SA mismong unang anibersaryo ng Mamasapano massacre, muling bubuksan ng Senado ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs committee chairman, Senator Grace Poe, dakong 10 a.m. ng Enero 25 siya muling magpapatawag ng pagdinig sa isyung kinasasangkutan ng Moro Islamic Liberation Front …
Read More »3 DQ cases vs Duterte iko-consolidate
IKO-CONSOLIDATE ng Comelec ang tatlong disqualification cases na inihain laban kay presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, lahat ng mga kaso ay hahawakan ng Comelec first division. Sa ganitong paraan aniya ay mas mapabibilis ang pagdinig sa mga kaso. Paliwanag niya, magkakapareho ang nilalaman ng tatlong reklamo kaya walang magiging problema sa …
Read More »Ex-Leyte mayor et al kinasuhan ng graft sa Omb.
TACLOBAN CITY – Nahaharap sa kasong graft sa Ombudsman ang dating alkalde sa bayan ng Mc Arthur, Leyte. Inihain ang kaso sa Office of the Ombudsman dahil sa ilegal na withdrawal ng P355,000 para sa overtime pay mula taon 2002 hanggang 2004. Bukod kay dating Mayor Leonardo Leria, pinangalanan din ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang iba pang haharap sa kasong …
Read More »Macau OFW timbog sa bala
NAUNSIYAMI ang pagpunta sa Macau ng isang manggagawang Pinay matapos matambad sa X-ray scanner ang bala ng kalibre .45 baril sa kanyang bag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon. Kahit maraming balita tungkol sa nakukuhang bala sa mga bagahe ng pasahero, hindi naging maingat si Gina Maliwat, 34, ng Talavera, Nueva Ecija, at nakitaan ng bala sa loob ng …
Read More »Sex toys, porn DVDs nakompiska sa Bilibid
MULING nakakuha ang raiding team ng Bureau of Corrections (BuCor) ng mga kontrabando sa ika-11 “Oplan Galugad Operation” kabilang ang sex toys at pornographic DVDs, sa New Bilibid Prisons (NBP) kahapon sa Muntinlupa City. Sinabi ni BuCor Director Ricardo Rainier Cruz III, muli silang magsagawa ng “Oplan Galugad” sa loob ng 4th quadrant ng main penitentiary, sa buildings 2, 5 at 8, dakong 5:30 …
Read More »Retiradong sundalo, pulis isama sa SSL4 (Apela ni Trillanes kay PNoy)
UMAPELA kahapon si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV kay Pangulong Benigno S. Aquino III na isama ang mga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang uniformed services sa panukalang Salary Standardization Law 4. Ayon kay Trillanes, pangunahing may-akda at isponsor ng Senate Bill No. 2671 o ang panukalang SSL4, sa ilalim ng …
Read More »Pagsibak kay Mison hinihintay ng palasyo
HINIHINTAY na ng Palasyo ang rekomendasyon ni Justice Secretary Benjamin Caguioa kung sisibakin na si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison at iba pang opisyal ng kawanihan. Ito ang pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa napaulat na tatanggalin na sa puwesto si Mison at dalawa pang opisyal ng BI bunsod ng mga kinasangkutang kontro-bersiya hinggil sa panunuhol …
Read More »Transport Group nagprotesta vs jeepney phase-out
NAGLUNSAD ng kilos-protesta ang ilang driver at operator ng mga jeepney nitong Lunes. Pinangunahan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang pagkondena sa balak ng pamahalaang pag-phase out ng mga lumang jeep na may edad 15 taon pataas. Sinabi ni PISTON president George San Mateo, nais nilang tuluyan nang ibasura ang kautusang pagpapatigil sa pagpasada …
Read More »Media dapat magmuni-muni sa mensahe ni Pope Francis (Ayon sa Palasyo)
DAPAT samantalahin ng media ang pagsisimula ng taon para magmuni-muni sa mensahe ni Pope Francis na mag-ulat din ng magagandang balita. Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, isang taon na ngayong Enero mula nang ibahagi ni Pope Francis sa Filipinas ang mensahe ng “mercy and compassion” nang bumisita sa bansa. Ani Lacierda, sa Enero 24-31 ay magsisilbing host ang Cebu …
Read More »Preso nagbigti sa selda
WALA nang buhay nang natagpuang ang isang 37-anyos preso habang nakabigti sa loob ng selda ng Manila City Jail (MCJ) sa Sta Cruz, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang si Rolando Reformado, may-asawa, nakakulong sa MCJ sa kasong parricide, at residente sa P. Paredes St., Sampoaloc, Maynila. Sa report ni Det. Alonzo Layugan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Division, dakong 7 …
Read More »Call center agent tumalon mula 10/F ng gusali
HINIHINALANG tumalon ang isang call center agent mula sa ika-10 palapag ng gusaling kanyang pinagtatrabahuan kahapon sa Makati City. Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto T. Barlam ang biktimang si Wilson Binauhan, 27, call center agent sa SKYKES Marketing Incorporated, sa 5th floor, Glorietta 1, Ayala Center ng lungsod, residente ng 226 Calumpang Cerca, Indang, Cavite. Sa pagsisiyasat ni …
Read More »P.1-M reward vs shooting suspect
MAGKAKALOOB ng P100,000 pabuya si Makati City Mayor Romulo ‘Kid’ Peña sa sino mang makapagtuturo sa pinaghahanap na barangay tanod na si Raymundo Liza. Si Liza ang bumaril at nakapatay sa 7-anyos na si Mark Angelo “Macmac” Diego at kay Edward Pascual. Sinabi ng alkalde, pag-uusapan pa lamang ng pamahalaan ang pinal na halaga ng pabuya, ngunit sa ngayon aniya …
Read More »3 justices nagbitiw sa kaso ni Poe
NAGBITIW na ang tatlong justices ng Supreme Court (SC) na bumoto pabor sa pagdedeklarang hindi ‘iligible’ si Sen. Grace Poe sa 2013 senatorial election. Sa isang pahinang resolusyon ng high tribunal, nakasaad na nag-inhibit na sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro at Arturo Brion na kapwa mga miyembro ng Senate Electoral Tribunal, mula sa kasong …
Read More »Matinding trapik sa NCR kayang ayusin — Palasyo (Amcham minaliit)
HINDI naniniwala ang Malacañang sa naging pagtaya ng American Chamber of Commerce (Amcham) na hindi na maaaring tirahan ng tao ang Metro Manila kung hindi mareresoba ang traffic congestion. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, may ginagawa na rito ang pamahalaan at ipinatutupad na upang tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayang naninirahan at naghahanapbuhay sa NCR at kanugnog na rehiyon. …
Read More »Biktima ng paputok umakyat na sa 839
UMAKYAT na sa 839 ang bilang ng naitalang naputukan ng firecrackers sa pagsalubong sa bagong taon. Ito ang iniulat ng Department of Health (DoH), batay sa pumasok na impormasyon sa nakalipas na magdamag. Nananatiling mas mababa ito ng isang porsiyento o katumbas ng 11 insidente kung ihahambing sa record sa kaparehong araw noong nakaraang taon. Gayonman, aminado ang DoH na …
Read More »Driver patay, pasahero sugatan (Taxi sumalpok sa poste)
HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 63-anyos taxi driver habang sugatan ang kanyang pasahero makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa poste ng signages sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Enforcement Unit, Sector 5, kinilala ang namatay na si Isidro Gayagot, ng C. Bernardino St., Gen. T. de Leon, …
Read More »10-M deboto dadagsa sa traslacion ng Black Nazarene
TINATAYANG aabot sa 10 milyong deboto ang dadagsa sa traslacion ng Black Nazarene sa Enero 9. Inaasahang darami kung hindi man dodoble ang bilang ng mga deboto dahil natapat sa weekend ang prusisyon. Dahil dito, ayon kay MPD Operations and Plans Division chief Lucile Faycho, bumuo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Task Force Nazareno na pangungunahan ni NCRPO …
Read More »P106-M inilaan para sa bala ng fighter jets
NAGLAAN ang gobyerno ng P106.13 milyong pondo para sa ammunitions o bala ng bagong FA-50 fighter jets. Ayon kay Col. Restituto Padilla, spokesperson ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang naturang pondo ay ibibili ng 93,600 rounds of ammunition ng A50 modified gun system ng fighter jets. Kukunin ang pondo mula sa AFP Modernization Act Trust Fund. “These will …
Read More »26 sugatan sa bus na nahulog sa bangin
NAGA CITY – Sugatan ang 26 katao makaraang mahulog ang isang pampasaherong bus sa bangin sa Brgy. Bagong Silang, Calauag, Quezon, pasado 11:30 p.m. kamakalawa. Ayon kay PO3 Arnel Asares ng PNP-Calauag, biyaheng Maynila galing Bicol ang Mega Bus Line na minamaneho ni Felicito Avelida nang mawalan ng kontrol at mahulog sa bangin. Pinaniniwalaang nakatulog ang driver ng bus na naging …
Read More »26 pasahero ng jeep na tinangay sa Basilan nasagip ng pulisya
ZAMBOANGA CITY – Ligtas na narekober ng mga pulis ang 26 pasahero ng isang public utility jeepney (PUJ) na napaulat na tinangay ng armadong kalalakihan kasama ng kanilang sinasakyan sa Brgy. Pipil, Ungkaya Pukan, Basilan kamakalawa. Sa report mula sa Ungkaya Pukan municipal police station, nagmula ang naturang sasakyan sa munisipyo ng Tumahubong kamakalawa lulan ang agricultural products at papunta …
Read More »458 sugatan, 1 patay sa paputok (DoH bigo sa kampanya)
LUMOBO na sa 458 ang bilang ng mga sugatan at isa ang namatay dahil sa mga paputok kaugnay sa pagsalubong sa bagong taon. Kinompirma kahapon ni Health Secretary Janet Garin, mula sa 384 na naitala simula noong Disyembre 21, 2015 hanggang Enero 1, 2016, umakyat pa ang bilang nito. Inilagay na rin sa tala ng DoH ang isang namatay na …
Read More »Bus firm sinuspinde sa aksidente
NAGA CITY – Pinatawan agad ng preventive suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Raymond bus company na nasangkot sa aksidente sa Quezon province kamakalawa ng madaling araw. Ayon kay Insp. Dina Rendellion, naalis na nila mula sa sinalpok na restaurant ang bus upang hindi makaapekto sa daloy ng mga sasakyan sa lugar. Nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence …
Read More »Sanggol, 3 pa sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo
DAGUPAN CITY – Sugatan ang apat katao kabilang ang isang 9-buwan gulang na sanggol makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa bayan ng Agno, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang si Gilbert Daragay, at ang mga sakay niyang sina Jennyfer Driza, 18, at Veronica Bauson, 9-buwan gulang, pawang mga residente ng Brgy. Aloleng Agno, at ang nakasalpukan na si Freddie Garcia, …
Read More »Black Nazarene feast pinaghahandaan ng MPD
NAGHAHANDA na ang mga miyembro ng pulisya sa ipatutupad na seguridad para sa libo-libong deboto na daragsa sa Quiapo, Maynila sa paggunita sa pista ng Itim na Nazareno sa Sabado. Sinabi ni Manila Police District (MPD) Operations and Plans Division chief Lucile Faycho, binuo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Task Force Nazareno para sa nasabing okasyon. Habang …
Read More »Kelot tiklo sa pagpatay sa babaeng pulubi
PATAY ang isang babaeng pulubi makaraang bugbugin ng isang lalaking armado ng air gun kamakalawa sa Quezon City. Kinilala ang suspek na si Mac Kevin Gutierrez, 22, mula sa Angono, Rizal. Isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital ngunit binawian ng buhay dahil sa pinsala sa ulo. Agad nadakip ng mga awtoridad ang suspek makaraan ang insidente. Iniimbestigahan pa …
Read More »