Wednesday , November 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
nbp bilibid

1 comatose, 5 sugatan sa Bilibid riot

ANIM preso ang sugatan, kabilang ang isang comatose, makaraan ang naganap na riot ng dalawang gang sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng umaga.

Hindi pa pinangalanan ang mga biktima, kabilang ang isang comatose makaraan paluin ng martilyo sa ulo. Patuloy siyang inoob-serbahan sa Infirmary ng NBP.

Sa imbestigasyon, dakong 9:00 am nang maganap ang insidente sa loob ng Dorm 13-C ng Quadrant 3 sa NBP.

Nangyari ang sagupaan ng magkalabang grupo makaraan maaktohan ang isang miyembro ng Sputnik gang na ninanakawan umano ang isang miyembro ng Batang Cebu na nagsumbong sa kanyang ka-grupo.

Ayon sa ilang bilanggo, unang nagresbak ang Sputnik Gang at sinalakay ang Batang Cebu gamit ang isang sumpak at iba pang matatalas na sandata.

Hanggang magpang-abot ang dalawang grupo sa loob ng Dorm 13 sa Quadrant 3 na ikinasugat ng anim na preso.

Bagama’t halos araw-araw nagsasagawa ng “Oplan Galugad” ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng NBP ay mayroon pa rin nakalulusot na mga armas at patalim.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung paano nagkaroon ng sumpak sa loob ng kulungan.

Pansamantalang itinigil ang dalaw habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

(JAJA GARCIA)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Zaldy Co Goitia

Goitia sa mga Pahayag ni Zaldy Co: “Part 2 na, Wala Pa Ring Matibay na Ebidensya”

Ang ikalawang video ni Rep. Zaldy Co ay halatang idinisenyo upang makalikha muli ng ingay. …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …

Vince Dizon PBBM Zaldy Co Ping Lacson

Akusasyon ni Co vs PBBM imposible — Lacson, Dizon

TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways …