IPINAG-UTOS ng Quezon City Building Official ang pagwasak sa board up (bakod) sa sidewalk ng EDSA, Cubao malapit sa kanto ng Aurora Blvd., matapos kumitid at sumikip ang sidewalk dahilan para wala nang madaanan ang mga pedestrian sa naturang lugar. Ito’y matapos atasan ni Engr. Isagani Verzosa Jr., hepe ng QC Department of Building Official si Atty. Freddie Lilagan, hepe …
Read More »2 patay, 5 kritikal sa van vs tricycle
PATAY ang dalawa katao habang lima ang kritikal sa salpukan ng pampasaherong van at tricycle sa Polomolok, South Cotabato nitong Martes. Batay sa imbestigasyon ng traffic police, parehong papunta sa direksiyon ng bayan ng Tupi ang dalawang sasakyan nang magbangaan sa Purok Lusanes, Brgy. Sulit dakong 1:30 p.m. Sinasabing mabilis ang takbo ng van nang mag-overtake sa tricycle. Biglang lumiko …
Read More »Truck napaatras ng 5-anyos anak, ama napisak
PATAY ang isang lalaki nang maipit sa likod ng isang truck na aksidenteng napaatras ng kanyang 5-anyos anak sa Bacolod City kamakalawa. Ayon sa pulisya, nagbababa ng mga ide-deliver na prutas ang ama at nakalagay sa primera ang kambyo ng sasakyan habang nasa loob ng truck ang kanyang anak. Ngunit sa paglalaro ng bata, naapakan niya ang clutch ng sasakyan, …
Read More »P2-M shabu kompiskado sa 4 suspek sa Lucena
NAGA CITY – Mahigit sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng mga awtoridad mula sa apat suspek sa isinagawang one-time big time operation sa lungsod ng Lucena. Kinilala ang mga suspek na sina Arthuro Alcala, 37; Zhamaikoe Batua, 26; Nasif Batua, 25, at Paulo Macadator. Ayon kay Senior Supt. Eugenio Paguirigan, provincial director ng Quezon-Police Provincial Office (PPO), aabot …
Read More »Duterte naliitan sa suweldo ng presidente
DAVAO CITY – Kung si President-elect Rodrigo Duterte ang tatanungin, sa mga nangangarap na maging pangulo ng bansa, isa lang aniya ang kanyang magiging payo sa kanila. Kung talagang may “passion” ang isang tao na manilbihan sa bansa, ito na lang daw ang magiging “driving force” na ipagpatuloy ang pangarap na maging pangulo. Iginiit ng incoming president, napakaliit ng sahod …
Read More »PNoy walang departure speech
HINDI magtatalumpati si Pangulong Benigno Aquino III bago bumaba bilang punong ehekutibo bukas, Hunyo 30. Ito ang kinompirma ni Ambassador Marciano Paynor, tumatayong head ng Presidential Inaugural Committee. Sinabi ni Paynor, magkakaroon lamang ng departure honors para kay Pangulong Aquino. Gagamitin pa rin aniya ng Pangulo ang presidential car bago mag-12 ng tanghali. Sasalubungin ni Pangulong Aquino si President-elect Rodrigo …
Read More »24/7 military ops vs ASG ipatutupad
TINIYAK ni incoming Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo Visaya, kanyang sisiguraduhin na 24 oras sa isang linggo ang ilulunsad na operasyon laban sa bandidong Abu Sayyaf. Ayon kay Visaya, kanya itong ipatutupad sa sandaling maupo na siya sa puwesto bilang pinuno ng sandatahang lakas ng Filipinas. Gayonman, sinabi ni Visaya, ayaw niyang magbigay …
Read More »Gen. Bato kinontra si Sarmiento (Sa 35 mayor-drug lords)
KINONTRA ni incoming PNP chief, Chief Supt. Ronald dela Rosa si outgoing DILG Sec. Senen Sarmiento kaugnay sa pahayag ng kalihim na walang ebidensya laban sa 35 mayor sa buong bansa na sinasabi ni incoming President Rodrigo Duterte, na sangkot sa illegal drugs operations. Iginiit ni Dela Rosa, baka si Senen lamang ang hindi nakaaalam dahil alam na alam na …
Read More »P3.5-T 2017 budget ipinanukala ng Duterte admin
KABUUANG P3.35 trilyon hanggang P3.5 trilyon ang ipanunukalang 2017 national budget ng Duterte administration. Sinabi ni incoming Budget Sec. Benjamin Diokno, sinisimulan na nilang balangkasin ang hihilinging budget sa Kongreso para maisumite agad ito pagkatapos ng unang State of the Nation Address (SONA) ni President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Diokno, kailangan nila ang nabanggit na budget para masimulan agad ang …
Read More »Task Force sa 7 Indonesians na kinidnap binuo
KASUNOD nang pagdukot ng Abu Sayyaf sa pitong Indonesian national, bumuo ng bagong “Joint Task Force Tawi-tawi” ang mga awtoridad para guwardiyahan ang katubigan patungong Indonesia at Malaysia. Sinabi ni Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Wesmincom), mahigpit na nilang tinututukan ang seguridad sa lugar bago pa man ang pinakahuling pagbihag. Gayonman, aminado si Tan na may …
Read More »Manikyurista patay sa saksak ng live-in na nagtangkang maglaslas sa leeg (Ina sugatan)
PATAY ang isang 42-anyos manikyurista habang sugatan ang kanyang ina nang pagsasaksain ng live-in partner na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay bago idating sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Elena Gamboa, 42, ng 79 Diamond St., Phase 5, BF Martinville, Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas …
Read More »Parish priest ng Loboc nagbigti
CEBU CITY – Nagdadalamhati ang parishioners ng St. Peter the Apostle Parish Church ng Loboc, Bohol makaraan magpatiwakal ang kanilang parish priest na si Rev. Fr. Marcelino Biliran, 56, gamit ang electrical wire extension. Ayon kay SPO1 Glenn Alvin Gam ng Loboc Police Station, malapit sa tao si Father Mar. Tahimik daw at masigasig sa kanyang panunungkulan sa simbahan. Kuwento ni …
Read More »Manila Water, lumahok sa Sumakah Festival
Lumahok ang Manila Water, ang silangang konsesyonaryo ng tubig at alkantarilya sa kakatapos lamang na Sumakah (Suman, Mangga, Kasoy and Hamaka) Festival na ginanap sa lunsod ng Antipolo na itinampok ang delicacies o sikat na pagkain ng siyudad. Nagkaroon ng isang parada na sinimulan mula Sumulong Park hanggang Ynares Center. Binigyang-buhay ni Kuya Pat, ang mascot ng Manila Water ang …
Read More »Mekaniko tigok sa pagbangga sa kotse
BINAWIAN ng buhay ang isang 53-anyos mekaniko nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang rumaragasang kotse sa kalsadang madalas mangyari ang aksidente na hinihinalang may “spirit of death” sa Makati City kahapon. Nalagutan ng hininga sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Edwin Datu, may asawa, mekaniko sa Camano Auto Repair Shop, ng 2300 Tramo St., Brgy. 64, Zone 8, …
Read More »Shabu lab sa Mindanao unang target ng DILG
KORONADAL CITY – Hindi na ikinagulat ni incoming DILG Secretary Mike Sueno ang dami ng drug surenderees sa Region 12 dahil nasa ikatlong puwesto aniya ang rehiyon pagdating sa dami ng mga personalidad na may kaugnayan sa ilegal na droga. Sunod aniya ito sa Region IV-A na ang number one naman ay Metro Manila. Ayon kay Sueno, mayroon malalaking shabu …
Read More »Holdaper utas sa pulis (Nasukol kaya nang-hostage)
PATAY ang isang 41-anyos lalaki nang manlaban sa bagitong pulis makaraan holdapin ang isang empleyada at nagawa pang mang-hostage ng isang pasahero sa jeep upang hindi maaresto sa Muntinlupa City kamakalawa ng umaga. Agad binawian ng buhay dahil sa isang tama ng bala sa dibdib ang suspek na kinilalang si Edelberto G. Patricio, walang hanapbuhay, alyas Buboy, at nakatira sa …
Read More »Chinese trader arestado sa tinderang minolestiya
ZAMBOANGA CITY- Arestado ang isang negosyanteng Chinese national makaraan molestiyahin ang 17-anyos niyang tindera sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte. Kinilala ng Sindangan municipal police station ang suspek na si Yanhuang Zhang Xie alyas Jumong, 23, residente ng Fujien, Xiamen, China, at pansamantalang nakatira sa inuupahan nilang bahay sa Brgy. Disud sa nasabing bayan. Mismong ang tiyahin ng dalagitang …
Read More »Call center agent natagpuang patay sa gusali ng Makati
MAKARAAN ang tatlong araw, natagpuang patay ang isang call center agent sa 5th level basement ng isang gusali sa Hernandez Street, San Lorenzo Village sa Makati City dakong 3 p.m. nitong Lunes. Sa imbestigasyon ng Makati PNP, lumalabas na 9:30 p.m. noong Hunyo 24 ay namataan ng anak ng caretaker ng gusali na si Regine Dioleste, na pumasok nang walang …
Read More »Mag-ina ng heneral tostado sa sunog
PATAY ang mag-ina ni police retired Gen. Ismael Rafanan makaraan matupok sa sunog ang kanilang bahay sa Quezon City kahapon ng umaga. Sa ulat kay Sr. Supt. Jesus Fernandez, Quezon City Fire Marshal, hindi na makilala ang bangkay ng asawa ni Rafanan na si Merilyn, 61, at kanilang anak na si Stara, 27, nang matagpuan sa loob ng kanilang naabong …
Read More »Populasyon kokontrolin ni Duterte (Walang paki sa Simbahan)
ISUSULONG ni incoming President Rodrigo Duterte ang three-child policy upang makontrol ang paglobo ng populasyon. Sa kanyang talumpati sa huling flag-raising ceremony bilang alkalde ng Davao City kahapon, sinabi ni Duterte, muli niyang ipatutupad ang family planning sa kabila nang pagtutol ng Simbahang Katoliko. “I will reinstall the program of family planning. Tatlo tama na ‘yan so social workers must …
Read More »Ginang suspek sa pagpatay sa 74-anyos ina
HINIHINALANG mismong ang 48-anyos ginang na anak ng 74-anyos matandang babaeng natagpuang tadtad ng saksak, ang salarin sa insidente sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Natagpuang wala nang buhay ang biktimang si Teresita Oliquino, 74, residente ng 22 Pineapple St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon nina PO3 Roger Gonzales at PO2 Roldan Angeles, dakong 9 p.m. nang matagpuan …
Read More »Ina ni Padaca nabagok, patay
CAUAYAN CITY, Isabela – Nagluluksa ang pamilya ni dating Comelec Commissioner at dating Isabela Governor Grace Padaca dahil sa pagpanaw ng kanilang ina na isang retiradong guro. Si Amelia Padaca ay sumakabilang buhay sa edad 81-anyos. Sinabi ni Carlos Bernardo Padaca, accountant at panganay na anak, malakas pa ang kanilang ina at hindi nila inaasahan ang biglang pagpanaw. Sinabi ni …
Read More »Serial rapist utas sa kuyog ng taongbayan
KALIBO, AKLAN – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang lalaki na sinasabing serial rapist, nang pagtulungan siyang bugbugin, tagain at pagbabarilin ng taong bayan sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Alas-as, Madalag, Aklan kamakalawa. Idineklarang patay sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si Abonjo Niñofranco, 46, hiwalay sa asawa, at residente ng Sitio Nailong, Brgy. Mamba sa nasabing bayan. Batay …
Read More »Pacman, De Lima absent sa Senate orientation
HINDI nakadalo ang ilang baguhang senador sa ‘orientation’ kahapon sa Senado. Kabilang sa hindi nakadalo sina Senators-elect Leila de Lima at Manny Pacquiao. Sinasabing may prior commitment ang dalawang opisyal kaya hindi nakarating sa mahalagang aktibidad sa mataas na kapulungan ng Kongreso. Habang humarap sa aktibidad sina Senators-elect Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva. Kasama rin nila ang kani-kanilang …
Read More »6 patay, 9 sugatan sa pagbangga ng jeep sa truck
COTABATO CITY – Patay ang anim katao habang siyam ang malubhang nasugatan makaraan bumangga ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa isang nakaparadang dump truck sa Maguindanao kamakalawa. Batay sa impormasyon mula sa pulisya, ang mga biktimang lulan ng pampasaherong jeepney (MWB-489) ay mula sa Tacurong City at patungo sa lungsod ng Cotabato. Pagsapit sa Brgy. Baka at hangganan ng Brgy. …
Read More »