INIHAYAG ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, hindi niya maipaliwanag ang kanyang pakiramdam makaraan makalamang nang ilang milyon laban sa mga katunggali sa presidential race. Sinabi ni Duterte, naniniwala siyang ‘destiny’ o kaloob ng Diyos ang kanyang napipintong panalo sa eleksiyon. Ayon kay Duterte, kung mananalo nga siya, ipinangangako niyang magtatrabaho siya para mapagsilbihan ang mga kababayan. Ipinarating na rin …
Read More »Sen. Poe, Roxas nag-concede na
NAG-CONCEDE na sa presidential race sina Sen. Grace Poe at Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa kanilang pagkatalo sa katatapos na halalan. Sa press conference kahapon ng madaling-araw, sinabi ng senadora, ginawa niya ang lahat na makakaya, lumaban nang malinis at patas kaya wala siyang pinagsisihan kahit na nabigo. Binati ni Poe si Duterte at nangako ng pakikiisa para …
Read More »Digong tumangis sa puntod ng magulang (Humingi ng tulong para sa bayan)
DAVAO CITY – Ilang oras makaraan ang partial, unofficial election results na nagpapakita na na-ngunguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-pangulo, binisita ng alkalde ang puntod ng kanyang mga magulang sa Wireless Cemetery sa lungsod. Dakong 3 a.m. kahapon, nagtungo ang alkalde sa puntod ng inang si Soledad at napahagulgol habang hinihingi ang tulong para sa …
Read More »Winners sa Metro Manila iprinoklama ng Comelec
KATULAD sa national elections, naging mainit din ang labanan sa local polls sa Metro Manila, ang mga kandidato mula sa political families at mga alyansa ay naging pukpukan din ang sagupaan. Sa Makati City, muling nakuha ng pamilya ni Vice President Jejomar Binay ang lungsod sa panalo ni Congresswoman Abby Binay at proklamasyon kahapon bilang bagong mayor. Ang nakababatang Binay …
Read More »Unofficial canvass ipinatigil ng kampo ni Bongbong Marcos
NANINIWALA si Rep. Jonathan Dela Cruz, campaign adviser ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tiyak niyang mananalo si Marcos sa official canvass ng mga boto sa maliit na lamang na nakatala sa unofficial count ng kanyang kalaban na si Rep. Leni Robredo. “We are certain that after all of these things, we will emerge victorious. …
Read More »Digong Bongbong nanguna (Sa Comelec unofficial, partial result, Lim, Malapitan umarangkada kontra sa kalaban)
NANGUNGUNA si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections, base sa partial and unofficial results mula sa transparency server ng Commission on Elections. Sa inisyal na canvassing, nakakuha si Duterte ng 9,039,620 boto. Habang si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nangunguna sa vice presidential race na nakuha ng 7,223,906 boto, kasunod si Camarines Sur Representative Leni Robredo, …
Read More »Reporter, cameraman bugbog-sarado sa mayoralty supporter (Sa Zambo Sibugay)
ZAMBOANGA CITY – Bugbog-sarado ang isang reporter ng local television station na nakabase sa Pagadian City at ang kanyang cameraman makaraan kuyugin ng supporters ng isang mayoralty aspirant. Kinilala ang reporter na si Jay Apales habang ang kanyang cameraman ay si Clint John Ceniza, nagtatrabaho sa local station na TV-One sa Pagadian City. Ayon sa ulat mula sa Pagadian City, …
Read More »2 political supporter ng LP patay sa ambush
CAGAYAN DE ORO CITY- Patay ang dalawang political supporters ng isang mayoralty candidate ng Liberal Party sa Brgy. Kapingan, Marawi City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang isa sa mga biktimang na si Al Hapis Usman, supporter ni Majul Gandamra, tumakbo bilang alkalde sa nasabing lungsod. Inihayag ni Lanao del Sur provincial director, Sr. Supt. Rustom Duran, boluntaryong sumama ang …
Read More »400-K ang naitala sa overseas voting
UMABOT sa mahigit 400,000 ang bumoto sa overseas absentee voting (OAV). Ito ang iniulat ni Comelec Comm. Rowena Guanzon, batay sa kanilang monitoring. Nabatid na hindi pa umabot sa kalahati ng kabuuang registered OAV voters na nasa 1.38 milyon. Kabilang sa mga bansang may malaking bilang ng mga lumahok sa overseas voting, ang Singapore, Hong Kong, Estados Unidos at ilang …
Read More »Mayor Lim dinumog ng botante
ANG nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim ang kauna-unahang mayoral candidate na bumoto kahapon, nagtungo siya sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, Maynila dakong 8 a.m. Dinumog si Lim ng mga botante na nagsipagkamay, yumakap, nagsisigaw ng kanyang pangalan at kumuha ng retrato na kasama siya, gamit ang kanilang mga cellphone, bago at matapos niyang …
Read More »7 patay sa barilan sa Rosario, Cavite
HINDI inaalis ng mga awtoridad na may kinalaman sa halalan ang shooting incident sa Rosario, Cavite na ikinamatay ng pito katao kamakalawa. Ayon sa hepe ng Rosario PNP na si Supt. Rommel Javier, bukod sa mga namatay ay isa rin ang sugatan sa nasabing insidente. Isinusulat ang balitang ito ay tinutugis pa ng mga awtoridad ang mga suspek at may mga …
Read More »Kelot tigok sa boga
PATAY ang isang 39-anyos lalaki makaraan barilin sa loob ng kanilang bahay sa Balut, Tondo, Maynila kamakalawa. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital ang biktimang si Larry Galang Laygo, ng Building 10, Unit 215, Permanent Housing, Balut, Tondo. Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng salarin na mabilis na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa imbestigasyon …
Read More »Sarangani inmates nagtangkang mag-boycott
GENERAL SANTOS CITY- Napigilan ang tangkang boycott ng mga preso sa Sarangani Provincial Jail sa Baluntay, Alabel Sarangani province. Ayon kay Provincial Jail Warden Manuel Sales Jr., ilang inmates ang nagtampo at umalma dahil hindi maaaring bumoto sa local positions. Karamihan sa kanila ay nais sanang bumoto sa mga kandidato na tumulong sa kanila. Sinabi ni Sales, sumusunod lamang sila …
Read More »Rider todas sa riding in tandem
PATAY ang isang motorcycle rider makaraan barilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay sakay rin ng kanyang motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ryan Mata, 29, residente ng 802 BGISIS Mansion, N. S. Amoranto, Quezon City. Habang patuloy ang imbestigasyon ng mga …
Read More »Relax Lang – PNP Chief (Kandidato, supporters sinabihan)
UMAPELA si PNP chief Director General Ricardo Marquez sa lahat ng mga kandidato at sa kani-kanilang supporters na maging mahinahon, kalmado at respetohin ang ‘rule of law.’ Huwag din daw gumawa ng mga aksiyon na hindi magdudulot nang maganda. Ito ang panawagan ni Marquez kasunod sa mga report na ilang supporters ng mga kandidato ay nagiging agresibo at marahas. Tiniyak …
Read More »‘Wag iboto mamamatay tao – Simbahan
HINIMOK ng Simbahang Katoliko ang taumbayan na maging maingat sa pagpili ng kanilang ihahalal na Pangulo ngayong araw sa kanilang pagtungo sa mga presinto upang bumoto. Ayon kay Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng makapangyarihang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), hinihiling niya na huwag ihalal ng mga tapat na Katoliko ang kandidato na aminadong isang mamamatay tao. “Kahit ano …
Read More »Chiz piniling VP ng progresibo
“MATAPANG siya at may paninindigan.” Ito dahilan kung bakit sinuportahan ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na kumakandidatong Senador, ang pagtakbong bise presidente ni Sen. Chiz Escudero. Ayon kay Colmenares, subok ang pagsulong ni Escudero sa mga isyung makamasa kaya naman siya ang napupusuan ng mga lider at tauhan ng sektor na progresibo. Matapang na nanindigan si Chiz at makailang …
Read More »Lim kumasa sa ‘guerilla style’ na caucus sa Baseco
LIBO-LIBONG residente ng Baseco ang humarang sa motorcade nang nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim nang magtungo siya roon para kumampanya, dahilan upang mapilitang magsagawa ng caucus, ‘guerrilla style.’ Sa gitna ng hiyawan at patuloy na pagtawag sa pangalan ni Lim, nagtipon ang mga residente sa mismong gitna ng kalsada, kung kaya’t hindi kinayang umandar ng …
Read More »Bumoto batay sa karakter ‘di sa personalidad (Robredo: Pamilya isipin)
NANAWAGAN si Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo sa mga botante na isipin ang kinabukasan ng pamilya sa pagpili ngayong araw (Lunes) ng mga susunod na lider na magsisilbing gabay ng bansa sa anim na taon. “Narinig na nating lahat ang magagandang pangako at plano na puwedeng bitiwan ng mga kandidato. Pero sa huli, dapat tingnan ng mga …
Read More »Tolentino inendoso ni Duterte, INC
NAKAKUHA ng malaking bentaha ang kandidatura ni independent senatorial candidate Francis Tolentino nang iendoso ng nangungunang presidential bet na si Rodrigo Duterte at ng Iglesia Ni Cristo (INC). Nagpahayag ng suporta si Duterte, sa pagsasabing hanga siya sa malawak na kakayahan ni Tolentino na akma sa Senado. Kabilang si Tolentino sa 12 senador na nakalagay sa sample ballot na ipinamahagi …
Read More »Leni suportado ng gambling lord? (Biggest spender)
TALIWAS sa kanyang pagiging simple, natukoy na si vice presidential candidate Leni Robredo ang may pinakamalaking ginastos sa kanyang kampanya kung ikokompara sa lahat ng kandidato sa pagkapresidente. Kamakailan, lumabas sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na sinasabing ayon sa Nielsen Media’s monitoring data, nanguna sa paggastos sa advertisement si Robredo mula nang magsimula ang kampanya noong …
Read More »13 arestado sa vote buying sa Cagayan
UMABOT na sa 13 indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad sa isang barangay sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pamimili ng boto. Sa report na nakarating sa National Election Monitoring Center (NEMC) ng AFP, naaktohang namimigay ng sobreng may pera ang mga indibidwal sa Brgy. Curva, Pamplona, Cagayan. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pamplona Municipal Police station ang naarestong mga suspek. …
Read More »Vote Buying talamak sa Eastern Visayas (Pekeng pera ipinamimigay)
TACLOBAN CITY – Talamak pa rin ang vote buying sa maraming lugar sa Eastern Visayas at hindi ito ikinakaila ng maraming mga botante. Sa nakuhang impormasyon, mismong barangay officials pa ang nangunguna sa pamimigay nito. May ilang reklamong natatanggap ang himpilan tungkol sa mga pekeng pera na ipinamimigay sa bahagi ng Marabut Samar. Ayon sa hindi nagpakikilalang botante, aabot mula …
Read More »Masbate Political Bloc solid kay Poe
ISANG malaking puwersa ng mga politiko na lumalaban sa lokal na halalan mula sa magkakaibang partido sa lalawigan ng Masbate ang nagkaisa upang ipakita ang kanilang taos-pusong pagsuporta para kay Presidential candidate at Senadora Grace Poe. Sa pangunguna ni Oscar Acuesta na kandidato ng Nacionalista Party (NP) para Bise Gobernador ng Masbate, nagbuklod-buklod ang mga pangunahing kandidato ng NP, Liberal …
Read More »Chiz: Botante papiliin ng pinuno (RoRo sa likod ng anti-Duterte)
“MAYAMAN man o mahirap, bawa’t Pilipino ay may isang boto. Lahat tayo ay patas. Lagi kong ipaglalaban ang pagkaka-pantay pantay nating ito.” Ito ang naging pahayag ni independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero, na sinabi nitong Biyernes ng gabi na hindi dapat maipagdamot sa taong bayan ang karapatang mamili kung sino ang gusto nilang mamuno sa bansa. Bunsod ang …
Read More »