Saturday , January 11 2025

News

Urban Poor Groups solid kay Grace Poe

EKSAKTONG 18,000 samahan ng maralitang-lungsod ang nagkaisa upang tiyakin ang tagumpay ni Senadora Grace Poe sa isang malinis na eleksiyon sa May 9. Idiniin ni Blanda Martinez, tagapangulo ng Urban Poor Unity (UUP), sapagkat ang alyansa ay “lubos na naniniwala na tanging si Poe lamang ang kandidatong pangulo ang tunay na kikilos upang maaksiyonan ang pangangailangan ng mahihirap.” Sa isang …

Read More »

Digong Super Corrupt (Nag-overpricing din sa Davao City projects?)

HINDI lamang ang kanyang mga sikretong bank accounts sa Filipinas, Malaysia, Singapore at China at ang mahigit 40 ari-arian sa buong bansa ang magpapatunay na may ill-gotten wealth si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte. Putok na putok sa social media ngayon ang “The Binays of Davao City” na nagdedetalye sa mga kuwestiyonableng transaksiyon ni Duterte at ng kanyang anak …

Read More »

Dirty money sa kampanya ni De Lima (Baka galing sa droga at PDAF scam)

NANAWAGAN ngayong Linggo kay dating Justice Secretary Leila De Lima ang isang pro-transparency group na ilahad sa publiko kung sino ang mga nagbigay ng pondo para sa kanyang kampanya upang maging senador. Ayon kay Joyce Doromal, secretary-general ng Laban ng Bayan Tungo sa Malinis na Pamahalaan o Laban, “dapat patunayan ni De Lima na hindi siya kailanman tumanggap” ng pera mula …

Read More »

Chiz Workers’ VP

TATLONG pangunahing grupo sa sektor ng manggagawa noong Araw ng Paggawa ang namanata ng suporta sa kandidatura ng independent vice presidential candidate na si Sen. Chiz Escudero kasabay ng pahayag ng huli na sa ilalim ng “Gobyernong may Puso” ituturing na “katuwang ang mga manggagawa sa pag-unlad” ng bansa at prayoridad ang kanilang kapakanan. Sinabi rin ni Escudero, matapos makuha …

Read More »

Boto bantayan — Bongbong (Hanggang sa huling sandali)

ISANG linggo bago ang halalan sa Mayo 9, nananawagan si vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa publiko na bantayang mabuti ang kanilang boto upang matiyak na ang mananaig ay kagustuhan ng mayoryang botanteng mamamayang Filipino. Ayon kay Marcos, dapat ay hanggang sa huling sandali ng bilangan hanggang sa iproklama ang tunay na nanalo sa ano mang posisyon ay …

Read More »

6 patay, 11 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Nauwi sa trahedya ang masaya sanang outing sa lalawigan ng Aurora ng mga magkakamag-anak na sakay ng isang pampasaherong van kahapon. Anim na ang patay mula sa 17 sakay ng isang passenger van na nahulog dakong 2:30 a.m. sa halos 50 meters na lalim ng bangin na dumiretso sa ilog sa Brgy. Ismael, Maddela, Quirino. Ayon kay …

Read More »

Ali kay Fred Lim lang — Lito

“Walang ibang ineendoso at sinusuportahan si (vice mayoral candidate) Ali (Atienza) na kandidatong mayor bukod kay Mayor Alfredo Lim.” Ito ang mariing sinabi kahapon ni BUHAY Party-list Congressman Lito Atienza, nang kanyang gawing opisyal ang tandem ni Lim at ng kanyang anak na si Fifth District Councilor Ali Atienza, sa isang press conference, na ang ginamit na backdrop sa likod …

Read More »

Serial rapist na taxi driver muling umatake sa Makati

 MULI na namang umatake ang serial rapist na taxi driver at isang 26-anyos babaeng document controller ang nabiktima ng panghoholdap at panggahasa sa Makati City nitong Linggo. Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Makati City Police kaugnay sa insidente. Base sa ulat na tinanggap ni Makati Police chief, Senior Supt. Ernesto Barlam, sumakay ang dalaga sa …

Read More »

Private armed group leader arestado sa Masbate

NAGA CITY – Kinompirma ng Regional Special Operation Task Force (RSOTG-Masbate), hawak ng isang mayoral candidate ang lider ng isang private armed group (PAG) na nahuli sa bayan ng Balud, Masbate. Ayon kay Chief Insp. Arthur Gomez, PCR-Chief ng RSOTG, tauhan ni mayoralty candidate Ruel Benisano ang suspek na si Oriel Villaruel. Taon 2007 aniya nang magretiro si Villaruel sa …

Read More »

DDS masusing iniimbestigahan ng NBI-DoJ

TUMANGGI munang ilahad ng Department of Justice (DoJ) ang development ng imbestigasyon kaugnay ng Davao death squad (DDS) at ang sinasabing partisipasyon dito ni presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte. Una rito, kinompirma ni Acting DoJ Secretary Emmanuel Caparas, kasalukuyang nag-iimbestiga ang National Bureau of Investigation (NBI) death investigation division kung totoong may grupong DDS sa naturang lungsod. “Yes, it’s in …

Read More »

Pinoy hackers nagdeklara ng ‘ceasefire’

NAGDEKLARA ng ‘ceasefire’ ang Anonymous Philippines, ang grupong sangkot sa pag-hack ng ilang government websites. Tiniyak ng grupong Anonymous Philippines, kanila itong ipatutupad hanggang sa proklamasyon ng bagong presidente ng Filipinas. Samantala, inihayag ng tagapagsalita ng grupo na magmula noong 2010 ay tuloy-tuloy nilang mino-monitor ang system ng Commission on Elections (Comelec). Noong 2013 palang aniya ay kanilang ibinunyag na …

Read More »

P36-M CA ni Recom illegal – COA

ILEGAL. Ito ang hatol ng Commission on Audit (CoA) matapos suriin ang P36-milyong cash advance ni Enrico “Recom” Echiverri noong siya pa ang nanunungkulan bilang mayor ng Caloocan City. Si Echiverri ay kumuha ng P36-milyon pondo ng lungsod bilang umano’y intelligence and confidential fund (ICF) noong Pebrero 2010, na wala man lamang basehan. Sa ipinalabas na Notice of Disallowance ni …

Read More »

Alan suportado ng ANAKALUSUGAN Party-List

NAPAGPASYAHAN ng #12-Anakalusugan Party List na pinangunguhahan ng kanilang First Nominee Marc Caesar Morales na kanilang ibibigay ang buong puwersang suporta kay Senador Alan Peter Cayetano, kandidato sa pagka-bise presidente, sa darating na halalan sa Mayo 9. Ipinahayag din ng grupo ang kanilang taos-pusong pagtitiwala sa kakayahan ng mga sumusunod na senatoriables: Martin Romualdez, Sandra Cam, Leila de Lima, Richard …

Read More »

4 new guinness records ng INC

PUMASOK muli sa talaan ng Guinness World Records ang Iglesia Ni Cristo (INC) matapos gawin ang makasaysayang “Aid to Humanity” na may temang “Labanan ang Kahirapan” outreach at charity event nitong nakaraang Biyernes, Abril 29 sa Tondo. Sinertipikahan ng mga representante ng Guinness na naroon mismo, ang apat na bagong world records na nakamit ng INC. Ito ang pinakamaraming donasyong …

Read More »

Duterte bagsak (Poe tumataas)

LABIS nang nadarama ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang epekto ng kanyang kontrobersiyal na “rape joke” at ang pagkasangkot niya sa sobrang korupsiyon samantala umakyat ang rating ng kanyang mahigpit na karibal sa presidential race na si Senadora Grace Poe. Base sa pinakabagong inilabas na survey ng Pulse Asia kamakalawa, sinabi ni Pulse Asia research editor Ana Maria Tabunda …

Read More »

Guardians kay SGF Chiz (Sa huling patak ng dugo)

SA malinaw na plataporma sa pagtakbo sa ikalawang-puwestong halal ng bansa, inendoso nitong Biyernes ng Makabansang Unifikasyon ng Guardians, Inc. (MUG) ang kandidatura ng isa nilang Supremo, ang independent vice presidential candidate na si Sen. Francis “SGF Chiz” Escudero. “Para sa aming hanay, si Escudero ang naghayag g malinaw na plano kontra kahirapan at ang kanyang pagbibigay-lundo sa ‘walang maiiwan …

Read More »

Tolentino no. 9 na (Sa senatorial survey)

ISA si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa mga tinukoy ng Issues and Advocacy Center (The Center) na malaki ang tsansang manalo bilang senador sa halalan sa Mayo. Sa isang non-commissioned survey na ginawa ng The Center mula Abril 11-16 na may 1,800 respondents, nakakuha si Tolentino ng 33.2 percent para sa 9-10 posisyon kasama si incumbent Sen. Serge Osmena. …

Read More »

Ali Atienza nasakripisyo (Sa pagbalimbing ng tatay)

“MISMONG si Congressman Lito Atienza ang sumisira sa kandidatura ng kanyang anak na si Councilor Ali Atienza!” Ito ang malungkot na reaksiyon kahapon ng mamamayan ng Maynila kaugnay sa pagbubunyag ni Manila Mayor candidate Alfredo Lim sa umano’y ‘pagbaligtad at pagbalimbing’ ni Cong. Atienza sa katambal ng kanyang anak para sa pagka-Mayor na si 5th district Cong. Amado Bagatsing. Ayon …

Read More »

41 properties ni Digong wala sa SALN

ISA na namang expose ang pinasabog ni Senador Antonio Trillanes IV laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Nagbigay ng listahan ng mga ari-arian ni Duterte at ng kanyang mga anak na sina Paolo, Sebastian at Sara sa GMA News, na may kabuuang bilang na 41 properties. Bineripika ang listahan sa Land Registration Authority upang siguraduhing nasa pangalan nga ni …

Read More »

Deboto ng Poong Nazareno suportado si Mayor Fred Lim

NAGPAHAYAG ng buong suporta ang mga deboto ng Itim na Nazareno para sa kandidatura ng nagbabalik na Manila Mayor Alfredo S. Lim, dahil siya ang pinaniniwalaang makapagpapabalik ng libreng serbisyo sa mga ospital ng lungsod at maaaring magpabukas muli ng Lacson underpass upang magamit ng publiko. Personal na nakipagkita ang mga deboto at mga lider nila kay Lim, kasabay ng …

Read More »

200 pamilya nasunugan sa Munti

Umabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan tupukin ng apoy ang 100 bahay sa isang residential area sa Muntinlupa City nitong Sabado ng gabi. Base sa inisyal na ulat ng Muntinlupa City Fire Department, dakong 9:37 p.m. nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Bagong Paraiso Compound, Brgy. Bayanan.Umabot sa Task Force Charlie ang alarma ng sunog …

Read More »

Suspek sa kidnap plot vs Kris Aquino arestado sa Laguna

ARESTADO ang isang hinihilang terorista na sinasabing sangkot sa planong pagpapa-sabog sa Metro Manila at tangkang pagdukot sa presidential sister na si Kris Aquino, sa inilunsad na pagsalakay ng intelligence operatives ng PNP at AFP. Kinilala ang suspek na si Reynaldo Vasquez Ilao, residente ng Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna. Batay sa report, sinalakay nang pinagsanib na puwersa ng CIDG …

Read More »

Ngitngit ng Caloocan ibinuhos vs ‘gintong’ basurahan (Recom lagot)

“ISANG sistematikong pagnanakaw sa pera ng bayan ang naganap sa siyam na taong panunungkulan ni Enrico “Recom” Echiverri bilang mayor ng Caloocan.” Ito ang madamdaming pahayag ni Perla Madayag, Presidente ng Homeowners Association (HOA) ng Brgy. 68, bilang reaksiyon sa nabunyag na paglalabas ng decision ng Commission on Audit (CoA) na ilegal ang P81.9 milyong ipinalabas na pondo ni Echiverri, …

Read More »

P480-M pondo ng Pasay nilaspag (Pangungurakot ni Vice Mayor Pesebre buking)

WALANG habas na nilapastangan ni Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre ang P480 milyong pondo ng taumbayan simula nang siya ay manungkulan noong 2010. Ito ang pagbubulgar ni  Noel “Boyet” del Rosario, ang vice mayoralty runningmate ni Mayor Antonio Calixto, laban kay Pesebre na siya umanong nagwaldas sa halos  P.5 bilyon pondo ng Pasay City na alokasyon para sa office of the vice mayor …

Read More »