Saturday , May 18 2024

News

Katawan ng pinugutang Malaysian nakita na?

ZAMBOANGA CITY – Bineberipika na ng militar kung sa Malaysian kidnap victim na pinugutan ng ulo, ang narekober na kalansay sa Sitio Lungon-Lungon, Brgy. Lanao Dakula, Parang, Sulu kamakalawa. Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), nagsasagawa ng patrolya ang mga kasapi ng 501st Marine Brigade dakong 10 p.m. kamakalawa nang makita ang kalansay sa naturang lugar. Ayon sa militar, malaki …

Read More »

64 flights kanselado

KINANSELA ang 64 domestic flights dahil sa bagyong Nona nitong Martes ng umaga. Sa abiso ng Media Affairs Division ng Manila International Airport Authority (MIAA), anim biyahe ng Cebu Pacific, 10 sa CebGo (dating Tigerair), 46 sa Philippine Airlines Express at dalawa sa Sky Jet ang kinansela. Kabilang sa mga apektado ang mga patungo ng Legaspi, Caticlan, Naga, Catarman, Calbayog, …

Read More »

SSS Pension Increase bill transmitted na kay PNoy

NAIPADALA na sa Malacañang ang House Bill 5842 o SSS Pension Bill na naglalayong dagdagan ang pensiyon ng mga pensiyonado ng Social Security System (SSS). Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, kahapon lang ito na-dala sa Palasyo kaya ina-asahan nilang agad itong aaksiyonan ni Pangulong Benigno Aquino III. Una rito, naapruba-han ng Kamara sa ikatlong pagbasa noon pang Hunyo 9 …

Read More »

Boga ng ‘igan nakalabit, senglot tigok

PATAY ang isang 43-anyos lalaki nang aksidenteng makalabit ang gatilyo ng baril ng kanyang kaibigan sa Tondo, Maynila kahapon. Binawian ng buhay habang dinadala sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Rogelio Dalida, 43, ng 2127 V. Serrano St., Tondo, Maynila. Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Maraggun, imbestigador ng MPD-Homicide Section, dakong 2 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng …

Read More »

Apela sa DILG imbestigahan QC kapitan

UMIINIT ang panawagan mula sa mga lehitimong manininda ng Mega Q-Mart sa Department of Interior and Local Government (DILG) na papanagutin ang isang mataas na opisyal ng Barangay E. Rodriguez sa Lungsod ng Quezon na umano’y nasa likod nang pangingikil sa kanila. Hiniling nila kay DILG Secretary Mel Senen Sarmiento na maimbestigahan si barangay chairman Marciano Buena Agua Jr., at …

Read More »

Taxi driver utas sa saksak ng holdaper

PATAY na ang 57-anyos taxi driver nang matagpuan sa loob ng ipinapasada niyang taxi kamakalawa ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ni Senior Supt. Ber-nabe Balba, Rizal PNP director, ang biktimang si Zaldy Tamidles y Mendoza, nakatira sa 43 NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City. Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Teodorico Constantino, dakong 2 a.m. nang matagpuan ni Mamerto Macasielo, …

Read More »

Maligayang Bayad with Expresspay

ANG pagbabayad ng mga singilin ay problema ng bawat pamilya o indibidwal bunga na rin sa mahaba ang pila, sopresang surcharge at malaking abala kapag panahon ng pista opisyal o holiday season. Ngayong parating ang Pasko, kakailanganin ng bawat isa na makapag-save ng kanilang pera pambili ng mga regalo at Noche Buena habang ilan sa mga inaaak ang nag-aabang naman …

Read More »

Crazy over Don’s Original Spanish Churros®

Pinoy foodies are literally lining up to enjoy the warm comforting goodness of Don’s Original Spanish Churros®, which recently opened at SM City Iloilo Fastfood. Crispy on the outside, but chewy on the inside, churros are fried dough pastries shaped like  sticks, sprinkled with sugar, then dipped in rich dark chocolate. Don’s Original Spanish Churros® are not oily and can …

Read More »

3 patay 96 sugatan kay Nona sa N. Samar

NAKAPAGTALA ng tatlong patay at 96 sugatan sa pananalasa ng bagyong ‘Nona’ sa Northern Samar Iniulat ni Jonathan Baldo, municipal disaster officer ng Catarman, sa tatlong namatay sa kanilang bayan, ang isa ay dahil sa hypothermia o matinding lamig, habang ang dalawang iba pa ay nalunod sa baha. Una rito, tiniyak ni DSWD Sec. Dinky Soliman, sinisikap nilang maiparating ang …

Read More »

Piyansa ni Palparan ibinasura ng korte

IBINASURA ng Malolos Regional Trial Court kamakalawa ang hirit ni retired Army General Jovito Palparan na makapagpiyansa para sa kasong illegal detention at kidnapping. Si Palparan ang itinuturong nasa likod ng pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines na sina Karen Empeño at Sheryln Cadapan noong 2006. Dinukot sina Empeño at Cadapan ng mga sundalo sa isang farmhouse …

Read More »

INC lumago sa suporta (Kauna-unahan sa kasaysayan)

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon mula nang maitatag sa Filipinas, ngayon higit na natatamasa ang mabilis na paglago dahil sa suporta mula sa loob at labas ng Iglesia ni Cristo (INC). Mahigit 17 kapilya ang naipatatayo at isinasaayos kada buwan mula nang mag-umpisang mangasiwa  si Ka Eduardo V. Manalo noong Setyembre 2009 – dahil sa pagbuhos ng suporta ng mga miyembro na …

Read More »

Umento sa SSL pasado na sa Senado (Para sa public sector)

PASADO na sa pangatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang Senate Bill 2671 o mas kilala sa Salary Standardization Law-IV (SSLIV) Sa botong 14-0 na walang abstention, ipinasa ng mga senador sa kanilang sesyon nitong Lunes ng hapon ang panukalang batas na nagtatakda ng umento sa sahod ng mga empleyado ng pamahalaan. Sa kabuuan ay may P225.8 bilyon pondo …

Read More »

Pagbabalik ni Fred Lim suportado ng mga pastor

NAGPAHAYAG ng suporta ang samahan ng mga pastor sa pagbabalik ni Alfredo S. Lim bilang alkalde ng Maynila sa nalalapit na 2016 elections, at tiniyak na ikakampanya ang mga lider na walang bahid ng korupsiyon. Ang mga miyembro ng Christian Leaders for Good Government sa pangunguna ni Pastor Bani Miguel ay nakipagpulong kay Lim sa salo-salo sa almusal, para mangako …

Read More »

DILG regional director sugatan sa ambush

SUGATAN ang regional director ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Region 4-A nang barilin ng hindi nakilalang suspek dakong 7:30 a.m. kahapon sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Kinilala ni Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang sugatang opisyal na si DILG Director Renato Brion. Iniutos ni Sarmiento sa PNP na gawin ang lahat para …

Read More »

Pinatay na kriminal pangalanan (Hamon ni Belmonte kay Duterte)

HINAMON ni House Speaker  Feliciano Belmonte Jr., si Davao City Mayor at PDP-Laban standard bearer Rodrigo Duterte na pangalanan kahit isa man lang sa sinasabing pinatay niyang kriminal. Sa ambush interview kay Belmonte, vice chairman ng Liberal Party (LP), sa ginanap na Pamaskong Handog ng PAGCOR 201 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City, sinabi ng House Speaker, kung walang …

Read More »

P212-M SuperLotto jackpot tinamaan na

ISANG masuwerteng mananaya mula sa Marinduque ang nakakuha ng 6/49 superlotto jackpot na umaabot sa P212,501,452. Sa isinagawang draw kamakalawa ng gabi, tinamaan ng nasabing mananaya ang kombinasyong lumabas na 05-13-33-10-15-08 Ito ang isang pinakamalaking jackpot prize na napanalunan ngayong 2015. Habang wala pang nakakuha sa P50 million jackpot prize ng 6/58 UltraLotto. Ang mga lumabas na numero ay 50-52-09-33-08-31

Read More »

20-anyos bebot nagtangkang tumalon sa 22/F ng condo

NAGTANGKANG magpakamatay ang isang 20-anyos babae sa pamamagitan ng pagtalon mula sa tinitirhan niyang condominium sa Pasay City kahapon. Kasalukuyang ginagamot sa Saint Claire Hospital sa Makati City ang biktimang itinago sa pangalang Amy, ng 22nd floor, La Vertti Condominium sa Donada St., Brgy. 35, Pasay City. Base sa ulat na nakara-ting kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel …

Read More »

9 lalawigan signal no. 3 kay ‘Nona’

TUMAWID na ang bagyong Nona sa dulong bahagi ng Northern Samar, makaraang mag-landfall kahapon dakong 11 a.m. sa Brgy. Batag ng bayan ng Laoang sa nabanggit na probinsya. Taglay ng bagyong Nona ang lakas ng hangin na 150 kph at pagbugso ng hangin na umaabot ng 185kph. Ang bayan ng Laoang ay nasa bahagi na ng dagat Pasipiko. Kumikilos ang …

Read More »

P3.002-T 2016 nat’l budget ratipikado na sa Senado

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang Bicameral Conference Committee report kaugnay ng panukalang P3.002 trillion 2016 national budget. Sa isinumiteng report ng Senate Finance Committee na pinamumunuan ni Sen. Loren Legarda sa plenaryo nitong Lunes ng hapon, wala nang tumutol sa 14 senador na present sa session dahilan upang agad maratipikahan ang General Appropriations Act (GAA). Ang Department of Education ang …

Read More »

1 patay, 2 sugatan sa anti-drug ops ng NBI sa Pasay

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa pa sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Hindi na naisalba ng mga manggagamot ng San Juan De Dios Hospital ang buhay ng suspek na si Dario Cuenca, 49, ng Block 10, Lot 9, Libra St., Brgy. Dita, Santa …

Read More »

Cyber sabong ilegal (NBI nagbabala sa may-ari ng sabungan)

HINDI lang ang operator ng ilegal na tayaan sa sabong websites ang kakasuhan kundi maging ang may-ari ng sabungan kung saan ginaganap ang live streaming ng pasabong. Ito ang seryosong babala ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos salakayin kamakalawa ng mga tauhan nito ang isang sabungan sa Tarlac City at naaktohan ang ilegal na pustahan ng mga sabungero sa …

Read More »

INC abswelto sa kaso sa US (Nuisance cases kinondena)

KUNG ‘nuisance candidates’ ang panggulo sa mga halalan sa Filipinas, tinawag namang ‘nuisance cases’ ang mga kasong isinampa ng mga kritiko ng Iglesia ni Cristo (INC) bilang bahagi ng “pinagkaisang hakbang upang gipitin at ipahiya ang Iglesia at ang mga kaanib nito.” Ito ang mariing ipinahayag ng tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala noong linggo kasabay ng pagbubunyag na …

Read More »

Killer ng ina ni Cherry Pie habambuhay kulong

IBINABA na ng Quezon City Regional Trial Court nitong Huwebes ang hatol sa suspek sa pagpatay kay Zenaida Sison, ina ng aktres na si Cherry Pie Picache. Pinatawan ni Judge Alfonso Ruiz ng reclusion perpetua ang suspek na si Michael Flores. Pinagbabayad din siya ng P1,245,000 danyos bukod pa sa P50,000 bayad para sa moral damages at P50,000 para sa …

Read More »

77 APC donasyon ng US dumating na sa Subic

DUMATING na kamakalawa ng gabi ang unang batch ng mga Armored Personnel Carrier (APC) na ibinigay ng Estados Unidos sa Filipinas sa ilalim ng US Excess Defense Article Program. Nasa 77 M113A2 APC ang dumating sa Subic bilang unang batch. Nasa 114 kabuuang APC ang ido-donate ng US sa Armed Forces of the Philpines (AFP). Sa ilalim ng EDA, pinapayagan …

Read More »

Bebot patay, 2 sugatan sa 2 sunog sa Maynila

PATAY ang isang babae habang sugatan ang magkapatid sa dalawang magkahiwalay na sunog sa Maynila. Ayon kay F/Supt. Jaime Ramirez ng Manila Fire Bureau, dakong 7:40 p.m. kamakalawa nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng apartment na tinitirhan ng biktimang si Maribel Zamora, 41, sa 2458 Tejeron St., Sta. Ana, Maynila. Hindi na nakalabas ng apartment si Zamora sa …

Read More »