NANINIWALA si Albay First District Rep. Edcel Lagman, mas madaling maisasabatas ang kanyang inihaing House Bill No 116 o Divorce Bill kung ikukompara sa RH Law. Ayon kay Lagman, maraming nangyaring debate patungkol sa RH Law kung ikukompara sa Divorce Bill na pinapaboran ng mas maraming tao. Dagdag ni Lagman, batay sa survey ng SWS, lumalabas na majority sa …
Read More »CDO mayor suspendido
CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatawan ng tatlong buwan suspensiyon habang pinasasagot sa kasong kriminal ang kontrobersiyal na si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno, kasama ang dalawa niyang department heads sa Sandiganbayan. Ito ay sa kabila nang nauna nang dismissal order na ipinataw ng Ombudsman kay Moreno, at kasong administratibo. Nakitaan ng probable cause ng Ombudsman ang …
Read More »4 obrero patay sa aksidente sa Bacolod (14 pa sugatan)
BACOLOD CITY – Umabot na sa apat katao ang namatay sa vehicular accident na nangyari sa Circumferential Road, Brgy. Taculing, lungsod ng Bacolod bandang -8:30 am kahapon. Kinilala ang namatay na construction workers na sina Lito Toyogan, Arman Algabre, Jerwin Hotosmi at Regie Vargas. Ito ang kinompirma ni Jeser Mansueto, project manager ng DK2 Construction & Consultancy Corporation ng …
Read More »Parking collector inutas sa tabi ng anak
MISMONG sa harap ng kanyang 12-anyos anak binaril at napatay ang isang 47-anyos parking collector sa Binondo, Maynilakahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Zaldo Cualing, may asawa, ng 1136 Wagas St., Tondo, habang mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek. Base sa ulat na isinumite ni Det. Milbert Balinggan kay Senior Insp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police …
Read More »Tulak na ex-parak, 1 pa utas sa sagupaan
PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng droga, kabilang ang isang dating pulis, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa drug-bust operation sa Caloocan Citykamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga supek na sina Elmer Nicdao, sinasabing number 1 tulak sa kanilang lugar sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City, at dating PO1 Aljen Jaquines, residente sa Longos, Malabon City. Ayon sa …
Read More »44 homicide cases inihain vs PNoy, Purisima, Napeñas
INIHAIN na ang kasong homicide sa Ombudsman ng mga kaanak ng mga namatay na 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP), laban kina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at dating SAF Chief Getulio Napeñas. Sinamahan mismo ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) chairman Dante Jimenez sa Ombudsman, para magsampa ng …
Read More »Emergency powers kay Duterte inihain sa Senado (Sa pagresolba sa trapik)
INIHAIN na ni Senate President Franklin Drilon ang panukalang batas na magbibigay ng emergency powers o dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para solusyonan ang suliranin ng trapiko sa bansa. Nakapaloob sa naturang panukala ni Drilon ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Duterte para sa agarang solusyon sa problema sa trapiko sa iba’t ibang panig ng bansa. Naniniwala si Drilon, …
Read More »Digong, Leni nagkita sa Camp Aguinaldo
NAGKITA nang personal sa kauna-unahang pagkakataon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa Change of Command ceremony ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo kahapon. Nilapitan ni Duterte si Robredo sa entablado makaraan ang full military honors, nakangiting nagkamayan at nag-usap nang sandali bago umupo ang Pangulo katabi ni outgoing AFP Chief of Staff …
Read More »Drug lords sa Bilibid tatapusin na (It’s your time to rest and die — Duterte)
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte, bilang na ang oras ng mga druglord na pasimuno ng laboratoryo ng shabu sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City. Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Change of Command ceremony sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, isang malaking insulto at kahihiyan sa gobyerno na sa Bilibid …
Read More »P10-M signal jammers ilalagay sa NBP — DoJ chief
AGAD nagpakitang gilas si Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng kagawaran. Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga empleyado ng DoJ, inihayag niya ang ilang gagawing mga pagbabago sa ahensiyang pamumunuan. Partikular na pagtutuunan ng pansin ni Sec. Aguirre ang New Bilibid Prison (NBP). Ayon sa kalihim, may nahanap siyang donor mula sa …
Read More »48-oras ultimatum ni Gen. Bato sa drug lords
BINIGYANG-DIIN ni bagong Chief PNP Ronald dela Rosa, magiging maigting ang gagawin niyang paglilinis sa kanilang hanay mula sa scalawags na mga pulis. Sa kanyang pormal na pag-upo bilang bagong PNP chief, sinabi ni Dela Rosa, partikular niyang binalaan ang mga kotong, abusado, tamad at sindikatong mga pulis na bilang na ang mga araw. Ayon kay Dela Rosa, binibigyan niya …
Read More »Magnegosyo kaysa magdroga at mapatay (Duterte sa Tondo residents)
PAGKAKALOOBAN ni Pangulong Rodrigo Duterte nang pagkakaabalahang negosyo ang mamamayang nasa ‘depressed areas’ para makapagsimula at maiangat ang sarili sa kahirapan imbes pumasok sa illegal drugs trade. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kamakalawa ng gabi makaraan makipagsalo-salo sa hapunan ang mga residente ng Tondo, Maynila. Sinabi ni Pangulong Duterte, bibigyan niya ng konting puhunang pang-negosyo ang mga residente at …
Read More »Armadong tunggalian sa PH tutuldukan
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutuldukan niya ang armadong tunggalian sa bansa. “It is not a war that can be fought forever. We cannot fight forever. We might have the weapons, the armaments, the bullets and the mortar but that does not make a nation,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Change of Command Ceremony sa Camp Aguinaldo …
Read More »Zero crime sa NCRPO sa Duterte inauguration
ZERO crime rate ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila kasabay ng inagurasyon nina Pangulong Rodrigo Duterte bilang ika-16 Presidente ng Filipinas at Bise Presidente Leni Robredo kamakalawa. Inihalintulad ito ni NCRPO Spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas sa tuwing may laban si boxing champion at ngayo’y Senator Manny “Pacman” Pacquiao, na walang naitatalang krimen. Bago …
Read More »Sekyu kalaboso sa rape (Pinsan ni misis ginapang)
KALABOSO ang isang 32-anyos security guard makaraan gapangin at gahasain ang pinsan ng kanyang misis na pansamantalang nanuluyan sa kanila sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw. Inakala ng biktimang itinago sa pangalang Rose, 27, ang pagpayag ni George Ramos na manuluyan pansamantala sa Phase 9, Block 3, Lot 2, Brgy. 176, ay palatandaang mabait ang mister ng kanyang pinsan. Napag-alaman, …
Read More »Driver binoga ng sekyu sa parking lot, kritikal
KRITIKAL ang kalagayan ng isang 46-anyos driver makaraan pagbabarilin ng security guard na kanyang nakaalitan dahil sa pagpaparada ng sasakyan sa Mandaluyong City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Miguel Villamor, driver ng tanggapan ng PAG-IBIG, habang arestado ang suspek na si Jimmy Opong, 43, security guard sa Jelp Building, sa Show Boulevard, Addition Hills sa lungsod. Ayon kay …
Read More »Top NPA leader sa Negros Island, arestado
BACOLOD CITY – Swak sa kulungan ang isa sa mataas na lider ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Negros Island Region (NIR). Batay sa kompirmasyon ni 2Lt. Revekka Knothess Roperos, spokesman ng 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army, naaresto ang NPA leader na si Marilyn Badayos alyas Ka Nita, sa isang check point sa Siaton, Negros Oriental, kasama ng …
Read More »Mag-asawa niratrat, mister patay (Sa Cagayan)
TUGUEGARAO CITY – Iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman sa negosyo ang pamamaril sa mag-asawa sa bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa. Sinabi ni Chief Inspector Santos Baldovizo, hepe ng PNP Solana, namatay sa insidente si Fortunato Castillo dahil sa apat tama ng bala ng baril sa dibdib at tiyan, habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang misis ng biktima na …
Read More »Electrician nahulog mula sa trike, patay
PATAY ang isang electrician makaraan mahulog na una ang ulo mula sa sinasakyang tricycle kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Rolando Alvarez, 57, residente ng 340 Area 3, Matimias St., Pinalagad, Brgy. Malinta ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni PO1 Fridayrich Delas Nadas, dakong 5:20 am …
Read More »2 tulak patay sa shootout sa Laguna
PATAY ang number one most wanted sa listahan ng Sta. Rosa, Laguna Police at kasabwat niya sa shootout na naganap sa naturang lugar kamakalawa. Ang mga suspek ay kinilalang sina Ron Ryan Barroga at Jerome Garcia, pinaniniwalaang mga tulak ng droga. Ayon kay Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng Sta. Rosa, Laguna Police, isisilbi sana ang arrest warrant kay Barroga sa …
Read More »15 timbog sa drug buy-bust sa Taguig
UMABOT sa 15 katao ang naaresto sa isinagawang drug buy-bust operation sa Daan Hari, Taguig kamakalawa. Naaresto ang target sa operasyon ang mag-live-in partner na sina Ramon Cuevas at Mary Grace Quesada, habang ang 13 ay naaresto dahil sa paggamit ng droga sa loob ng bahay ng mga suspek. Nakuha sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga …
Read More »PINANUMPA ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes si Rodrigo Roa Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Filipinas kahapon. Pagkatapos ng panunumpa unang nakipagpulong si Duterte sa BAYAN leaders para tanggapin ang inihaing 15-point people’s agenda bago sa kanyang Gabinete. Sa labas ng Palasyo, makikita ang iba’t ibang Duterte souvenirs and items na ibinebenta sa bangketa. ( Malacañan Photo )
Read More »Pagkatapos ng panunumpa unang nakipagpulong si Duterte sa BAYAN leaders para tanggapin ang inihaing 15-point people’s agenda bago sa kanyang Gabinete. Sa labas ng Palasyo, makikita ang iba’t ibang Duterte souvenirs and items na ibinebenta sa bangketa. ( Malacañan Photo/Jack Burgos )
Read More »Sa labas ng Palasyo, makikita ang iba’t ibang Duterte souvenirs and items na ibinebenta sa bangketa. ( Bong Son )
Read More »