Saturday , January 11 2025

News

Binay camp itinuro ng Palasyo vs Grace Poe

ITINURO ng Palasyo ang kampo ni Vice President Jejomar Binay bilang pasimuno sa pagkuwestiyon sa kuwalipikasyon ni Sen. Grace Poe bilang 2016 presidential candidate. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, si UNA Interim Navotas Rep. Toby Tiangco ang unang nagbunyag sa publiko na labag sa Konstitusyon ang kandidatura ni Poe sa 2016 presidential elections. Binigyang-diin niya na kung nalaman agad …

Read More »

Ayaw nila akong makatakbo sa 2016 — Poe (Laban dadalhin sa SC)

INAASAHAN na ni Sen. Grace Poe na maaari si-yang matalo sa kanyang kaso sa Second Division ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa iisang dahilan: may mga ‘kumikilos’ para matanggal siya sa karera sa pagka-pangulo sa Halalang 2016. “Siyempre ako ay nalulungkot at desmayado rito, subalit ito kasi inasahan na namin dahil sa mga ipinagkikilos rin ng mga nasa paligid namin,” …

Read More »

Pemberton hoyo sa Camp Aguinaldo

PANSAMANTALANG ikinulong si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa Camp Aguinaldo makaraang mahatulang guilty sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude. Unang iniutos ng Olongapo Regional Trial Court na dalhin si Pemberton sa New Bilibid Prison, ngunit binawi ito ng korte at sinabing sa Camp Aguinaldo siya ikukulong hanggang may mapagkasunduan ang Filipinas at Amerika kung …

Read More »

MTPB volunteer todas sa tren

PATAY ang isang 40-anyos volunteer member ng Manila Traffic Parking Bureau (MTBP) makaraang masagasaan ng rumaragasang tren habang umiihi sa gilid ng riles sakop ng Tondo, Maynila kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Francisco Garcia ng nasabing lugar. Ayon kay Supt. Alex Danile, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 8:05 …

Read More »

PH-US Maritime Security Training inamin ng AFP

KINOMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong nagaganap na maritime security bilateral training ang mga sundalong Filipino at US Forces. Ngunit inilinaw ni Iriberri na walang kaugnayan sa isyu ng West Philippine Sea ang nasabing exercise na tinawag na Marsec o maritime security training. Ito’y kasunod sa presensiya ng dalawang US aircraft na naka-standby sa …

Read More »

4 bagets arestado sa gang rape

CAGAYAN DE ORO CITY – Agad naaresto ng mga pulis ang apat menor de edad na lalaking itinuturong gang rape suspects sa isang kolehiyala sa Upper Carmen, Cagayan de Oro City, kahapon ng madaling araw. Ang biktimang itinago sa pangalang Lalang ay kasalukuyang nilalapatan ng medikasyon makaraan halinhinang gahasain ng mga suspek. Inihayag ni PO3 Eniego Obiosca ng Carmen Police …

Read More »

Adik wanted sa pagpatay sa ina at lola

CAUAYAN CITY, Isabela – Sasampahan ng kasong two counts ng parricide ang isang lalaking dumaranas ng mental illness makaraang patayin ang kanyang ina at lola. Ito’y sa pamamagitan ng pagtaga sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan gamit ang panggapas ng palay. Kinilala ang suspek na si Seiitchi Sankoite, 20, residente ng Brgy. Cebu, San Isidro, Isabela. Habang ang mga …

Read More »

8 estudyante sinampal, guro kalaboso

DAGUPAN CITY- Desididong magsampa ng kaso ang mga magulang ng apat sa walong estudyanteng sinampal ng kanilang guro sa isang paaralan sa Lungsod ng Urdaneta. Batay sa salaysay ng mga magulang ng mga estudyante, nagsimulang magalit ang gurong si Madam Maricar Magtuto nang magkapikonan at magkasakitan ang mga mag-aaral sa isang aktibidad. Dahil dito, ipinatawag ng guro ang walong Grade …

Read More »

INC kontra kahirapan (Tulong palalawakin sa bansa)

MARAMI pa rin ang sadlak sa kahirapan kaya minarapat ng Iglesia ni Cristo, sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation, na lalo pang paigtingin ang kanilang mga proyektong tumulong sa mga nangangailangan — pangunahin sa mga katutubong komunidad o Indigenous Peoples (IPs) at mga pamayanang salat sa pagkakataon sa kabuhayan. “Noon pa man, katuwang na ang Iglesia ng pamahalaan sa …

Read More »

Poe diskwalipikado

DISKWALIPIKADO si Sen. Grace Poe para kumandidatong pangulo sa 2016 elections. Ito ang desisyon na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) Second Division sa botong 3-0. Ayon sa Comelec, hindi umabot si Poe sa residency requirement na 10 taon na iniaatas ng Kons-titusyon para sa mga kakandidatong pangulo. Ang petisyon na dinisesyonan ng Comelec ay inihain ng abogadong si Atty. …

Read More »

TRO kontra no bio, no boto inisyu ng SC

NAG-ISYU ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sa ipinatutupad na “No bio, no boto” policy ng Comelec. Nangangahulugan ito na muling nabuksan ang posibilidad na makaboto, kahit ang walang kompletong biometrics data. Una rito, dumulog sa Korte Suprema ang Kabataan party-list para kwestiyonin ang constitutionality ng “No bio, no boto” campaign ng Comelec. Sa kanilang 32-pahinang petition …

Read More »

Pag-apruba ng Bicam sa 2016 budget iniliban

HINDI tumagal ng 10 minuto ang unang araw ng Bicameral Conference Committee ng Senado at Kamara kaugnay sa P3.002 trilyon panukalang national budget para sa susunod na taon Agad ding sinuspinde ang Bicam, makaraang hilingin ng House of Representative contingent na bigyan muna sila ng kopya ng bersiyon ng Senado hinggil sa 2016 proposed national budget. Ito ay upang mapag-aralang …

Read More »

Kelot natigok sa kandungan ng dalagita sa Digos City

DAVAO CITY –Pinagsisikapan ng mga pulis ng Digos City na maki-lala ang lalaking natagpuang wala nang buhay sa loob ng isang lodging house kamakalawa. Inilarawan ng mga pulis ang biktimang nakasuot lamang ng asul na t-shirt, short pants at tinatayang nasa edad 40-45-anyos. Batay sa salaysay ng roomboy sa Daniela’s Inn ng Burgos, Bataan, Digos City, nag-check in ang biktima …

Read More »

Grade 5 pupil nakoryente sa naka-charge na cellphone

NAGA CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang menor de edad makaraang makoryente dahil sa paggamit ng kanyang naka-charge na cellphone sa Sitio Matan, Brgy. Gaongan, Sipocot, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Judy Ajero, 14-anyos at Grade 5 pupil. Napag-alaman, aksidenteng naidikit ng biktima sa kanyang mukha ang kable ng charger at nakoryente dahil …

Read More »

Pemberton 6 taon kulong (Guilty sa homicide)

HINATULAN bilang guilty ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74 si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kaugnay ng kasong homicide o pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer. Matatandaan, Nobyembre 24 sana ang promulgasyon ngunit dahil sa ilang proseso, itinakda ito nitong Disyembre 1, 2015. Ito ay dahil hindi maaaring lumagpas ng isang taon sa korte …

Read More »

Lineman nangisay habang nagkakabit ng internet

DAGUPAN CITY – Agad namatay ang lineman ng isang telecommunication company makaraang makoryente habang nagkakabit ng linya ng internet sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Lingayen, Pangasinan kamakalawa. Pababa na sa hagdan ang biktimang si Larry Valderado, residente sa Brgy. Bonuan Gueset sa Dagupan City nang masagi ang live wire dahilan ng kanyang pagkakoryente. Napag-alaman ng mga awtoridad na hindi …

Read More »

Sanggol patay sa malupit na ama (Ibinitin nang patiwarik, sinampal, sinuntok)

PATAY ang isang isang-taon-gulang lalaking sanggol makaraang walang-awang ibitin nang patiwarik, pinagsasampal at pinagsusuntok ng sariling ama sa Quezon City. Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, Quezon City Police District (QCPD) director, ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), naaresto si Nazarenio Mendiola, 38, tubong Pangasinan, at naninirahan sa Sto. Domingo St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City, suspek sa …

Read More »

Negosyante kritikal sa ‘suicide’

HINIHINALANG nagtangkang tapusin ang kanyang buhay ng isang 66-anyos negosyante makaraang matagpuang duguan at may tama ng bala sa ulo kamakalawa sa Parañaque City. Inoobserbahan sa Las Piñas Doctors Hospital ang biktimang si Tommy Gutierrez, ng 237 Palanyag Road, Gatchalian 2, Brgy. San Dionisio ng naturang lungsod. Base sa ulat na nakarating kay Parañaque City Police chief, Sr. Supt. Ariel …

Read More »

Kelot dedbol sa bundol ng traktora

PATAY ang isang lalaki makaraang mabundol ng isang traktora sa Makati City kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay noon din ang biktimang kinilala lamang sa alyas Georgie, tinatayang nasa edad 30-35, payat ang pangangatawan, nakasuot ng puting t-shirt at maong pants, dumanas nang matinding pinsala sa katawan. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang operator-driver ng traktora na si Roel Impil …

Read More »

INC pinasalamatan ng Bicol IP Community (Tukod-kabuhayan sa ‘bagong eco-communities’)

PINANGUNAHAN ni Iglesia Ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo V. Manalo nitong Nobyembre 8 ang pagpapasinaya sa tinaguriang “self-sustaining eco-farming community” na nasa isang 100-ektaryang lupain na idinibelop sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation, bilang ayuda sa mga kasapi ng tribong Kabihug, isang katutubong komunidad sa Barangay Bakal, Paracale, Camarines Norte.  Ang bagong pamayanan sa Paracale, na kinapapalooban ng …

Read More »

P31-B ibinayad ng gobyerno sa private schools (Imbes magpatayo ng silid-aralan)

UMABOT sa P31 bilyon ang ibinayad ng gobyerno sa mga pribadong paaralan para pag-aralin ang libo-libong maralitang estudyante imbes na nagpatayo na lamang mga dagdag na silid-aralan sa nakalipas na anim na taon. Ito ang nakasaad sa pag-aaral ng Canadian researcher na si Curtis Riep na pinondohan ng Education International,  isang pandaigdigang organisasyon ng mga guro sa 170 bansa. Ngunit …

Read More »

2 patay, 7 kritikal, 13 sugatan sa truck vs bus sa Cavite

DALAWA katao ang patay habang 20 ang sugatan makaraang salpukin ng isang trailer truck ang pampasaherong bus sa Aguinaldo Highway malapit sa Brgy. Lalaan, Silang, Cavite nitong Sabado ng gabi. Base sa inisyal na imbestigasyon, ang truck na galing sa Tagaytay, ay biglang tinahak ang opposite lane na nagresulta sa pagsalpok sa bus na patungong Tagaytay. Agad binawian ng buhay …

Read More »

‘Pangil’ ni Mison tinapyasan

BINAWASAN ng Department of Justice (DoJ) si Immigration Commissioner Seigfred Mison ng awtoridad at kontrol sa pag-aapruba at pag-iisyu ng visa sa lahat ng immigration port of entries. Kasunod nito, iniutos ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa ang imbentaryo sa lahat ng “exclusion and recall” orders na inisyu ng Immigration bureau para sa taon 2013, 2014 at 2015. Ang ‘exclusion’ …

Read More »

Lim nanguna sa Maynila

NANGUNGUNA sa isinagawang survey ng Philippine Polls Online (PPOL) sa pagka-alkalde ng Maynila para sa nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2016 si dating Senador Alfredo Lim habang nakabuntot nang malayo sina dating Pangulo at incumbent Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada at outgoing Manila District V Representative Amado Bagatsing. Sa katanungan “kung sino ang nais nilang susunod na mayor ng Maynila,” …

Read More »

Manager patay sa amok na sekyu (Suspek nagpakamatay din)

PATAY ang manager ng isang kompanya at dalawa pa ang sugatan nang mag-amok ang security guard na binawian din ng buhay makaraang magbaril sa sarili sa Sta. Cruz, Maynila kahapon. Kinilala ang nag-amok na security guard na si Fernando Cano, 44-anyos, naka-duty nang maganap ang insidente sa Chain Glass Enterprises sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila, binawian ng buhay dakong …

Read More »