Thursday , June 4 2026

San Miguel Bulacan dinaanan ng buhawi 17 pamilya apektado

UMAABOT sa 17 pamilya ang naapektohan ng paghagupit ng buhawi sa San Miguel, Bulacan nitong Martes.

Bandang 9:30 pm nang manalasa ang buhawi sa Zone 2, 3, 4 sa Brgy. Sibul, ayon kay John Mendez ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

“Nasorpresa po ang lahat… Ang mga kabahayan po, karamihan, natangay ang bubong,” kwento ni Mendez.

Walang nasaktan sa insidente ngunit tinatayang 17 pamilya o 85 katao ang naapektohan ng buhawi.

Nitong Linggo, tinamaan ng buhawi ang Quezon City at Maynila.

Dalawang residente ng Maynila ang nasugatan sa insidenteng nakaapekto sa 100 bahay.

Habang nawalan ng koryente ang 500 bahay sa Quezon City dahil sa pagdaan ng malakas na hangin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …