2016 kasabay ng pahayag na matutulungan ng senador ang mga mambabatas upang matukoy ang pinakamabisang paraan sa paglalaan ng pondo tungo sa pagpapabuti ng sektor ng pagsasaka. “Ilang …

Read More »

Balikbayan boxes libre na (Customs pursigido)

LABINLIMANG beses ang dami ng mga pambahay at personal goods na nakasilid sa mga shipping containers ang itinutulak ngayon ng Bureau of Customs (BoC) na ma-exempt sa buwis na babayaran ng mga Filipinong balikbayan, kasabay ng pagdoble ng isanlibong beses sa halaga ng mga libreng goods na ipinapadala pauwi ng overseas Filipino (OFWs) mula sa ibayong dagat sa pamamagitan ng  sa …

Read More »

Roxas inilampaso si Binay

NILAMPASAN ng personal na pambato ni Pangulong Noynoy Aquino na si Mar Roxas si Vice President Jejomar Binay sa pinakabagong survey na pinalakad ng Liberal Party. Sinabi ni Caloocan Congressman Edgar “Egay” Erice na nagkomisyon ng isang survey ang LP para makita ang katayuan ni Roxas kung si Binay lamang ang kalaban sa pagkapangulo sa 2016.   Lumabas sa survey …

Read More »

Abogado ni Samson, inakusahan ng swindling

Inakusahang ng swindling ang abogadong humahawak sa reklamong isinampa ni Isaias Samson Jr., laban sa Iglesia ni Cristo (INC). Ayon kay Atty. Argee Guevarra may mga dokumento siyang magpapatunay na si Atty. Trixie Cruz-Angeles ay sangkot umano sa swindling activities. Sina Guevarra at Angeles ay dating law partners. Sinabi ni Guevarra, mayroon umano siyang personal knowledge at may mga dokumento na magpapatunay …

Read More »

MMDA Chair Tolentino: Dapat solid tayo kontra trapiko

“Magkaisa sa pagresolba ng problema sa trapiko.” Ito ang panawagan ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino sa harap ng paghahanda ng ahensiya sa 96 miyembro ng PNP-Highway Patrol Group para ilagay sa piling “chokepoints” sa EDSA. “Hindi ito panahon ng pagsisisihan. Alam na natin ang problema. Magtulungan tayo para ito’y maresolba,” wika ni Tolentino. Bago rito, nagpakalat …

Read More »

Bagong strain ng sore eyes virus itinanggi

PINAWI ng Department of Health (DoH) ang pangamba ng publiko sa biglaang paglobo ng naitalang infected ng sore eyes sa ating bansa. Ayon kay DoH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, maging sila ay aminadong kakaiba ang ‘timing’ ng naturang viral infection dahil noon ay kumakalat ito tuwing summer. Nabatid na maraming lugar din ngayon ang nakapagtala ng naturang virus, lalo …

Read More »

Canadian nag-suicide sa hotel (Sarili nilason sa LPG)

MASUSING inimbestigahan ng pulisya ang insidente ng pagpapakamatay ng isang Canadian national sa loob ng isang hotel sa Ermita, Maynila kamakalawa. Ayon sa ulat na isinumite ni SPO3 Milbert Balinggan kay Inspector Paul Dennis Javier, ng MPD Homicide Section, ibinalot ng biktimang si Terrance Gregory McMullin, 42, Canadian, ng 368 Brock Ave,Toronto, Ontario, Canada, pansamantalang nanunuluyan sa Room 108, Amazona …

Read More »

Warays kasado na sa Poe-Chiz (Kompirmado!)

KASABAY ng pagbibigay-diin sa pangangailangan ng bansa para sa pamunuan na agarang magbubuo sa bansa, ibinunyag ni An Waray Rep. Neil Montejo na iisa ang sentimyento ng kanyang mga kababayan sa kahandaan na suportahan ang kandidatura ni Sen. Grace Poe at ni Sen. Francis Joseph “Chiz” Escudero bilang pangulo  at pangalawang pangulo sa susunod na taon. “Malayo ang kalamangan sa …

Read More »

INC ruling idinepensa

MATAPOS ang apat na araw na protesta ng Iglesia ni Cristo sa kahabaan ng EDSA na nagdala ng matinding trapik sa kamaynilaan, muling idinipensa nina Senador Grace Poe at Senador Chiz Escudero ang Iglesia Ni Cristo (INC) mula sa matinding batikos ng netizens at ordinaryong mamamayan. “Siguro iba ang pagkaintindi nang marami, pero para sa ‘kin dinedepensahan ko ang karapatan ng …

Read More »

Pagpaslang sa Lumads kinondena ng Bayan Muna (Sa Surigao del Sur)

KINONDENA ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate ang pagpaslang sa tatlong katutubong Lumad sa Lianga, Surigao del Sur ng pinaniniwalaang mga miyembro ng paramilitary group na nag-o-operate sa nasabing lalawigan. “Killings and human rights violations is the legacy of the Aquino administration to the indigenous peoples, especially to the Lumad people. The government’s upkeep of paramilitary organizations is sustaining …

Read More »

Palasyo apektado ng Aldub Fever

APEKTADO na rin ng “Aldub Fever” ang Palasyo. Napag-alaman, tinapos nang maaga ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang regular press briefing kahapon dahil nagsisimula na ang “AlDub Kalyeserye” segment sa noontime show na Eat Bulaga sa GMA-7. Tumagal lamang ng 30 minuto ang regular media briefing ni Laceirda na sinimulan bandang 1 p.m. upang makahabol na mapanood ang “Aldub.” “It’s …

Read More »

Anak ng retired general namaril 1 patay, 2 sugatan

MULING nasangkot sa krimen ang anak ni dating Philippine Constabulary Gen. Antonio Abaya na ikinamatay ng isang babae at dalawa ang sugatan makaraang pagbabarilin ang isang van kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Sa ulat ni Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), kay Chief  Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director, kinilala ang namatay na si …

Read More »

2 patay, 14 sugatan sa truck vs 7 sasakyan

DALAWA ang kompirmadong namatay, kabilang ang isang engineering student, habang 14 ang sugatan makaraang soroin ng isang truck ang pitong sasakyan sa A. Bonifacio Avenue, Marikina City kahapon ng umaga. Kinilala ng mismong ama ang isa sa dalawang namatay na si Edizon John Reyes, habang kabilang sa 14 sugatan ang driver ng 10-wheeler delivery truck (RHW-112), isinugod sa Amang Rodriguez …

Read More »

87-anyos lola dedbol sa bundol

  PATAY ang  isang 87-anyos lola makaraang mabundol ng umaatras na sports utility vehicle  (SUV) habang naglalakad  papunta sa isang tindahan sa Caloocan City kahapon. Hindi na nailigtas ng mga doktor ng Quezon City District Hospital ang biktimang si Emperatriz Grajo Rabenitas, senior citizen, residente sa Block 15, Lot 14, Sunrise Village, Brgy. 167 Llano ng nasabing lungsod, sanhi ng …

Read More »

4 killer ng brodkaster natukoy sa CCTV

CAGAYAN DE ORO CITY – Tukoy na ng pulisya ang apat  suspek na bumaril at nakapatay sa radio anchorman sa lungsod ng Ozamiz City, Misamis Occidental. Ito ay makaraan mapag-aralan ng Special Investigation Task Group (SITG) ang laman ng CCTV camera at nakita ang apat na mga suspek na bumaril sa biktimang si Cosme Maestrado ng DXOC Radyo Pilipino sa …

Read More »

NBI nagbabala sa pyramiding scam sa Facebook

Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa patuloy na pagkalat ng iba’t ibang uri ng pyramiding scam lalo ang mga pinakakalat sa pamamagitan ng social media tulad ng Facebook (FB). Ipinatawag kamakalawa ni Anti-Fraud Division chief Atty. Dante Jacinto ang opisyales ng AlphaNetworld Corporation sa pangunguna nina Juluis Allan Nolasco,  Josarah Nolasco at June Paolo Nolasco matapos silang ireklamo …

Read More »

Misis, anak ini-hostage ni mister

ROXAS CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children ang dating bodyguard ng alkalde ng Sigma, Capiz makaraan i-hostage ang kanyang mag-ina sa loob ng kanilang bahay kamakalawa. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Mary Jane Gregorio at anak nang i-hostage ng asawa na si Jojo Gregorio habang nasa impluwensiya ng droga. …

Read More »

2 rape-slay suspect sa Tanay arestado

TINIYAK na ibibigay ang P50,000 reward sa testigo na nagturo sa dalawang naarestong suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 10-anyos batang babae sa Tanay, Rizal. Kinilala lamang ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga alyas na Toto at Dondon habang isinasailalim sa imbestigasyon. Magugunitang natagpuang naaagnas na ang bangkay ng biktimang si Cazandra Valencia, 10, nang matagpuan sa ilalim …

Read More »

DOTC makialam

NANAWAGAN ng tulong ang National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) sa pamamagitan ng abogado at tagapagsalita na si Atty. Oliver San Antonio sa mabilisang panghihimasok ng matataas na opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at sa administrasyong Aquino hinggil sa maanomalyang renewal ng maintenance contract para sa LRT Line 2 kasabay ng pahayag na agarang aksyon ang kailangan upang …

Read More »