Saturday , December 3 2022

Bantay ng pangulo patay sa PSG HQ

NATAGPUANG patay sanhi ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib ang isang opisyal ng Presidential Security Group (PSG) sa loob ng kanyang quarters sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila, kahapon ng umaga.

Sinabi ni PSG Commander Col. Louie Dagoy, iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ni Major Harim Gonzaga, 37-anyos, may asawa at dalawang anak.



Nabatid kay Dagoy, nakita si Gonzaga ng kanyang misis, isa rin PSG member, dakong 8:50 am sa loob ng kanilang quarters na tahanan din ng kanilang pamilya.

Naniniwala ang PSG na walang foul play sa pagkamatay ni Gonzaga ngunit ayaw ni Dagoy na maghayag ng espeskulasyon kay hihintayin nila ang resulta ng pagsisiyasat ng pulisya.

“We cannot speculate. It’s hard to say it was suicide,” aniya.

Ngunit ayon sa misis ni Gonzaga, inireklamo sa kanya ng mister ang tambak na trabaho bilang pinuno ng PSG operation, partikular ang deployment ng kanilang mga tauhan.

Nang maganap ang insidente, si Pangulong Duterte ay nasa Bahay Pagbabago, ang kanyang official residence na nasa Malacañang Park.

(ROSE NOVENARIO)



About Rose Novenario

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply