Sunday , November 24 2024

News

5 patay, higit 20 sugatan sa tumaob na bus sa Nueva Ecija

road traffic accident

CAUAYAN CITY, Isabela – Lima ang patay sa pagtaob ng isang bus dakong 1:30  a.m. kahapon sa Putlan, Caranglan, Nueva Ecija. Ayon kay Sr. Inspector Adriano Gabriel Jr., hepe ng Caranglan Police Station, apat ang agad nalagutan ng hininga habang isa ang binawian ng buhay sa ospital. Sinabi ni Insp. Gabriel, ang Victory Liner bus (AYK 552) ay galing sa …

Read More »

Hatol vs police officer pinagtibay ng CA (Protektor ng droga)

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang hatol na ‘guilty’ laban sa isang opisyal ng PNP na napatunayang protektor ng ilegal na droga. Sa 45-pahinang desisyon ng CA 15th Division na may petsang Hunyo 29, 2016, kinatigan nito ang hatol na ‘guilty’ ng Bauang, La Union RTC Branch 67 kay Supt. Dionicio Borromeo, dating hepe ng Dagupan City Police, sa kasong …

Read More »

5 miyembro ng Asero group patay sa police raid (Police asset binigti)

dead gun police

PATAY ang limang miyembro ng Asero holdup/carnap group na luminya na rin sa pagtutulak ng droga, sa isinagawang anti-drug operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, kahapon ng umaga sa Novaliches, Quezon City, habang isang police asset ang sinasabing binigti ng grupo. Ayon kay QCPD district director, Senior Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, …

Read More »

PH sa China: Kalma lang (China walang historic rights — tribunal)

NANAWAGAN ang administrasyong Duterte sa China na magpakahinahon kasunod nang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na nakabase sa The Hague, The Netherlands, na pagmamay-ari ng Filipinas ang mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) Nagdaos ng special cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon makaraan ilabas ng PCA ang desisyon na pumabor sa Filipinas. “We call on …

Read More »

Bongbong pursigido sa electoral protest

TINIYAK ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,  kahapon,  ipagpapatuloy niya ang kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo. “Be assured that I will not stop until I show you the extent of the disenfranchisement and fraud committed in the last elections. This is for truth. This is for honest and credible elections. This is for our country’s future. This …

Read More »

INC indie film panalo sa Madrid Filmfest

NAG-UWI ng karangalan para sa bansa ang indie movie na “Walang Take Two” na iprinodyus ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa katatapos na 2016 Madrid International Film Festival (MIFF) matapos manalo ng Best Film at Best Cinematography in a Foreign Language Film sa award ceremonies na ginanap nitong 9 Hulyo sa kabiserang lungsod ng Espanya. Kauna-unahang obra ng INCinema Productions, …

Read More »

3 Indonesian sailors hawak ng Abu Sayyaf — Indonesia (Dinukot nitong Sabado)

JAKARTA – Naniniwala ang Indonesia na hawak ng Abu Sayyaf ang tatlong Indonesian sailors na dinukot nitong Sabado sa Celebes Sea. Sinabi ni Indonesian intelligence agency chief Sutiyoso, ang tatlo ay nagtatrabaho sa isang Malaysian fishing boat nang dukutin ng armadong mga suspek. Ayon kay Sutiyoso, nakikipag-ugnayan na sila sa Filipinas upang matukoy kung saan dinala ng Abu Sayyaf ang …

Read More »

Anti-drug ops nais siraan ni De Lima — Palasyo (Sa ipinatawag na Senate probe)

NAIS siraan ni Sen. Leila de Lima ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga kaya pinaiimbestigahan sa Senado ang serye nang pagpatay sa mga drug pusher. Sinabi ni Atty. Salvador Panelo, bagama’t karapatan ng Senado na mag-imbestiga ay walang basehan ang hirit na Senate probe ni De Lima kundi espekulasyon lang lalo’t hindi nagsusulong ng …

Read More »

AWOL na pulis, 1 pa patay sa shootout

dead gun

PATAY ang isang AWOL na pulis na hinihinalang tulak, at isa pang pinaniniwalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na operasyon nitong Linggo ng gabi sa nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang napatay na si PO3 Arnel Arnaiz, dating pulis-QC bago maitalaga …

Read More »

4 miyembro ng Briones drug/carnap gang patay sa QC cops

dead gun police

APAT hinihinalang miyembro ng “Briones drug/carnap gang” ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) District Anti-Illegal Drugs (DAID) at District Special Operation Unit (DSOU) sa isinagawang drug buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. UP Campus ng nasabing lungsod. Sa ulat nina Supt. Robert Campo, DSOU chief, at Chief Insp. Enrico Figueroa, DAID …

Read More »

SWAT officer, 3 pa naaktohan sa Cebu drug den

shabu drug arrest

CEBU CITY – Swak sa kulungan ang isang pulis na nakatalaga sa Special Weapons and Tactics (SWAT), kasama ang tatlong iba pa na nahuli sa buy-bust operation sa Sitio Harag, Brgy. Talavera, Lungsod ng Toledo, Cebu kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina PO2 Ronjie Nadora, 36; Richard Flores, 30; Neil Enriquez; at Nanding Abella, 23. Ayon kay PO2 Carlos …

Read More »

Arbitral Tribunal decision, papabor sa PH — Alunan

TINIYAK ni dating West Philippine Sea Coalition (WPSC) co-convenor Rafael M. Alunan III na matatamo natin ang paborableng desisyon ngayon mula sa Arbitral Tribunal ng United Nations (UN) hinggil sa isinampang kaso ng Filipinas laban sa bansang China. Naniniwala ang WPSC at ang malayang mundo sa pangunguna ng United States at Japan na susundin ng Arbitral Tribunal ang United Nations …

Read More »

Diskusyon sa Federalismo paiigtingin ng PDP-Laban

LALONG paiigtingin ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang pagpapaunawa sa mga mamamayan sa Federalismo sa anim na Round-Table Discussion (RTD) na magsisimula sa Agosto 4 sa Executive House, University of the Philippines sa Diliman, Quezon City. Ayon kay PDP-Laban Policy Study Group Head Jose Antonio Goitia, lalahok sa diskusyon o RTD ang kinatawan ng mga bansang may karanasan …

Read More »

Over printing ng tax stamps iniimbestigahan

KASALUKUYAN nang iniimbestigahan  ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang napaulat na sobra-sobrang pag-iimprenta ng tax seals para sa sigarilyo at alak na  umano’y ginagamit ng smugglers upang  maipuslit at maibenta ang kanilang kontrabando sa lokal na pamilihan. Mismong si BIR Comissioner Caesar Dulay ang pinagkatiwalaan ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na humawak ng imbestigasyon sa usaping nagsasangkot …

Read More »

PNP kumasa sa lifestyle check

WALANG problema sa pamunuan ng pambansang pulisya kung isasailalim sila sa lifestyle check batay na rin sa iniutos ng Department of Interior and Local Government (DILG). Ayon kay PNP Chief PDGen Ronald Dela Rosa, mula sa kanya hanggang sa PO1 ay maaaring imbestigahan. Sinabi ni Dela Rosa, ang sino mang tutol sa gagawing lifestyle check ay tiyak na may itinatagong …

Read More »

Pagtaas ng SSS pension itinutulak ni Sen. Trillanes

MULING inihain ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang panukulang naglalayong itaas ang kasalukuyang halaga ng Social Security System pension o ang Senate Bill No. 91. Ani Trillanes, “May 19 na taon na nang huling maitaas ang SSS pension sa pamamagitan ng Republic Act 8282. Naisabatas ito kasabay ang pagtaas ng cost of living expenses sa bansa, ang kakarampot …

Read More »

Ex-DOH chief Ona, 2 opisyal inasunto sa P392-M project bid

KINASUHAN ng Office of the Ombudsman si dating Health Secretary Enrique Ona kasama ang dalawang iba pang opisyal ng Department of Health (DoH) kaugnay sa maanomalyang pagkuha sa hospital modernization project na nagkakahalaga ng P392.2 milyon noong 2012. Sa nilagdaang resolusyon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, iniutos niyang kasuhan sina Ona, dating Health Undersecretary Teodoro Herbosa at dating Assistant Secretary Nicolas …

Read More »

6-M new voters target sa barangayat SK polls

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na makapagrehistro ng anim milyong bagong botante para sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 31. Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nais nilang makapagrehistro ng dalawang milyong regular-aged voters at apat milyong kabataan para sa nalalapit na halalan. Kaugnay nito, ngayon pa lang ay hinihikayat na ni Jimenez ang …

Read More »

Nakoryente sa paghuhukay 1 patay, 2 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa niyang kasama nang makoryente sa Brgy. Antonino, Alicia, Isabela kamakalawa. Ang namatay ay kinilalang si Roderick Abedosa, 32, residente ng Aurora, Alicia, Isabela. Habang inoobserbahan sa ospital sina Jaime Longgat, 29, at Ramon Quero, 61, kapwa residente ng Antonino, Alicia, Isabela. Sa imbestigasyon ni PO2 Randel Taruma, imbestigador …

Read More »

Binatilyo sugatan sa sumpak

SUGATAN ang isang 17-anyos binatilyo makaraan barilin sa likod ng sumpak ng apat hindi nakilalang mga lalaki sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Angelo Masicampo, ng Gate 7, Parola Compound, Tondo, Maynila. Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng apat na mga suspek na mabilis na nakatakas. Ayon sa pulisya, …

Read More »

Mag-iina sugatan sa bundol, driver tumakas

LA UNION – Sugatan ang mag-iina makaraan mabundol ng isang closed van habang tumatawid sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Madayegdeg, San Fernando City, kamakalwa ng gabi. Ang mga biktima ay kinilalang si Eva Grande, 26, at ang dalawa niyang mga anak na sina Via, 6, at Luigi Grande, 3, residente sa nasabing lugar. Batay sa report, isang silver gray …

Read More »

Ping sa kapihan sa Manila Bay

ping lacson

TAGAPAGSALITA ngayong umaga ang dating Philippine National Police (PNP) chief na si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa Kapihan sa Manila Bay news forum sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Inaasahang tatalakayin ng Senador ang kanyang mga karanasan sa paglaban sa illegal na droga noong siya ay PNP chief at mga batas na maaaring ipatupad anng maayos upang sugpuin ang droga. Ang …

Read More »

Alyado sa Kongreso ‘pinulong’ ni Digong (Death penalty desididong isulong)

DAVAO CITY – Tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-drug crusade ng kanyang administrasyon at pagnanais nyiang maibalik ang death penalty sa ilan niyang bagong alyado sa executive and legislative branch, nitong Sabado ng gabi Kabilang sa mga mambabatas na dumalo sa pulong dakong 9:30 pm sa After Dark Resto Bar ay sina Senators Sonny Angara at Alan Peter Cayetano, …

Read More »

Pinoy kidnap gang leader dumating na sa NAIA (Naaresto sa Thailand)

NAIA arrest

DUMATING na sa Ninoy Aquino International Airport nitong madaling-araw ng Linggo ang Filipino kidnap-for-ransom gang leader makaraan maaresto sa Thailand. Ayon sa ulat, ang sinasabing KFR gang mastermind na si Patrick Alemania ay naaresto nitong nakaraang linggo ng mga elemento ng Royal Thai Police at Philippine National Police-CIDG sa Bangkok. Nadakip ng mga awtoridad si Alemania sa Romklao District habang …

Read More »