Thursday , June 4 2026

Suspensiyon vs JV kinatigan ng SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court ang suspension order ng Sandiganbayan kay Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito kaugnay sa kinahaharap ni-yang graft case dahil sa  maanomalyang pagbili ng matataas na kalibre ng baril noong 2008.

Iginiit ng Supreme Court first division, walang nilabag ang Sandiganbayan fifth division sa pagpataw ng 90 araw suspensiyon sa senador noong Agosto. Bukod kay Ejercito, dawit sa ipinalabas na re-solusyon ng korte ang co-accused niyang sina Ra-nulfo Dacalos at Romualdo Delos Santos.

Kaugnay nito, hindi agad maipatutupad ang suspensiyon sa Senado dahil hihintayin pa ni  Senate President Aquilino Pimentel III ang “developments” ng ebidensiya na inihain sa Sandiganba-yan.  Nag-ugat ang kaso ng technical malversation sa senador kabilang ang 14 iba pa, dahil sa paggamit ng calamity funds noong 2008 para sa pulis noong siya pa ang alkalde ng lungsod ng San Juan.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …