Saturday , January 11 2025

News

Virtrual farming bagong modus sa investment scam — SEC

scam alert

NAGA CITY – May kumakalat na namang bagong modus ng investment scam at sangkot dito ang internet. Kaugnay nito, nagpalabas ng abiso ang Securities and Exchange Commission (SEC) central office bilang paalala sa publiko na huwag sumali sa organisasyon na tinatawag na “Farm on Agricultural Production.” Modus ng kompanyang ito na hikayatin ang publiko na mag-invest sa pamamagitan ng kanilang …

Read More »

Mangingisda sa Norte natuwa sa mabait na Chinese sa Scarborough

DAGUPAN CITY – Umaasa ang mga mangingisda mula sa lalawigan ng Pangasinan na magtuloy-tuloy ang magandang pakikitungo sa kanila ng Chinese Coast Guard na hindi na nangha-harass sa kanila sa pagtungo sa Scarborough Shoal. Ayon sa ilang mangingisda mula sa bayan ng Infanta, nitong nakaraang buwan ay hindi na sila binu-bully ng mga Chinese coast guard sa pagtungo nila sa …

Read More »

Illegal recruiter binitbit sa pulisya ng 50 biktima

BINITBIT ng tinatayang 50 katao ang isang hinihinalang illegal recruiter sa Barbosa Police Community Precint sa Maynila makaraan mabigong maibigay ang kanilang mga ticket at visa papuntang Dubai kahapon ng madaling araw. Dinala sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang suspek na si Mayna Anip Sharip, 41, ng Maguindanao, habang pinaghahanap  ang isa pang suspek na si …

Read More »

6 totoy ginahasa, bading kalaboso

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 36-anyos bading makaraan ireklamo ng mga magulang ng anim menor de edad na ginawan niya ng kahalayan sa Malabon City kahapon ng umaga. Kinilala ni San Agustin Brgy. Chairman Nathaniel “Tac” Padilla ang suspek na si Leif Garry Malasa, insurance agent, at residente sa Magsaysay St., Brgy. San Agustin. Ayon kay Barangay Executive …

Read More »

Lola kritikal sa taga ni lolo dahil sa selos

KORONADAL CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang lola makaraan pagtatagain ng kanyang mister sa bayan ng Banga, South Cotabato dakong 10:30 p.m. kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Carmen Gonzales, 66, habang ang suspek ay si Abraham Gonzales, 73, kapwa residente sa Purok Daisy, Brgy. Malaya, Banga, South Cotabato. Ayon kay Jomar Gonzales, apo ng mag-asawa, nagselos si Lolo …

Read More »

‘Bestfriends’ niratrat 1 patay, 1 sugatan

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang kaibigan makaraan paulanan ng bala ng hindi nakilalang suspek habang sila ay nag-inoman sa Taguig City kahapon ng madaling-araw. Namatay noon din ang biktimang si Allan F. Detera, 42, ng Block 29, Lot 9, SS Brigade, Brgy. Western Bicutan. Habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang kaibigan niyang si Mario Estellero, 32, …

Read More »

4 sugatan sa taxi vs kuliglig, SUV nadamay

APAT ang sugatan makaraan magbanggaan ang isang taxi at kuliglig sa Roxas Boulevard sa Maynila, nitong Martes ng madaling-araw. Habang nadamay ang isang sports utility vehicle (SUV) na umiwas lang sa nakahambalang na mga sasakyan. Depensa ng driver ng taxi na si Manuel Guerrero, marahan ang kanyang pagmamaneho nang magulat siya sa isang nakaparadang kuliglig. Sinubukan ng driver na umiwas …

Read More »

Kelot pinatay ng 2 anak ng live-in partner

PATAY ang isang lalaki makasaan saksakin ng mga anak ng kanyang kinakasama sa Dontogan, Baguio City nitong Lunes. Sa imbestigasyon ng mga pulis, nag-away ang mag-live-in partner na sina Reynaldo Furto at alyas “Joy” dahil madaling-araw nang umuwi ang lalaki. Sinakal ni Furto si Joy dahilan para makialam ang mga anak na sina Bonjovi at Kervin Jovellana. Pinagtulungan ng dalawa …

Read More »

Krimen, transport uunahin ni Digong

DAVAO CITY – Nais ni incoming president Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tutukan ang problema sa transportasyon at krimen. Idedeklara raw niya ang giyera laban sa krisis na magsisimula sa EDSA at ang isa pang krisis na paglaganap ng droga sa bansa. “I have to declare a crisis in the war against crime and on the part of commuter …

Read More »

P7-M cash, armas, shabu kompiskado sa bahay ng NCRPO cop (Sa Maynila)

NALANTAD sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang P7 milyong salapi, kilo-kilong shabu at sandamakmak na mahahaba at maiikling baril nang salakayin ang bahay ng isang pulis sa Balic-Balic, Sampaloc, Maynila kamakalawa. Halos limang oras bago nabuksan ng mga awtoridad ang vault ni PO2 Jolly Aliangan, dating miyembro ng Manila Police District (MPD) at ngayon ay …

Read More »

2,000 ecstasy tablets nakompiska sa ginang

NAKOMPISKA ang 2,000 tableta ng pink ecstasy mula sa isang ginang sa raid sa Pandacan, Maynila nitong Martes. Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon makaraan makatanggap ng impormasyon ukol sa droga na nakasilid sa loob ng isang puzzle box. Tinatayang nagkakahalaga ng P4 milyon hanggang P6 milyon ang nakompiskang droga. Ayon kay PDEA Regional Director Edwin Ogario, …

Read More »

Thanksgiving Party ni Digong itinakda na

DAVAO – Naka-hightened alert ang buong lungsod ng Davao lalo na’t mahigit isang linggo na lang ay isasagawa na ang isa sa pinakamalaking event dito sa lungsod. Sa ngayon, handa na ang organizers sa isasagawang “DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party,” sa Hunyo 4 na isasagawa sa tatlong lugar sa Davao nang sabay-sabay. Ang main venue nito ay sa …

Read More »

Bartolome Drug Group, 1 pa todas sa ambush

CAMP OLVAS, Pampanga – Patay ang lider ng Bartolome drug group at isa pang kasama niya sa kotse makaraan makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa San Leonardo, Nueva Ecija kamakalawa. Kinilala ang mga napatay na sina Oliver Bartolome, 33, ng Brgy. Sapang, Jaen, Nueva Ecija, may standing warrant of arrest; at Warlito Pangilinan, 48, ng Concepcion, …

Read More »

Palasyo handa sa Duterte admin probe vs DAP

NAKAHANDA ang Malacañang sa binabalak ng Duterte administration na imbestigahan ang kontrobersiyal na Disbursement Accelaration Program (DAP). Sinasabing ang pondo ay ipinamahagi sa mga senador na bumoto pabor sa impeachment laban kay dating Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng soft at hard projects. Ilang bahagi ng DAP ang idineklarang ilegal ng Korte Suprema partikular ang pag-withdraw ng mga hindi …

Read More »

6-anyos nene nalunod sa family outing

NAGA CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang 6-anyos batang babae makaraan malunod sa isang resort sa Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Mary Angela Marmol. Napag-alaman, nagtungo sa Niogan Garden Resort ang biktima kasama ang kanyang pamilya upang mag-outing. Ngunit hindi napansin ng mga kaanak na nahulog sa swimming pool ang biktima kasama …

Read More »

15 bagets bagansiya sa riot

DINAMPOT ng mga awtoridad ang 15 kabataan makaraan magrambulan sa Recto Avenue sa Maynila nitong Miyerkoles ng madaling-araw. Napag-alaman, nagbatuhan ng mga bote at nagpang-abot ang magkalabang grupo. Ilan sa mga menor de edad ay may dalang pamalong kahoy. Nagpulasan ang mga kabatan nang magresponde ang mga barangay tanod. Ngunit may ilang naglakas-loob pa na tumambay hangga’t hindi pa sila …

Read More »

Mayors sa droga lagot kay Duterte

DAVAO CITY – Binalaan din ni presumptive President Rodrigo Duterte ang mga alkalde at iba pang local officials na nauugnay sa illegal drugs. Ayon kay Duterte, bukod sa mga pulis, pinaaalahanan din niya ang mga alkalde at iba pang lokal na opisyal ng pamahalaan na huwag nilang isipin na dahil nasa mas mataas na silang posisyon adrug syndicate sa kanilang …

Read More »

Pinoy seaman nakauwi na (Pitong taon nakulong sa Saudi)

NASA bansa na ang dating Filipino seaman na nakulong ng pitong taon makaraan saksakin ang kababayan noong 2008 sa Saudi Arabia. Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at sinalubong si Jonard Langamin ng kanyang mga magulang na sina Editha at Clemente Langamin, kapwa sweet corn vendor, dakong 10 a.m. nitong Martes. Hinatulan ng kamatayan si Langamin makaraan …

Read More »

Mag-uutol dedbol sa sunog (Edad 16, 14, 11 at 9-anyos)

TACLOBAN CITY – Patay ang apat batang magkakapatid sa sunog sa isang bahay sa Brgy. 78, Marasbaras, sa siyudad ng Tacloban dakong 5 a.m. kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Dan Jade Morales, 16; Glenn Mark Morales, 14; Glen Marie Morales, 11, at Gwyneth Morales, 9, pawang mga residente sa nasabing lugar. Habang kinilala ang kanilang mga magulang na sina …

Read More »

Security Cluster meeting nasentro sa Mindanao (Ayon sa Palasyo)

KINOMPIRMA ng Malacañang, nasentro sa Mindanao security situation ang pinag-usapan sa Security Cluster meeting na ipinatawag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, sa nasabing meeting nagbigay ng updates ang AFP at PNP kay Pangulong Aquino sa ginagawang mga operasyon sa rehiyon. Ayon kay Coloma, patuloy ang determinasyon ng gobyerno para mailigtas ang hostages na …

Read More »

Gawad KWF sa Sanaysay, bukás na para sa mga lahok

Tumatanggap na muli ng mga lahok ang Komisyon sa Wikang Filipino para sa Gawad KWF sa Sanaysay na kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang Filipino: Wika ng Karunungan. Hinihimok ang lahat ng magpadala ng mga orihinal na sanaysay na may pagtalakay sa larang ng agham-pangkalikasan, agham panlipunan, matematika, o kaugnay nito na nakasulat sa wikang Filipino. …

Read More »

Major victories ng PNP vs illegal drugs pinuri

PINURI ni outgoing Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen S. Sarmiento ang pambansang pulisya kaugnay sa kanilang matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga. Sinabi ni Sarmiento, na-achieved ng PNP ang major successess sa kanilang inilunsad na kampanya laban sa illegal narcotics na pinangunahan ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group (AIDG). “Since its activation in October …

Read More »

2 Provincial Comelec ipatatawag ng NBOC (May problema sa COC)

IPATATAWAG ngayong araw sa sa National Board of Canvasser (NBOC) ng joint congress ang provincial election officer ng Laguna at Ilocos Sur. Ito ay nang magkaroon ng mga problema ang Certificate of Canvass mula sa nasabing mga probinsya. Ilan sa nakitang mga problema ay kung bakit ito ay nai-print sa ordinaryong printer na walang hash code gayondin ang kawalan ng …

Read More »

Cartel sa energy, telcos binalaan ni Duterte (Sa makupad at magastos na serbisyo)

DAVAO CITY – Malaking hamon sa energy at telecommnunication cartels ang plano ni incoming President Rodrigo Duterte na ibigay ito sa foreign players. Ayon kay Duterte, kung hindi mag-improve ang mahinang serbisyo, bubuksan niya ito sa international players sa pamamagitan ng pagpasok sa isang kasunduan sa telecommunication companies. Sinabi rin ni Duterte, gagawa siya ng polisiya upang mapabilis ng mga …

Read More »

Pinaka-corrupt: BIR, BoC, LTO bubuwagin ni Duterte

NAGBANTA si incoming President Rodrigo Duterte na bubuwagin ang tatlong pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan pag-upo niya sa Palasyo sa Hunyo 30. Aniya, lulusawin na lamang niya ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BoC) at Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagiging corrupt nito. “I am very sorry pero sabihin ko sa inyo, isa sa pinaka-corrupt na …

Read More »