Saturday , January 11 2025

News

Tumangay sa P9.4-M 4Ps fund arestado

ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng mga tauhan ng PRO4A sa Quezon Province ang suspek sa pagnanakaw sa P9.4 milyong pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dalawang taon na ang nakararaan. Kinilala ni PNP-CIDG Director PCSupt. Victor Deona ang suspek na si Emilron Dela Torre, naaresto sa mismong kanyang hideout  …

Read More »

P6-M shabu kompiskado sa bigtime pusher/holdaper

TINATAYANG aabot sa P6 milyong halaga ang dalawang kilo ng shabu na nakompiska ng mga awtoridad mula sa tatlong hinihinalang bigtime drug pusher at holdaper sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Rosario, Pasig City kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay NCRPO director, Chief supt. Joel Pagdilao, kinilala ang naaresto na sina Nhelmar Mendiola at Noel Mendiola, mag-ama, at …

Read More »

Roxas pumalo sa Pulse Asia Survey

SUMIPA na ang pag-endorso ni Pangulong Benigno S. Aquino sa pambato ng ‘Daang Matuwid’ na si Mar Roxas. Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, umangat na sa 20% ang rating ni Roxas. Umakyat ito mula 18% noong Agosto at mula 10% noong Hunyo. Si Roxas ang nagkaroon ng pinakamataas na pag-angat sa survey laban kina Senador Grace Poe at Bise Presidente …

Read More »

 15-anyos dalagita hinalay muna bago pinatay (Sa CamSur)

NAGA CITY – Pinagsasaksak hanggang mapatay makaraang halayin ang isang 15-anyos dalagita Zone 3, Brgy. Impig, Sipocot, Camarines Sur kamakalawa. Ayon kay SPO3 Rodulfo Mitran ng Sipocot-PNP, inutusan ng ina ang dalagita na bumili sa tindahan ng toyo at sibuyas ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin bumabalik. Agad humingi ng tulong ang ina ng biktima sa mga awtoridad …

Read More »

2 tiklo, 1 tinutugis sa ninakaw na kotse

ARESTADO ang dalawang lalaki habang tinutugis ang isa pa makaraang tangayin ang sasakyan ng isang mag-ina nang mag-check-in sa isang hotel sa Pasay City. Patuloy na hinahanap ng mga kagawad ng Pasay City Police ang pangunahing suspek na si Raymund Benedict Anthony Alviar, 29, binata, gym instructor ng 6 Puzon St., San Gabriel Village,Tuguegarao City. Habang nakapiit na ang kanyang …

Read More »

Sanggol, 2 bata sinakmal ng unggoy

BUTUAN CITY – Isinugod sa ospital ang isang sanggol at dalawang bata makaraang sakmalin nang nakawalang unggoy sa Brgy. Bayanihan, sa Lungsod ng Butuan kamakalawa ng gabi. Ang mga biktima ay itinago sa pangalang Sarah, 13-anyos; Kim, isang taon gulang; at Ervin, 10-anyos, pawang nakaranas din ng trauma makaraan ang insidente. Napag-alaman, isang taon nang nakatali ang naturang unggoy na …

Read More »

Customs Revenue Modernization Office buwagin (Rekomenda ng Kamara)

INIREKOMENDA ng committee on ways and means ng House of Representatives ang pagbuwag sa Office of the Revenue Agency Modernization (ORAM) ng Bureau of Customs (BoC) bunsod nang pagkabigong maabot ang kanilang performance targets. “We recommended that it be abolished,” pahayag ni Marikina Rep. Romero Federico Quimbo, chairman ng komite. “The committee determined that the underperforming retired generals were not …

Read More »

Babaeng sinapian ng bad spirit utas sa biyenan

BACOLOD CITY – Bumulagtang walang buhay sa gitna ng ulan sa labas ng kanilang bahay ang isang babae makaraang pagsasaksakin ng kanyang biyenan nang magwala ang biktimang sinasabing sinapian ng masamang espirito kamakalawa sa Sitio Canbanong, Brgy. Guiljungan, bayan ng Cauayan, sa Negros Occidental. Ayon kay PO1 Errol Sebua, case investigator ng Cauayan Police Station, ang 22-anyos biktimang si Annabelle …

Read More »

Fetus nilapang ng aso sa Cebu (Natagpuan ulo at braso na lang)

CEBU CITY – Iniimbestigahan ng mga pulis kung sino ang mga magulang ng isang fetus na natagpuan  sa  sakahan ng Sitio Upper Tak-an, Brgy. Budlaan, Lungsod ng Cebu kamakalawa. Nabatid na tanging ulo at isang braso na lang ng fetus ang natagpuan ng grupo nina SPO2 Roy Jayme. Sinasabing natagpuan ang fetus ng isang Medie Tejero, 40, nakatira sa nasabing …

Read More »

4 resort employee nalason sa brownies

DAGUPAN CITY – Hinihinalang nabiktima ng food poisoning ang apat empleyado ng resort kabilang ang 68-anyos lola, makaraang kumain ng brownies bread sa Brgy. Tiblong bayan ng San Fabian, Pangasinan kamakalawa. Mismong ang may-ari ng Moonlight Bay Resort na si Ginang Ofelia Sharzadeh ang nagparating sa pagkalason ng mga empleyado niya na kinilalang sina Dessy Ann Buado, 19, front desk; …

Read More »

Mag-utol missing sa hagupit ni ‘Jenny’

DALAWA katao ang napaulat na nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong Jenny partikular sa bahagi ng Mindanao. Ito’y batay sa latest update ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC). Kinilala ni NDRRMC executive director Alexander Pama ang dalawang nawawalang magkapatid na sina Paharoddin Ting-galong, 20, at Lacmodin Ting-galong, 16, pawang mga residente ng Labangan, Zamboanga del Sur. Sa nakuhang …

Read More »

Grabeng atake vs Grace-Chiz paghandaan (Poe dumoble ang lamang kina Binay at Mar)

DAPAT nang paghandaan ni Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero ang mas marami pang pag-atake sa kanila habang patuloy ang pangunguna sa kabila ng mas maagang pangangampamya ng kanilang mga katunggali – lalo pa ngayong ipinapakita sa mga bagong resulta ng mga survey na nasa “double-digits” na ang kalamangan ni Poe kay Vice President Jejomar Binay at dating Interior …

Read More »

Libel vs Yap et al ibinasura (Dahil sa maling hurisdiksiyon)

IBINASURA ng Manila RTC Branch 55 ang libel case na inihain ni Insp. Rosalino P. Ibay Jr. laban kina Jerry Yap, publisher; Gloria Galuno, managing editor; at Edwin Alcala, circulation manager, pawang ng Hataw tabloid, bunsod ng maling hurisdiksiyon. Ayon sa desisyon ni Judge Josefina E. Siscar, ang offended party na si Ibay Jr. ay public officer na nakatalaga sa …

Read More »

VIP treatment sa Reyes bros imbestigahan – Palasyo (Utos sa DoJ, DILG)

PINAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang ang ulat na nagtatamasa ng special treatment ang Reyes brothers sa Puerto Princesa jail. “The DoJ (Department of Justice) and the DILG (Department of Interior and Local Government) are looking into this matter and will take the necessary action, including the possible filing of appropriate cases against those involved,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Binigyang …

Read More »

Presscon pinalagan ng Ortega Family

Pumalag ang pamilya Ortega hinggil sa isinagawang press conference ng magkapatid na Joel at Mario Reyes, itinuturong suspek sa pagpatay sa environmentalist at broadscaster na si Gerry Ortega. Kinuwestiyon ng biyuda ni Ortega na si Patty ang isinagawang presscon ng magkapatid dahil ipinagbabawal sa batas ang pagsasagawa ng presscon ng mga suspek. Inirereklamo ni Patty Ortega ang Jail Warden ng …

Read More »

May sukbit na toy gun, senglot binoga sa ulo

PATAY ang isang lalaking lasing na may sukbit na toy gun makaraang barilin sa ulo kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Vicente Morga, alyas Bay, nasa 30-35 anyos; tubong Leyte, at naninirahan sa Blk. 6, Baseco Compound, Port Area, dahil sa tama ng bala sa ulo. Habang walang nakuhang impormasyon …

Read More »

‘Jenny’ signal no. 1 sa Batanes

ITINAAS na ang Batanes group of islands sa signal number one habang lumalayo ang Bagyong “Jenny” sa bansa, ayon sa weather bureau PAGASA kahapon. Sinabi ni PAGASA weather forecaster Manny Mendoza, bahagyang lumakas ang bagyo, taglay ang lakas ng hangin na 160 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at pagbusong aabot sa 195 kph. Huling namataan ag bagyo sa …

Read More »

Tulak arestado, 29 sachet ng shabu kompiskado

LAOAG CITY – Nakompiska ng mga pulis sa lungsod ng Laoag ang 29 sachet ng shabu sa isinagawa nilang search operation sa isang bahay sa Brgy. 9 ng nasabing lungsod kamakalawa. Kinilala ang may-ari ng bahay at subject ng operasyon na si Warren Agpaoa, may asawa, at residente sa naturang barangay. Ayon kay Senior Insp. Danilo Pola ng PNP Laoag, …

Read More »

Kelot sinaksak ng tagahanga ng siyota

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan pagsasaksakin ng lalaking tagahanga ng kanyang girlfriend kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jonathan Hernandez, 27, ng 45 Camus St., Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Cookie, ng Mallari St. …

Read More »

Regine at the Theater concert, handog ng Asia’s Songbird sa fans at loyal PLDT Home subscribers

ISA kami sa nasiyahan dahil finally ay muling mapapanood at maririnig ang magandang tinig ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa isang concert, ang Regine at the Theater, sa November 6, 7, 20, at 21 sa The Theater, Solaire. Kahit si Regine ay masaya sa panunumbalik ng kanyang boses dahil matagal-tagal ding hindi niya ito nagamit. “Now, I’m feeling …

Read More »

Pulis, jail official itinumba ng riding in tandem sa CAMANAVA (Sa loob ng 4 oras)

PATAY ang isang pulis at jail official makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan at Navotas city kahapon. Sabog ang ulo ng isang aktibong pulis na si SPO3 Rodrigo Antonio, nasa hustong gulang, residente sa Pangako St., Brgy. 149, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, tinamaan ng bala ng kalibre .40 sa ulo at katawan makaraang pagbabarilin …

Read More »

Lumad Killings ayaw ipaurirat ni PNoy sa UN Special Rapporteurs

HUWAG kayong manghimasok sa isyu ng Lumad killings. Ito ang buwelta ng Palasyo pahayag ng dalawang United Nations special rapporteurs na humihimok sa administrasyong Aquino na imbestigahan ang mga insidente nang pagpatay sa human rights activists at Lumad sa Mindanao. “The PHL needs to undertake its own internal processes to look into the incident in Surigao. It is best to …

Read More »

DOJ bubuo ng probe team sa Lumad Killings

BUBUO ng special investigation team ang Department of Justice (DoJ) para siyasatin ang pagpatay at pangha-harass sa mga katutubong Lumad sa Mindanao.  Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, nagpadala na ng direktiba ang tanggapan ng Executive Secretary sa DoJ para maimbestigahan agad ang isyung ito. Paliwanag ni De Lima, masalimuot ang naturang isyu na may kaugnayan sa kalagayang lokal. …

Read More »

Bugaw na bebot niratrat sa hagdan ng Int’l Cabaret

PATAY ang isang bugaw ng mga babaeng nagbebenta ng aliw makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki habang pababa ng hagdan kahapon ng umaga sa Caloocan City. Binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas Ledy, nasa 25-30-anyos, patuloy pang inaalam kung ano ang tunay na pangalan at kung tagasaan, tinamaan ng bala ng hindi nabatid na kalibre …

Read More »

Pakistani national tiklo sa buy-bust

NADAKIP ng pinagsanib puwersa ng Parañaque City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Pakistani sa buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Paranaque City. Kinilala ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Paranaque City Police, ang naarestong suspect na si Muhammad Norman, 38, naninirahan sa no.  221 Aguirre Avenue, Phase II, BF Homes, Parañaque City.  Base sa isinumiteng report nina …

Read More »