Saturday , January 11 2025

News

Tserman, 6 pa patay sa Quiapo drug raid (263 kalalakihan inaresto)

PITO ang napatay kabilang ang isang barangay chairman na kinilalang si Faiz Macabato, at isang kagawad ng Islamic Center sa Quiapo, Maynila habang 200 katao ang naaresto na hinihinalang drug users at pushers. Pinapila ang mga suspek sa Palanca Bridge sa San Miguel, Maynila habang isinasagawa ang operasyon laban sa ilegal na droga ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, Manila …

Read More »

Kagawad patay sa ratrat ng 5

PATAY ang 60-anyos barangay kagawad makaraan pasukin at pagbabarilin ng limang hindi nakikilalang mga suspek sa Caloocan city kahapon ng madaling araw. Agad binawian ng buhay si Alberto Cleofas, Kagawad ng Barangay 18, at residente sa Apolinario Mabini Alley kanto ng Libis Espina Extension. Ayon sa ulat nina PO3 Edgar Manapat at PO1 Aldrin Mattew Matining, dakong 2:30 am, biglang …

Read More »

8 sangkot sa droga todas sa vigilante

WALONG katao na hinihinalang sangkot sa droga ang namatay makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City. Kinilala ang mga biktimang sina Lawrence Esteves, 21; Fernando Castillo, 45; Celestino Fonteron Jr., 52; Joe Allan De Liva, 28; Jimmy Chaves, 51; Jason Patricio; Mharry Ann Manansala Bamba, 42, at Jomar Gayod, 21-anyos. Ayon …

Read More »

2 holdaper/pusher utas sa QC cops

DALAWANG hinihinalang holdaper at drug pusher ang napatay makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5, sa buy bust operation kahapon ng umaga sa nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga napatay na si alyas Roy, no. 6 sa top 10 drug personalities ng …

Read More »

1 patay, 50 arestado sa drug ops sa Port Area

PATAY ang isang hindi nakilalang drug suspect sa Port Area, Maynila sa operasyon ng mga awtoridad kahapon. Kasabay nito, 50 katao ang inimbitahan ng mga tauhan ng MPD Station 5 para imbestigahan. Ayon kay Supt. Albert Barot ng MPD, isa sa mga hinuli nila ay aktibong tauhan ng PCG na may dalang baril. ( LEONARD BASILIO )

Read More »

Drug user utas sa tandem

BINAWIAN ng buhay ang isang hinihinalang drug user makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa harap ng kanyang misis sa Pasig City kamakalawa ng gabi. Sa ulat na tinanggap ni Chief Supt. Rolando Sapitula, EPD Director, kinilala ang napatay na si Ronald Avache, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Sapat sa lungsod. Ayon sa ulat, dakong 9:00 pm, sakay ng motorsiklo …

Read More »

2 drug suspect patay sa boga

PATAY ang dalawa katao na hinihinalang sangkot sa droga nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa magkahiwalay na lugar sa mga siyudad ng Makati at Parañaque kamakalawa ng gabi. Namatay noon din ang biktimang si Amir Maruhombsar, barker, nang pagbabarilin sa Quirino Avenue, Brgy. Baclaran, Parañaque City. Habang namatay ang hindi nakilalang sinasabing drug user nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga …

Read More »

2 tulak bulagta sa ratrat, 5 timbog

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis, habang lima ang naaresto sa buy-bust operation sa City of San Jose Del Monte kamakalawa. Sa ulat mula kay Supt. Wilson Magpali, hepe ng San Jose del Monte City, ang isa sa mga napatay ay kinilalang si Teodoro Fortes, pangwalo sa top 10 drug personalities sa naturang siyudad. …

Read More »

Leni atat sa foreign aid (Next generations balewala) — Digong

ATAT sa foreign aid si Vice President Leni Robredo at walang pakialam kung sisirain ng illegal drugs ang susunod na henerasyon ng mga Filipino. Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Camp Rafael Rodriguez sa Butuan City kagabi. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya, mas gugustuhin niyang alipustahin ng mga kumokontra sa kanyang drug war, manindigan sa dignidad ng …

Read More »

Rosanna Roces lover ng Bilibid drug boss (Buking ng gov’t asset)

Rosanna Roces

IKINANTA ng isang self-styled government asset ang dating sexy star na si Rosanna Roces bilang mistress ng convicted drug kingpin. Binanggit ito ni Nonile Arile kasabay nang pagkilala sa sinasabing masterminds at coddlers ng multi-million peso drug ring sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Si Arile, dating pulis at convicted sa kidnapping and murder, ay tumestigo sa House inquiry …

Read More »

De Lima, Dayan may 2 sex video — ex-Security aide

MULING nabuhay ang isyu ng sinasabing sex video ni Sen. Leila de Lima dahil sa testimonya ng dating security aide niya na si Jhunel Sanchez. Sa salaysay ni Sanchez, sinabi niyang nakita niya ang dalawang sex video nina De Lima at Ronnie Dayan mula sa naiwang cellular phone na pinakialaman ng driver na si “Bantam.” Una aniya ay naka-pose ang …

Read More »

P1.5-M iniabot kay De Lima (Bank account ni Jaybee Ibinulgar)

nbp bilibid

IKINANTA  ng isang inmate sa New Bilibid Prison (NBP) na personal niyang iniabot kay dating Justice Secretary Leila de Lima ang halagang P1.5 milyon na nasa kahon ng sapatos na nakabalot ng gift-wrapper. Sa kanyang testimonya sa ikatlong pagdinig ng House Justice Committee, sinabi ni dating PO3 Engelberto Durano, miyembro ng Batang Cebu Brotherhood (BC45), tinawagan siya ng kaibigan niyang …

Read More »

100 days satisfaction rating ibinida ng Palasyo

IBINIDA ng Malacañang ang nakuhang 64 porsiyentong net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang 100 araw sa puwesto. Ang pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) ay isinagawa sa pagitan ng September 24 at 27 sa 1,200 respondents sa buong bansa. Isinagawa ang survey sa kalagitnaan ng kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Duterte sa international organizations gaya ng …

Read More »

First 100 days ni Digong aprub sa think-tank ni FVR

BUKOD-TANGI ang mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang 100 araw na panunungkulan sa bansa. Sa press briefing sa Palasyo ay naimbitahan si dating National Security Adviser Jose Almonte, sinabi niyang bilib siya sa mga hakbang ng Pangulo sa tatlong pangunahing problemang kinakaharap ng Filipinas na ilang dekada nang tinutugunan ngayon. Inihalimbawa niya ang internal problem na tinaguriang …

Read More »

Guro nalunod sa selebrasyon ng teacher’s day

LA UNION – Nahaluan ng kalungkutan ang masaya sanang selebrasyon ng Teachers’ Day kamakalawa nang malunod ang isang guro sa bayan ng Naguilian. Base sa report ng pulisya, kinilala ang biktimang si Larry Marquez, 24, residente ng Brgy. Palintucang, Bauang, La Union. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagtungo ang biktima sa naturang resort kasama ang mga kapwa guro upang …

Read More »

Grade 9 student tiklo sa carnapping (Malapit sa Malacañang)

arrest posas

ARESTADO ang isang Grade 9 student ng Ramon Avanceña High School makaraan tangkang tangayin ang isang Honda scooter na nakaparada sa Dentistry Science Building ng Centro Escolar University sa Concepcion Aguila St., malapit sa panulukan ng Rafael St., San Miguel, Maynila, kamakalawa ng umaga. Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Anti- Carnapping Section ang suspek na si  Juhary Casan, alyas …

Read More »

Dalagita pinilahan ng 6 binatilyo sa sementeryo

rape

HALINHINANG ginahasa ng anim binatilyo ang isang dalagita sa ibabaw ng nitso sa loob ng Manila North Cemetery kamakalawa ng gabi. Agad nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) – Women and Children’s Protection Unit, ang 16-anyos dalagita upang ireklamo ang panghahalagay sa kanya ng anim suspek na pawang menor de edad. Ayon sa biktma, naganap ang insidente kamakalawa …

Read More »

2 drug pusher patay sa drug operation

dead gun

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na buy bust operation sa lungsod, iniulat ng pulis kahapon. Sa ulat ng Batasan Police Station 6, napatay si Renato Tagalan alyas Junjun, residente ng 122 St. Florence St., Brgy. Holy Spirit ng lungsod, makaraan makipagbarilan sa mga pulis dakong 12:30 …

Read More »

2 kelot na walang helmet utas sa pulis

PATAY ang dalawang lalaking hindi pa nakikilala makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet kahapon ng madaling araw sa Brgy. Sauyo, Quezon City. Sa ulat ng Anti-Carnapping Unit kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T.  Eleazar, inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang lalaking hinihinalang karnaper. Ayon ulat, dakong 1:30 am naganap ang insidente …

Read More »

Barker todas sa hampas ng tubo sa mukha

PATAY ang isang barker makaraan hampasin nang maraming beses ng tubo sa mukha sa Tondo, Maynila kahapon kahapon ng madaling araw. Sa imbestigasyon ni SPO3 Paul Vincent Barbosa II ng Manila Police District (MPD)-Moriones Tondo Police Station, kinilala ang biktima sa alyas Oca, 50-55 anyos. Ayon sa isang saksi, dakong 2:07 am nakita niya ang hindi nakilalang lalaki na lumapit …

Read More »

5 patay sa sagupaan ng 2 pamilya sa Basilan

dead gun police

ZAMBOANGA CITY – Limang kalalakihan ang namatay sa enkwentro nang magkaaway na pamilya sa Sitio Langaray, Brgy. Manaul, Sumisip lalawigan ng Basilan kahapon ng umaga. Ayon sa ulat ng PNP, dakong 7:40 am nang magkasagupa ang magkalabang angkan ng Abdulmuin at Alih. Dalawa sa mga namatay ay mula sa angkan ng Abdulmuin na kinilalang sina Illang Manisan at Serny Julti. …

Read More »

Tulak patay sa ratrat

shabu drugs dead

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong kalalakihan sa Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Alvino Lucio, residente ng Pag-asa St., Brgy. Patubig sa naturang bayan, nasa drug watchlist ng barangay at pulisya. Sa ulat ng Marilao Police, tinambangan ang biktima ng motorcycle-riding gunmen habang nasa harapan ng tindahan at bumibili …

Read More »

4 tulak arestado sa parak

shabu drug arrest

ARESTADO ang apat hinihinalang tulak sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Kinilala ang mga suspek na sina Jollybell Jejillos, 29; Roberto Navarro, 52; Benjie Montemayor, 36, at Sheena Fernz Ramos, 29, kinasuhan ng paglabag sa Section 11 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa  Malabon City Prosecutor’s Office. Batay sa ulat …

Read More »

World’s Teachers Day

NAGSAMA-SAMA ang mga estudyante at mga guro sa paanan ng Mendiola Bridge kasabay nang pagdiriwang ng World’s Teachers Day at ipinanawagan ang pagtaas ng sahod at benepisyo ng mga guro, at pagpapatigil ng K-12 program na anila’y hindi angkop sa sistema ng edukasyon sa bansa. ( BRIAN BILASANO )

Read More »

Free Lumad teachers, Amelia Pond — RMP to DoJ Sec. Aguirre

SINALUBONG ng kilos protesta ng grupong Rural Missionaries of the Philppines (RMP) ang World’s Teachers Day sa harap ng Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura St., Ermita, Maynila upang manawagan kay DoJ Sec. Vitaliano Aguirre II, na palayain ang Lumad teachers kabilang si Amelia Pond, na nakulong noong nagdaang administrasyon. ( BONG SON )

Read More »