PATAY ang magkapatid sa Southern Leyte nang lumaban sa mga awtoridad na aaresto sa kanila kaugnay sa kinakaharap na kaso tungkol sa ilegal na droga kamakalawa. Ayon sa pulisya, isisilbi ng mga pulis ang warrant of arrest kina Dowel at Jason Egamao sa Sogod, Southern Leyte ngunit nagpaputok sila ng baril. Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa …
Read More »P1-B pinsala sa mais at palay (Sa Isabela)
CAUAYAN CITY, Isabela – Pormal nang inirekomenda ng Panlalawigang Tanggapan ng Department of Agriculture (DA) kay Governor Faustino “Bojie” Dy III, isailalim sa state of calamity ang Isabela dahil umabot na sa P1 bilyon ang pinsala sa mga pananim na mais at palay dahil sa naranasang dry spell. Sa datos na ipinalabas ng tanggapan ni Provincial Agriculturist Danilo Tumamao, sinabi …
Read More »Anarkiya ‘di papayagan ni Duterte (Sa drug war)
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi magaganap sa kanyang panahon ang pinangangambahang anarkiya ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Una rito, sinabi ni Chief Justice Sereno, nakababahala ang mga pagpatay at pag-aresto sa suspected drug personalities nang walang warrant of arrest at hindi nasusunod ang due process na maaaring mauwi sa anarkiya. Sinabi ni Pangulong Duterte, walang dapat ikabaha ang …
Read More »AFP pinaghahanda ni Duterte sa giyera (Lalaban tayo – Digong)
IDINIIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, mahalagang tapusin ang maliliit na giyera sa bansa para mapaghandaan ang mas malaking hamon sa hinaharap. Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi niya masasabi kung kailan mangyayari ang giyera ngunit ang mahalaga ay manatiling preparado kahit sa limitadong kakayahan at resources. Ayon kay Duterte, manalo o matalo ay hindi mahalaga basta kailangan lumaban para ipagtanggol ang …
Read More »Duterte 4-oras nakipagpulong sa Chinese envoy
DAVAO CITY – Umabot nang apat na oras ang pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ambasador ng bansang China. Kabilang sa napag-usapan nina Duterte at Ambassador Ma Keqing ang maraming mga bagay kabilang ang problema sa West Philippine Sea. Una nang inihayag ng presidente na tutulong ang China sa suliranin ng bansa sa illegal na droga. Sa pamamagitan ng building …
Read More »15 Abu Sayyaf patay sa 2 enkwentro — SOCOM
UMABOT sa 15 miyembro ng teroristang grupong Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay ng mga tropa ng gobyerno sa dalawang magkahiwalay na enkwentro sa Patikul, Sulu. Sinasabing kabilang sa napatay ang sub-leader ng nasabing grupo. Batay sa report ng Philippine Army Special Operations Command (SOCOM), naganap ang unang enkwentro sa Sitio Tubig Magkawas at sumunod ang sagupaan sa Sitio Pangi, …
Read More »NBI Region II nagbabala sa job hunters vs scam recruiter
TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) Region II sa mga naghahanap ng trabaho na mag-ingat sa mga illegal recruiter. Ang babala ng ahensiya ay kasunod nang pagpanggap ng isang Jethro Mendez bilang incoming Assistant Regional Director ng Department of labor and employment (DoLE) Region II. Sinabi ni Ronald Guinto ng NBI Region II, sa mga …
Read More »Barangay, SK elections pabor si Digong iliban (Drug money babaha)
PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang nakatakdang barangay at Sanggunian Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre dahil nangangamba siyang babaha ng drug money. Sa ika-10 anibersayo ng Eastern Mindanao Command kagabi sa Davao City, sinabi ng Pangulo na naniniwala siya na popondohan ng drug lord ang mga manok nilang kandidato sa barangay elections. Kapag nahalal aniya ang …
Read More »CPP-NPA-NDF nagdeklara ng indefinite unilateral ceasefire (Sa first round ng peace talk)
NAGDEKLARA ng indefinite unilateral ceasefire ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) kahapon sa pagtatapos ng first round ng peace talks sa Oslo, Norway. Sa nilagdaang joint statement ng mga kinatawan ng gobyernong Duterte at CPP-NPA-NDF, nakasaad na magbubuo ng ceasefire monitoring committees ang magkabilang panig sa layuning makabuo ng bilateral indefinite ceasefire declaration sa loob …
Read More »‘Hello Ronnie’ tape magdidiin kay De Lima — Palasyo
IHAHAIN sa hukuman ang wiretapped conversation ng sinasabing driver-lover ni Sen. Leila de Lima at isang drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) para patunayan ang illegal drug trade sa pambansang piitan. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo, kasama sa ilalabas na ebidensiya laban sa mga personalidad na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na sabit …
Read More »US walang paki (Duterte vs De Lima)
DUMISTANSYA ang Amerika sa pagdawit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Leila de Lima sa operasyon ng illegal drugs. Pinaigting ng US ang panawagan sa administrasyong Duterte na tiyakin ang mga tagapagpatupad ng batas ay tumatalima sa obligasyong igalang ang karapatang pantao ngunit walang pakialam ang Amerika kung ang pinakamahigpit na kritiko ng extrajudicial killings sa bansa na si Sen. …
Read More »10 testigo vs De Lima — PALASYO (Sa Bilibid drug trade)
INIHAYAG ng Malacañang, aabot sa 10 testigo laban kay Sen. Leila de Lima ang haharap kaugnay sa illegal drugs operations sa New Bilibid Prison (NBP). Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, bukod sa anim na testigo na magdidiin kay De Lima, may bago pang apat na witness ang Department of Justice (DoJ). Aniya, nakausap niya si Justice Secretary …
Read More »Dela Rosa nanggulat lang — Panelo (Bahay ng drug lords sunugin)
IPINALIWANAG ng Malacañang official kahapon, ang sinabi ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa na naghihikayat sa drug addicts na patayin at sunugin ang bahay ng drug lords, ay ‘drama’ at ‘golpe de gulat’ lamang. “Hindi naman siya nagte-threaten, drama lang iyon. Alam mo naman ang mga Filipino, kung walang golpe de gulat, hindi naman tayo… golpe de …
Read More »2 TULAK TIGBAK SA POLICE ENCOUNTER
PATAY ang dalawang hinihinalang mga tulak makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa mga bayan ng San Miguel at Norzagaray sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Kinilala ni Senior Supt. Romeo Camat, Acting Bulacan police director, ang isa sa dalawang napatay na si Mark Anthony Reyes, residente ng San Miguel. Nabatid sa ulat, tumanggi si Reyes na huminto sa itinalagang police checkpoint, …
Read More »7 dinukot natagpuang patay (Sa CSJDM, Bulacan)
NATAGPUAN ng mga awtoridad ang pitong bangkay ng pinaniniwalaang mga biktima ng summary executions sa iba’t ibang barangay sa San Jose del Monte, Bulacan. Sinasabing kamakalawa ng gabi pinatay ang mga biktima na kinabibilangan ng anim lalake at isang babae. Paawang nakatali ng packaging tape ang mga biktima at may karatulang nagsasabing sangkot sila sa illegal na droga. Inihayag ng …
Read More »SUPPLIER NG DROGA TUTUGISIN — PNP NCRPO
NAIS ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na matukoy ang mga supplier ng mga preso na nakapagpapasok ng droga at mga kontrabando sa New Bilibid Prisons (NBP). Kasunod ito nang inilunsad na buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP-NCRPO sa loob mismo ng NBP at narekober doon ang limang bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P60,000. Dahil dito, ayon …
Read More »5 NBP inmates tiklo sa shabu
LIMANG inmates ng New Bilibid Prison (NBP) ang nakompiskahan ng limang bulto ng hinihinalang shabu nang salakayin ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang loob ng piitan ng Medium Security Compound sa isinagawang buy-bust operation sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon. Isinagawa ang buy-bust operation ng isang confidential agent dakong 5:30 pm sa loob ng selda …
Read More »Mag-asawa itinumba ng vigilante group (Sa harap ng mga anak)
PATAY ang isang 43-anyos ginang at kanyang live-in partner na sinasabing sangkot sa illegal na droga, makaraan pagbabarilin sa harap ng kanilang mga anak ng hinihinalang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina Vivian Ramos at Adrian Perigrino, 32, ng Phase 6, Purok 4, Brgy. 178 Camarin. Ayon …
Read More »LGBT help desk sa pulisya isinulong sa Kamara
ISINUSULONG sa Kamara ang paglagay ng lesbian, gay, bisexual at transgender help desk sa lahat ng mga estasyon ng pulisya. Sa House Bill No. 2592 ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, layunin nito na maiwasan ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT. Tututok aniya ang nasabing help desk sa mga reklamo ng pang-abuso at iba pang krimen laban sa mga miyembro …
Read More »Tulalang babae naligis ng tren
NAKALADKAD ng ilang metro ang isang 41-anyos babaeng sinasabing may diperensiya sa pag-iisip, bago tuluyang namatay makaraan mabangga nang rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) habang naglalakad sa riles sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng umaga. Ayon kay PO2 Benito Mateo, imbestigador ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ang biktima ay si Marlene Macapagal, residente ng 1732 Mindanao Avenue, …
Read More »Criminology student kritikal sa 3 kalugar
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang criminology student nang pagtulungan pagsasaksakin ng tatlong kalugar makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Vicente Barnido, 21, ng Block 48-G, Lot 25, Brgy. Longos ng nasabing lugar. Nakapiit sa detention cell ng Malabon City Police ang mga suspek na …
Read More »Poll preps tuloy — Comelec (Kahit postponement posible)
TULOY ang election preparation ng Comelec sa kabila nang namumuong pagliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, nag-iimprenta pa ng mga balota sa National Printing Office (NPO) at inaasahang tatagal ito ng dalawang buwan. Aabot sa 85 milyon ang kailangang ilimbag para sa 80 probinsya at mga lungsod sa ating bansa. Giit ni …
Read More »Ama pinatay sa taga ng anak (Pananakit sa ina ‘di nakayanan)
ROXAS CITY – Patay ang 61-anyos ama makaraan pagtatagain ng anak sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Lag-it, Brgy. Bilao, Sapian, Capiz kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Danilo Dicon, napatay sa taga ng kanyang anak na si Jonathan Dicon 33-anyos, agad sumuko sa mga pulis makaraan ang insidente. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sapian Police Station, sinasaktan ng …
Read More »6 ASG patay, 17 sundalo sugatan sa Sulu encounter
ZAMBOANGA CITY – Anim miyembro ng Abu Sayyaf ang napatay habang 17 sundalo ang sugatan sa panibagong sagupaan sa lalawigan ng Sulu. Ito ay kinompirma mismo ngiMajor Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WeStMinCom). Kabilang sa mga napatay sa grupo ng mga bandido ang Abu Sayyaf leader na hindi pa pinangalanan ng militar. Sinasabing halos lahat ng mga sundalo …
Read More »3 sangkot sa droga napatay (7 arestado)
TATLO katao na may kinalaman sa droga ang napatay habang pito ang arestado sa magkakahiwalay na lugar kahapon. Agad binawian ng buhay si Renty Sacayan alyas Eway nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek. Pinasok ang biktima ng suspek sa kanyang bahay sa Pasay City at pinagbabaril. Sa Quezon City, napatay ng mga pulis si alyas Gary sa ikinasang anti-drug …
Read More »